Showing posts with label aklat at bolpen. Show all posts
Showing posts with label aklat at bolpen. Show all posts

Thursday, July 12, 2012

takipsilim, larong gutom at mga limampung kakulay ni grey

takipsilim.
larong gutom. 
limampung kakulay ni grey.

yan ang literal translation ng twilight, hunger games at 50 shades of grey.

hindi naman siguro kaila na ang mga international bestsellers na yan ay natranslate na sa iba't-ibang language sa mundo. im sure may japanese, german, french or russian versions ang mga yan. kaya naman this time, inilaban ng precious hearts pages ang publisher ng mga sikat na filipino romance novels ang translate ang mga ito sa filipino! 

guess what? nauna nang managalog sina bella swan at edward cullen dahil nung may lang ay napublish na ang filipino version ng twilight na itrinanslate ni armine rhea mendoza. 

takipsilim ni stephenie meyer
nakatutuwa hindi ba? sabi siguro ng karamihan, bakit pa? e sanay at nakakaintindi naman tayo ng ingles so bakit pa kailangang itranslate ang mga ito? well well ang tunay pong karamihan ay ang mga masa na hindi gahanong bihasa sa ingles. so please lang sa mga feelingerong sosyal diyan na porke nakakaintindi at nakakapagsalita ng english e paistar na.. move over dahil soon enough, sina katniss, peeta, christian at anastasia magiging fluent na rin sa filipino. 

hunger games trilogy in filipino. soon!

50 shades of grey in tagalog, soon!


masasabi kong tagumpay ito ng lengwaheng filipino dahil makakatulong itong mapush na magbasa ang mga bagets lalo na sa rural areas. bukod sa mas maiintindihan ito ng karamihan, syempre mas mura at abot kaya ang libro! pak. can't wait sa hunger games! hehe iba rin naman ang experience kung binasa mo ito sa filipino. may ibang ganap. hindi ko pa nababasa ang 50 shades of grey at i've heard erotica raw ito kaya interesting kung paano ito itratranslate sa filipino. hihi

anyway highway magandang step ito para mas mapalaganap pa ang ating lengwahe at siguro someday hindi na lang mga bestsellers ang itranslate nila, pati mga classics at literary gems na rin para win na win at makarelate ang mga pinoy sa akda nina shakespeare, garcia marquez atbp. siguro kung makakatulong din ito para magbasa ang mga pinoy ng mga akda ng mga filipino authors na kung hindi man pumapantay ay nakahihigit din naman ang talento sa pagsusulat sa kanilang foreign counter parts.

imagine, nakapila ang mga tao sa bookstores para bumili ng libro at take note all walks of life ha? hindi na lang yung may kaya at makikiri pati mga masa nakikipila na rin at makakarelate na sa usapan patungkol sa kung anumang worldwide bestseller yan. this is not about nakikiuso or what, this is about the state of reading in our country. 

oa naman kung maghahanap pa ako ng statistics sa net no? ano thesis paper lang te? hehe obvious naman siguro na kaunti lang ang nagbabasa ng libro sa mga pilipino. feeling ko makakatulong naman ang ginagawa ng PHR na pagtratranslate ng best sellers para maengganyo silang magbasa. kasi naman kung hindi tabloid sa videoke lang siguro nagagamit ang reading comprehension skills ng karamihan. chos. 

anyway highway masyado akong naexcite. dapat magbabasa ako ng readings sa school but no, nagblog ako ng walang kalaban laban. howell filipino pride i guess at tutal next week naman buwan ng wika! kaya this is it, advance buwan ng wika post na humihirang sa ating pinakamamahal na salitang filipino! mabuhay ang wikang pambansa!



Tuesday, August 9, 2011

catholic school baby


  1. alam mo ang meaning ng A.C.T.S.
  2. kabisado mo ang apostle’s creed at hail holy queen at alam mong magrosary.
  3. naranasan mong magabot ng thank you, sorry at i want to be your friend letter sa isang recollection or retreat.
  4. santo ang section mo or good deed.
  5. alam mo ang pagkakaiba ng joyful, sorrowful, glorious mysteries at ang bagong mystery of light.
  6. masaya ka dahil cancelled ang klase dahil sa misa.
  7. nagdadasal kayo bago ang start at after din ng class.
  8. may subject kang christian living noong grade school. 
  9. may krus kayo sa noo tuwing ash wednesday at magsisimulang magbabago ang menu ng canteen. from chicken and pork to fish.
  10. may ghost story sa school niyo na pari or madre ang nagmumulto.
  11. may chapel sa school niyo.
  12. ang medyas dapat puti at dapat below the knee ang palda ng mga babae.
  13. takot ka sa confession sa pari at kadalasan di mo sinasabi ang lahat.
  14. may bonus ka kapag sumali ka sa offertory. 
  15. ang name ng school mo may kakabit na santo.

heto ang effect kapag mula grade school hanggang college nasa catholic school ka. 

Wednesday, June 29, 2011

supot ka pa no?

finally nagsimula na ang aking first MA class bilang natatapat lagi na holiday tuwing monday. so ngayong monday this week lang kami nakapagklase.

mga tauhan:

isang magaling na nobelista bilang aming propesor.
isang pari na isa sa aking tatlo lang na kaklase.
isang babae, ang rose among the thorns.
isang propesor ng kolehiyo.
at isang mayumi, dalisay at tunay na busilak na nilalang. (hint, ako yun)

chors. in fairness interesting ang aming mix hano? fun naman ang first day though kailangan kong makinig ng mabuti kasi nga dahil matanda na si sir, medyo mahina na siyang magsalita. nagkaroon ng on-the-spot na tanungan halimbawa kung anong topic ang nais isulat... ako ang unang tinanong at dahil dalisay ako, busilak at mayuming tunay ang sinagot ko ay...

ang TULI.


yes. eh bakit? haha pero seryoso fascinated kasi ako sa kapangyarihan ng tuli sa ating lipunan. kapag hindi ka tuli, alam mong may stigma ka.

so dahil doon umikot tuloy ang usapan sa well.. sa ano pa ba... sa bagay na tinutuli. hihi. personally, kebs lang pero parang may awkward moment dahil nga may babae at may pari sa klase. haha pero maganda naman ang mga insights na nabatuhan.

mula sa mata ng relihiyon, ibinahagi ni father na noong unang panahon nirequire na kailangang matuli lahat ng mga katoliko or else hindi sila magiging tunay na kristiyano pero of course dahil lang iyon sa pulitika ng mga relihiyon noon na may kinalaman sa pagiging hudyo and all.

tas syempre nagalugad din ang punto ng syensiya na mas hygenic daw ang supot at mas masarap daw sa sex... shet naalarma ako for father. chos lang. and then ang sumunod ay ang mga pamahiin na sa probinsiya daw ni sir, kapag hindi raw tuli ang ama, ang mga magiging anak ay mutain. funny.

ayun.

so doon iikot ang assignment ko for next week. though pwede naman daw baguhin. well i think i will stick with it. shet tumatambling ako ngayon balancing school and work, sana totoo na lang yung time turner ni hermione para ako na ang best in multi-tasking.

anyway imagine kung ano kaya ang distress na maibibigay sa taong supot lalo na sa isang society na kinahihiya ang pagkasupot? parang hindi niya maexercise ang power ng kaniyang phallus. or the other way around? na siya pala ang pinakamakapangyarihan? ang sinasamba dahil sa sarap na kaya niyang ibigay sa mga dalaga (at binata. chos) sa kanilang nayon?

***

howell, naalala ko lang noong bata ako na sobrang big deal kapag hindi ka pa tuli bago mag-grade 5 at kapag maaga kang tinuli ang yabang yabang mo na. pakiramdam mo ang tapang tapang mo na dahil nakaya mong harapin yun sa kabila ng pagpalahaw ng ibang bata. feeling mo tatangkad ka na at magbibinata.. well in my case, nagdalaga ako. chos. right of passage ika nga nila, coming of age at tunay na lalaki ka na raw kapag tuli ka na.

tinuli ako bakasyon bago mag grade 5. kailangang langgasin kung ayaw mangamatis. haha thanks to dahon ng bayabas. pero ang pinakamemorable noon habang tinutuli ako ng doktor sinasabi niya na dapat sa girls daw ginagamit ang pototoy at hindi sa boys. eh ang dami pala niyang alam e. chos. haha syempre hindi sa lahat ng bagay susunod ka sa mga doktor di ba?

