Showing posts with label blogserye. Show all posts
Showing posts with label blogserye. Show all posts

Monday, November 25, 2013

foursome

...six episodes na lang ang natitira matatapos ko na ang kinaadikan kong tv show ngayon na breaking bad. (at after kong i-post ito manonood pa ako ng isa... so lima na lang. *sad face*) 

naisip ko what's next for me? well kasalukuyan kong pinapanood ang american horror story: coven, awkward season three, survivor: blood vs water, amazing race 27 at hinihintay ang game of thrones season four at newsroom season three (na magkakaroon pa ba?) bukod pa sa mga nakabinbing pelikula at si ang na nagtatampo na sa akin dahil matagal (spell matagal. as in matagal. 2012 levels or 2011 pa yata the last time kong mapanood ang nickelodeon cartoon na avatar) ko na siyang inabandona though mukhang babalikan ko na siya ulit dahil nga matatapos ko na nga ang kuwento ni walt at ng crush kong si jessie na umagaw ng attention ko this past few weeks...

but wait... meron pang nagsisipag-taasan ng kamay at gustong gustong magpapansin sa akin...

"bakla ano na? season one pa lang napapanood mo sa'min, at I'm sure baka hindi na gumagana ang dvd na binili mo sa quiapo ages ago. baka bet mo na kaming balikan?"

ayan oh, in chorus pa sila habang nasa kama! mga echoserang beki at tibs! lol oo na, oo na babalikan ko na kayo...

queer as folk 

i was hooked agad noong mapanood ko ang queer as folk, juice ko, ewan ko na lang kung hindi maging relatable sa akin ang foursome na sina brian, micheal, emmet at ted! i love 'em. but habang nasa season two na ako, huminga muna ako saglit sa panonood at pinanood ko muna ang mga dinownload kong films (na unfortunately nasa namatay kong hard drive. huhu) hanggang sa naging busy na ako at hindi ko na nabalikan.

si micheal ang fave ko sa kanilang apat. well nakakarelate ako sa kaniya kasi may pagkahopeless romantic siya deep inside. haha at ang geeky kasi niya and he loves graphic novels na bet na bet ko rin. crush na crush ko naman si brian! ay jusko, gay god talaga ang drama niya. ang sarap inay. so mukhang magkakabalikan na kami... hihi

since sa pirated dvd ko siya pinapanood dati at hindi ko na alam kung gumagana pa yung mga nabili ko, i decided to download season 2-5! yey. pramis mga beks, heto na magsasama ulit tayo sa mga maiinit na gay sex, cruising, rejections, love woes, gay rights, homophobia and anything under the rainbow!

"wait wait wait! how about us bitch?"

may umaapela! nagtataas din ng mga kamay!


sex and the city

well sino bang hindi mapapamahal kina carrie, samantha, charlotte at miranda? this year ko lang siya simulan panoorin though matagal na siyang bukambibig ng friends ko. umabot naman ako ng season 3. mahaba-haba naman ang naachib ko. hehe kaso sumabay ang trabaho kaya natigil ako. swerte lang talaga ang breaking bad dahil nataon na chill chill ang sched ko. haha

anyway sa kanilang four, kay charlotte ako nakakarelate. haha kasi feeling ko nga disney princess ako   nung past life.

so i think it's about time na magbabalik na ako sa new york.

...pero bukod sa panonood sa kanila, nag-iwan din sila ng impact sa akin... well hindi lang sa akin..
pati na rin sa aking kaibigang si xi. haha

once upon a time, noong college, kapag bored kami sa org ng aking friend na si xi meron kaming skit skit na ginagawa namin randomly kung saan saan. haha pero gaya ng aming hilig na teleserye, tumutuloy ang kuwento tungkol sa anak sa labas ng mga ponderosa na ginagampanan ko haha laban sa tunay na pamilya sa pamumuno ng malditang matriarch (matriarch nga ba? well i forgot) na ginagampanan naman niya. haha

e nung 2010 bored kami ulit. habang nagrereminisce naalala namin ang aming mga kagagaguhan at naisip namin, what if isulat natin ang masalimuot na kuwento ng pamilya ponderosa with matching casting at gawan natin ng blog? (yes, ganun kami ka-jologs! haha we love teleseryes!) so sinilang ang aming kauna-unahang blogserye na pinamagatang minsan ang minahal ay ako!  bongga! may theme song! check! may soap opera plots! check! so excited naman kami...

