Showing posts with label entablado. Show all posts
Showing posts with label entablado. Show all posts

Tuesday, December 18, 2007

xmas ramblings

kanina habang papasok ako ng school nang lumipat ako ng upuan sabay pasok naman si ate kaya nagkauntugan kami. wala lang. tas parang hindi pa pasko kasi ang init! then pagpasok ko ng gate ng school may dalawang panel board dun na may tanong na...

malamig ang aking pasko dahil...(yun nga ba? memory gap. pasensiya) tapos yung isa all i want for christmas is....

ako kung dudugtungan ko ang unang statement, malamig ang aking pasko dahil hindi ko nga ito maramdaman. ang isa naman all i want for christmas is to learn how to let go. hindi naman tungkol sa love sa boypren or what ang letting go ko, patungkol ito sa pagmamahal ko sa aking org na ilang buwan na lang ay iiwan ko na. huhu. ayun.

binasa ko ang mga nagsulat doon. may nakalagay sa all i want for christmas ay makapasa sa accounting. fine. lahat naman tayo gustong pumasa. tapos may dumugtong pa ng "asa, may bio chem ba kayo?" tapos nagpayabangan na sila ng mga subject nila sa course nila. napataas lang ako ng kilay. kamusta naman. dun ba nasusukat ang tunay na katalinuhan? well mahihirap na subjects nga ang mga iyon pero ang labanan kasi ay kung paano ka talaga mabubuhay sa mundong ito hindi ba? aanhin mo ang mga formulang iyan kung hindi mo kayang tumawid ng kalsada? so what kung kabisado mo ang lahat ng klase ng fungi kung hindi mo naman alam kung paano solusyunan ang problema ng pamilya? weird lang. well kaya ko rin namang iyabang ang mga nyetang subjects na pumapatay sa aming utak at katawan pero ano naman ngayon?

anyway speaking of my org. ayun noong huwebes last day na ng show namin. aba sa kalagitnaan ng eksena pinaputol! kasi nga nasuspend ang klase dahil sa strike at pinalabas lahat ng tao sa uste. ang masaklap pinatuloy ang dalawang event na nangyayari din noong time na iyon. well life is unfair nga naman. tsk. kaya ayun noong sabado na pinagpatuloy ang show.

hay tatlong buwan na lang. hindi ko pa yata kayang iwan ang org ko. huhu syempre gusto ko namang grumadweyt hano? pero sobrang napamahal kasi ako sa aking org. 4 na taon doon ko lang binuhos ang pagmamahal ko eh. hay...

anyway habang nagtatype ako ngayon biglang umeksena ang aking katabi...

katabi:excuse me pano magmessenger sa net?(well nakaban nga kasi lahat ng chorva sa lib)
ako: ah new feauture ng yahoomail meron na...
katabi:hindi... yung nakikita yung video...
ako:uh... sa ibang site yun.. feature ng ibang site...
katabi:pwede bang sumali dun?
ako: uhhh.. depende... (i feel awkward na. haha)
katabi: eh paano ngang sumali run?
ako: er... gay site yun eh...
katabi: (shocked siya.. ako rin. haha) ahhhh...
*silence*
katabi: uhh... may iba pa?
ako: meebo.com

end of story

haha so funny. haha. nakakahiya na ewan. oh well. nako baka mabasa pa niya ito! ciao.

Thursday, October 11, 2007

si roxxxanne at ang drama sa likod ng sex scandal

ang opening ng sem break ko kagabi ay isang big bang! as in. whatanexperience. tumulong kasi ang aming organisasyong artistang artlets para maging usher ng film ni direk jun lana na roxxxanne alumnus kasi si direk ng aming beloved organization kaya ayun. syempre masaya kami na tumulong di ba? racket ito eh.. may free food na, may tf pa may libreng film pa na gusto talaga naming panoorin ng mga friends ko. eh di naabot namin ang aming pangarap. aside from the fact na masaya ang gabi dahil brushing elbows with the industry na kabibilangan naming mga com arts students soon(naks. haha) ay maganda ang film. hello hello jay aquitania pa. ahihi. syempre nagpapic ako to death. hehe. anyway pag-usapan natin ang film na roxxxanne. dapat ba itong panoorin o isantabi na lang? dapat ba itong papurihan o pagtabuyan sa sinehan? so heto na ang aking kauna-unahang movie review sa blogspot! presenting...