Wednesday, June 22, 2011

titser, may i go out?

desk ko nung persday

bagong mundo.
bagong mga mukha.
bagong simulain.

mula nursery hanggang college namulat ako sa paaralang de uniporme, nagdadasal bago magsimula ang klase at block section. masasabi kong elementary to college education talagang laking catholic school ako. kaya naman excited ako sa aking MA. kumbaga, lalabas na ako sa kumbento at haharap sa panibago kong mundo.

first day of class, excited ako at feel na feel back to college dahil kailangan kong kumuha ng undergrad subject e so ang mga kaklase ko mga bagets talaga. ayun sa unang araw ng klase, walang prof. haha laos. so nagstart talaga ang klase ko friday na pero ang inaasahan kong babaeng prof iba pala, dahil lalaki ang nakaupo sa teacher's table na kinagulat ko naman.

actually maaga pa si sir sa 10 am na sched namin sa class. akalain mong nagdidiscuss na siya. so pagkaupo ko may i tanong agad. kung dapat ko raw alamin kung sino ang mga national artists sa literature sa UP, san daw dapat ako magtatanong... so ako: sa NCCA? san daw dun? sabi ko sa department na nagagawad ng award... sino raw kakausapin ko run, janitor? sabi ko chairman, eh malay daw ba ng chair dun. sa UP nga raw... er so i think he starts to become impatient na. i feel so bobo. hahaha pakshet... so sabi ko sa department of filipino? pwede raw kaso filipino lang daw yun.. so nagbigay siya ng ilang samples... so ito ang highlight ng q and a portion na yun...

prof: so saan ka nga magtatanong?
ako: (medyo nastrestress nako. haha) er sa may alam?
prof: (mas nastress siya. haha) ay ang talino ng studyanteng ito!

haha. eh well ang hinahanap lang niyang sagot ay UP Creative Writing Center... okay fine ang dali lang sana ng sagot. hello? common sense lang sana. haha pero dahil dayo palang ako sa unibersidad aba malay ko ba. haha. so much for first impression di ba? haha

well terror si prof pero okay lang naman kasi magaling naman siya at dama kong marami akong matututunan sa kaniya kaya excited ako.

namiss kong magkaassignment.
namiss kong gumising ng maaga.
namiss kong mangarag dahil sa school.

well bukas ng umaga papasok ulit. at dapat tulog na ko ngayon. haha
pero grabe minsan ang switch mode ng utak ko, biglang magwawander sa school stuff.. tapos sa work.. tas sa porn. chos. haha basta  naguumpisa na siyang mahati hati.

haist. ang excited na akong pasukan yung MA class ko, hindi pa kasi kami nagkaklase run kasi natatapat na walang pasok ng lunes. well next week magsisimula na kami, can't wait to meet my classmates. shet, this is it, unti-unti ko nang nararanasan ang panibago ko na ng mundo.

since panibagong mundo... baka dito naman ako magkalablayp? haha naisingit talaga e no... howell sana mapaninidigan ko at hindi ako magtitser titser may i go out forever.

Monday, June 13, 2011

a tale of two universities

natatakot ako ngayon.
natatatakot ako sa panibagong mundong papasukin ko.
actually hindi ako natatakot sa bagong mundo, ang kinatatakot ko lang baka hindi ko ito mapanindigan. alam ko kasing hectic at erratic ang sched ng aking trabaho at hindi biro ang desisyong ito na magsingit pa ng isang bato sa mundong naguumpugan na nga ang mga bato.

pero i just did a big decision. 
matagal ko nang pangarap ito... 
at ito na yun, i just hope right ang timing. 



alam kong hindi biro ang maging isang working student. 

***
naaalala ko noong grade school kapag tinatanong ako kung saan ako mag-aaral ng college, sinasagot ko na gusto ko sa UP. then high school came, tatllo sa mga kinuhanan kong college exam (UST at ateneo), isa roon ang UP.

to make the story short, hindi ako pumasa sa diliman. sa baguio pasok ang quota ng upcat grade ko pero dahil pumasa na ako sa UST at naniniwala ako sa huwag nang ipilit kung hindi ka naman talaga pumasa, sa UST ako nagcollege at hindi ko naman ito pinagsisisihan. i fell in love with UST unang tapak ko palang dito noong nagentrance exam ako kaya i think we are meant to be. 

june 10, isang araw na kung saan magkrukrus ang landas ng aking nakaraan at hinaharap. natanggap ako sa MA ng UP at sa araw na nabanggit ako itinakdang magenrol. habang binabagtas ko ang school, hindi ko mapilitang alalahanin noong mga panahong pinangarap kong mag-aral doon. tapos hindi lang ako makapaniwala na nakapila na ako kasama ang mga estudyante para magenrol. totoo ba ito? siguro nakangiti ngayon ang aking grade school self, sino nga ba ang magaakalang matutupad pa ever ang kaniyang pangarap na makapagaral sa pinangarap niyang paaralan?

paid. matatawag na nga akong UP student, iskolar ng bayan, isko, iska... ang weird lang. totoo na nga, pinagmamasdan ko na ang aking form 5, hindi na ito panaginip. pero dahil wala akong original transcript, kailangan kong magbalik sa UST.

...ang aking UST.


bumalik ako sa unibersidad na minahal ko at patuloy na minamahal. nalungkot ako sa totoo lang. wala. parang may pakiramdam kasi na para na akong nagpapaalam. may bigat sa mga yabag ko noong magaapply na ako ng transcript. tinanong kung para saan... para sa grad school.... para sa isa pang university... para sa panibago ko nang mundo... it's surreal, it's overwhelming because in just a day, parang nagcross ang aking past at future.

yeah. my past. and my future. 
big words and big worlds. 

this is the part where dream and fear collide.

hmmm. 

heto na nga.

wala nang atrasan to. 
nawa'y handa na ang isko na tomasino.

Thursday, June 19, 2008

habulin mo ako


yellow wire: girl ayan na siya! takbooo!
red wire: bekla finafly away aketch...

noong first year high school ang section namin parang naging tapunan ng bading. anim na bading ata kami nun at may isang ayaw pang umamin (na pero noong college nabalitaan ko na lang si bakla nagcrocross dress na at long hair na. talbog pa ako.haha) at hindi pa kasama ang mga babaeng bakla ha? so syempre dahil spice girls sinu-sino pa ba ang magbobonding eh di kami-kami rin. dahil masaya sa room kabonding din namin mga guys sa room. ahihi.

recess ng tanghali ang hatest naming time. (not really. haha.)

kasi sa time na ito dahil kakalunch lang at nagrecess na ng umaga wala ng magawa ang mga tao. so ang mga boys may naisip na laro. titipunin ang lahat ng mga bekla sa room tapos magbibilang sila ng one to three...

1...

2...

3...

takbo mga girls!!!!!

papatakbuhin nila kami or pagtataguin. haha. tapos after nun tatakbo na sila to catch us. and guess what ang gagawin nila? eh di gagahasain! haha. oo yeah tama. may mga yakap, halik at hubaran (chos siyempre sa hubaran at halik. how i wish. haha. chos. basta ayokong sabihin ang details.) basta harassing. as in. nakakabaliw. feeling ko nga ako si carmela vizconde noon eh. takbo talaga ako. well may mga moment na nahuhuli ako at nagpapahuli - chos. nahuli ako sa may veranda ng school. eh cornered na ako. ganito eksena...

ako: (hingal na)tama na... (deep inside gustung-gusto. chos. aba sa kakatakbo bago pa ang eksena pagod na pagod na ako.)
guy friend 1: hindi pwede ibuka mo na. (or something like that)
ako: gago... (tawa pa ko. hihi)
ay si guy friend 2 hinawakan ang aking mga kamay. kunyari magpupumiglas ako. charot. haha. shet ang virginity ko...
techer: ano iyan?
tawanan kaming tatlo. ang nasa isip ko nun punyeta dumating pa kasi. chos. hehe. nakatakbo akong muli.

si friend ang nakakaloka kasi noong nahuli siya ginang bang! hahaha. kasi naman hiniga siya sa teacher's table tapos "minolestiya" siya roon. talbog ang scene ni claudine baretto noong nirereyp siya sa calvento files at tinapon sa balon! ahaha. tapos si bakla namolestiya rin siya sa corner kung saan nagtago pa siya sa kurtina! ang gaga hindi ba niya alam na see through iyon? (or baka sinadya para makita siya. bwahaha)

syempre hindi lang puro gahasaan ang nagaganap may mga batuhan na ng chalk eraser at basahan tapos buong section na kasali. haha so childish. kaya pagnagbell na boog papasok kaming may mga white marks sa pants or sa palda. haha. namiss ko naman iyon. eh dahil star kid ako noon by second year nasa first section na ako. galing ko naman no? hehe.

so that was our afternoon recess. hindi ba ang sarap ng laro namin? ang sarap maging taya. hehe.

