Showing posts with label gay. Show all posts
Showing posts with label gay. Show all posts

Friday, September 21, 2018

the prophecy

I’m a cold person.

I just know. My friends know. But I have empathy. So technically, hindi naman ako cold-hearted. Magkaiba yun. I built walls higher than the Great Wall of China. A fortress that I hold dear. That’s why, admittedly, I come as cold. Madalas awkward akong magkuwento about my feelings, but when I share and process my emotions — I pour them, like a bursting dam in its critical level.

After the storm, the wall will always close shut.
Winter always come, even it’s sweltering hot in our tropical Philippines.

***

The recent rains in the Metro triggered feelings. Kaya napunta na naman sa usapang puso ang topic nang minsang tumambay kami ng mga friends ko sa work one rainy August night sa Tides. Huling tambay pa namin dun, mid to late 20s pa yata kami — we’re in our early 30s now. Mas tumanda na. Mas nabugbog na sa realidad. Mas nabaliw na sa buhay. Haha actually mas hobby naming mag-usap about feelings, well bilang writers naman kami, so hindi na bago. Pero mas madalas na. Part na siguro ng pagtanda at syempre close na kami. But consistent na alam nila ang aking walls at trust issues lalo na sa mga taong hindi ko naman kilala.

Years ago, alam nila kung bakit ako walang jowa, because of the said reason, so they asked me again, bakit hindi ko raw subukan. Seek for that love.

I told them, ayoko. Ang mga kausap ko parehas na galing sa break up, pero yung isa, may bago na. Sa span ng kanilang mga long term relationships, zero pa rin ang record ko. The token NBSB sa barkada. Haha

Why?

I love myself more. I enjoyed the start of my 30s kasi I can finally, and confidently say na mas kilala ko na ang sarili ko. I’m more self aware. I’m embracing my flaws, trying to be mature about things and I know what I want.

So if may taong darating sa buhay ko, dapat worth it. Kasi siya ang magiging rason kung bakit ko gigibain ang malaki at makapal na pader na buong buhay kong tinayo para hindi masaktan.

***

Bago pa ako masaktan ng iba, sobra ko nang sinasaktan ang sarili ko. 
You know what they say, sarili natin ang ating harshest critic. 

It’s true.

I punish myslelf everyday. And I love myself for it.

Kasi alam kong wala nang mas makakasakit pa sa’kin.

Kundi ang sarili ko.

***

We are all broken. And that’s beutiful.

***

2012 or 2013.

My friend told me na she’s kinda into the fortune telling arts for fun. So, she playfully read my palm lines.

Tatlong beses daw akong magmamahal.

Ang ikatlong tao daw na mamahalin ko ang papatay sa’kin.

Ang catch?

Dalawang beses nang tumibok ang puso ko, so kung sino man itong mamahalin ko ngayon ay magiging mapanganib sa’king buhay...

Haha. Ang interesting di ba? Recipe ng isang epic love story fantasy.

Maybe, subconsciously yan ang rason kung bakit hindi ako nagjojowa kasi alam kong quota na. Ayoko pang mamatay. Haha

Well, hindi rin naman klaro kung ang rule ba ay dapat mutual yung love, kasi if ever ganun, wala pa tayo sa isa.

And let’s say totoo ang propesiya, magmamahal ka ba ng dalawang magkaibang lalaki kung alam mong hindi naman sila ang makakatuluyan mo?

But the most important question is, magmamahal ka ba kung kamatayan naman ang kapalit?

***

This is the official start of my sixth season. Wow. Six seasons. Twelve years (this December). Akalain mo nga naman? College pa ako nung simulan ko ang blog na ito, at magsasampung taon na ako sa aking trabaho.

Ang interesting makita ang evolotion ng aking posts, writing wise - mas free ako dati, but i must say, mas mature na ngayon. Aba dapat lang. Haha

Apat ang blogs ko nung college, ngayon dalawa na lang. Pero ito ang pinakamalapit sa puso ko, kasi syempre mas matagal na.

Ang sarap pa rin niyang balik-balikan kahit cringe. haha

Ang dami nang nagbago pero heto pa rin tayo mahal ko.

Monday, September 2, 2013

pink plague

2013

bumagsak ang isang bulalakaw sa gitna ng isang gay pride sa malate. ngunit hindi sinilang si zsazsa zaturnah, dahil simula noon, isang kakaibang airborne virus ang kumitil ng buhay sa pilipinas.

massive ang effect nito sa populasyon. hindi tumatagal ng 8 oras ang biktima at bigla na lang nalalagutan ng hininga animo'y biglang naisipang magquit nang sabay sabay ng mga organs. nagpanic ang lahat dahil sa bagsik ng virus.

simula noon naquarantine ang pilipinas sa buong mundo dahil halos maubos ang populasyon nito.
hanggang sa natuklasan ng mga eksperto kung sino ang vulnerable at target ng virus: ang mga straight.

kaya laking gulat na lang ng mga nasa closet nang matira silang buhay... dahil isa lang ang ibig sabihin nun, bakla sila at hindi sila target ng tinaguriang echosera virus.

