Showing posts with label buhay-buhay. Show all posts
Showing posts with label buhay-buhay. Show all posts

Wednesday, September 5, 2018

all new season

"i feel like i'm in a series and kakastart lang ng new season. new faces, new places, new challenges and a new story to go through"

tweet yan ng aking new found friend lalely and i can soooo relate.

season enders.

a looming uncertainty gripped us in our workplace.

sa promotion ng aming boss sa isang bigger position at mas challenging na responsibilty, us, her previous team was left hanging. what will happen to us?

our immediate superior gave us an idea kung anong magiging kinabukasan namin. haha. mapupunta lang kami sa ibang team -- ibang team, meaning, ibang kultura, ibang mga tao, ibang mga mood swings at way of life na medyo malayo sa pinanggalingan naming team. adaptability is the key to success.

changes make me excited and nervous at the same time.

a close friend and a workmate is about to embark on a two month journey in south asia leaving our circle of three temporarily.

siya ang mas malakas ang personality sa'min, at magkatemperament kami ng isa pa naming ka-trio. dahil hindi pa umuusad ang bagong trabaho, mas maraming time mag-isip. nakakaparanoid ang parating na pagbabago sa bagong team na papasukan namin.

season premier. 

i played survivor!

to celebrate my official start ng aking last day sa kalendaryo moment nung july, napasali ako sa isang grupo na nag-oorganize ng meet up na ala survivor ang theme. so i was one of the 21 castaways na dinala sa isang resort sa batangas at nakipag-outwit, outplay at outlast sa 20 strangers na nakilala ko lang sa araw na yun.

spell intense.

but nakaabot ako sa top four. haha naboot out nga lang ako, tsk! sayang final tribal council na sana ang next. oh well. nag-enjoy naman ako and super priceless ang memories. it's my best birthday ever so far. hehe

dahil sa ganap, naging super close ko lima sa aking tribemates na part ng core alliance.  at isa sa kanila ang nag-tweet nung sa taas. hehe.

new team. new world.

nakakaanxiety ang bagong team. hindi pa namin alam what's in store sa bagong mundo na ito. it's very different sa pinanggalingan namin but full of promise din. bukod pa sa ibang projects na naatasan kaming gawin na malayo rin sa usual na ginagawa namin sa work.

naisip ko tuloy may paandar akong season epek dito sa blog ko. at nakakalimang season na ako actually. pero sa totoo lang, hindi ko alam kung anong kaibahan nila! hahaha napakapaandar ko lang.

but anyway, im enjoying my 30s for now and it deserves a separate blogpost kung bakit siya masaya. haha

perhaps a pilot post for a brand new season. tutal nagbabalik naman ako. hehe :)




Sunday, March 3, 2013

reformat

im starting to get bored with my blog. actually i feel that the inspiration ran out na.

ewan.

nakakatakot lang yung thought na yung writing for me ay nagiging work na kaysa escape from this oh so chaotic world. pero infairness to me sinusubukan kong ihiwalay or i-merry ang joy of writing sa work. sa industriya kong kinabibilangan, ang trabaho ay personalan bilang ang pagsusulat ay isang personal na gawain dahil naglalabas ka ng mge emosyon na iyong kinukubli sa kaibuturan ng iyong pagkatao. kaya ang hirap ihiwalay at i-detach ng personal sa trabaho lalo na kung baguhan ka pa lang sa mundong ito. mabuti na lang sanay na ako.

natatakot lang ako na baka matakot na akong magsulat para sa sarili ko at dumating sa point na simulan kong kapain ang mga salita at letra sa keyboard... baka umurong. matakot na ring lumabas. baka mawala ko ang paglalaro sa mga kuwento...

gaya na lamang nitong blog ko.

sa tuwing nababasa ko ang mga past posts ko lalo na noong college, ibang iba kaysa sa mga posts ko after. mas playful ako nun. mas broad ang topic. mas relaxed lang. hindi ko alam kung anong nangyari.

maybe because tumanda na ako? nagmature? nag-iba na ang priorities?

dati sobrang pag-iisipan ko pa kung ano ang iblo-blog ko.

or baka dahil pakiramdam ko wala na rin yung mga kasama ko dito? well yung mga friends ko naman sa totoong buhay na nagbloblog, either lumipat na ng ibang blog sites or tumigil na rin. tapos yung mga dating nakakausap ko dito at nakakakuwentuhan, wala na rin. either huminto na sa pagbloblog or naging abala na rin sa kaniya-kaniyang buhay...

ewan.

marami na ngang nagbago. nakaka-apat na season na nga pala itong blog ko e. (i, ii, iii, iv)  haha na kung tutuusin hindi ko naman alam kung ano ang pagkakaiba-iba ng apat na yan. or sa tuwing nakaka-100 posts yata ako nag-iiba yata ako ng season? haha whatever to me. lol. pauso. or bawat milestone ko yata sa buhay. haha

ewan ko ba.

i guess kailangan kong makipagbrainstorm sa aking sarili para magbukas ng panibagong season sa blog ko. dahil season five at matagal nang hindi ako nagpapalit ng season, dapat mas bongga ang aking ika-limang season. pauso levels.

kailangan kong hanapin ang sarili para sa panibagong yugto ng blog ko. CHOS. hahah baka kailangan ko lang pag-isipan.

ewan ko ba.

who cares? as if may nagbabasa pa ng blog ko. haha ako lang naman yata. hahaha howell kailangan ko pa ring pasayahin ang sarili ko at magbukas ng panibagong chapter dito dahil my blog bores me to bits. chors.

hay.

ewan.

Wednesday, January 2, 2013

my 2012 in 1 to 10

1.

one tattoo. 

pangarap ko kasing magkaroon ng tattoo. last year naachib ko na siya finally. usapan kasi namin ng bff ko na magpapatat kami together. pero dahil na rin sa pagkakaiba namin ng sched, naudlot din. nauna siya sa akin ng isang araw. carpe diem ang kaniya and mine is carpe noctem. oh so cool.

one pet.

i had a pet. niregalo sa akin ng co-worker ko last last year. isa siyang cute guinea pig na pinangalanan kong prim. nakuha ko ang name niya sa hunger games. sadly, after seven months, namatay siya. huhu and i don't know why.

2.

abs-cbn channel two.

i started working there since 2008. infairness four years and counting na.

two times sa subic.

twice din akong nagsubic. una dahil sa work tas yung pangalawa with friends. maganda ang subic at malapit pa sa manila. jungle, beach and adventure rolled in to one destination. taray ako na ang best in promotion ng subic.

two semesters.

nag-enrol ako nung first sem. pangalawa ko na since nagdecide akong mag-aral. well it did not go well. why? see number 6.

3.

three shows.

it's a blessing na maging part ako ng tatlong show sa nakaraang taon.
una, isang afternoon drama entitled mundo man ay magunaw na talagang malapit sa aking puso.
pangalawa, naging bahagi ako ng highest rated daytime drama for two weeks na nagpapakilig pa rin ngayon sa buong bansa -- ang be careful with my heart.
pangatlo, natupad ang pangarap kong magsulat sa mmk. year ender pa ito ng show. mabuti na lang magaling yung co-writer ko run at direktor kaya ang ganda ganda nung episode. haha

three apples.

see number five.