Saturday, March 8, 2008

ambisyon ng ambisyosa


doctor. nurse. teacher. astronaut. pulis. abogado.

iyan siguro madalas sabihin ng isang bata kapag tinanong siya kung ano gusto niyang maging kapag laki niya. ako isa riyan ang mga sagot ko. pulis. akalain mo iyon? at hindi ko maimagine kung bakit ko naisip iyon. haha. pero nang lumaon naiba-iba na rin ang mga sinusulat ko sa mga sanaysay na may theme na ano na ako after 10 years at iba na rin ang sinasagot sa mga autograph sa tanong na ambition.

pinangarap kong maging computer engineer noong bandang elementary kahit na hindi ko alam kung anong ginagawa ng computer engineer. basta mukhang masaya kasi may computer tapos may engineer. hehe. hanggang sa noong high school na ang gusto kong maging ay isang journalist. nadala naman iyon hanggang college hanggang sa nagsanga-sanga na. so ano ang gusto kong maging paglaki ko?

i wanna be a writer

i love writing. i breathe words and i doodle my imagination. batsa gusto kong magsulat maging isang fictionist or scriptwriter, makasulat ng next hottest pinoy soap opera na sisikat din sa malaysia at magkakahollywood remake.gusto kong isulat ang susunod na pelikulang pipilahan sa takilya at paparangalan sa famas. gusto ko ring makita ang aking unang libro na nasa bookstore na binabasa kahit no private reading. masaya rin sigurong makilala ang mga karakter na aking ginawa at makitang buhay sa isang entablado. basta. gusto kong maging manunulat.

i want to be the next i-witness documentarist

howie severino. kara david. jay taruc. sandra aguinaldo. kalansay collector. ang taray hindi ba? hehe. pangarap kong maging isang dolumentarista na babago sa mga kuwentong nakikita sa telebisyon. gusto kong ilahad ang mga bagay-bagay na hindi pinaguusapan at mas tuklasin pa ang mga misteryo ng buhay. i want to make a difference. naks.

i want to be a field reporter

tumatakbo-takbo habang may barilan o giyera. hinahabol ang politikong ito, ang suspect na iyan o ang vip na iyon. gusto ko mga umaatikabong takbuhan, habulan. excitement kumbaga. gusto ko andun ako sa mismong kaganapan hinahatid ang nagbabagang balita. oh hindi ba? bonggang-bongga iyon. kaso good luck kailangan brusko at macho ang dating baka kasi ilagay ako sa star patrol o chikka minute.

bakit hindi? ngayong paalis na ako sa apat na sulok ng kolehiyo dapat ko na sigurong isipin kung ano ang daang dapat kong tahakin. basta sana matupad ko ang aking mga pangarap. sa totoo lang marami pa. mahirap naman kasi kung iisa-isahin ko pa at baka magmukha na itong classified ads well siguro hindi ko hahayaang maglaho ang mga pangarap na ito. hawak-hawak ko lang sila, uso naman namang mangarap hindi ba? nasa atin na lang iyon kung hahayaan natin maging hanggang pangarap na lang ang lahat. minsan masarap ding maging ambisyosa di ba?

Monday, March 3, 2008

labing-pitong taon

amoy na amoy ko na ang diploma. heto na kasi ang last school day ko literally. well imbis na nasa classroom ako nandito ako sa library nagbloblog at siguro ililitanya ang aking 17 taong pag-aaral mula nursery hanggang ngayong fourth year college. wala lang. akalain mong 17 years na ang lumipas at ito na ang huling marso ko bilang estudyante. for seventeen years nasanay akong maexcite sa tuwing sasapit ang summer vacation pero ngayon iba na ang lahat. iba na ang summer wala na siyang vacation kasi vacancy na ang habol ko ngayon. sana makahanap ako ng trabahong gusto ko.

17 years of academic journey

pre-school in twinkle toes

nung nursery at kinder ako sa isang parang day care center ako sa bignay st. sa may quezon city ako nag-aral. twinkle toes ang pangalan ng school namin. ang cute noh? ahihi. iilang class lang ang meron noong 2 ata isang am at isang pm mula nursery hanggang prep. masaya kasi more more games noon at naalala ko pa noon na may activity na meron kaming guhit sa mukha para mukha kaming pusa. well hindi ko na maalala. noong prep lumipat kami ng cabanatuan city kasi doon na nadistino si mama sa work kaya ayun. ang section ko noon ay st. rita at si mam oanes ang adviser namin.

elementary in cic

sa college of the immaculate conception ako naggrade school(nagprep din) upto high school. siya ang first ever catholic school sa nueva ecija. taray di ba? hehe shet sa autograph coke-in-can ang nilalagay namin sa school kasi nga cic. cool di ba? hehe

grade 1-st.agatha ako si mam medina ang adviser at sibika ang kaniyang subject na itinuturo. dapat st. rita ako nun first section kaso nag-attitude ako sabi ko kay mam dalacat ayokong umalis sa section na iyon. haha. iyakin din ako nung bata. ayan wala na tuloy akong maiiyak ngayon.
grade 2-st. isidore naman ako na ang adviser ay si mam de guzman with her science subject. may classmate ako noon na nagkacrush sa teacher namin na si mam balitayo na nagtuturo ng english. siya si paolo na binibigyan ng flower si mam. hehe. ako kaya bigyan niya ng flower. chos.

grade 3-st. vincent ako at hala nakalimutan ko adviser ko nung grade 3. haha

grade 4-st. john ako na si... er hala i forgot my adviser again. pasensiya bawal ang pork... bawal ang beans... haha si mam medina ulit naalala ko eh.

grade 5-st. jude ako. si mam balitayo ang adviser namin at language teacher siya. sakit ng ulo raw section namin ahaha. kiyeme nagmamaganda ako kasi top 3 ako sa klase eh. naalala ko na natapunan ng bubble gum yung classmate ko sa buhok. wahaha.

grade 6-st. justin naman ako. kami yata first na st. justin kasi kakagawa lang yata ng section na iyon noong year na iyon. si mam judy ang aming taga-payo teaching reading. ayun last year na sa elemtentary. sosyal kami kasi millenium batch kami eh.


high school sa cic pa rin

or we fondly call it ci
noong first year san agustin ang aking section. well ewan latak yata iyon ng mga late nagenrol. kasi naman hindi ko balak magaral sa school ulit namin. kaso bumagsak ako sa isang science high school. actually hindi ako bumagsak, tinanggal ako sa slot. ang pulitika nga naman doon oh! tsk. deadma lang. pero grabe ang section namin noon ang daming bading. nakakainis. haha. gay hub na yata kami noon. wahaha. kaya ayan naging in touch to the next level ang aking femininity. huling crush kong gurl dito na sa level na ito. yuck. akalain mo. kadire. ahehe. eh ariba ako noon kasi nagcommendable student ako. si mam dela vega ang adviser namin na the ang subject.

so dahil commendable student ako naging first section na ako noong second year, sta. clara naman ang aming section. masaya naman. deadma si sir galam sa aming klase na inaadvisan niya dapat. haha. commendable ulit ako! hehe.

third year paggalang kami the next year at syempre pers section ulit. ahihi. si mam hernandez ang adviser namin na pe ang itinuturo kaya kaloka pe ang first subject. mabaho ka na sa susunod na klase mo. hehe. nabengga ako sa commendable dahil sa letseng chemistry!

fourth year kapayapaan! ito pinakamasaya sa high school life ko. kumandidato ako sa high school student council bilang business manager at nagwagi ako. hehe. hindi na nga lang ako commendable ulit. basta uber saya ng aking fourth year.


college sa uste


1ca3.2ca2.3ca2 at 4ca2

ang aking block section. well naiba kasi akala namin ishushuffle kami noong second year eh section lang pala binago. hehe. naging classmate ko si mrs. j noong second year kasi natanggal siya sa section niya noong pers year. hehe. masaya ang aking college life. more more theater and bonding. basta wala akong pinagsisisihan. hindi pa ito ang goodbye post ko.... tumatakas lang ako sa mga kamushyhan... hehe.


hay i will miss school.