babala mga ate may spoiler!


roxxxanne: ang drama sa likod ng mga sex scandal


tickets ng roxxxanne na kinuha ko sa site ni jun lana

sino si ate roxxxanne?
(si marrrlon na lang pag-usapan natin.)

hindi po si roxanne ang bida. dahil ang bida ay si marrrlon na ginanapan naman ng batang guwapo na si jay aquitania na nagaaral sa unibersidad ng santo tomas. si ms. elizabeth oropesa, ang kaniyang ina, ay may paupahang bahay na inupahan naman ni sheree aka roxanne. doon na magsisimula ang kuwento ng pumasok si roxanne sa komunidad na iyon.

si marlon ay mahilig mangolekta ng sex videos na pinapakita naman sa kaniyang friend na si jonnnas,(na si janvier daily ang gumanap) pariwarang bata na isang pedicab driver. dahil hobby nga ni marlon na ipakita ang mga sex vid kay jonas para magpasikat, gumagawa siya ng paraan para makakuha ng mga latest na vids. kaya bilang isang magaling at makadiyos na tomasino, nakaisip siya ng magandang paraan... nagpapablowjob siya sa bading na parlorista na si mel martinez kapalit ng mga latest sex vids. pero hindi kuntento si jonas sa nakuha niya. kapag daw nakuha ni marlon ang sex video ni diana zubiri, may libre na siyang sakay sa kaniyang pedicab ng 1 taon.

nachallenge ang ating bida kaya humingi siya ng tulong kay parloristang mel. eh nandoon ang friend na bading ni mel na isang press. jockpot si bading pero si marlon hindi dahil matapos ang hadahan hindi naman naibigay ni press bading ang diana scandal. so kaysa nga naman madisappoint si bagets, binigyan niya ito ng sex video ng isang unknown girl. sabi pa ni press bading, "basta pag sinabi mong siya iyan maniniwala na ang mga tao.." (chos. hindi iyon ang eksaktong dialogue. basta yun na yung point.hehe.) so ayun.

so enter na sa eksena ang best cameo role na si ms. hanni miller as marrry graccce na mahalaga ang karakter sa istorya. nalove at first sight kasi siya kay marlon ng makita ito sa housewarming ni roxanne dahil kamukha nito ang ex niya. kaya kinulit niya ng text si bagets. then ayun nakipagmeet din sa wakas si marlon kay mary grace at nagsex sila. eh after nung sex nakalikot ni mary grace ang fone ni marlon at ang nakita niya ay.... masyado akong natuwa sa pagkukuwento ng film hano? manood ka na lang. so magmove on na tayo sa review proper. hehe.

revvview!!!

nabasa niyo naman na ang plot na putol. haha. basta sa pinutol ko doon na nagsisimula ang mga umaatikabong eksena. ang pelikula ay maganda para sa akin. maganda ang plot nito at pasabog ang ending. iyon kasi ang mga tipo kong ending. pasweet man ako pero i like it bloody and tragic. hehe. wala namang bago sa narrative ng movie dahil traditional naman ang paglalahad nito ng kuwento na beginning-middle-end pero walang kaso run dahil naintindihan naman ng mabuti ang istorya. interesting ang premise na umiikot sa sex video. crucial ang role ni sheree na si roxanne pero hindi nga siya ang bida ng pelikula dahil si marlon nga.

maganda ang editing dahil may mga scenes na nagsplisplit ang screen o may nagpopop up na mga eksena na nageenhance lalo ng flow sa narrative at sa feel ng film. something new kumbaga. pero may mga transition na hindi maganda dahil parang yung ibang transition effects ay makikita lang sa dokyu ng isang college student. ayos din ang look-and-feel. pasok na pasok ang location sa kuwento at parang nagbleblend ang surroundings sa lahat-lahat, meaning dinitalye. may ensemble kumbaga. ang scoring ang cute din.