4.

four exotic places.

bongga ang travel ko this year. bukod sa pagpunta sa mga lugar na napuntahan ko na gaya ng puerto galera at subic, nakarating din ako sa mga lugar na hindi ko pa napupuntahan. s

singapore

first time kong umalis ng bansa at ang foreign soil na ito ay ang ating kapit bahay na singapore. nag-enjoy ako sa pagkain at sa first world experience. bongga rin kasi ang mga kasama ko run kaya sobrang memorable ng trip. suplada nga lang mga tao! haha

mt. pinatubo crater lake

naganap naman ang aking self reflection noong holy week sa mount pinatubo crater lake. sobrang ganda! as in. hindi ko madescribe in words kung gaano kaganda nung crater lake. nakakapagod ang pag-akyat pero sobrang worth it kapag nakita mo na ang tuktok. ang gaganda ng views at sceneries habang papaakyat ka ng bulkan. out of this world ang landscape at you can make friends pa sa mga makakasabay mo sa trek.

dumaguete city and siquijor

after naman ng mundo man, naisipan namam ng isang workmate ko na pumuntang dumaguete. syempre dahil tapos na ang trabaho at walang masyadong labada, sumabit na rin kami. ang saya kasi nakatagpo ko pa ang isang kabarkada ko na sa siliman nag-aaral. super fun. ang sarap ng food at ang chillax ng city. dahil isang oras na lang ang layo ng siquijor, pinuntahan na rin namin ito. grabe. i fell in love sa quaint barrio feel ng siquijor. ang friendly ng mga tao, ang ganda ng lugar at ang simple ng buhay. haggard nga lang dahil may iniinda na ako nun (see number six). haha

5.

iphone5

ayun. mula nokia nag-upgrade na ako ng phone. yabang. haha well dahil sa instagram. lol. salamat sa plan ng globe at naging abot kaya siya. haha. ito ang aking regalo sa sarili last christmas. masisync ko na laptop at tablet ko. e di ako na. tipid tipid na this year at babawasan ko na ang luho sa gadgets. quota na day!

6.

six months of suffering.

this is what i hate about last year. basta nagkaroon ako ng maselang kundisyon (haha) na nagdala sa akin sa aking first ever experience na maconfine sa ospital at maoperahan. putek. hassle. grabe hanggang ngayon naghihilom pa rin ang sugat ng operasyon. sumpa! haha. as in. kalahating taong kahaselan! sana'y tuluyan na itong maghilom.

7.

seven addresses.

last year napagdesisyunan ng mga magulang ko na tuluyan nang iwanan ang cabanatuan. tutal nasa manila na kaming dalawa ng kuya ko at dito na rin nag-aaral si bunso tas nagwowork na rin dito si mudang tapos madedestino pa si papa sa pampanga kaya mas mabuting umalis na kami sa nueva. ang sad lang kasi malaking bahagi ng childhood ko nasa cabanatuan. doon ako nagprep hanggang nagfourth year high school. doon ko rin nakilala ang mga matatalik kong kaibigan. oh well. time to move on. at ang seventh address goes to ang bahay sa pampanga na dati tuwing summer ko lang napupuntahan. ngayon doon na ang provincial address namin.

8.

eight members.

binuhay ulit ang think tank sa unit at part ako ng eight members nito. okay.  i know pilita ang part na ito para sa number eight. haha

9.

nine units.

dahil bibubibuhan ako and thinking na makakaya ko, sa aking pagbabalik ma ay kumuha ako ng nine units. isang undergrad subject at dalawang ma subjects. daaaay. dahil nga nagkasakit ako plus tinamad plus may work on the side, hindi ko rin kinaya at dinrop ko ang undergrad subject at nagkaroon pa tuloy ako ng dalawang incomplete grades. shet. maganda pa naman grade ko nung first sem. howell part of growing up.

nine disney renaissance films.

maraming disney films ang hindi ko napanood though familiar naman ako sa mga songs nila. so naging project ko last year ang panoorin lahat ng disney renaissance films. infairness  naachib ko naman at nagustuhan ko naman lahat pero ang mga fave ko ay ang beauty and the beast at hunchback of notre dame.

10.

tenth year.

special din ang year end party namin ng high school barkada ko dahil ika-sampung taon na kasi ang tradisyon na bago matapos ang taon ay nagkikita kita kami to party and catch up. nagsimula ito noong fourth year high school dahil birthday ng isa sa mga kabarkada namin at simula noon nagkikita na kami tuwing december 30. then noong 2007 naisipan na naming lagyan ng theme. tea party ang unang theme at since then nagkaroon na ng tema ang aming gathering.

this year, dahil special at isang dekada na ang tradition, naisipan naming magkaroon ng yule ball at magsuot ng formal wear. bongga! sumunod naman ang mga tao sa theme. at as usual, panalo na naman ang aming party at sobrang saya. masasabi ko talagang kasama na sa buhay ko ang aking high school barkada till the end of time. :)

that sums up my 2012. naging mabuti sa akin ang taon. lagi ko ngang sinasabi na hindi ko alam kung ano ang ginawa ko at talagang napakabait ni god sa akin para ipagkaloob ang mga nag-uumapaw na blessings. im looking forward sa bagong taong ito at kung ano ang dala ng 2013 sa akin.

sabi ko nga sa aking new year greeting sa fb:

Hello 2013! Happy new year! Resolutions? What resolutions? :p 

Break rules and learn more lessons! Make mistakes, fall in love, be crazy! Take risks and choose to be happy! This is our year! Claim it! Embrace it! Seize it!

Lets do the water snake vibe! Sssss! Cheers! Happy new year!

Sunday, December 23, 2012

doomsday survivor

ayun lumipas ang dooms day. hindi naman tayo inulan ng meteors or niyanig ng lindol. nganga. walang nangyaring gunaw. tuloy pa rin ang buhay. siguro nagunaw ang mundo nang iba sa atin nun sa ibang paraan... like nawalan ng trabaho, natapilok, gumulong pababa ng hagdan... name it. 