***

photo credits:
diploma
school is great

Sunday, February 17, 2008

love letter confession

wala akong mapost pa. anyway heto yung pinaworkshop kong isang upuang gawa ko sa isang writing workshop. kaya naman nabengga siya. haha.dahil diyan ito ang aking post-valentine gift. haha gumaganun?
***
LOVE LETTER

Mahal kong Mikaela,

Happy Valentines. Happy nga ba? Sad Valentines - ayan masaya ka na? Iyan ba talaga ang gusto mo? Ito na yata ang pinakamalamig na Valentines natin, hindi naman Pasko. Hinawakan ko ang iyong kamay ngunit tila tangan ko ang isang natutunaw na halo-halo sa tag-init. Dumampi ang aking mga labi sa mga halik mong parang naliligaw sa mga bulubundukin ng Baguio. Nasaan ka na ba Mikaela? Mika? Mga rosas na binigay ko sa iyo tinanggap mo nga pero iniwan mo naman sa akin ang mga tinik, dinamay mo pa ang mga tsoklateng nakalimutan na sila'y matamis. Mahal mo pa ba ako Mika? Mikaela? Sa pag-indayog ng aking katawan sa sayaw na alam na alam natin ay tila nakaligtaan mo ang mga kumpas. Ang aking mga maiinit na haplos sa balat mong mas malamig pa sa Paskong walang regalo ay naging hangin. Happy Valentines Mikaela ha? Nakalimutan mo yatang may kasintahan ka. Tumingin ka sa aking mga mata ng marinig ang aking tinig. Wala na ang mga dating tagos sa pusong titig. Wala na ang... mahal mo pa ba ako Mika ko? o Mika ka na ng iba? Hinintay ko ang iyong sagot ng pagkatagal-tagal. Ilang mga yabag na rin ang dumaan sa tapat ng ating pintuan. Ugong ng aircon ang nagsisilbing awit, sa apat na sulok ng kuwarto umaalingawngaw pa rin ang katahimikan. Nakabibingi. Nalaman ko ang sagot ng pumatak ang luha sa iyong kanang mata. Nakalimutan na ng puso mong tumibok para sa akin, ang makaramdam. Ang bolpen na pinansusulat ko ngayon ay inabot ko sa iyo. Itarak mo sa akin. Hayaan mong tumigil na rin ang pagtibok ng aking puso. Sulatan mo ako ng liham sa aking kaloob-looban. Isulat mo ang mga bagay na nagpatigil at nagpalamig sa nararamdaman mong pagmamahal. Babasahin iyon ng aking katawan o bulagin mo na lang kaya ako gamit ang bolpen na iyan tutal pinakita mo na sa akin ang kadiliman. Mikaela, Mika bakit hindi mo na ako mahal? Binalik mo ang bolpen sa akin. Ang sabi mo ay isaksak ko sa iyong mabuti at hayaang kumalat ang kulay gabing tinta sa puso mong hindi na marunong makaramdam. Hindi ko yata kaya iyon Mika. Ganoon kita kamahal. Ang tugon mo, isulat ko ang aking pagmamahal sa iyong mga lamang loob, ang mga salitang puno ng pagsamba, mga tula ng pag-ibig at mga bersong walang kasing tamis baka sakaling magbalik ang pagtinging napaso na ng panlalamig. Ang bilin mo pa'y idiin ang bawat titik sa balat mong naghihintay ng aking init. Hindi ko talaga kaya ngunit sabi mo, kung talagang mahal kita ay hindi ako magdadalawang isip. Ika'y nagtanong kung mahal ba kita. Kay tagal kong napipi. Ilang mga yabag ang dumaan sa tapat ng ating pintuan. Ang ugong ng aircon ang nagsilibing awit sa apat na sulok ng kuwartong kay tahimik. Sinimulan kong itarak ang bolpen sa iyong dibdib. Ako ang nakaramdam ng abot langit na sakit. Sa aking pagpikit ako'y naging manunulat, isang makatang walang alam kundi ang mga tulang walang laman. Sinulat ko naman ang mga matatamis nating ala-alam, ang tintang itim ay naging mapusyaw na pula. Tamang-tama sa araw ng mga puso Mika. Paano ko ba tatapusin ang paglalahad sa iyong kaloob-looban? Sa iyong kaliwang baga ko nilahad na ikaw ang aking hininga, sa iyong tiyan ko naman inukit na ikaw ang bumubusog sa aking gutom na buhay. Sa labi mo kinuwento ko ang akign matatamis na halik at sa iyong puso ko sinulat ang isang liham ng pag-ibig. Happy Valentines inukit ko sa iyong pisnging kagaya ng kay kupido, sa iyong dila aking inalay ang pangalan kong maaari mong tawagin kahit kailan. Sa iyong mga palad sinulat ko ang ating tadhana na tayo'y magsasama kahit kailan. Ang liham kong ito'y dumadaloy sa iyong makinis na likod. Mahal mo na ba ako ulit Mikaela? Isang katahimikan ang kasagutan at ako'y nagising sa isang umagang makulimlim. Nang tumigil ang iyong puso sa pagtibok para sa akin, isa na akong malamig na bangkay.

Nagmamahal,
Isaiah

***

isa sa mga bagay siguro na pinakamahirap gawin sa mundo ay ang mangumpisal. imagine, ilang guts at balls ang kailangan mo para lang umamin at harapin ang iyong ginawang kasalanan? hindi ba? ang hirap aminin ng isang bagay kapag alam mong ito'y kasalanan mo at alam na alam mong masama. at aminin naman natin hindi rin naman tayo nagiging honest sa mga confession with father. may mga lihim at kasalanan tayo na hindi natin magawang aminin. siguro sa takot sa stigma o sa kahaharaping consequences. pero well isang matapang na tao ang kayang humarap at umamin sa mga kasalanan kahit na alam niya na babatuhin siya ng mga tao ng bato.

sa pangungumpisal umiikot ang aming film finals. dito iibahin namin ang mukha ng katotohanan, bayani pa ba ang umaamin sa kasalanan? posible bang maging tama ang mali?

***

ilang dasal ang kayang magsalba sa iyong kasalanan?

handa ka na bang mangumpisal?

"KUMPISALAN"



sa pebrero 19-22, 2008, rizal conference hall, st. raymund's building, ust

kumpisalan show times:

pebrero 19- 10:20am - 11:40am
pebrero 20- 11:40am - 1:00pm
pebrero 21- 1:00pm - 2:20pm
pebrero 22- to be announced


When I tell wicked people they will die because of their sins, you must warn them to turn from their sinful ways so they won't be punished. If you refused, you are responsible for their death." Ezekiel 3 : 18

Saturday, February 9, 2008

kabilang ka ba sa 12%?

thesis defense.

halos lahat yata ng estudyante ay nagdaan sa prosesong ito na mapanginig laman at nagdadala ng walang patumanggang kabog sa puso. ibang kaba ang nararamdaman sa tuwing gigisahin na ang halos isang taon mong pinaghirapang pananaliksik.

hindi kami kasama dun.

siguro iilan lang ang kagaya ng grupo namin na kabilang sa mga hindi nakararanas magdefend ng thesis. ayon kasi sa sws survey, 12% college students lang sa pilipinas ang hindi nakakapagdefend ng thesis at kasama na kami sa datos na iyon. chos. imbento ko lang ang survey na iyan. anyway totoo na ito, sabi ng isang panel namin hindi na raw namin kailangang magdefend kasi nagdedefend na mag-isa ang thesis namin. nakakatakot. ewan kung negative iyon o positive pero siguro more on negative kasi marami rin kaming revision. well naligtas man kami sa scrutiny ng defense hindi naman kami ligtas sa two more weeks of thesis writing. hay. at least alam ko na gagawin ko sa valentines hindi ba? wala naman akong kadate eh. aba nasanay na kaya ako for 20 years na walang kadate. hehe.

