Saturday, July 18, 2009

almost paradise

naghihintay ako sa gateway kasi manonood dapat kami ni mrs. j ng villa estrella at sayang naman ang passes na nakuha namin sa star cinema. so habang naghihintay nagpalakad-lakad muna ako sa bukirin. chos. malamang sa sinehan lobby. there's a guy smiling sa tables, naisip ko ay familiar. leche, bakit ba kasi hindi ko suot glasses ko malamang hindi ko siya mababati agad... so kailangang lapitan... hanggang sa narealize ko... shet hindi ko siya kilala. omg. so nandon na ako eh, so paano na ako kakawala? pero bago pa man mangyari yon...

guy: anong ginagawa mo rito? naghahanap ka ng booking?

(fuck. ano raw? parang nacaught off guard yata ang isang birheng dalagang pilipina na katulad ko. on the other hand... choosy pa ba? i think he's kinda okey naman... i mean i can say no naman di ba to indecent proposals?)

ako: may bayad? (oops. how did i say that? paano? saan nanggaling iyon? aggresive?)
guy: wala.
ako: so trip lang? (this is it. hindi ko naimagine ang sarili ko na magagawa ko ito... oh well except in my fantasies of course!)
guy: may place ka ba?

(am i doing this ate charo? baka mabuntis ako ng wala sa oras)

ako: wala eh...
guy: willing ka bang magbayad ng motel?

(teka... worth it ba siyang ipasok sa motel? aba pinaghirapan ko ang aking salapi... eh di siya magbayad hindi ba? ganda ko eh. haha. pota.)

ako: HINDI!

(bakit ko sinabi yun?! oh well... awkward silence... baka nagiisip siya ng paraan para matikman ako. hihi... nang biglang...

orgmate: KUYAAAAA KALAAANSAAAAY!!!! (malamang tinawag niya ako sa tunay kong pangalan.)

ako: (punyeta ka naman orgmate! talk about wrong timing? haha) Uyyy....

graceful exit. tinanong niya kung sino kasama ko, sabi ko hindi ko kilala halika na... basta halika na... haha. teleserye-ish. ayun... almost paradise! haha. hindi pa yata time. not now. not in the mall. at least for a minute naramdaman ko naman na may pagasa pa pala sa isang katulad ko. haha. hmmm sabi nga nila, may next time pa naman eh. hihi

Sunday, July 5, 2009

ang daming tanong, nakakainis.

hola. may mga tanong lang akong gustong ipasagot. bale isa itong bonggang quiz para sa lahat ng makakasilip at makababasa.


  • nakaligtas ang isang ofw sa bitay sa middle east, napatay niya ang amo at anak ng amo niya, syempre happy akey for the ofw pero hustisya pa rin ba iyon sa panig ng nawalan? come to think of it, galit na galit tayo kay smith sa ginawa niya kay nicole pero parang ganoon din iyon di ba? im sure galit na galit din sila sa ginawa ng ofw... bulag na hustisya?
  • hindi ba discrimination din ang hindi pagpapasok ng babae sa isang gay spa? eh ang bakla pwedeng pumasok sa straight bar o spa?
  • hypocrisy na matatawag ang pagbebengga ng ibang relihiyon hindi ba porke hindi naniniwala sa pinaniniwalaan mo ay magbebenggahan na. kaya nga may mga joke sa mga iglesia, muslim, katoliko, jehovah... well tarayan ng isa't-isa pero hindi ba isa sa mga golden rule ng lahat ng iyan ay maging mabuti sa kapwa?
  • pwede kayang magsisi sa simula palang? for a change hindi ba?
  • bakit yung iba mas madali nilang makuha ang gusto nila?
  • bakit hinahanap natin ang wala at dinedeadma ang andiyan lang naman sa tabi?
  • bakit ba nagpupumulit akong magpost?