so oras nang balikan ang ginawa kong doomsday list noong december 24, 2011. 
  1. magpatattoo. (finally! :p sept 24, 2012!!! :)) sa wakas. ang tat ko ay nasa right wrist. carpe noctem ang nakalagay, meaning seize the night sa latin. :)
  2. travel abroad.  first time kong umalis ng bansa at nagpuntang singapore with my best friend and close friends.
  3. fall in love. haaay dahil hindi nagunaw ang mundo, achib na siguro next year? hehe
  4. have a boyfriend. LAOS.
  5. bond with my family somewhere.
  6. go to mindanao.
  7. join a cause.
  8. plant a tree.
  9. learn how to cook.
  10. invest a business. 
  11. buy an apple product. haha (yabang may new ipad nako. hehe) certified apple convert na ako! dinidiyos ko na ang apple! lol
  12. spill a secret to a stranger. minsan mas madaling kausap ang taong hindi mo kilala.
  13. make new friends outside of my circle.
  14. splurge on clothes.
  15. buy my mom an expensive gift. 
  16. do something stupid.
  17. have a nude photo.
  18. go skinny dipping.
  19. fly a kite.
  20. enroll back to school. 
  21. join an organization again.
  22. write an article.
  23. join palanca.
  24. write a novel.
  25. make someone cry.
  26. cry.
  27. join a workshop.
  28. write a play.
  29. learn a new language.
  30. buy harry potter set.
  31. have an advocacy.
  32. have an artista friend.
  33. kiss a girl. lol (eew)
  34. hit the gym.
  35. have a sport.
  36. magpakulay ng buhok.  infairness fun. next year balak kong magpablue nang buhok! new year new look!
  37. mapanood ang mga cartoons ng disney noong disney renaissance.  fave ko ang beauty and the beast at hunchback of notre dame. 
  38. write a film.
  39. get drunk. suka levels.
  40. do something good to a stranger every day. (well nagagawa ko naman kaso di everyday. laos. lol)
  41. makatikim ng hipon. :p  hihi. wink.
ano ba yan. 13 out of 41, wala pa sa kalahati ang nagawa ko. howell pwede pa namang ipagpatuloy ang ibang naudlot na mga pangarap na gawin. mabutit hindi totoo ang end of the world nung 21. grabe marami pa akong pangarap. hindi pa kaya ako nagkakaboyfrieeend! haha

we survived!


Monday, December 17, 2012

awkward christmas

malapit na ang pasko.

well hindi na siya kasing saya unlike dati pero syempre iba pa rin ang feeling kapag malamig na ang simoy ng hangin at tumutugtog ang mga christmas song sa radyo o kung saan man.

pero actually noong tumatanda na ako, dinedread ko na yung feeling na sasapit na naman ang araw na ito.

kasi sa panahong ito obliged na umuwi ako sa pampanga. i love pampanga pero kasi naman i feel awkward sa mga family reunion kasi nga hindi ako masyadong close sa mga relatives ko. ayoko ng family gathering. ayoko ng mga tanong kung kailan ako mag-aasawa kasi mabubullshitan na naman sa mga in denial kong kamag-anak. lol. magiging uncomfortable na naman ako sa buong stay ko at magiging anti-social.

i hate it na i can't be myself with my family at ang ironic dun alam naman nila. hindi ako out pero open secret naman na i'm gay. hindi lang namin napag-uusapan.

naiinggit ako sa mga pamilyang close. or sa mga beki na out sa relatives nila. ako kasi feeling ko abrupt din kasi hindi naman nila ako kilala at feeling ko if i show who i really am hindi nila kakayanin. haha i mean kasi nga parang pilit naman. tas deep inside alam ko namang may nega comment sila.

hay naku. this is so frustrating. taon taon na lang ito ang issue ko with them. ang sad lang. well i guess they try to reach out pero ewan ko. parang ang hirap magadjust na. kasi naman kung di ba nila ako binully nung bata ako hindi ba? sabi ko nga mas masakit na mabully ka sa family circle mo kasi compared sa nabully ka sa school at least yung mga bullies sa school malaki ang chance na hindi mo na sila makikita after grad... e paano kapag ang bully mismong family mo di ba?! haggard. kung anong cool ko sa school ganon naman ako katimid kapag sila ang kasama ko. hay naku.

howell sasapit at sasapit ang araw ng pasko at uuwi't uuwi pa rin naman ako. howell i have to endure another day of awkward moments. ayayay maligayang pasko naman.

Saturday, October 27, 2012

the high school repeater

i feel that i'm still running in a corridor full of girls in maroon skirts and guys in charcoal gray pants. late for my class. gasping and panting, as usual, im late. magugulat pa nga sila kung pumasok ako ng maaga e. my class adviser is discussing na in front about economics. shet. late na naman ako. tinignan ko ang aking mga kaklase, nakikinig ng mabuti, nagsusulat sa kani-kanilang mga sterling or corona notebook using red and black ballpens, red ink para sa term at black para sa description. at ako lang ang gumagamit ng blue g-tech pen nun kaya pag nakakalat ang notebook ko, alam na sa akin agad yun.

umupo ako sa aking upuan, malapit sa bintana. napatingin ako sa reflection ko... oh gosh. it's my twenty five year old body trapped in high school.

 ...

yan actually ang puso ko. alam mo yun, tumanda na ako, i just turned 25 this year. pero bakit ang state ng puso ko napag-iwanan na at nasa high school pa rin?!

 honestly, napapathetican ako sa sarili ko. supposedly, noong high school ko pa ito naramdaman, yung tipong sulking sa tabi na bakit ako walang jowa? or bakit walang dumarating na love sa akin? hahaha why o why ngayon ko lang ito napagdadaanan?! dahil ba sa global warming? o sa bagyo weather? ayoko kasing aminin na ganito ako kaloser ngayon. haha

my state of heart is so teenybopper kulang na lang i-cast ako as a high school stereotype sa isang teen movie. feeling ko sa kakanood ko 'to ng awkward e. lol o dahil napaliligiran ako ng mga taong in a relationship. lol pakiramdam ko hindi ako nagmamature pagdating sa puso. my heart is a pasweet teenager na nagdaramdam at naninimdim sa isang gilid dahil laging unrequited! a wallflower na in love sa jock na kahit kailan hindi siya papansinin.

shet. how loser can i be? hanggang doon na lang. yung umaasa na may darating, na naniniwala sa bullshit na fairytale. like omg. heart naman, bente singko na ako, hindi na nga ako virgin e, lumevel up ka naman. lol sunod sunod na love woes ang post ko sa blog ko lately ha? hindi ko matanggap. haha.

hay ganito nga siguro kapag nbsb ka ng twenty five. or napaparanoid lang siguro ako dahil yung mga tao sa paligid ko unti-unting nagkakajowa. kahit san pa ako tumingin, may mga magkaholding hands! tapos napagiiwanan na nga ang puso ko, lumelevel up pa ang insecurity ko sa sarili ko. shet. siguro wala talagang magkakagusto sakin, siguro walang makakapansin sa akin? pota. haha gumaganung levels na ako minsan. howell wishing well, sabi ko nga ayoko namang magkaroon ng jowa for the sake lang na magkajowa. kaso kasi naman... ehh. jusko.

 hangga't kaya ko, susubukan ko munang dumedma. haha. baka ang love woes ko ay dala nga lang ng hindi mapaliwanag na phenomena o hatid ng pabago bagong klima. kung stuck man sa high school ang puso ko sa ngayon, papasa at papasa rin yan... kahit pasang awa, ang mahalaga makapagmartsa at makuha ang inaasam na diploma!

 bwisit. lol

Saturday, October 6, 2012

love allergy


nangangati ako kapag may pogi. (no pun intended.)
sumisikip dibdib ko pag may sweet couple.
nababahing ako tuwing may hindi na single.
kinikilig na lang ako pag umiihi.
yeah. Ang pathetic ng post na ito.
baka dahil sa ulan or something.
buti na lang malapit na akong maging sobrang busy, love story na lang ng fictional na tao ang proproblemahin ko. What is happening to me?