***

nalalagas na ang mga araw ko bilang isang kolehiyala na ala cancer patient na may taning na sa buhay. naprepressure ako kasi dapat may trabaho ako after grad. pinepressure ko rin ang sarili ko na makuha ang trabahong gusto ko. well sana nga. kung wala man akong date sa susunod na valentines at least kadate ko ang sarili ko hindi ba? magiindulge ako sa aking pinaghirapang suweldo. masaya ring manood ng sine mag-isa. kung horror bawal ka nga lang sumigaw mag-isa at nakakahiya namang tumawang mag-isa habang nanonood ng comedy. parang text lang iyan kung wala ka namang kasama bakit mo babasahin ang text joke ng malakas hindi ba?

***

ewan ko ba. walang kuwenta ang post na ito. as in. ganito siguro feeling ng mga taong naloko na inakala noong first year ay magdedefend sa fourth year para sa thesis, hindi pala. apat na taong natakot at kinabahan. hindi naman pala mangyayari. ewan ko pero para sa akin okey lang na niloko ako. haha. kaysa naman sa hindi nga ako niloko, hindi naman ako handa sa magiging kasagutan.

Monday, January 14, 2008

bilugan ang tamang sagot

prelim week at may class ako ngayon. nagcut ako kasi tinatamad ko at dapat kasi walang pasok. ganoon kasi ang patakaran kapag exam week walang pasok dapat, eh ewan ko sa prof namin at nagpapasok dahil diyan hindi ako pumasok sa kaniya. mamayang last period na lang ako papasok.

quiz:
bilangin kung ilang beses ginamit ang salitang "pasok" sa itaas kahit sa anong paraan pa ginamit. exempted sa finals ang alam ang kaibahan ng violet sa indigo.

***

noong elementary ako medyo grade conscious ako nun. top three ako sa class namin noong grade six haha at hindi ako pumapayag na magkaline of 7 sa card. sobrang takot na takot akong bumagsak nun. yung tipong feeling ko iiyak ako kapag bumagsak ako kahit sa quiz lang. sobrang hindi rin ako nangongopya nun. at kung magreview ako, todo kasi naaalala ko pa may isang notebook akong nakalaan para sa reviewer lang. sinusulat ko mga dapat aralin tas ayun babasahin ko na. weird no? sinusulat ko pa ulit sa separate notebook. haha effort yun ha. patok naman. fave subject ko noong grade school ay science. naaalala ko tuloy si sir musni. pero hindi science tinuturo niya.

fill in the blanks:
mahilig akong _______ noong elementary pa ako. crush ko si ___________ noon at mahilig kaming _________ sa room 113. nahuli kaming ___________ ni ___________ doon at pinadala kami sa principal's office.

***

noong high school ako kinda palaaral pa rin ako pero napagsasabay ko ng mabuti sa social life. noong second year ako napunta sa first section ever. commendable student ako noong first year hanggang second year, o hindi ba hindi kapanipaniwala! haha. noong third year at fourth year natanggal ako sa commendable kasi nagkaroon ako ng grade below 83. pesteng chemistry, 82 lang ako at yung math noong fourth year na 82 din. grabe pinamukha pang tanggal na ako kasi isa na lang na point eh okey na hindi ba? haha. unti-unti akong natutong mangopya at magtanong sa katabi. naalala ko noon sa computer exam ata, lumabas yung proctor tapos ayun nagkagulo kami. at bumalik. nakita niya na kumpulan kami deadma na lang kasi naman kami na lang tao sa buong corridor at last exam na namin iyon. haha at naremember ko rin ang pamatay na teacher naming si mrs. maliwat sa filipino noong sophies kami! ang exam ba naman ay fill in the blanks ng florante at laura verses!!!! kaloka. syempre hindi pahuhuli si mam maningas sa history noong third year. alalang-alala ko pa ang statement na "pakanin sila ng keyk" ni mary antonette ata na naging dahilan ng pagsiklab ng french revolution. haha

multiple choice:
sino ang favorite late 90s love team mo?
a. juday santos at wowee de guzman
b. jolina magdangal at marvin agustin
c. aiza seguerra at spencer reyes
d. all of the above

***

ngayong college kapalan na ng mukha sa pangongopya ang mga tao. isa na ako roon paminsan kapag hopeless ang case. haha. nag-aaral naman ako kasi gusto ko namang maging worth it ang aking dean's lister moments. hehe. ang nakakatakot pa rin ay ang mangodigo. kaya solve na ako sa mga tanungan portion kaysa mangodigo. at buti't sa dalawang sem apat na beses ka lang mageexam unlike noong high school na 3 o'clock habit niyong magexam! every after kasi ng quarter may prelims! kaloka. at least ngayon pasweet na lang. mas madali pang mag-aral. sa pagdaan din kasi ng panahon nag-iba na ang aking study habbits. kung noong grade school ay talagang 48 years ang nilalaan ko para sa studying sa exams, noong high school ay dalawang dekada na lang, ngayong college ay 11 minutes na lang ang nilalaan ko. chos. mahilig na akong magcramming ngayon. minsan nag-aaral ako kapag nasa jeep na ako or the day before kaso may matching landian portion pa iyon haha. at naman buti na lang ngayong college wala ng written exams masyado(syempre sa course namin more more application)! kaso bugbog naman kami dahil nga more more shoot, conceptualization, papers at kung anek anek. dugo talaga. pero mas gusto na namin iyon kaysa makipag buno pa sa enumeration, identification, multiple choice, matching type at essay. hay akalain mo after ng prelims finals na... literally. huling examen bilang student. mamimiss ko naman ang magexam kahit papaano.

essay:
explain why victoria amarillo and ysabella cuenca will have a cooking showdown this week? ten points. (plus 50 points if you can bring chef mito in class)

***

good luck to me at start na nga ng kalbaryo ngayong prelim week. kaya ko ito. ilang exam na ba ang nakaharap ko hindi ba?

hay habang dinudugo na ang ilong mo sa exam, iba pa rin ang pakiramdam kapag pagtingin mo sa next item ay may malaking bonus na nakasulat.

corrected by:
kalansay collector

Wednesday, November 7, 2007

now open

libro ang simbolo ng pag-aaral.
at ngayon ang unang araw ng aming klase para sa ikalawang semestre. sushal. handa na ba ako sa pagbabalik ng stressful days? haha. good luck. at ito na rin pala ang huling unang araw ng klase na mararanasan ko. bittersweet ang thought na iyon. kaya ang school may now open sign na sa gate dahil nagbukas muli ang pintuan para sa mga nagbakasyong estudyante.
naaalala ko pa noong grade school, excited pumasok kasi nga malalaman mo ang mga bago mong classmates at kung sino ang magiging classmate mo pa rin. taun-taon kasing binabago ang mga magkakaklase noong gradeschool kami. unless maretain ka poreyber sa second at first section. well nasa lower section ako noon. noong high school lang ako lumevel up sa first section. haha. anyway excited din ako noon pumasok para magamit ang mga pinamiling crayola, jumbo pencil or bensha(heto yung magic pencil), long pad at syempre ang mga note book na at the end of the year ay laspag na. syempre ganado ring tumingin sa mga bagong aklat na pag tumagal ay kaiinisan dahil sa mga mathematical problem, science experiments at kung anu-anong drama. well syempre alam na siguro kung ano ang gagawin sa unang araw niyo sa language class (english namin ito, language lang ang tawag.haha)? essay, "what is your most memorable experience last summer?" lagi iyon.
noong mga first day of class noong high school, landian lang. pagandahan ng suot kasi loser ka kapag nakauniform ka ng first day. haha. ang exciting noon ay kung may nagbago ba sa classmate mo over the summer. well noong second year high nafirst section na ako, tapos poreyber na akong nandun kaya 3 taon kong naging kaklase ang mga tao. tapos chikahan galore sa unang araw. basta masaya ang first day noon. as in.
ngayon ang first day. well wala na ring gaanong magic ang unang araw. well iba kapag first semester kasi mas matagal kayong hindi nagkita ng mga friends mo. unlike kapag sa second sem na. kasi naman parang wala lang. ilang linggo lang kayong hindi nagkita. hmmm... basta okey naman sem break ko kasi nabigyan ko ng oras ang aking sarili. at ngayong pasukan, unti-unti na naman akong mawawalan ng oras para sa aking self. hay kaya paminsan-minsan i will find time to have time. haha redundant.
hay what is in store kaya? exciting din naman kasi panibagong adventures na naman ang naghihintay sa bawat araw. masaya yatang masurprise sa mga bagay-bagay hindi ba?
so paano? malapit ng magring ang bell?
assignment:
essay
1. what is your most memorable first day of class?
five-page essay, font size 8, arial narrow. tomorrow ang deadline.
***
bibliography:
photo