Wednesday, June 24, 2009

adjusting blunder

loner. silent type. as in dead quiet. boring. no personality. with low self-esteem.

diyan iikot ang mga adjectives sa akin marahil kapag napasabak ako sa new environment. at narealize ko baka may adjustment disorder ako.

a person with adjustment disorder often experiences feelings of depression or anxiety or combined depression and anxiety. As a result, that person may act out behaviorally against the "rules and regulations" of family, work, or society. In some people, an adjustment disorder may manifest itself in such behaviors as skipping school, unexpected fighting, recklessness, or legal problems. Other people, however, instead of acting out, may tend to withdraw socially and isolate themselves during their adjustment problems. Still others may not experience behavioral disturbances, but will begin to suffer from physical illness. If someone is already suffering from a medical illness, that condition may worsen during the time of the adjustment disorder. People in the midst of adjustment disorders often do poorly in school or at work. Very commonly they begin to have more difficulty in their close, personal relationships. (athealth.com)

naku. noong freshman ako noong college nahirapan akong magadjust. since sa province ako naghighschool at tumuntong sa college, nadama ko ang takot at pangamba. nagkandabagsak bagsak pa kaya ako noon. dalawang subjects din yun ha at naging probation ba ako! tsk. well naging dl naman ako noong patapos na ang college years eh. haha yabang.

anyway everytime na napapasabak ako sa bagong environment like after grad sa work sobrang hirap na hirap akong magmove on. kay hirap magadjust. sobra. sabi sa internet, minsan nauuwi sa suicide ang may ganitong disorder. well hindi pa naman ako lumevel sa puntong iyon no. pero nagdadaan na naman ako sa phase na iyan. shet buti na lang andiyan mga friends ko para maovercome ko siya. ang gusto ko lang sa adjustment moments ko, umiiyak ako ulit.

Sunday, June 14, 2009

13 minutes

ganito ang pakiramdam ng time pressure. 13 minutes na lang natitira sa aking computer rental. shet. ano pa ang masasabi ko sa nalalabing minuto? alam ko maraming nasasabi sa isang minuto lang. sabagay sex nga napagkakasya sa eleven minutes eh, blogging pa kaya?

instant! uso iyan ngayon kaya heto magkakaroon ako ng instant post. may saysay man o wala. may nagpayo sa akin na huwag daw akong magmadali... kaso imagine life kung 13 minutes lang ang haba nito... paano ko maeenjoy ang buhay? may nagsabi naman sa akin na act now and pursue your happiness. mas okey. act now. bago matapos ang orasan at maubos ang sand sa sand wacth.

gumawa na nga ako ng hakbang. nagmamadali ba ako kung gusto ko ng matupad ang pangarap ko now na? kung hindi ngayon gagawa ng paraan, kailan? bukas? samakalawa? matapos ang 13 minuto? tayo raw ang gumagawa ng ating tadhana... sinusubukan kong gumawa ngayon. sa totoo lang hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng aking decision na aking tinatahak... hindi pa rin ako sigurado kung liligaya ako sa mga pininipili kong daan. ang alam ko gumagawa ako ng sarili kong ruta patungong quiapo... natatakot ako kasi parang naliligaw yata ako. nangangapa sa tamang daan... pero ano pa mang mangyari sisiguraduhin kong makararating ako sa tamang daan.

lakas ng loob at pagririsk lang ang aking baon sa sinuong kong mundo. bukas maaaring magbago ang lahat. hindi ko pa nga lang tiyak kung sa ikabubuti ko ba o sa ikasasama...