*if symptoms persist, consult your doctor.

Tuesday, September 4, 2012

para sa'yo sa future (kung di magugunaw ang mundo sa december)

dear future boyfriend,

hello there. ang tagal kitang hinintay ha.  di bale, sanay naman akong maghintay. kasama na nga yun sa hobby po ko e. ang maghintay. okey lang. nalilibang ko naman ang sarili ko. okay lang sa'kin basta ba dumating. hindi ka naman naghihintay kung walang darating di ba? o kung walang patutunguhan ang paghihintay mo. ang tawag dun pagtunganga o pagtengga kung nakanganga ka lang sa wala. deadma na nga.

dumating ka naman e.

salamat ha? akala ko kasi hindi ka na darating.

salamat at dumating ka sa buhay ko. sa totoo lang hindi ko naman inakalang darating ka. e sus. malay ko ba. emo ako e. pakiramdam ko wala namang magkakagusto sa'kin. katawan lang habol ng mga tao sa'kin. joke lang. kasi wala. wala silang hahabulin sa'kin.

e humabol ka.

salamat sa paghabol. buong buhay ko kasi ako ang habol ng habol. sa deadline... sa jeep... sa mga taong ako lang ang nagmamahal. mabuti na lang nandiyan ka. pinaexperience mo na hindi lang aso ang pwedeng maghabol sa'kin. nakakatouch. pakiss nga. akala ko ako ang laging taya, akala ko magiging burong talangka na ako. mabuti na lang, nandiyan ka.

okay lang. hindi naman ako mahirap mahalin e. haha. oo. at hindi rin ako mahal. fishball sa monthsary, up sunken garden tambay para sa anniv... sapat na yun. hindi naman ako maarte. may sogo naman at di mo naman sagot lahat. charot. haha.

salamat at nagtiyaga ka sa taong tulad ko na walang nagtiyaga kailanman. akala ko wala nang makakapansin. mabuti na lang hindi ko na kailangang maging ksp para sa'yo. salamat din at nakita kong pinagmamasdan mo ang fb ko. katakot. stalker? lol

pero hindi ko pa rin ibibigay sa'yo password ko. ano usisero? hehe. salamat sa tiwala. hindi naman ako makikipagchat kung kani-kanino. makikipagtext lang. hehe. joke. pero salamat at nirerespeto mo ang privacy ko dahil alam mo namang oras na sinilip mo phone ko masasaktan ka. hehe

pero salamat.
kasi natuto akong magtiwala.

may trust issues kasi ako e. salamat at nagtiyaga ka sa pagbasag nito at kinilala pa rin ako sa kabila ng mga isyu at drama ko sa buhay. salamat din sa pag-intindi sa trabaho ko na minsan hindi natutuloy lakad natin dahil sa mga biglaang meeting. salamat sa pagiging inspirasyon. :)

salamat at binasag mo ang sumpa ng pagiging single ko. haha

salamat ulit.

mahal kita. :)

your future boyfriend

Wednesday, May 30, 2012

what my mom (accidentally) thought me

ewan ko. in my pursuit to dig sa sarili ko kung bakit ako may trust issues... i find these things na baka nakacontribute doon. well i really don't know. i'm no psychologist here..

pero siguro naman hindi tayo tuturuan ng masama ng mga nanay natin no? syempre bago pa tayo pumalaot sa school... sino ba ang una nating teacher? e di si mudang! so baka may nainstill siyang bagay na hindi naman niya siguro sinasadya nagkaroon tuloy ng impact sa aking buhay.

syempre hindi ko naman malilista lahat ng lessons na tinuro sakin ng nanay ko. given na ang kagandahang asal pero these two lessons in life are taught, uhm.. well.. accidentally? ewan ko. sinadya man ng nanay ko o hindi nagmarka ang dalawang yan sa buhay ko.


  1. crying is a weakness. 
    well. i was bullied by my relatives and what is the best weapon kapag bata ka? e tears! haha well lalapit ako sa nanay ko na nagsusumbong habang umiiyak. aba imbis na ipagtanggol ako tatalakan pa ako! nakakaloka. haha. sabi niya bakit daw ako umiiyak? e bakit di ako lumaban? well apparently hindi pa rin ako lumalaban noong bata ako sa mga kamag-anak kong bully which is weird dahil pagdating naman sa school day may umaaway sakin tinusok ko ng pencil ang kamay niya. pak. well good thing hindi nakarating kay mudang yun. haha masisira ang aking good boy (girl) image.

    hanggang sa lumaki na ako, ayun dumalang na ang pag-iyak ko hanggang sa parang nawalan na ng luha ang mga mata ko. siguro naubos na nung batang iyakin pa ako. kaya ayun bihira na akong maiyak, i don't cry sa mga dapat na nakakaiyak na pelikula. i don't cry sa mga dapat na nakakaiyak na situation. sometimes i just miss crying.
  2. wala kang ibang kakampi kundi ang sarili mo. wag kang sumbungera. 
    sabi nila ang unang kakampi mo sa lahat ng laban ay ang nanay mo. pwes wag mong idamay ang nanay ko. hahaha. well connected ito sa unang lesson. bilang may pagkasumbungera nga ako nung bata aba yung tipong vindictive ako at feeling ko kakampihan ako ng nanay ko... aba aba aba si bakla binebenga ako!

    noong napagalitan ako dati ng teacher ko basta may ginawa na nakalimutan ko na, sinumbong ko sa nanay ko... aba aba at aba pa... ang sabi sa'kin "kaya ka siguro (insert ginawa ko here) kasi madaldal ka!" ah eh teka ako biglang nagkakasalanan te? haha infair consistent si mudang dun, sa tuwing nagsusumbong ako hahanapan muna niya ng rason baka siguro bakla ka kaya ka ginanun sabi nya pa. chos. ay nasabihan pala ako ng nanay ko na malandi. haha hindi ko rin alam kung anong kunek nyan sa part na'to. ah basta may nagawa yata ako or something. haha

    so anyway, ayun hanggang sa ayoko ng magsumbong. tatalakan lang ako e. haha

    sino nga ba ang tunay kong kakampi?
    sometimes, i even doubt myself. chos. haha
yeah, childhood stuff. pero as a kid, i thought tears are powerful... kailangan mo lang umiyak makukuha mo na ang gusto mo. magtantrum ka pwede na. umiyak ka mapapagalitan ang umaway sa'yo... pero hindi. even my tears, my only alley, betrayed me. wala akong nakuha dahil lang sa iniyakan ko o umiyak ako. ugh. sayang ang luha sabi nga nila. 

but then, somehow i'm happy na naturo sa'kin ng nanay ko ang mga yan. lalo na yung ikalawa. imagine, kung nanay mo nga minsan hindi ka makampihan paano pa kaya ang ibang tao? kaya im thankful sa nanay ko na yeah.. i guess it helped me to be cautious sa mga tao. na any moment pwede nila akong saktan, na pwede nila akong talikuran. kaya kailangan siguraduhin ko munang pwede ko silang sumbungan at dapat by that time sigurado akong ako ang kakampihan.

howell nasa lesson plan man yan ni inay o wala, fine. i guess they equipped me ngayon.. sabi nga nila, sinasadya man o hindi, mothers know best. e di siya na, sana manalo siya ng coke litro sa araw araw panalo dahil nanay daw ang panalo. chos. 