maganda ang pinakita ni jay aquitania bilang isang baguhan. papasa na siya para sa isang confused boy role. kaso hobby niyang pumiyok-piyok habang nagdedeliver ng lines. memorable sa akin ang ending ng pelikula para sa akin. at doon niya binigay ang lahat-lahat at magaling siya roon. si janvier daily okey din ang acting. hindi superb pero hindi naman chaka. si sheree naman bagay sa kaniya ang role na mysterious and all pero sobrang hinhin niya minsan sa pagsasalita parang hindi na bagay sa eksena. unless ganun talaga ang role niya. kulang pa pero okey naman. commendable naman ang cameo role ni hanni milller bilang mary grace. maiksi man ang labas, maaalala mo pa rin si ate. kaya kudos to her. ang ending! talaga namang panalo! paglabas mo ng sinehan ay damang-dama mo ang awa kay roxanne. mababaliw ka sa mga pangyayari sa huli na talagang mapapatayo ka sa upuan mo dahil mismong ikaw ay nininerbiyos sa magaganap. magaling magaling magaling talaga ang mga huling eksena. nadevelop ang mga character at ang kuwento. iyon na ang sukdulan ng lahat!

all in all enjoy ang movie. maganda para sa akin. paakyat talaga ang aksiyon at okey na gay film. pero kung ikaw ay isang tao ang hinahanap ay more more sex sa pelikulang may pagka gay ang genre, you will be disappointed kasi walang masyadong sex sa movie. teasing lang lagi. but for art sake? papatok sa iyo ang roxxxanne. hindi masasayang ang panonood mo.
***
ansaya ng sem break opening ko no? as in! nobela na pala itong post ko eh! hehe. anyway maiba tayo, bigyan natin ng dangal ang pilipinas! suportahan natin si marcos antonio torres para maging torch bearer sa olympics sa beijing sa 2008. naku malaking karangalan ito! ako bumoto na, dali ikaw din.. punta ka lang dito. then cast your vote para sa ating karangalan!

Thursday, October 4, 2007

tahi-tahing mga pangarap

isang linggo na lang sembreak na pero bago ang sarap isa munang umaatikabong paghihirap! grabe hindi pa rin matahimik ang aking isip sa mga tambak na gawain. kasalukuyan akong nagreresearch for my film paper... may pr plan pa kami at mamayang gabi ay overnight ako with my thesis mates na sina mrs. j at miles. hay i dunno what to do. sobrang excited na akong magsembreak! as in! hay finals week na next week buti't wala kaming mga written exams kabaliw nga lang kasi mas nakakapagod physically, emotionally at mentally ang mga ginagawa namin for finals sa aming mga asignatura...

buti na lang may blog para saluhin ako sa aking pagudan state. hehe. i have decided na baguhin na ang film paper ko... dapat kasi about pinoy horror eh wala akong maifocus na film kaya naghomosexuality na lang ako... kaya pusong mamon at aishite imasu ang mga napili kong film para sa aking film critique. kasi sa dalawang pelikulang nabanggit ay powerful ang portrayal sa mga bading. wala man silang super powers dun pero sila ang bida sa nasabing mga pelikula! kung baga hindi na lang binabatukbatukan sa pelikula ang mga bading at di na sinasabihan ng kung anu-anong foul words.

report naman namin mamaya sa marriage and family... tungkol sa gay marriage ang aming report at naman yung paper na nakita namin(thanks to mimi chu) ay sobrang pro-gay-marriage! na akong anti-gay marriage ay parang na-enlighten talaga! ang galing. yung part ko, argument from shared values at "what if everbody did that?".. naku may mga statement pa na ang homosexual nuptial daw ang tatapos sa kagutuman ng tao. kasi nga naman hindi manganganak ang mga ate mo so makokontrol ang overpopulation. hehe. pero kung nagmamahalan kayo masama nga bang ikasal kayo kahit na parehas kayo ng gender? sa totoo lang feeling ko dahil close kami ni god, sa mata niya basta nagmamahalan kayo ng tunay at wagas ay hindi niya kayo hahadlangan kahit ano pa ang inyong kasarian hindi ba? sinasabi sa bibliya ay hindi maaari di ba? pero mas matimbang ang feeling na pagmamahal hindi ba? kung napatawad ni god ang mga killer, murderer at rapist(sabi di ba kapag humingi ka ng tawad sa kaniya ay papatawarin ka niya), ang mga bading pa kaya na nagbibigay kulay ng buhay na walang kasalanan kundi magmahal lang ng lubusan? naks. ;p