Tuesday, October 16, 2007

crossroad

im back! namiss mo ko? hehe. well so far so good naman ang aking vacation. tomorrow i'll be back in manila for our three-day event ng aking pinakamamahal na org. hay this is my last sem break! i don't know what to react. i mean enjoy ang feeling kapag alam mong may bakasyon hindi ba? looking forward ka sa mga magaganap. pero paano kung sa susunod ay wala ka ng matatawag na sem break?! nakakalungkot hindi ba?


actually im facing a crossroad right now.








nastruck kasi ako na after ng next sem ano na? syempre work.. pero sure ba ako na hindi ako mabibiktima ng kabalbalan ng pilipinas at hindi mapasama sa pataas ng pataas na percent ng mga unemployed pinoys? ano na ang gagawin ko? i wanna be a writer of film and tv, i want to be a field reporter, a host, isang magaling na documentarista ala kara david, novelist, copywriter, advertising practitioner... sa sobrang dami kong gustong gawin baka sa huli, ako pa ang mahirapang pumili. paano ko susundin ang puso ko kung lahat naman gusto ko... dito ko masasabing sana dalawa, tatlo limampu ang puso ko. ngar. hehe.

natatakot na ako. lalo na pag alam kong malapit na ang araw ng pagtatapos. pagtatapos... tapos na nga ang lahat umpisa naman ng mga pagbuo ng pangarap... paano na? ano na? mabubuo nga ba ang mga pangarap? hay maraming uncertainties sa future. ang labo pa kasi dahil ako mismo nahihirapang mamili ng isang daang tatahakin. hay. ang hirap ng maraming gusto. nakakatakot pa kaysa sa alam mong wala kang gusto kasi pag wala kang gusto wala ka namang pagpipilian, eh kapag maraming choices lalong mahahati ang puso mo sa pamimili...

hay. pero may limang buwan pa naman ako para mag-isip. sa limang buwan na iyon hahanapin ko ang tunay na daan na tatahakin ko pagkatapos kong makamit ang aking inasam-asam na diploma. alam ko na kaya ko iyon. matapos ng limang buwan, masasagot ko na kung saang daan ako liliko para marating ang nais kong puntahan. matapos ang limang buwan alam ko na ang sagot. pagkatapos ng limang buwan nakapagdesisyon na ako...

...sana

Wednesday, October 10, 2007

el viajero

finally ito na ang huling araw ng first sem! so meaning, parang heto na rin halos simula ng sembreak! yey! im so proud of myself. nalagpasan ko lahat lahat ng paghihirap ng unang semestre! iba ang feeling. sobrang fulfilled. hay. mamaya magpapasa na lang kami ng final requirement sa art app na isang walang kwentang subject. sayang. mahilig pa naman ako sa art. tsk. pero at least natapos na ang kalahating taon ng pagiging fourth year ko sa kolehiyo! shet. bukas magsisimula na ang aking huling sembreak. huhu. i just cant wait to go home! yehey homecoming! cant wait to ride that five star bus at kumain sa stop over na double happiness. masilayan ang kabukiran ng central luzon at madaanan ang mga kalsada ng bulacan at nueva ecija... muli akong babalik sa lugar na aking kinilalang tahanan.

i love travelling kung tutuusin. kung may sarili lang akong caru baka kung saan saan na ako nagpupunta. actually gala naman talaga ako eh. noong high school tambay ako ng mga bahay-bahay ng mga berks ko. ayaw ko kasi yung napipirmi sa bahay ng walang ginagawa. at mahilig din akong magsasama kung saan-saang out of town kay mama dati. ang pinakamagandang lugar kong napuntahan ay ang ilocos! sobrang ganda talaga. ang pinakmalayo ay bicol dahil nakipiyesta kami sa peñafrancia sa naga. ang saya-saya! kaya kahit yung pagbiyahe ko lang papunta sa school ay minsan ineenjoy ko na rin kahit na same tanawin lang naman ang nakikita. at ganun din pag umuuwi ako ng province. habang nagbibiyahe ka kasi doon ka nakakapagisip at nakakapagmuni-muni. masaya rin kung may kasama kang kachikahan sa bus o kung saan ka man nakasakay. kaya nga gusto ko ring maging travel lifestyle show host eh. hehe. ansaya sigurong lumibot sa mga lugar na kakaiba.

ang buhay ay laging kinukumpara sa biyahe. yeah, for me it's true. ang buhay natin ay isang mahabang joy ride! masarap makihitch sa mga tao at makisakay sa iba't-ibang kotse. minsan sumusunod tayo sa agos o minsan iba ang tinatahak natin sa mga crossroad na humaharap sa atin. pero tandaan lang na sa bawat pagsisimula ng biyahe sa terminal ay siguradong mararating din ang tamang destination.

kagaya na lamang ng buhay ko ngayon. nagsimula ako sa bumpy road noong first year college ako dahil nagaadjust pa ako sa mga bagay bagay pero now gamay ko na ang manibela. ayan nagkastopover muli sa aking college life dahil sa sembreak pero pagkatapos ng magandang stop over, tuloy na naman ako sa biyahe ko. hehe! beep beep!

p.s.
gusto kong matutong magdrive kahit wala naman akong kotse.

Thursday, October 4, 2007

tahi-tahing mga pangarap

isang linggo na lang sembreak na pero bago ang sarap isa munang umaatikabong paghihirap! grabe hindi pa rin matahimik ang aking isip sa mga tambak na gawain. kasalukuyan akong nagreresearch for my film paper... may pr plan pa kami at mamayang gabi ay overnight ako with my thesis mates na sina mrs. j at miles. hay i dunno what to do. sobrang excited na akong magsembreak! as in! hay finals week na next week buti't wala kaming mga written exams kabaliw nga lang kasi mas nakakapagod physically, emotionally at mentally ang mga ginagawa namin for finals sa aming mga asignatura...

buti na lang may blog para saluhin ako sa aking pagudan state. hehe. i have decided na baguhin na ang film paper ko... dapat kasi about pinoy horror eh wala akong maifocus na film kaya naghomosexuality na lang ako... kaya pusong mamon at aishite imasu ang mga napili kong film para sa aking film critique. kasi sa dalawang pelikulang nabanggit ay powerful ang portrayal sa mga bading. wala man silang super powers dun pero sila ang bida sa nasabing mga pelikula! kung baga hindi na lang binabatukbatukan sa pelikula ang mga bading at di na sinasabihan ng kung anu-anong foul words.

report naman namin mamaya sa marriage and family... tungkol sa gay marriage ang aming report at naman yung paper na nakita namin(thanks to mimi chu) ay sobrang pro-gay-marriage! na akong anti-gay marriage ay parang na-enlighten talaga! ang galing. yung part ko, argument from shared values at "what if everbody did that?".. naku may mga statement pa na ang homosexual nuptial daw ang tatapos sa kagutuman ng tao. kasi nga naman hindi manganganak ang mga ate mo so makokontrol ang overpopulation. hehe. pero kung nagmamahalan kayo masama nga bang ikasal kayo kahit na parehas kayo ng gender? sa totoo lang feeling ko dahil close kami ni god, sa mata niya basta nagmamahalan kayo ng tunay at wagas ay hindi niya kayo hahadlangan kahit ano pa ang inyong kasarian hindi ba? sinasabi sa bibliya ay hindi maaari di ba? pero mas matimbang ang feeling na pagmamahal hindi ba? kung napatawad ni god ang mga killer, murderer at rapist(sabi di ba kapag humingi ka ng tawad sa kaniya ay papatawarin ka niya), ang mga bading pa kaya na nagbibigay kulay ng buhay na walang kasalanan kundi magmahal lang ng lubusan? naks. ;p

at kapag kinasal ka na huwag kang magpakadesperate housewife! kaloka ang pangaalipusta ng show na desperate housewives sa mga filipino doctors... wala lang. ilang milyon ba nanonood ng show na iyon at marami pa namang mga pinoy ang fan ng show tapos bigla silang gaganunin? tsk tsk. i believe na isa sa mga pinakamagagaling na doktor ng mundo ang mga pilipino kaya please lang. hay huwag manyurak kung ayaw mayurakan...