Monday, March 12, 2012

inggitera

isa akong inggitera.

kasi nastrestress ako minsan sa restaurant kapag oorder kasi minsan baka magkaiba kami ng order pero mas masarap pala ang kaniya. haha mainggit lang ako.

mabuti na lang ang madalas na set up iba-iba ang order pero share share. solb! hihi.

isa akong inggitera.

kasi noong nagtake ang bunso namin ng upcat, syempre masaya ako kung papasa siya pero somewhere  sa aking evil mind somehow winiwish na bumagsak sya. haha bagsak kami ni kuya so kapag pumasa siya, siyet lang di ba? feeling ko kasi ako pinakamatalino sa aming tatlo e. nyahaha. so ayun sa aming tatlong magkakapatid walang pumasa sa up. haha ang sama kong ate! chors.

isa akong inggitera.

kapag may nakita akong gusto ko, bibilhin ko. pero syempre depende sa budget.
minsan naman kapag may nakita akong meron ako tapos meron sa iba, nastrestress ako. haha lech.
so isang madamot na inggitera at that.

isa akong inggitera.

pero hindi ko naman sinisiraan yung mga taong nakakataas sa akin.
inggit lang ako kasi meron sila nung wala ako pero wishing na sana someday magkaron din ako nun.

gaya na lamang ng boylet.

shet. heto na naman tayo sa usaping puso. haha

so kapag masusunog ako sa apoy dahil yan sa envy plus lust. chooooos.
haha

basta.

isa akong inggitera.
inggit ka no?

Sunday, February 19, 2012

five days later

limang araw na ang nagdaan matapos mapuno ang wall ng facebook ko patungkol sa sweet nothings at kabitteran ng mga tao sa valentines (me, myself included).

limang araw na ang nagdaan pero paulit-ulit pa ring naglalaro sa isip ko ang himig ng violin na tumutugtog sa lobby ng aming opisina noong araw na yun. naghuhumiyaw ang ground floor ng valentine stuff, flowers, chocolates, couple shirt booth... kulang na lang isuka ng lahat ang kanilang mga puso at pintahan ang mga dingding ng sarili nilang mga dugo para ipanalandakan na valentines noong araw na iyon.

oo. ngayon lang ako naging bitter sa valentines.
ang pathetic pakinggan.

noong mga nakaraang taon, tunay namang masaya ako at napapalipas ko ang valentines na wala akong nega in mind. it's just a date after all. a commercial date to be exact na pinagkakakitaan ng mga negosyanteng nilalason ang ating utak sa konsepto ng love.

i sound so bitter and angsty about feb 14.
and the thing is i don't know why.

or baka alam ko naman ang dahilan, nahihiya lang akong aminin.

im so embarrassed to admit na im really looking for love na.


***


ugh.

and the thing is i thought dumating na siya.

nagsimula actually sa isang gay site.
tamang exchange ng mensahe.
i can feel the chemistry.

and for me logging in sa gay site na yun just means fun at hindi ako nageexpect na makakita dun ng love. but noong nakilala ko siya, i thought it's different.

isang gabi lang yun ng phone call.
nagustuhan ko na siya agad.

at dala ng stress sa work, kinailangan kong mag-unwind.
fortunately pwede siya.

ayun nauwi sa sogo. lol

...and after that steamy action i asked him.

"do you still like me?"

he said yes.
pero at the same night binasted na niya ako at hindi raw siya ready magcommit.
blah blah.

pero sa 24 years ng aking existence hindi pa ako nakaexperience na may maglike back sa akin. natuwa ako. naaliw. kinilig.

suddenly naexcite ako na itext siya lagi. it was holiday season at natuwa ako na nabawasan ang stress ko sa pakikipagplastikan sa mga kamag-anak kong di ko bet dahil naging katext ko siya.

pakiramdam ko siya na nga ata ang magtatanggal sa aking sumpa.
nagsimula kasi sa laro ang lahat, mga sagutan sa blog, tweets na hindi mo malaman kung patungkol sakin o hindi... eh assuming ako na ako yun. haha it sustained the kilig though.

naulit ang aming mga encounter.
until naramdaman ko na im falling too...
at alam ko siya rin kahit forty eight times niyang i-deny.

ang reason lang naman nya kung bakit ayaw niyang magfall ay dahil aalis siya na sabi ko naman, eh ano naman? howell. sabi ko nga alam kong gusto niya ako. hehe (ako na confident!)

hanggang sa noong nagkita kami ulit at pagkatapos ng sogo moment, aba binasted na naman ako the next day. ang sabi niya hindi niya talaga ako gusto at sinubukan lang niyang gustuhin ako pabalik.

btw it feels like a scene from a star cinema flick, drunk text kasi yun e. at ako naman gulantang.

pero syempre hindi ako naniwala. i'm persistent. i keep on texting. making kulit. nagpapasweet. hanggang sa may bago na naman siyang plot. may gusto raw siyang iba, sabi ko bakit di niya landiin?

hanggang sa mareveal sa akin na pinagseselos lang niya ako.
nyek. hindi effective pero na-cutan ako sa ginawa niya. haha

basta takot siyang magcommit.
ipinaglalaban ko naman.

kaya akala ko siya na.
akala ko.

hanggang sa sumapit ang pebrero.

natauhan din ako.

hindi ko pala siya gusto.


shet. i feel so... stupid.
nagpakain ako sa kilig at sa thought na may taong nagkagusto sa akin.
akala ko yun na yung lab.

hindi pala.
nalinlang ko ang sarili ko na akala ko gusto ko siya.
naproseso ko ang lahat.

natuwa lang ako na may taong nagbigay sa akin ng atensiyon na usually hindi ako nasusuklian.
nabulag ako run. ang saklap lang.

naalala ko kasi ang sinabi ng friend ko at katrabaho,
malalaman mo lang na kapag nagmahal ka, kapag nasaktan ka na. 


nasaktan ako noong sinabi niya sakin na hindi niya ako gusto at pinilit lang niya akong gustuhin.
akala ko yun na yung sign.


pero narealize ko nasaktan pala ako dahil nagsinungaling siya sa akin. bwiset. lol

pero sabi ko nga inilaban ko pa rin naman after nun.
hindi kasi ako naniwala sa kaniya, which is totoo nga, gusto niya talaga ako. (labo no?lol)

hanggang sa may nagtanong na naman sa aking kaibigan...

kung gusto ka niya (or baka pov ko lang to.haha) at gusto mo siya bakit hindi mo ipursue?!


ang dami kong excuse.
kasi ganito... kasi ganiyan...

hanggang sa alam ko na nga ang sagot.

hindi ko pa siya mahal. :(


...at talo na naman ako.
akala ko yun na e.


hindi talaga natin maloloko ang ating puso.




well friends naman kami.
so keri lang. :p
mali lang siguro na sa sarap nagsimula.
unofficially yours ang peg?

kaso saya nina cess at mackie kasi narealize nilang totoo ang nararamdaman nila sa isa't-isa. hehe

anyway heto... maghihintay na naman ako. natatakot na rin akong magtiwala sa aking puso.
kasi baka masyado lang itong desperado. darating din naman siguro yun,

at titibok din ito ng totoo at walang halong biro.