at kapag kinasal ka na huwag kang magpakadesperate housewife! kaloka ang pangaalipusta ng show na desperate housewives sa mga filipino doctors... wala lang. ilang milyon ba nanonood ng show na iyon at marami pa namang mga pinoy ang fan ng show tapos bigla silang gaganunin? tsk tsk. i believe na isa sa mga pinakamagagaling na doktor ng mundo ang mga pilipino kaya please lang. hay huwag manyurak kung ayaw mayurakan...

sana naman makatagpo ako ng doctor na gagamot sa aking weird sadness na nararamdaman! haha. well kasi naman masyado akong napamahal sa play naming agnoia kaya hindi ako agad makamove on... pero feeling ko may iba pang dahilan and i dont know what is it -or alam ko kung ano yun pero niloloko ko lang sarili ko na hindi ko alam iyon? chos. ano nga ba? doctor doctor help me!

ayoko namang tahiin ang mga bagay-bagay no? okey lang iyon kaysa naman ang macensor dahil sa kung anu-ano ang pinagsususulat ko. haha pilit na pilit ang pagkakakonek, anyway yun ang topic ng thesis namin na binago na namin for the third time! ang censorship of schools sa mga student. yun ang balak naming gawan ng pag-aaral. aba bilang mga mag-aaral ng pakikipagtalastasan dapat ipaglaban namin ang kalayaan sa pamamahayag hindi ba? ahihi. so more more research pa...

cant wait for sembreak! what time is it? summer time! yiheee... magsaya mga friends dahil pahinga galore na!

Tuesday, October 2, 2007

backstage pass sa likod ng mga drama sa telon

after the kinda long hiatus, im back! sobrang namiss ko ang ang pagblablog! well naging busy kasi ako dahil sa aming play na agnoia na naganap noong sabado at kahapon. sobrang napamahal ang produksiyon sa akin. as in. hanggang ngayon nga eh hindi pa ako makapagmove on. kasi naman ang theater org na artsitang artlets ang buhay ko ngayong college. sobrang mahal na mahal ko ito. naging matagumpay naman ang dula kaya congrats kay direk johnee bear at pm kai.

pero ang tunay na drama hindi nangyayari sa entablado kundi sa backstage! dahil nga isa akong stage manager dito, nagbabad ako sa likod ng stage. mas maraming nagaganap sa likod kaysa sa mismong play! haha. aside from takutan dahil sa resident auditorium ghost na si marjorie, syempre may dramahan at aksiyon!

habang nagaabang ang ibang mga artista sa likod o naghihintay ng cue, nakakapagkuwentuhan ang mga tao. syempre nakikipagchikahan din naman ako sa mga friends ko sa likod. hay may isa hindi pa raw siya makontento sa buhay niya though meron na siyang love life.. sex life... sabi ko nga sa kaniya, ako nga wala ng 2 iyon eh! (please ayokong mamatay na virgin lord) hehe. tanong niya bigla, "kuntento ka naman di ba?" natahimik ako sandali. "oo... siguro.." sagot ko. ewan ko rin actually kung kuntento na ba ako o hindi. basta sinunusunod ko lang si scorpio (mula sa karakter ng play), "live life!" pero minsan ako nga yata talaga ang ginampanan kong si aquarius, nasa ulap pa kasi ako minsan eh. kailangan ko lang yata ng assurance kagaya ni aquarius na ganito ang buhay... then biglang cue na namin so natapos ang aming maikli pero malamang usapan. ibang drama naman ang kailangang ipakita sa stage.