Sunday, May 31, 2009

confessions of a private school student

buong buhay ko sa pribadong eskwelahan lang ako nag-aral simula nursery hanggang college pero hindi naman kami mayaman. buong buhay ko rin sa katolikong paaralan ako nalinang ngunit hindi naman ako palasimba.

eh ano ngayon? wala lang. magpapasukan na kasi eh. paniguradong kung nag-aaral pa ako ngayon, uber excited na akong pumasok kinabukasan para lang maipagmalaki ang aking bagong school supplies.

walang taon akong buburahin sa aking academic life. masasabi ko namang naenjoy ko ang aking buhay mag-aaral.
...

dahil balat mayaman nga ako (chos) at hindi nabahiran ng pampublikong paaralan (haha mayabang?) meron akong kakaibang fascination sa mga public school. bukod kasi sa iisa lang naman ang structure nila at sa pangalan palang masasabi mo na agad na pampubliko (*insert barrio name here* elemntary school/*name ng bayani* high school/*name of province* university) hindi ko alam kung bakit nahuhumaling ako dati na bumisita lang. curiosity hit me noon, bilang mga kapitbahay namin sa cabanatuan ay nag-aaral sa public at naging kaibigan ko na sila, sila ang ginawa kong tulay upang malutas ang misteryo sa akin ng kung ano ang meron sa public school.

dahil halfday lang sa aming private school at whole day sa public, uwian ko na nasa paaralan pa rin sila. kaya may i sama naman ako kunyari recess nila. ayun section 1 to forever meron sila sa dami ng students. malawak din naman at mapuno. manghang-mangha naman ako. meron silang science garden, math garden at meteor garden (weh patawa. hehe). nagtatanim sila ng gulay sa school at iba ang kanilang desk (yung mahaba na magkakatabi 2 to 3 students). higit sa lahat, pink ang kanilang uniform.

hindi lang doon natatapos ang lahat, ginagawa naming pasyalan ang school nila kapag weekend. doon naglalaro sa kanilang playground o nagtataguan. nagkukuwentuhan ng katatakutan na bumabalot sa kanilang pampublikong paaralan. enjoy naman parang private school student goes to a charity ball in a public school ang drama. joke. haha.
...

dahil inaabot ng abril pasok sa public school nauuna akong magbakasyon sa mga pinsan ko. kaya naman sa pampanga, naroroon na ako't nagmamaganda may pasok pa rin ang mga pinsan ko. take note dahil sa boredom nagseat in na ako sa klase nila. haha. well patapos na ang school year noon tumulong na rin ako sa paglilinis nila ng school. sushal charity work na naman ng isang private school student. nagdadamo, nagwawalis din, parang pulitiko lang. dahil hindi nila ako studyante, sa pinsan ko kinredit ang aking puntos kaya doble ang bonus grade ni cousin. akalain mo no? syempre after ng linisan laro na! takbuhan. tapos umaakyat sa puno ng mabolo na may makating balat ang prutas nito. hindi ko na maalala ang lasa ng mabolo basta bet namin na akyatin ang mga ito para lang malasap ang katas.
...

lahat na lang yata ng public school dating sementeryo. ewan ko malamang urban legend lang iyon. ilang beses ko na kasing narinig ang kuwentong iyon eh.

naalala ko, si mama naengkanto sa school nila dati. sa public school siya nag-aral noong elementary siya, tapos ayun nga malapit lang yung school nila sa bahay nila. eh heto namang si inay hindi raw makauwi, inabot na ng hapon at tila paikot-ikot lang siya sa school nila. hanggang sa sinundo siya ni lola at pinabaligtad ang damit niya. nakakarinig kaya siya ng "psst! psst!" noong time na iyon?
...

hay. i just miss school.

Sunday, May 17, 2009

alaala ng tag-ulan

sad.

seasonal affective disorder.

The US National Library of Medicine notes that "some people experience a serious mood change when the seasons change. They may sleep too much, have little energy, and crave sweets and starchy foods. They may also feel depressed. Though symptoms can be severe, they usually clear up."