Sunday, January 8, 2012

ang prinsipeng hintay ng hintay

noong unang panahon sa isang malayong malayong lugar ay may isang prinsipe sa madilim na tore na naghihintay din ng prinsipe. hintay lang siya ng hintay. hintay lang ng hintay.

hintay lang nga ng hintay.
lumipas ang mga taon.
araw at buwan.

hintay pa rin ng hintay.
hanggang sa may dumating.

akala niya ito na ang hinihintay niya.
pinagbuksan niya ng pinto.
nagtawanan sila.
nagsaya.
naglaro.

pero madilim pa rin ang tore.

pinaniwala niya ang kaniyang sarili.
wala naman palang prinsipeng dumating.




Sunday, December 25, 2011

its christmas all over the world tonight

saan ka man sa mundo, maligayang pasko sa'yo. (google translate kung taga-vanuatu ka.) well well as i grow old, nawawala na ang excitement ko kapag sumasapit ang pasko. siguro nga pambata lang ang regalo. or maybe because i never believed in santa naman talaga? howell.

but then why would you allow yourself to sulk on a special day? so after a long time na hindi ako nagmimisa,pumunta ako sa simbahan malapit samin for the christmas eve mass... and well 15 minutes na lang ng misa ang naabutan ko. ayaw yata akong patapakin sa misa. haha. infairness sa mga pilipino masipag pa rin silang magsimba.



nakatayo lang ako sa labas. pinagmamasdan ang mga tao, mga batang naglalaro... naghahabulan, mga matandang taimtim na nakikinig sa pari, mga mapoporma, mga gutom na at excited ng magnoche buena. hanggang sa narealize ko patapos na ang misa. at sabi ko nga 15 minuto palang ako sa simbahan na walking distance lang mula sa tinitirhan namin dito sa qc.

nang kantahin ang ending song, pumasok ako at nagdasal. ang sayang maging pari, kasi daming gift ni father. :p nakakaantig din makita ang mga pamilyang masayang nagsisimba together. mga deboto na hindi matatawaran ang faith.

pagkatapos umalis ng mga tao sa simbahan, pumunta ako sa harapan malapit sa altar kung saan may belen. nakita ko si baby jesus. nakahiga siya sa mga strip of paper na may mga sulat.




nakahiga si baby jesus sa mga sulat. iba't-ibang kahilingan ng sari-saring mga tao na nagpunta sa simbahang yun. lahat sila, umaasang tutuparin ni baby jesus ang kanilang mga mumunting kahilingan na nakasulat sa mga makukulay na papel. ito nga siguro ang hiwaga ng pasko, ang lakas makapagbigay ng pagasa. lahat naniniwala na maaaring maghimala.

ito ang kapangyarihan ng pasko. ang magbigay ng pagasa. :) gaya na lamang ng hinahangad ng mga nagsulat ng kanilang kahilingan.



oops. huwag kang magalala ate, hindi wrong spelling, wrong ang patakaran. pwede pa namang matupad ang wish mo. at yeah magiging madali ang exam... basta mag-aral ka lang at iwish na sana hindi spelling! chors. hehe

pero seriously speaking, nakakaantig ang mga nasa papel. kahit gaano man kaliit o kasimple ang mga kahilingan, alam kong taos puso naman nila itong sinulat.

sayang wala akong papel nun. kung meron akong papel, hihilingin ko na sana hindi na ako mamanhid at maramdaman ko na ang pasko ulit. gaya na lang nung bata ako.

natense ako bilang end of the world ang latest post ko e kapasko-pasko. haha howell. 
MALIGAYANG PASKO SA LAHAT! :)

this might be the last christmas of mankind. nyar. :p may pahabol na panakot? lol

Wednesday, November 30, 2011

current affairs

currently laughing at: (parang may mali sa grammar nito... haha)

 premiere night hoolaboo.

isang araw nanalo si sis lei ng premiere night tickets para sa pelikulang immortals. 
syempre bumida ako para sumama at mabuti naman at free ako kagabi.
so kasama sina lei, aldrin at kokoi, rumampa kami sa gateway para sa nasabing film.
so gaya ng usual movie premiere night, bago ipalabas ang pelikula may mga pakulo muna ang mga sponsors at kasama na rito ang isang game.
sa game na yun nangyari ang pasabog…. 
may tanong ang mga host at kapag nanalo ka  may premyo kang executive optical na eyeglasses. syempre sinong may ayaw ng shades di ba? gaya na lamang ng bida nating si ate…
host: magbigay ng isa sa mga cast ng immortals!!!!
takbo si ate, hello alam niya ang sagot at she is sooo confident….
ate: ANGEL LOCSIN!!!!!!!!!!!!
BOOOOOOOOOOOOOOOOOOOG.
bwahahahahhahahahahhaa shet sorry seryoso si ate.
well ansama ko. pero anong magagawa ko bumenta sakin. haha
sobrang funny. binuo nito ang araw ko.
nakakaloka. 
entertaining naman ang film.


inabangan ko lang si angel locsin kaso hindi naman siya lumitaw! 
argh. 
currently reading:
have you ever found god in church? i never did. i just found a bunch of folks hoping for him to show. any god i ever felt in church i brought in with me.
celie, the color purple by alice walker

the color purple by alice walker.
well if you want soap opera-ish plots, women empowerment, lesbo action and black people plus history, you will love this book. nahook naman ako infairness.
shucks ang nakasunod ko pang babasahin ang amapola sa 65 kabanata ni sir ricky, hunger games series tas battle royale. tapos pinangako ko rin na sisimulan ko na ring basahin yung mga nakatambak kong libro na matagal ko ng binili. ugh. 
currently busy because of:
as ususal writing work.
grabe. :p
current addiction:
  • milk tea.
  • revenge series.
  • boys. chos. 
  • kenneth cole reaction perfume.
current wish:
  • love life.
  • external hard drive.
  • new bag.
  • new wardrobe.
  • tattoo. 
namiss ko yung mga posts ko dati. ewan ko parang mas entertaining at mas may laman posts ko dati pag binabasa ko. haha well feeling ko lang ha... baka jaded na ako or baka naman nawalan lang ako ng inspiration or baka ayaw magsulat. haha kasi naman trabaho mo nagsusulat ka na tapos sa free time mo magsusulat ka pa rin? well i love writing so much no? lol. 

well siguro nga wala lang akong inspiration. 

siguro i'll blog again.