maaksiyon naman ang mga tadhana (dancers) ng agnoia dahil hindi sila nag-iingat! ayan nalalaglag sa backstage! kaloka! sakit sa katawan ang abot nila. madilim kasi eh may mga buhatan ng set, pagnamimiscalculate ang lahat... BOG! ayan laglag. bale 2 dancers ang nabengga. syempre natataranta ako noh. trabaho ko kasi na dapat safe ang mga tao. eh the show must go on so bangon at sayaw muli di ba? tarayera. hehe.

marami akong natutunan sa play lalo na sa backstage! as in. kagaya ng:
  1. huwag manakot pag cue mo na.
  2. magdala ng flashlight. madilim!
  3. huwag itutok ang flashlight sa itaas ng auditorium!
    "may naglalakad sa taas..."
    "ha?" sagot ko.
    "meron! tignan mo sila rin tinuturo nila!"
    *tutok ng flashlight* *gasp*
    "anong ginagawa mo diyan?!"
    may isang dancer na naglalakad dun. hehe. itim pa naman costume niya!
  4. huwag magtakutan sa stage! pag may nagugulat maaaring marinig sa labas ang sigaw!
  5. kumain ng maaga kung ayaw mong maiyak sa gutom. haha.
  6. lumayo sa may piano. andun ang pamilya ng multo (ano ba iyan parang more more multuhan eh past post ko na nga yun. ;p)
  7. makipagkuwentuhan sa mga tao. you will get life lessons.

hay i will surely miss the play. ang saya ng mga backstage chismisan! haha. sino ba ang may ayaw sa drama? iba talaga kapag nasa backstage ka. maganda nga at napapanood mo ang play mula sa labas pero mas masaya pa rin oras na hubarin na ng mga artista ang maskara nila. pagdating kasi sa backstage, kung anong katauhan man ang suot niya noong pinapalakpakan siya ng mga manonood sa labas, yung tunay na katauhan naman niya ang nakikita mo sa likod ng telon. nasa likod ng telon ang tunay na drama. nasa likod ng kurtina ang mga kapanapanabik na eksena. hay... ibababa ko na rin ang telon, hanggang sa susunod na backstage pass...

Monday, September 3, 2007

when destiny meets pain

isang gabi nagtext sa akin si enchantress tanong niya sa akin. what is the most painful feeling in the world? ako naman napaisip... ano nga ba ang pakiramdam na talagang magdudulot sa akin ng todong sakit? tatlo ang sinagot ko sa kaniya pero apat pala ang dapat.

mga most painful feeling in the world for me:
  • helplessness

    hindi ba sobrang sakit non kapag wala ka ng magawa? sa point kasi na iyon alam mo na ring walang pagasa at alam mo rin na darating ka sa point ng frustration na isa sa mga talagang hatest kong feeling! kapag wala ka ng magawa ibig sabihin kahit anong gawin mo sa wala pa rin mapupunta ang lahat. sakit noh? hehe
  • disappointment

    i hate this feeling too. for me painful talaga ang disappointment. kaya nga hindi ako nag-aassume eh kasi ayokong masyado akong mahulog sa pagaassume at masaktan ako ng todo. well sabi nga, ang assumera hindi lumiligaya! haha.
  • depression

    kailangan pa bang iexplain? hehe
  • frustration

    hay ito nga ang kasunod ng helplessness... dahil wala ka na ngang magawa, mafrufrustrate ka na lang kasi hanggang doon na lang ang kaya mong gawin. ang mafrustrate ng mafrustrate at mapagod na lang dahil alam mo ngang wala ng mangyayari. ang masakit doon, kailangan mo ng harapin ang katotohanan na wala ka na ngang magagawa kundi ang mafrustrate!

ayan. naaalala ko ang play namin sa aming org this september... kapag nirerelate ko ito sa reality, naiisip ko parang nagiging helpless talaga tayo sa tadhana. i mean, wala na tayong nagagawa kapag napaglaruan na tayo ng destiny. parang hindi natin nakokontrol ang lahat kaya ang nangyayari nalilito na tayo. minsan tayo pilit nating kinokontrol ang fate kahit alam naman nating hindi natin kaya. pero i guess mukha lang natin nakokontrol kasi nga sa ating mga decisions pero actually after nating mamili may parating pa rin na hindi natin inaasahan.. so kailangang nating umalis sa ating comfort zone kasi nayayanig tayo...

unpredictable talaga ang destiny. you'll never know what will happen next. nakakaloka hindi ba? any time kayang magbago ang buhay mo sa isang iglap.