Symptoms of SAD may consist of: difficulty waking up in the morning, tendency to oversleep as well as to overeat, and especially a craving for carbohydrates, which leads to weight gain. Other symptoms include a lack of energy, difficulty concentrating on completing tasks, and withdrawal from friends, family, and social activities. All of this leads to the depression, pessimism, and lack of pleasure which characterize a person suffering from this disorder.

ayon iyan sa wikipedia. ganiyang nga siguro ang nadarama ko sa tuwing gloomy ang panahon. lalo na't tag-ulan na.

bakit nga kaya? hinungkat kong muli ang aking isang blog sa isa ko pang blog, mga alaala ng tag-ulan.

***
habang pumapatak ang ulan at humahalik na malamig na hangin sa aking balat saka naman sumabay na bumaha sa aking gunita ang mga alaala noong aking kabataan...

sa pampanga kasi ako nagbabakasyon noon tuwing summer. naroon kasi ang aking mga lolo't lola, tiyo't tiya at mga pinsan. kami lang ang naligaw sa lungsod ng cabanatuan na tatlong oras ang layo mula sa probinsya ng mga kapampangan. naaalala ko noon, sa unang pagpatak ng ulan sasalubungin namin ito ng aking mga pinsan! magbibisikleta sa baku-bakong kalsada na sinalanta ng lahar, pupunta sa tumana at maglalaro sa putikan, panonoorin ang nangangalit na ilog o dili kaya'y manghuhuli ng salaguinto't salagubang sa matandang puno ng sampaloc na sinasabing may kapre at mga duwende. namimitas din kami ng siniguelas o kaya aratelis kasi parang fresh kapag naulanan. ang saya! parang walang problema ang buhay.

pagkatapos ng buhos ng ulan, maririnig na namin ang pagkokak ng mga palaka. pwede na ring manghuli ng duron (parang grasshopper na peste sa palayan) na maaaring kainin o laruin. isama mo pa ang mga iba't-ibang klase ng tutubi gaya ng tutubing karayom, tutubing kalabaw at yung kulay orange(mahirap hulihin ang kulay blue na tutubi!). pwede ring manalagi na lang sa bahay at uminom ng kape o kumain ng champurado. mas exciting kapag may bahaghari!

kapag daw umuulan umiiyak ang diyos at kapag sinabayan naman ito ng araw, may kinakasal daw na pangit. oras na kumulog kundi umubo ang panginoon naglalaro naman daw ito ng bowling. hay ang sarap alalahanin ng tag-ulan dati. kung pwede lang balikan muli ang mga panahong iyon...

***
kaya siguro nakalulungkot ang rainy days, bukod sa maputik kapag naglakad ka sa kalsada, sa tuwing papatak ang ulan maraming alaala ang babaha. mga alaalang matatamis at masasaya. hay. kay sarap humigop ng mainit na tsokolate o kumain ng umuusok pang champorado.

...sa bagay sino nga bang hindi mapipikon sa pag-ulan lalo na noong kolehiyo. sana sinama na lang sa requirement ang bangka sa aming uniporme noon.

Sunday, May 3, 2009

nang mapikon sa akin si lord

nagtika-tika ako ngayong nakaraang mga araw at naisip ko medyo malakas yata ako kay bro. pero ang catch hindi yata niya binibigay ng buo ang ang aking mga dasal, hindi naman sa choosy ako no? sa totoo lang kuntento naman ako sa mga naibibigay niyo sa akin pero naisip ko lang parang patingi-tingi ang kasagutan sa mga dasal, marahil salot daw kasi ang mga bading, hindi ako nagsisimba tuwing linggo o dili kaya'y kulang-kulang daw ang detalye ng pagdadasal ko.