...yung gaya nung dati. 

Monday, November 14, 2011

numb

i'm desperate.
i'm looking for love but i'm denying na i'm looking for love.

i don't believe in finding love on line.
but....

of course some rules are meant to be broken.
sabi ko nga i'm desperate, i will try looking for love on line.
now, i'm cringing when the thought of finding love on line crosses my mind.
really?
love on line?
funny.

then you came.
i'm not expecting anything.

you call me daddy.
i call you bunso.

how cheesy can you get?
but still, i don't feel anything.
spark?
magic?
the chuvachuchu moment?

i saw your pictures.
you are hot in my world.
but still, i don't feel anything.
spark?
magic?
the chuvachuchu moment?

pero i told myself, kung ito magiging unang boyfriend ko, okay na.
yeah. that's stupid and lousy...

until we meet.
sabi ko, if you don't like me in person, sabihin mo na agad.
madali naman akong kausap bilang i eat rejections for breakfast.

it was late.
you were impatient.
i told you what do you want?
sabi mo okay na ang large fries at spaghetti sa mc do.
okay.

then finally we meet.
you're cute. really.
but still, i don't feel anything.
spark?
magic?
the chuvachuchu moment?

but i enjoyed our conversation.
about you.
about me.
as if we knew each other.

we decided to watch a korean horror film.
i love horror films.
it was funny.
but the best part is...
tumabi ka sa akin.
sliding like a ghoul hunting for his victim.
skins touching fully dressed is sexier than nude.
we kissed.
i tasted the spaghetti.

but still, i don't feel anything.
spark?
magic?
the chuvachuchu moment?

the characters in the film are dying one by one.
our breaths slipping through the night.
fully dressed still.

but still, i don't feel anything.



Tuesday, November 1, 2011

babangluksa

araw ng mga patay ngayon.
araw ng pagluluksa.
araw ng pagtitirik ng kandila

pinagluluksa ko ang araw na ito,
ang araw na ginugunita ang mga yumao
na pwedeng namang alalahanin araw-araw.

pinagluluksa ko ang mga taong hindi na makaalala,
mga tunay na nakalimot na
ng mga magagandang alaala
at ang mga nilalang na sinasadyang magka-amnesia.

pinagluluksa ko ang mga nawalan na ng pagasa,
ang mga sumuko kahit pwedeng lumaban pa.
sa mga naapi at mga nang-aapi.
mga pumatay at namatay.

pinagluluksa ko ang mga kaluluwa.
mga halang at wala na.
mga espiritong buhay at ng mga yumao na.
mga hindi matahimik at hindi nanahimik.

pinagluluksa ko ang aking puso,
na minsan ay malamig
at minsan ay nakalimot na yatang magmahal
at tumitibok pero hindi tinitibukan.

pinagluluksa ko ang aking sarili,
sa mga bagay na aking nakalimutan,
sa mga tagpong hindi hinaharap
at sa mga alaalang pilit hinahanap
at binabaon kasama ng mga bangkay.

pinagluluksa ko ang pilipinas,
ang bansang animo'y paurong
pero buhay na patay na alam mo namang lumalaban.
ang mga nabubulok na pulitiko...
ang mga inuuod na prinsipyo
mga pinaslang na ideya.

pinagluluksa ko ang mga taong hindi marunong manindigan,
mga walang pinaniniwalaan.
mga humihipo ng ganap sa kawalan...
mga nagtatapang-tapangan
pero duwag naman.

pinagluluksa ko ang katapusan,
ang tuldok.
ang tandang panamdam na nanggulat
at nanunuya.

pinagluluksa ko ang mga kahapon
mga hindi nagawang plano
o mga planong pilit na hindi tinapos

pinagluluksa ko ang post na ito,
pilit na dinuduktungan pero dapat nang tuldukan.


Wednesday, September 28, 2011

bagyo diaries

september 2007 milenyo.


walang kuryente noon habang sa kadiliman dinig na dinig ko ang ugong ng hangin sa labas.
nakakatakot.

hindi makatulog sa init.
paikot-ikot sa sopang aking tinutulugan.
pagbungad ng umaga, animo'y gabi pa rin dahil sa kadiliman.

nasa ika-limang palapag kami ngunit pilit na pinapasok ng tubig ulan ang kuwarto.
basa ang kurtina.
basa ang kama.
basa ang sahig.

sumunod na araw makikita ang iniwang bakas ni milenyo.
nagmistulang nagkaroon ng kagubatan dahil sa mga sanga ng puno sa daan.
binabaybay ko noon ang kalsada ng qc at maynila patungong ust.
bakas ang kasiraan sa lahat ng madaanan.

wala kaming pasok noon.
pero kailangan pa ring pumunta sa paaralan.

dapat kasi noong araw na iyon ay ipapalabas ang aming play sa aming theater org.
espesyal sana yun kasi iyon yung kauna-unahan kong three act play na naisulat.

sakto.
pre-hispanic philippines ang setting ng dula.

mula sa mga nagbagsakang puno sa unibersidad, kumuha kami ng mga sanga.
ng mga dahon.
ng mga kalat.
basta para maisiksik ang kapirasong gubat sa entablado.

iyon si milenyo.
nanalasa noong nasa ikatlong taon ako sa kolehiyo.

september 2009 ondoy.


hindi namin inalintana ang sama ng panahon.
kebs.
sa aming trabaho, bihira ang free time.
kaya oras na may free time, sunggaban na bago pa mawala.

kaya ayun kung makapunta kung saan-saan parang walang bagyo.
maulan noon.
pero ano nga ba ang kaibahan noon sa mga nararanasan nating ulan hindi ba?

sanay na tayo sa ulan.
nasa starbucks kami noon sa araneta habang hinihintay tumila ang ulan.
madaling araw na pero as usual buhay pa rin ang cubao.

magaalastres na yata noong nakauwi ako.
dahil sa lamig, napasarap ang aking tulog.

hanggang sa kinabukasan,
tanghali na akong nagising para pumasok sa opisina.
nagulantang ako sa balitang tumambad sa akin.

ang inakalang ordinaryong ulan ay kumitil na pala ng higit 500 katao.
maraming nalubog sa baha at walang pinili ito mapaordinaryong tao man o sikat na artista.
naging burak ang marikina.

dati siguro binabalewala ng mga manilenyo ang pagdating ng bagyo dahil kadalasan sa mga probinsiya ang tama nito.
pero nawindang ang lahat noong ondoy.
wasak na wasak ang lungsod.

nagkaroon din ng telethon noon sa telebisyon at nakibahagi naman ako.
masaya, iba ang experience.
public service kung public service.

at dahil sa ondoy, isinilang ang isang dula na pinlay muli sa aming theater org.
iyon ang pinakapaborito kong dula na isinulat namin ni xi.
ang timely din noon e.

hanggang sa lumipas ang dalawang taon, naging alaala na lang si ondoy...