***

kapansin-pansin din pala sa ating mga pilipino ang masyadong pagkahumaling sa mga fortune-telling eklat. kaya nga maraming manghuhula sa labas ng quiapo eh. naku ang nanay ko (at ako rin naman) ay hindi rin matiis ang tuksong magpahula. ako actually natatakot magpahula. siguro dahil scared akong makita what is ahead of me... paano kung sabihin ni madam auring na mamamatay na ako bukas? eh di naloka naman ako hindi ba?

sa play namin may line pa na "it's true because you want it to be true. kahit sinong magbasa niyan(horoscope) ay maghahanap ng interpretation na applicable sa kaniya." well infairness true nga ito. kahit nga yung horoscope sa inquirer libre na alam naman nating joke lang ay sineseryoso natin at kinokonek pa rin natin sa ating buhay. pinagdidiinan natin na totoo pero tayo lang naman din ang gumagawa ng notion na "totoo" nga iyon. tapos meron pang part sa play na about pagkausap sa patay.. bakit nga raw ba kinakausap ang patay eh patay na nga? well ang sagot? "hindi kaya't kinakausap natin sila dahil sa totoo lang, alam nating hindi nila tayo masasagot. gusto lang nating marinig ang sarili natin?" ang strong ng line. feeling ko part din ng frustration iyon pag namatayan ka... kinakausap mo sila pero alam mong hindi nila masasagot. frustarted ka kasing bumalik siya eh... pero wala na nga... ang sakit siguro nun noh? well ang pinakamasakit na kamatayang naexperience ko ay yung tita ko na tinatawag ko ring mama. bata pa aku nun.. 1999 yata yun.. sad yun kasi nga parang second mom na namin siya... pero well... yun eh.

infairla parang ang serious ng post kong ito noh? nakakaiyak. haha...

***

tadhana

lumubog na ang araw
pero wala pa rin ang mga bituin
nagdadamdam ang buwan.
nasaan na raw ang hangin?
bawat bulong nila
isang nilalang nagbubuntong hininga.
sa pag-ikot ng mundo,
bukas paggising mo
hindi mo na alam
kung bakit nagkaganito.

Wednesday, July 25, 2007

tinta't telon

hay masaya ako sa mga apprentices namin sa aming theater org dahil natapos na nila ang showcase nila... pero syempre marami pa silang pagdadaanang bagay-bagay bago maging miyembro na talaga. well naisip ko lang iba talaga ang buhay sa entablado... pero masasabi ko na ang buhay entablado at buhay natin ay magka-konek.

