pag-ibig ko sa'yo tunay at totoo
singtamis ng wine, singtatag ng sunshine
tunghayan mo sana ang aking pagsinta
langit ng puso ko, oh ang pag-ibig mo, sinta...
wala kang ibang gusto kung hindi ang paglingon niya sa'yo. ang kaniyang sulyap,
wag naman sana niyang ipagdamot.
kasi kahit yun lang sapat na sa'yo.
nanalangin ka,
"sana tumingin siya... sana tumingin siya.."
paulit-ulit, naging himig na ng iyong bibig...
napaniwala mo na rin ang langit.
habang nasa sulok ka ng opisina, nagulat ka na lang nilapitan ka niya.
oh em gee. para kang teenager na kinilig pero ayaw mong ipakita sa kaniya.
but no, kinulong ka sa kaniyang matitipunong bisig.
"nakita ko kung paano mo ako tignan... malagkit... mainit... puno ng pagnanasa..."
hinalikan ka niya ng buong giting.
umawit ang mga anghel sa ulap.
nananaginip ng gising nakatulala sa hangin
nagsusumidhing damdamin, kahit halik lang ang akin
nababaliw ako sa'yo, bawat silakbo ng puso ko
sa isang sulok na lang, umiibig sa'yo sinta..
ilang beses kang nag-ilusyon na mangyari ang tagpong iyon.
hahalikan ka rin niya. mangangako rin siya sa'yo ng mga pagsungkit ng araw, bituin at tala...
ililigtas ka rin sa iyong boring na routine life... but no.
may kahalikan siyang iba sa sulok ng opisinang
minsang inisip mong ikaw ang kaliptulelak niya.
ayoko sana
na ikaw ay mawawala
mawawasak lamang ang aking mundo
ngunit anong magagawa
kung talagang ayaw mo na
sino ba naman ako para pigilin ka..
akala mo iniimagine ka rin niya.
akala mo inaasam ka rin niya.
akala mo... akala mo....
maraming namamatay sa maling akala te...
nasasaktan ako, oh baby
sa tuwing nakikita ka
naninibugho ako, oh baby
pag may kasama kang iba
pagkat ikaw ang tanging laman
ng aking mundo, ng aking puso, ng aking buhay
ang halik mo
nami-miss ko
ang halik mo
nami-miss ko
bakit iniwan mo ako?
ilusyunada ka kasi.
***
katulad ni ilusyunada siguro unwittingly naging bahagi ng theme song ng masalimuot mong love life ang kanta ng aegis hano? well kung hindi naman siguro kinanta mo na ang isa sa mga kanta nila sa videoke habang lasing ka or sadyang trip mo lang basagin ang vocal cords mo.
relatable. yan din siguro ang magic ng aegis, as they cut across social classes dahil mula sa tindera sa palengke hanggang sa executive sa makati alam kahit isa sa mga kanta nila.
kaya hindi na rin siguro nakakagulat na maisipan ng philippine educational theater association (peta) na gumawa ng musical na hango sa mga kanta ng bandang aegis. pak!
dahil dyan naisipan namin ng mga kaibigan ko na mag-showbuying venture for the first time dahil naniniwala kami sa ganda ng project na ito. hehe
kaya naman ngayong MARCH 2 inaanyayahan kayo ng stockroom productions na manood ng peta's RAK OF AEGIS.
tungkol ito sa promodizer na si aileen na nais i-ahon ang kaniyang pamilya sa hirap at literal na i-ahon sa binabahang subdivision na villa venizia sa pamamagitan ng pagiging youtube sensation!
it's a story about resiliency in fulfilling your dreams amidst life challenges gaya na lamang ng mga passionate na kanta ng aegis.
interesting hindi ba? haha.
sample ba kamo?
kuha yan noong press preview care of arpee lazaro's youtube page.
bet mong manood? magkano ang ticket?
bet mong manood? magkano ang ticket?
balcony - P600
orchestra sides - P800
orchestra center - P1000
vip - P1200
save the date: MARCH 2, 2014, 8:00 PM
sa PETA Theater Center, No.5 Eymard Drive, New Manila 1112, Philippines!
likod ng qc sports center sa may e. rod.
for ticket reservations/purchase or for more details and chikahan you can text us sa mga numbers na nasa itaas. i handle the smart number so kung may love woes kayo pwede rin kayong humingi ng advice. charot. haha as if may maibibigay ako. lol
meron din kaming promo discount for the barkada (for the balcony seats)! ayos na ayos di ba? you can check out and like our official fb page for more details:
if tamad kayong makipag-meet up para sa pag-order ng tickets or sadyang tamad lang, pwedeng pwede kayong bumili ng ticket online sa:
pero click the MARCH 2 na date kasi nga kami ng mga kaibigan ko ang bumili ng show na yun so support us please?! haha
rakrakan na! :p