naalala ko noong high school, sumali ako sa division school press conference. nakawiwindang! kasi nilagay ako sa sports writing ng adviser namin sa school organ! asports writing?! excuse me di ba? malay ko sa sports writing, so dahil mahal ko masyado ang pagsusulat go lang. sumali ako, at nosebleed kasi english division iyon eh mas gamay ko ang ating sariling wika kaysa wikang banyaga! syempre nagdasal akong manalo (sana pala para bidang kontrabida ang pinagdasal ko na lang matalo nawa ang mga katunggali ko! wahaha. shet lalong hindi sasagutin ni lord ang dasal ko nun. hehe). aba aba akalain mong nanalo nga ako! 5th placer (uy bente mahigit kami nun ha?!haha) nga lang. sabi siguro ni lord, "eh hindi mo naman sinabing first place eh!". nako kaya siguro hanggang top 3 lang ako sa room noong grade school kasi hindi ko nga naman iniispecify na "sana top 1 ako." huwag ng choosy, 5th placer pa rin iyon ha to think na tungkol sa basketball game sinulat ko na wala naman akong kamuwang-muwang sa basketball, piko at jackstone mana pa!

pinangarap kong mag-aral sa ateneo at pinagdasal kong na ana pumasa ako run kahit maghirap pamilya namin sa pagpapaaral sa akin. at least kahit na nasa squatters area na kami dahil nasaid na ang aming kayamanan bongga pa rin at maipagmamalaki ko sa adik naming mga kapitbahay na sa ateneo ako nag-aaral. dahil diyan hindi dininig ni lord ang aking prayers at upang maging mabuti akong kristiyano sa ust niya ako pinag-aral na infairness hindi ko naman pinagsisisihan at thankful ako sa aking thomasian education. amen! teka specific na ang dasal ko nun na sa ateneo sana ako mag-aral hindi ba? sagot ba naman siguro ni lord, "how do global warming affect globalization?" tunganga, may password pa pala ang prayers bago sagutin. (oo maniwala ka nakausap ko siya, hindi lang si santino ang may kakayahan no. chos)

sumali ako sa isang premyadong univrsity-wide literary contest noong college. malamang pinagdasal ko na magwagi ako. again kulang siguro sa detalye, nagwagi naman kaso hindi pumasok sa top 3 at karangalang banggit (honorable mention) lang ang binigay sa akin para sa aking katha pero syempre out and proud pa rin ako kasi maraming sumasali sa patimpalak na iyon. muntik pa akong magbuwis buhay kasi natapilok pa ako noong kukunin ko ang award!

matapos magtapos ng kolehiyo noong nakaraang taon, nagdasal ako na sana makapagwork ako sa tv network. kung news, gusto ko sa gma at kapag entertainment sa abscbn naman. aba aba ubos biyaya nagexam ako sa parehas at pumasa. napathank you lord ako syempre kaso dugo sa ilong kung ano pipiliin ko sa dalawa. unang nagparamdam ang gma news. akala ko magiging masaya ako kaso all i wanna do nga is to write inspiring stories na babago sa buhay ng taong babasa/manonood nito, hanggang sa kumatok na ang kapamilya network sa tingin ko mas matutupad ko ang aking pangarap sa nasabing network. tumuloy ako at linisan ang balitaan para suungin ang aking pangarap (isa pa akong kapamilya talaga kaya winner) kaso mukhang kulang na naman sa detalye ang aking dasal.... napipikon na siguro sa aking ang diyos... binibigay naman niya ang aking mga kahilingan (isa na lang actually ang hindi pa niya tinutupad! lord gusto ko ng magsulat please? baka sakaling matapos na ang aking kalbaryo sa aking puso na buhat-buhat ko ngayon. haha sa tingin ko ito ang sagot sa aking hinahangad na kaligayahan. sige na kukumpletuhin ko ang detalye ng dasal ko. promise, kung gusto mo 5 page essay pa!), so nakalipat nga ako sa mas gusto kong network at napunta naman sa hinahangad kong show... kaso...

shucks may kulang na naman yata kasi sa dasal ko... nakalimutan ko yatang sabihin na "...at sana po maging masaya ako." hindi pala sapat na gusto mo lang dahil minsan kapag nakuha mo ito, hindi ka rin pala agad magiging masaya.