sana naman makatagpo ako ng doctor na gagamot sa aking weird sadness na nararamdaman! haha. well kasi naman masyado akong napamahal sa play naming agnoia kaya hindi ako agad makamove on... pero feeling ko may iba pang dahilan and i dont know what is it -or alam ko kung ano yun pero niloloko ko lang sarili ko na hindi ko alam iyon? chos. ano nga ba? doctor doctor help me!

ayoko namang tahiin ang mga bagay-bagay no? okey lang iyon kaysa naman ang macensor dahil sa kung anu-ano ang pinagsususulat ko. haha pilit na pilit ang pagkakakonek, anyway yun ang topic ng thesis namin na binago na namin for the third time! ang censorship of schools sa mga student. yun ang balak naming gawan ng pag-aaral. aba bilang mga mag-aaral ng pakikipagtalastasan dapat ipaglaban namin ang kalayaan sa pamamahayag hindi ba? ahihi. so more more research pa...

cant wait for sembreak! what time is it? summer time! yiheee... magsaya mga friends dahil pahinga galore na!

Monday, September 24, 2007

nakakatakot na post

hay im back and actually i dont know what to write. basta i want to blog para maalis ang stress. may ganun? hehe. malapit na palang magpasko no? well iyong isa ko pang favorite happenings muna. ito ang halloween! well kahit na wala tayong trick-or-treat dito sa pinas, enjoy pa rin ang halloween lalo na sa mga taong mahilig sa horror kagaya ko.

hmm... ewan. sobrang hilig ko sa horror/suspense/thriller/fantasy basta sa supernatural! as in. simula pa nung bata ako talagang hindi na maawat pagkahilig ko sa mga bagay na hindi maipaliwanag. noong bagets pa ako, bumibili talaga ako ng mga horror komiks mula sa tapusang kuwento hanggang sa iba't-iba. hinihiram ko sa library namin mga horror/suspense/thriller/fantasy books like goosebumps, fear street at mga classic like dracula at frankenstein. tapos lagi akong nagkukuwento ng mga horror stories sa mga bagets kong pinsan, kaya naman minsang masundan sila ng itim na aso, aba naparanoid at nagsabog ng asin sa bahay... ngar. syempre medyo nabengga ako at iniimpluwensiyahan ko raw sila sa mga ganoong bagay. hindi kumpleto ang overnight sa akin kung walang horror stories dati! grabe. kahit paulit-ulit basta nakakatakot winner na! syempre sinusubaybayan ko ang magandang gabi bayan tuwing undas season! grabe, naalala ko umuwi pa talaga ako sa sementeryo ng mas maaga para lang mapanood yung mgb. at talagang pinapanood ko ang shake,rattle and roll marathon sa cinema one at iba pang mga horror films sa tv!

noong high school syempre ganun pa rin! horror/suspense/thriller/fantasy addict pa rin ako. may mode pa nga na sobrang nafascinate naman ako sa witchcraft kaya go naman sa pagtingin ng mga spell books sa national bookstore. nagtry pa nga kami ng mga friends ko eh. wala namang nangyari. hehe. bumibili pa ako ng philippine ghost stories noon at kung anek-anek basta maayos ang horror/suspense/thriller/fantasy cravings ko. may book pa akong binabalik-balikan sa library namin noon kasi bawal ilabas, ito iyong almanac of the uncanny! ang taray talaga nun! collection of horror/suspense/thriller/fantasy facts around the world. yes facts talaga na hindi lang mapatunayan kung fact nga... mga sinusulat ko noon laging sa horror/suspense/thriller/fantasy genre umiikot... noong high school naman nagexplore na ako ng iba pang genres pero ang hilig ko sa horror/suspense/thriller/fantasy ay dinala ko till college...

aba hulaan mo kung ano ang article kong sinulat for our college journal? yes about horror films... ano ang gagawin kong paper sa film theories finals? yes! about horror films din.. sinama ko nga rin sa choices ng thesis namin ang horror films eh. haha. baliw pa rin ako sa mga katatakutan! love kong panoorin yung a haunting sa discovery at mga kung anek-anek... syempre alam na alam na ni miles ang hilig ko sa horror... well noong naging maliit na director ako sa theater play namin, may pagka horror yung genre nung ginawa ko.. ako rin nagsuggest ng sementeryo na setting... haha.

nagrereflect din minsan sa mga sinusulat kong poem or short story ang pagiging morbid ko. ewan ko ba. siguro redundant na kapag bading ka na nga pasweet pa rin ang ending ng kuwento mo. haha. minsan nga eh nagugulat ako na parang ang layo na sa akin ng nasusulat ko kasi nga so dark. well i love ko naman ang dark-themed. hay...

hindi naman ako matatakutin actually... pero ano nga ba ang kinakatakutan ko?
  1. nakangiting multo!!!! waaahhh
  2. snakes pero not ultimate...
  3. holduper, nagaamok na lasing...
  4. loud na drag queen slash parlorista(weird no?)
  5. natakot ako ng konti sa exorcist at shutter!
  6. pugot na ulo.
  7. pag wala na akong pera at hindi pa ako nabibigyan ni tito
  8. manghingi ng pera.

ayan. wala na akong maisip kasi nararamdaman ko na ang isa ko pang kinakatakutan... nagugutom na ako.

ciao!

Friday, September 7, 2007

ultimate guide to stereotyping

naku aminin natin biktima tayo ng stereotyping. parang form na rin ito ng discrimination at labelling. well lalo na sa mga mas matatanda kasi marami silang hindi mainitindihan sa bagong generation! nanatili lang bang sarado ang kanilang isip? o nagpapaiwan sa kanilang panahon at ngapapakulong sa nakagisnan na? o ayaw lang nila makibagay sa bagong agos ng buhay?

sa mata ng matatanda ano ang:

bakla: sila ang mga salot sa buhay na lalaking nakamake-up, mahaba ang buhok gaya ng sa dalaga at mahilig magsuot ng pambabae. at sa mata ng mga nanay sakit ang pagiging bakla, "o ben huwag kang didikit sa kaklase mong bakla ha! baka mahawa ka eh!" sa mata ng mga tatay sumpa.
communication arts/mascom/broadcasting students: magiging artista o reporter sa tv
nursing students: pag-asa ng pamilya!
college na nabuntis: malanding babae! haliparot! kasuklam-suklam!
cartoons: pambata lang.

sa mata ng mga probinsyano:

bakla: sila ang pag-asa para sa mga tigang na lalaki na hindi makahuli ng babae sa baryo. di ba aj souttou(nyetang apelyido kasi!)? hehe.
manila: ang ginto ng pilipinas!! hindi rin mga kapwa probinsyano! huwag mabihag sa sumpa ng maynila kung ayaw niyong maging informal settlers or squatter!

sa mata ng mga bata:

penis.vagina: talong... bird... flower... bee.. honey... bulaklak... whatever...
susy at geno: halimaw na dapat katakutan.
bakla: nakakahawa. salamat sa pagbrebrainwash ng mga nanay.
blue: for boys.
pink: for girls... and gays.
cartoons: soap opera.

sa mata natin ngayon:

robinsons: may ahas "daw"
mel kimura: kasambahay roles
bakla: pwedeng pamhin, bisexual, parlorista...
wendy valdez: maldita.
la salle: mayaman.
ateneo: matalino, mayaman, mayabang
up: matalino at hobby ang pagrarally
ust: madasalin. relihiyoso.
nursing: uso sagot sa kahirapan next to japan.
lilia cuntapay: mga aswang, multo at horror roles.
varsity player: bobo.
mahinhin: santa.

ano ba ang tunay na matalino?

yun bang nag-d-deans list lagi? o yung marunong magsalita ng ingles? basta sa matatanda kapag mataas na ang grades matalino na. pag hindi kaba kafluent sa english boba ka na? may post ako tungkol sa issue na yan. oh well...

neverending talaga ang mga nastestereotype natin pero kung tutuusin kung tumingin tayo ng mabuti at umunawa ng malinaw baka magbago ang tingin natin sa mga bagay. buksan lang ating isip para mas malawak ang makita natin. toodles!