umaarte tayo sa isang malaking entablado

tayo ang bida o marahil ang kontrabida. lahat tayo karakter sa isang malaking dula. minsan nga nakukulong tayo o nabibiktima ng stereotyping ng mga tao sa paligid natin. hindi ka ba pinepressure ng mga kapamilya mo minsan? ako actually naranasan kong mapressure dati lalo na nung first year college kasi bumagsak ako. eh never akong bumabagsak sa school. kaya sobrang nagalit si mama sa akin. kinulong kasi niya ako sa image na sobrang talino. minsan nakukulong ka rin ng mga kaibigan mo at sinasabi na ganyan ka or dinidiktahan ka na ganyan ka.. ako hindi ko kinakaya pag sinasabihan ako na "ano ba yan halatang-halatang galit ka?!" or basta i hate it kapag pinangungunahan ako sa dapat kong maramdaman! hala! kamusta at mas alam pa nila ang nararamdaman ko nung time na iyon di ba? syempre pag sinabi mong "hindi kaya!" sasabihin deffensive or something. hindi ko tuloy maintindihan kung mas maniniwala ba ako sa kanila o sa sarili ko? lahat tayo biktima ng stereotyping. lahat tayo diniderek ng isang direktor na hindi natin nakikita. tayo rin ang mga manunulat na humahabi sa ating tadhana. asa atin yun kung anung tunggalian at kung anong takbo ng kuwento. kinakahon din ako ng mga kamag-anak ko na ako na ang magiging next reporter or something dahil nga sa course ko. hay pero minsan ang nakakabaliw doon, unconciuosly nagpapakalunod tayo sa agos na kanilang ginagawa... halimbawa ako sinasabi na pasweet ako, at nagpapakapasweet naman ako na hindi naman talaga ako pasweet dati. kaya minsan natatakot na tayong magbreak away sa diniktang role sa atin. baka kasi magalit si direk dahil baka mabago ang characterizartion pero syempre nasa artista nga ang creative license ng pagarte di ba? so bakit tayo magpapadala? hay confusing. hehe. hindi ko tuloy alam kung nagstistick na lang sa status quo ang mga tao dahil nga dun sila nilalagay baka kasi pag nagpaka-deviant mabago ang lahat. try nga natin minsan? nakakatakot... baka sabihin wala iyon sa script... hihi

aso o dog?

nakapagsulat na rin ako ng dalawang dula para sa aking organisasyon at iba pang sulatin sa kung anu-ano. syempre masaya dahil natupad ang aking pangarap na makapagsulat ng play para sa org... well ayun... ano nga ba ang problema ko? i can express myself through writing pero the weird thing is nahihirapan ako sa oral communication. fine pag landian, yun na pero when it comes to airing my thoughts? nagmumukha akong bobo. i mean parang walang sense ang sinasabi ko. ang problema kasi sa lipunan natin, kapag magaling kang magsalita, may laman na agad ang mga sinasabi mo kahit na in reality sa salita ka lang magaling. kaya nga nabobola tayo ng mga pulitiko eh. hay. nakakafrustrate paminsan kasi nawawalan ako ng words pag kailangan ko ng mag-express orally. sakit ko nga ang hindi marunong sa pageexplain orally eh. ngar! gusto kong i-voice out ang aking sarili clearly at with confidence. sa papel ko lang naeexpress ng mabuti ang aking mga saloobin pero lahat ba gustong magbasa? wala lang. you cannot have talaga two great things at the same time. bawal bang pag okey ka nang magsulat, hindi ba pwedeng okey ka na ring magsalita? or bawal bang maging best in science ka at best in math at the same time?

isa pang problema ko, isa akong english phobic paminsan! haha. i can speak english fine pero nawrowrong grammar ako at nawawalan ng words to say dahil nga nauunahan ako ng takot at nawawalan ako ng confidence na kaya ko pagdating sa mga presentations sa school or recitations! pero pag nagagalit ako minsan nag-i-english ako ng walang kalaban-laban na tuloy-tuloy talaga without flaws! magalit na lang kaya ako lagi? haha. grabe nakakatakot dahil again sa bansa natin porque mali na ang english grammar mo, boba ka na. pero hello? ang totoong matalinong tao ay yung nasasabi niya ang gusto niyang sabihin na napapaabot ito ng malinaw sa mga taong sinasabihan niya. ayun lang. natatakot din ako minsan magsulat in english. kasi sobrang paranoid ko na feeling ko budbod ng wrong grammar ang gawa ko. kaya naman bugbog sa pagkacopyread ang paper ko para matahimik ako at masabing ayos ang grammar at sentence construction. kasi minsan kahit gaano kaganda ang gawa mo, kapag may nakitang maling grammar pangit na sa kanila. oh well pag sinasabi ko ang dilemma ko sa language sasabihin ng mga friends ko na okey lang daw yun at least nakakapagsulat ako at na-e-express ko ang sarili ko sa ating sariling wika. infairness, may punto naman ang mga ate't kuya mo dun.hehe. i'am proud to say na i can express myself in filipino fluently!