sa sobrang excited namin inisip na namin na what if matapos na ang kuwento anong susunod na gagawin natin? kumbaga ano ang next offering namin? so isip isip... what if parang mga beki na sex and the city? pinagsamang queer as folk at sex and the city levels! ay bongga. kaso inabot lang ng apat na episodes ang kuwento ng mga ponderosa. naging busy kami sa trabaho. hindi na namin sila nasundan.

hanggang sa sumapit ang taong 2013...

our company are fierce competitors. nagtratrabaho kami sa magkalabang kumpanya pero parehas kami ng ginagawa. inisip namin, we need a break minsan sa ginagawa naming trabaho so what if i-revive namin ang aming naudlot na blogserye dati para lang may magawang iba.

kaso kung itutuloy namin ang kuwento ng mga ponderosa, walang kaibahan yun sa pinagagagawa namin. haha. so naisip namin ulit ang mga bakla... so...

queer as folk + sex and the city = the rainbow connection!


valentines week this year nang maisipan naming buuin ang four characters na sina david, edgar, ram at green. nakatoka sa akin si ram at edgar at si xi naman ang bahala sa characters na sina david at green. pero nung mga time na nangangarag ako sa trabaho nung season one, si xi na rin ang bahala minsan kay ram at edgar kapag busy ako.  haha. (sa pov pa rin ng mga characters na hawak niya) pero pinag-uusapan namin kung ano pa rin ang mangyayari sa kanila every week.

akala namin matutulad lang din ang kuwento nila sa pamilya ponderosa na hindi rin namin matatapos, but no, nasa season two na nga ang naturang blogserye (kahit walang masyadong nagbabasa go lang ng go! haha).

so para sa mga bored at walang magawa sa buhay, you check out david, edgar, ram and green's stories sa blogserye presents: rainbow connection! :p

shet ang lakas maka-hashtag shameless plugging! haha

Monday, May 17, 2010

nasa una ang pagsisisi, wala sa huli

kumikindat ang cursor.
alam ko sa sarili ko na gusto kong magsulat, pero ano ang isusulat ko?
namimiss kong magsulat ng nobela. o yung pagsusulat ng umpisa pero hindi mo alam ang tatakbuhin?
parang sisimulan mo lang pero hindi mo alam kung paano ang tatakbuhin. basta sisimulan ko lang...
bahala na kung saan tutungo.
parang sa tunay na buhay, walang kasiguraduhan...
maiinlab ba? madidisgrasya? walang mangyayari? about what?
about life? time? pagsisisi... alam ko na. bahala story starts now. :)

***

ang lathalaing ito ay pawang walang katotohanan, pagkakahalintulad sa tunay na buhay ay hindi sinasadya at aksidente lamang. patnubay ng magulang ang kinakailangan. hihi

CHAPTER ONE: nasa una ang pagsisisi, wala sa huli

ang sabi nila ang pagsisisi nasa huli. pwede kayang mauna iyon? makaramdam ka ng pagsisisi sa una palang. pagkatibok ng puso ko, nagsisisi na ako. pagkakita ko palang sa kaniya, nagsisisi na ako. noong nagkakilala kami noon, nagsisisi na ako. noong nagkalapit kami, pinagsisihan ko na agad. alam ko na mahuhulog ang puso ko sa lalaking ito at alam ko ring ako'y kaniyang sasaktan. okey mushy. pero how can you fall in love with a person kung alam mong sasaktan ka niya? how would i know? kasi alam kong hindi siya papatol sa isang bakla, bading, shoke, atcheng... kaya ngayon palang pinagsisihan ko na na nakilala ko ang isang edward.

hayan ngayon feeling bella ako. imagining things na alam kong mananatili lang sa imagination.yeah yeah this is another gay-falling-in-love-with-his-straight-friend-story at pinagsisihan ko na mapapasama na ang kwento ko sa baul ng mga cliche indie gay films o mga kwentong bakla na kadalasan tragic ang ending o walang ending. pero nagsisimula palang naman ng aking kwento.
 |
kumukurap kurap ang cursor, wala ng matype si marcus sa kaniyang blog. tatapunan ng tingin ang cellphone, isang text message ang hindi niya malaman kung buburahin ba niya o yung nagtext ang buburahin sa buhay niya.

"kami na ni shea. :)" 

nagsisisi si marcus na nagpakatanga siya at naging tulay kina edward at shea. buburahin ni marcus ang text message. nagsisisi siya at bakit ba siya naging bakla...

***

hindi ko alam kung ano tatalbuhin niyan. kung itutuloy ko ba ang kani-kanilang kwento. haha. howell wala lang, nangangati lang kamay ko at gustong magtatype. tignan natin kung may patutunguhan...

guess who's back?

ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in.  birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...