Monday, August 6, 2007

bawal sumunod sa puso

naniniwala talaga ako na life is unfair! well meron kasing mga bagay na kailangan nating gawin kahit ayaw natin. lahat naman siguro tayo naexperience na ang ganitong dilemma sa buhay, ang gawin ang bagay na taliwas sa puso natin. sa aspeto ng buhay, hindi na siguro maiiwasan ito. ginagawa natin kasi kailangan pero ang masaklap pa kailangan nga pero mukhang hindi naman mapapakinabangan sa huli. ano nga ba ang mga bagay na ito?

well hindi na ako lalayo pa... sa school lang, minsan hindi ko magets ang point kung bakit kailangang magwritten quiz sa art appreciation na subject?! i mean art app nga is to appreciate di ba? well narant ko na ata ito sa past posts ko... hmmm... ang pag-eexam! bakit ba kailangan mong magpakahirap sa letseng ito pero kung tutuusin wala naman itong masyadong tulong in the near future.. oh well except sa grades and all, pero hindi ba mas mahalaga ang abilidad sa work plus talino? hindi porque uno ka sa biology eh magaling ka na sa pagmemekaniko... at ang nakakaloka pa ikaw na nga ang pumila ng mahaba at nagbayad ng pagkalaki-laki, kelangan mo pang magexam ng pagkahiraphirap na tipong mamatay na mga brain cells mo. well buti't tatlo lang written exams namin ngayong prelims... isa pa, ang thesis! so what kung nalaman mo ang effects ng star margarine ay hindi pala talaga pampatangkad kundi pagpapataas pala ng libido? o eh ano ngayon lung may hidden symbols sa harry potter books?! makakatulong ba iyon sa sambayanang pilipino? hay nakakafrustrate minsan na we have to do things because we have to and not we want to. kaya ang tendency nabuburn out at nawawalang ng gana. ang masakit pa kasi nga kailangan. pag hindi ka nag-exam, bagsak ka, pag hindi ka gumawa ng thesis bagsak ka pa rin... so walang sense ang pagrereklamo kasi in the end, wala ka pa ring magagawa kundi gawin ang mga bagay na half-heartedly or talagang ayaw mong gawin.

or minsan ginagawa mo ito due to influence at nadadala ka sa agos... nalulunod ka tuloy at pilit na nakiki-ayon kahit na hindi mo gusto ang ginagawa mo. for example, peer pressure... well thank god at wala na ako sa ganiyang stage pero aminado ako minsan na kahit na hindi iyon ang gusto ko, basta oks sa lahat eh di dun ako... well compromise naman ang tawag dun di ba?

minsan may ginawa ako na kailangan kong gawin. pinigilan ko ang pagtibok kasi kailangan. at yun kasi ang nararapat, masasabi kong tama ako sa ginawa ko.

***

well well ito naman ang kailangan ko talagang gawin... ang pagpapabunot ng ngipin! yey! nabunot na ang killer tooth ko! yepi! kanina nagpunta ako sa health sevice at voila! tinanggal na ang mapaminsalang ngipin na nameste sa akin ng ilang araw! ngayon makakaharap na ako sa inyo ng nakangiti... madugo nga lang. hehe

Saturday, July 21, 2007

metro rail tragedy



iyan ang mrt para sa mga hindi pa nakikita ang mrt. at iyan ang paksa natin ngayon...
pero wait...
prologue
may class kami ngayon pero excuse kami ni mrs. j dahil may seminar kaming kailangan atendan sa pasig ng 8am. so nagkita kami sa cubao ng bandang 7. shet. isang seven deadly sin ang aking nararamdaman kapag may nakakasalubong akong early birds na bumili ng harry potter and the deathly hollows! kung nakakamatay ang tingin, patay na sila agad!syempre bago ko siya puntahan dumaan ako ng palihim sa national at hinawakan at sinilip silip ko pa ang libro! yey! at least nahawakan ko di ba? not bad. hehe. so nung magkasama na kami ayun, kung anu-anong plot na ang naisip namin kung paano manakaw ang hp 7 sa mga bumili na. push, strike and kill ba ang drama? hehe... naku sana tinakbo ko na lang ang hinawakan ko sa national.
mrt mode
ang mrt ay isa sa mga highlights ng maynila. hindi mo tuluyang maeexperience ang maynila kung hindi ka pa nakakasakay ng mrt o ng lrt. so masasabing im not an ordinary probinsiyano but an extraordinary probinsyano dahil maraming beses na akong nakasakay ng mrt. well marami na rin akong lrt at mrt scandals (gaga hindi yung iniisip mo. bastos. hehe) kagaya na lamang na sa maling bound pala ako nasakay kaya letse kailangan pang bumalik-balik. naipit na sa pintuan at malasap ang tigas ng bakal na humaharang dahil hindi gumana ang ticket ko. naexperience ko naman sa lrt slot machine na parang nanalo ako sa casino dahil nang sinuklian ako, para akong jeepney driver dahil sa baryang natamo ko.
so kanina, muli ko na namang naexperience ang mrt. hatest ko talaga kapag siksikan mode! yung amoy na amoy mo na ang buong katawan ng lahat ng tao dun at feeling mo paglabas mo ng tren ay na-gang rape ka. shucks! ang aga-aga kailangan matest ang pakikibagbuno skills ko. tsk. may kasakay pa kaming may puro tato na nakakatakot dahil parang ex-con.
so ayun nakarating naman kami sa seminar. tsk. buti na lang may mga libreng pagkain kundi sayang ang effort ang pinunta namin at natulog na lang sana ako ng todo tutal 12 naman yung class ko dapat. naging hobby lang namin dun ay kumain. dahil sa kabore-dan yung friend kong isa kung anu-anong game ang nilalaro namin, anagrams, memory game at kung anek anek na ewan ko ba kung bakit pumayag ako. haha.
so...
pabalik ng school, so mrt ulit. grabe walang aircon yung nasakyan namin! shet pagpasok talaga ang nasabi ko na lang ay... "welcome to india!" yun na. wala na akong nasabi pa dahil may naamoy ako. sa q. ave kami bumaba. salamat nakahinga na rin ng tambucho ng maynila...
***
thanks talaga to mrt at lrt dahil mas naging madali ang pagbibiyahe sa pasikot-sikot ng kamaynilaan. oh well i would like to mention my fave lrt station, betty-go belmonte.
paparating na sa betty-go belmonte station...

Monday, June 11, 2007

iskulicious


nagsara na naman ang isang bakasyon at pabukas na naman ang panibagong yugto sa aking buhay...


ang aking huling taon sa kolehiyo!


...


grabe akalain mo yun? last year ko na! naaalala ko pa noon ang pamimili ng crayola, notebook, pencil case, bolpen, jumbo lapis, pad paper at kung anu-ano na yung iba ay hindi naman na talaga gagamitin ng isang mag-aaral! iba yata ang pakiramdam ng mamili ng school items pag malapit na ang pasukan.. syempre excited dahil nga bago nga naman ang mga kagamitan.. namiss ko rin nung highschool na mahilig din magawagawa ng kung ano ano ang aming paaralan! haha... sumasali rin kasi ako sa mga poster making contest at essay eke ek at kung anu-ano pang extra work... hay simple lang ang buhay noong elementary at highschool.. syempre iba na sa college... may survival of the fitest pa ang drama... wala naman akong masabi sa aking mga karanasan.. masasaya naman kasi ang aking mga ala-ala noon...


hay sa pagbubukas ng klase, papasok na akong muli, kasama ang mga libo-libong mag-aaral sa buong bansa... kasabay namin sa aming paghakbang papasok ng school ang mga ala-alang muli na namang huhubog sa aming buhay... bawat leksyon, bawat assignment, bawat exam... gumuguhit iyon sa aming mga ala-ala...


kaya tayo nang pumasok sa paaralan!


...


heto na. exciting ang mga suspension of classes at manlilibre si friend ng videoke o ng sine! yehey!

guess who's back?

ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in.  birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...