september 2011 pedring


ang nakakatawa, sa mismong araw kung kailan nanalasa si ondoy, isang mapanirang bagyo na naman ang dumating.
may dala itong mabagsik na hangin.
iyong tipong pwedeng scoring sa horror movie.
nakakatakot.
parang may sariling buhay.

kasama nito'y malakas na ulan.
nasa loob lang ako ng bahay.
may tinatapos habang nanalasa ito.

naulit na naman.
hindi ko alam kung natuto na ba tayong mga pinoy.
ang mahirap kasi ang dali nating makalimot.
lahat yata tayo may selective amnesia e.

kapag dumaan na move on na agad.
wala namang masamang magmove on agad,
pero may point kasi kung bakit nangyayari ang mga dapat mangyari.

howell.
pero kung ikukumpara sa bilang ng namatay, malayong-malayo ang pedring sa ondoy.
kung ito ang sukatan, e di maganda.
nakapaghanda na nga.

howell.
habang isinusulat ko ito, umuulan sa labas.
isang bagyo na naman ang dumaan.
hay kay daming winasak na tahanan...

hindi naman siya si tukso.

Monday, September 5, 2011

magkano ba si happiness?

magkano nga ba si happiness?

piso?
sampung bilyon?
isang daan at animnapung piso at bente singko sentimo?

hindi raw nabibili ang kaligayahan. well sabi ko nga sa fb status ko the great things in life are free and the greatest are.. well expensive. truly, money can't buy happiness. :p

naniwala rin ako na hinding-hindi mabibili ang kaligayahan.

pero noon iyon. naniwala ako na hindi mabibili ang kaligayahan. oo totoo pa rin naman na the best things in life are still free pero minsan the bestest are expensive. haha. sa mundo na puno ng commodity, pati ang kaligayahan nagiging produkto na rin.

ang pera papel lang daw yan.
sige nga sulatan mo ko gamit ang pera tapos ipadala mo sa akin. i'm very glad to read your letter. hehe. pero aminin man natin o hindi, pinapaikot tayo nito.

pero syempre nasa atin iyon kung paano nating gagamitin ito para sa tunay nating ikaliligaya.

nabibili na rin pala ang kaligayahan ngayon.
magkano nga ba ito?

sa pulubi mura lang.
ang piso at limang piso ay malaking halaga na para pumukaw sa kaniyang nagugutom na sikmura.

sa estudyanteng walang pangtuition, libo-libo.
depende sa pinapasukang paaralan.

sa misis na nais dugtungan ang buhay ng naghihingalong si mister, ito medyo mahal, siguro aabot ng milyon. gayon din sa inang nais iluwal ang anak na nanganganib na hindi makita ang mundo at sa lalaking walang hinangad kung hindi matupad ang dream wedding ng babaeng pinakamamahal.

iba ang dulot ng unang sweldo sa iyong unang trabaho mas lalo na sa iyong mga magulang na unang pinagabutan mo nito.

sa kaibigang nangungutang at nangangailangan ng tulong, paniguradong saya at kapanatagan ang loob ang maitutulong ng ilang ube o asul (basta ba kamo magbayad siya or else kaligayahan mo naman ang mawawala. nyahaha).

ang perang pinaghirapan, talaga namang nakakapagbigay ng ngiti at seguridad. isang gumuguhit na fulfillment na talaga namang magpapatumbling sa iyong puso.

hay taon-taon o araw-araw nag-iiba ang price tag ni happiness. sumasabay yata sa inflation, pagbagsak ng piso laban sa dolyar o sa paglalaro ng mga stocks. gulatan. grabe rin ang ekonomiya ni happiness no? erratic at tunay na mapaglaro. minsan magugulat ka ang mura-mura at kung makabargain at maka-buy one take one panalo pero kung makapagtaas naman ng presyo daig pa ang bombay!

hay naku kaya simula ngayon, kasama na ang kaligayahan sa aking pag-iipunan.



Tuesday, August 9, 2011

catholic school baby


  1. alam mo ang meaning ng A.C.T.S.
  2. kabisado mo ang apostle’s creed at hail holy queen at alam mong magrosary.
  3. naranasan mong magabot ng thank you, sorry at i want to be your friend letter sa isang recollection or retreat.
  4. santo ang section mo or good deed.
  5. alam mo ang pagkakaiba ng joyful, sorrowful, glorious mysteries at ang bagong mystery of light.
  6. masaya ka dahil cancelled ang klase dahil sa misa.
  7. nagdadasal kayo bago ang start at after din ng class.
  8. may subject kang christian living noong grade school. 
  9. may krus kayo sa noo tuwing ash wednesday at magsisimulang magbabago ang menu ng canteen. from chicken and pork to fish.
  10. may ghost story sa school niyo na pari or madre ang nagmumulto.
  11. may chapel sa school niyo.
  12. ang medyas dapat puti at dapat below the knee ang palda ng mga babae.
  13. takot ka sa confession sa pari at kadalasan di mo sinasabi ang lahat.
  14. may bonus ka kapag sumali ka sa offertory. 
  15. ang name ng school mo may kakabit na santo.

heto ang effect kapag mula grade school hanggang college nasa catholic school ka. 

Wednesday, July 20, 2011

asa ka pa

asa ka pa.



sa isang maliwanag na kuwarto ginagala mo ang iyong mata.
nagtama ang inyong mga paningin.
ngumiti siya sayo.
kinilig ka at napangiti ka naman.
wala ka nang naririnig, sa kaniya na umikot ang iyong mundo…
palapit siya sayo pakshet! god anong gagawin mo?
inabot niya ang isang notebook.


guy: pakisulat naman ang number… 
ikaw: sure.


buong ngiti kang sumulat sa notebook at pwede ka nang mamatay. 
***
ano ba ang totoo te?
guy: guys, pakisulat naman ang numbers niyo.
ikaw: sure.


sinulat mo ang iyong number sa notebook kasunod ng ilang mga numbers na nauna pa sayo.  
mas aasa ka pa ba?

tensiyonado ang silid.
nagpapalitan kayo ng mga walang kasiguraduhang tingin,
hinahapuhap ang mga sagot sa mata.
walang makita.
single siya.
kahit kailan hindi siya nagkanobyo.
ikaw din naman.
kahit kailan hindi ka pa nagkaboypren.
dahil doon, nakantiyawan siya.
manligaw daw siya.
nagtawanan ang lahat.
ikaw daw ang ligawan para maranasan nyang mabasted.
tinanong ka, babastedin mo ba siya?
tumango ka.
buong puso mong sinabing oo. babastedin mo rin siya.
hindi dahil yun ang totoo.
dahil sa utak mo naglalaro ang tunay na sagot…
hindi mo siya babastedin.
kasi natutuwa kang makita siya sa klase niyo.
kasi ano…
ah basta. 
pero sinagot mo pa rin oo, kasi babae siya.
kahit kailan, hindi pwedeng magkatuluyan ang babae at bakla. 

guess who's back?

ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in.  birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...