***
oh well tama na ang rantings... late na ako sa thesis class ko! hehe

Tuesday, January 23, 2007

in every ending, there is always a new beginning

bigla na lang nag-iba ang ihip ng hangin. sa isang iglap, nabalewala ang lahat ng aming unang napaghirapan. hindi naaprubahan ng OSA ang aming script for "Tigbok". lahat kami ay umasa na ito'y matatanghal. pero masakit ngang umasa.

sabi nga ni john, what is the use kung iiyak pa sa nangyari na? eh di gawin na dapat ang magagawa... well i agree pero hindi pa rin maalis ang sakit. parang isang batang pinalaki mo tapos biglang mawawala na lang.... hay pero ganun talaga. naitadhana na yata na ganun ang mangyari. wala namang magagawa kung magrant... kaya ayun... kumilos na lang.

nagsisimula na ngang bumuo ng bagong mga kuwento eh. sana naman maayos na. pero nasasayang ang mga oras. umaandar ang relo. palapit ng palapit ang mga araw na dapat ay magtatanghal na...

tik. tak. tik. tak.

sa bawat katapusan, nabubuo ang simula.

...nabigo man
...babangon pa rin

Saturday, January 6, 2007

sinumpa

kanina pa ako dito sa library at sumasakit na ang ulo ko sa kakanet! ahaha...
anyway wala pa akong masabi.. visit my blogs(links sa right side ng page) dahil i posted the best of 2006...

BABALA:
Ang Pag-Ibig ay nakamamatay!
...ang pagtibok ay isang panganib na kailangan mong takbuhan
...bawat pintig ng puso ay isang sumpa na dapat mong takasan
...bawat tamis ay pait na iyong matitikman...ito na ang simula

Ito ay isang babala!Ang pag-ibig ay tila hindi regalo ng manlilikha...
isa itong sumpa na sadyang babago ng iyong tadhana!

...ilan na kaya ang nagbuwis ng buhay ng sila'y nagmahal?ikaw, magbubuwis ka ba?

Abangan sa Pebrero.
Artistang Artlets.
Ang Opisyal na Samahang Panteatro ng Sining at Panitik.
Unibersidad ng Santo Tomas.

Friday, December 15, 2006

bilanggo sa encadre

Hindi ko ginusto na mabilanggo sa Encadre.
Hindi ko ginustong maramdaman ang kalungkutang nararamdaman ngayon.
Ayoko ng ganito.

Encadre.
Palayain mo naman ako.

Ang Encadre nga ba ang magpapalaya sa akin?

o ang sarili?

balang araw makakaalis din ako.
balang araw.

kailan kaya iyon?

sana hindi magsawa ang puso.

...hindi ka na, hindi ka na makakawala...

sana bukas masaya na ulit ako.
sana nga.

haaay....

kinukulong ko nga yata sarili ko.

Monday, December 11, 2006

ang lihim ng pahina

Natapos na ang pagdedeliberate ng mga scripts at napili na ang mga kuwentong bibigyang buhay sa pebrero...

ngunit bawat pahinang nalilipat ay mga lihim na hindi mabatid.
salamin nga ba ng manunulat ang bawat kuwentong guguhit sa kaniyang nililikhang pahina?
o kasama sa mga guni-guning pilit nating sinasabing katotohanan na hindi naman pala?

ikaw.
tayo.
sila.
...ang huhusga!

sa ngayon magpapakalunod muna kami sa indayog ng mga trabaho... marami pang gawain... pero narito ako nililibang ang sarili sa isang makinang ginawa ng tao. pagbalik ko naman kasi hindi ko na malalaman.. mawawala na naman ang sarili na akala kong kilala ko.

***

If I have the courage to tell..

will it make a difference?

yes.
in two ways.
first, it will make you happy...
or second, it will T.E.A.R. you apart..

...in bits and pieces

***

huwag palinlinlang bisita sa iyong nababasa...
ikaw din...
baka sa isang bigla...

napaniwala mo ang sarili sa kasinungalingang ikaw din ang may gawa!

guess who's back?

ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in.  birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...