***

2015

the echosera virus or scientifically called severe heterosexual genetic malfunction syndrome or shegmas is a deadly virus. inaatake nito ang genes ng mga "straight" people at mabilis na ikakamatay nila ito.

dahil naman sa virus, ang mga bisexuals ay na-coma dahil na-confuse ang virus nung inatake ang katawan nila. hindi nila madistinguish kung straight sila or beki/tibs kaya bigla silang nagshut down at na-coma ala lantang gulay na sa ospital.

halos maubos ang populasyon ng pilipinas sa pagkalat ng virus mabuti na lang marami ang lgbt community lalo na sa mga urban centers ngunit naging problema rin ito sa pagrerepopulate ng country dahil ayaw magtikiman ng mga babae at lalaki.

pero naging paraiso naman ito sa mga lgbt peeps dahil iniisip nila wala ng mga straight na mangungutya sa kanila at ito ang new world na magiging tanggap ang lahat. inisip naman ng mga pari at pastor na bakla na kaloob iyon ng panginoon at pinapatunayan lang na mas mahal ng diyos ang pink community kumpara sa mga straight. sobrang saya ng federacion at laging may kasalang lalaki sa lalaki at babae sa babae sa mga simbahan.

oras na raw para magtatag ng bagong simbahan. nagbukas ang usapin sa gay marriage dahil nga wala naman silang ikakasal na straight. wala na ring pakialam ang vatican sa kanila at ang international community dahil naisolate ang bansa sa buong mundo.

ang kaso dahil nawalan ng gobyerno at organisasyon dahil sa nangyari, nagkaniya kaniya ang mga tao.
nagkaroon na rin ng faction ang mga  bakla laban sa tomboy at dito lumabas ang angst ng dalawa. ayon sa mga bading hindi raw katanggap tanggap ang mga tomboy sa lipunan at mas tanggap daw ang mga beki. syempre hindi papayag ang mga butch at pinaglaban nila ang kanilang karapatan.

***

2020

na-repopulate ang pilipinas sa pamamagitan ng mga artificial method. kinalangan nga lang silang lagyan ng protection sa pamamagitan ng paglalagay ng pink genes para hindi mamatay sa virus na patuloy pa ring nasa air space ng pilipinas. weird.

nabuhay sa furturistic philippines ang baklang pangit na si kekang kung saan ang mga screaming faggot ay nasa ibaba na ng food chain. ginagawa nila ang mga menial jobs while dinidiyos pa rin ang mga poging discreet at pinapantasya ka kung ikaw ay straight acting.

nakahiwalay na rin ang mga lesbian sa mga bakla at may sarili na ring community ang mga transgender. nagtayo ng mga malalaking walls dividing their world from each other.

nagkaroon ng silent war sa pagitan nila at alam mong may isang pagkakamali lang ay sisiklab ang civil war sa bansa. mas tumindi ang discrimination sa bawat komunidad. mas napipilitang magpagwapo ang mga baklang pangit at inaabuso ang pagpaparetoke para maging pogi at nagsulputan ang masculinity classes para maging macho at katanggap tanggap sa lipunan.

may mga vaccines na sanang natagpuan para masugpo ang virus at maibalik ang mga straight pero sinunog naman ito ng mga npa or national pink army dahil naniniwala sila na wala ng karapatang bumalik ang mga straight sa Pilipinas para sirain ang kanilang pamumuno.

inis na inis si keka dahil nabasa niya sa philippine history na walang ginawa ang mga baklang ninuno noon kung hindi ipaglaban ang kanilang mga karapatan ng pagkapantay pantay. bakit daw sa mundo nila ngayon parang nabago ang lahat at may masasamang tingin pa rin sa kaniya sa kabila naman ng kaniyang pagiging bakla e lahat naman sila binabae.

tinanong niya ito sa kaniyang propesor sa school kung bakit walang unity and equality, ang sagot sa kaniya ay equality is just a concept. hindi siya totoo. dahil kung totoo ang equality dapat nasa taas na rin kayo ng food chain...

napaisip si keka. wala pala syang ligtas, saan man siyang time frame mabuhay, masama at pangit pa rin ang magiging tingin sa kaniya dahil lang nagpapakatotoo siya.






guess who's back?

ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in.  birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...