Showing posts with label i. Show all posts
Showing posts with label i. Show all posts

Wednesday, April 9, 2008

100

need to say more? syempre hindi na di ba? hehe. ito ang ika-isang daan kong blog entry! pero actually weird no? kung tutuusin pwede namang magcelebrate kahit ika-56th or ika-89th blog entry pa iyan. haha. well iba kasi ang 100. isang achievement kumbaga. pero ang saya ng feeling na isang daang walang kuwenta, masaya, malungkot, maganda, wala lang, kapanapanabik na blog post na pala ang naisusulat ko rito sa aking blog. mga isang daang damit na pala ang nasisilid ko sa aking aparador. isang daang mga muni-muni at isang daang beses na palang nagtae ang aking bolpen dito. akalain mo iyon? congrats naman!


oo 100th year na ang up. okey. masaya sila kasi hindi naman ako up grad, tomasino ako kaya hindi iyon ang pagtutuunan ko ng pansin. well ang 100 peso bill ay mahalaga sa ating lahat! pera iyan eh. hehe. kulay ube pa. ang sarap sarap ng ube. sa panahon ngayon kailangan ko ng kumita ng aking sariling isang daan. maraming isang daan. libo-libong isang daan! limpak-limpak na isang daan. in short, mukha akong isang daan. kamukha ko na si manuel a. roxas. may tanong ako, ano english ng isang daan?

tama. one way. there is no way but one way. haha. weird yung phrase. parang walang sense pero meron. basta sa kahit na anong problema feeling ko laging may iisang paraan. hindi pwedeng wala. kaya weird siguro yung reasoning na, "nagpakamatay siya kasi wala na siyang magawa." meron kaya siyang nagawa. nagpakamatay siya. haha. so kahit papaano may nagawa siya. haha. adik. isang daang problema man ang dumating there is still one way to solve it! napakaoptimistic no? pero i guess iyan ang kailangan kong sandata to move on sa cruel world. pero may isang tanong ang nagtatago sa 100 piso... kung naliligaw ka malalaman mo ito... sandaan? hehe saan nga ba ang daan patungo sa nagtatagong pangarap?(emoterang linya parang title ng film noong 80s.)



eh di nasa isang daan. kapag kasi dalawa ang daan nakakakompyus pa di ba? hehe eh di pumili ng isang daan patungo sa isang pangarap na nais abutin. kahit isang daang talampakan pa ang taas niyan o isang daang hakbang ang kailangang tawirin, go lang! hindi naman siguro madali ang pagtahak sa dream na iyon at wala ng madali sa panahon ngayon. kailangan pa rin siguro ng umaatikabong extra challenge at pagsali sa suvivor o pagkakakulong sa bahay ni kuya bago pa matupad ang mailap na pangarap na niyan. sangkap na kumbaga ang sumpa at paghihirap sa tagumpay. oh well basta mararating ko naman siguro ang aking pangarap na bituin. sana.

tatahakin ko na lang ang isang daan na magtuturo sa akin kung saan. maligaw man ako, magtatanong ako kung san daan? dahil alam ko namang may one way pa rin para makaalpas ako sa labyrinth ng challenges, o para mapabilis mamasahe na lang ako with my 100 peso bill!

ayaw kong paawat sa pagkonek no? pagbigyan na, season ender na eh!hehe. oh zsa zsa zaturnah hanggang sa susunod kabanata! panibagong daan na naman ang tatahakin ko. samahan mo pa rin ako ha?

***
picture source? click the pic.

Thursday, April 3, 2008

ang pagtatapos bow

sa wakas. isa na akong official fresh graduate. grabe ha? natuludkan ko na rin sa wakas ang pangungusap na 17 taong ko ring sinulat. panibagong daan na naman ang tatahakin ko. im so anxious sa future kasi nga nakakatakot ang mga bagay na hindi natin alam hindi ba? well sabi nga ni big brother malalaman din natin ang kasagutan sa takdang panahon. hindi ba? hehe. excited na ako sa new horizon na aking tatahakin. wish me luck!
***
yung graduation namin noong lunes naganap sa picc. ayun ang haba wala akong masabi. pero masaya naman. akala ko nga may mga luhang dadanak, eh wala tawanan at landian ang namutawi. si mudang pala sinama ko at nanggaling pa kami from cabanatuan. iba ang feeling suotin ang toga kasi feeling hermione ako dahil ala robes ito. hehe. kulang na lang wand. pero seryoso, ganoon pala ang pakiramdam ng pamamaalam sa nakasanayan ng buhay. kailangan nang maghello sa new life.
***
naalala ko noon na ateneo ang dream school ko. pwes ang nasabi na lang ng ateneo sa akin ay in your dreams! haha. bumagsak ako sa entrance exam ng ateneo which is expected naman kasi mapapakapit ka talaga sa silya mo dahil sa nosebleeding questions. argh. noong nareceive ko ang letter from ateneo alam ko na ang kasagutan kasi naman ang nipis. haha. aba ang ganda ng letter! sulit yung 500 na bayad. kasi glossy, colored at ang sulat talagang may mga pampalubag loob pa. hehe. ayun doon nagtapos ang aking ateneo dreams.
nagexam din ako sa up. okey lang ang exam pero bumagsak ako ng point something sa upcat. sa up baguio raw keri ang grade ko. eh huwag na. so isa na lang. ang ust entrance test o ustet. dumayo pa ako sa maynila para lang magexam sa ust ha? sa tatlong ineksaman ko ustet ang pinakamadali. haha. ayun achieve. obviously pumasa ako. madamdamin ang araw ng paglabas ng resulta kasi nahimatay yung isa kong classmate noong nalaman niyang hindi siya pumasa. physics class noon biglang nagcollapse si ate. ayun. akalain mong mahigit apat na taon na ang nakararaan noong nalaman kong pasado ako sa uste? ngayon aalis na ako. tapos na. siguro naipasa ko ang isang mas malaking entrance test sa buhay no?
***
isang mahalagang yugto ang nagsara sa aking buhay pero syempre sabi nga kapag may nagtatapos may nagsisimula hindi ba?
ano kayang magandang pakulo sa ikalawang yugto? ;)

Wednesday, March 26, 2008

isa ba akong bastos na bata?

paano mo ba talaga masasabing bastos ang isang tao? kapag nanigaw ang bata sa mas matanda? kapag sumagot ng pabalang sa magulang kahit na ikaw ang tama? o kapag nanakit at nanapak ka ng damdamin ng iba?

wala lang. sa pampanga ako nagsemana santa. so usap-usapan ang aking graduation at ang pagjojob hunt. hetong si lola pinapansin lahat. yung buhok ko raw pagupit ko na at may bangs daw kasi ako at mapagkakamalan akong bading. pft. so i extended my deepest deadma. tuloy lang. hanggang sa nalaman nilang may job exam ako noong monday.

nanonood ako ng tv noon tas payo ni lola, dapat daw maging brusko ako sa interview. ewan ko ba nagpanting ang tenga ko tapos sinampal ko siya. chooos. syempre hindi. nagsnap back lang ako, "kung hindi nila ako kukunin dahil sa ganoon ako, eh di huwag. sila ang nawalan hindi ako." basta parang ganoon ang sinabi ko. si mama naloka at pasweet niyang sinabi na "anak huwag ka namang ganiyang sumagot". in kapampangan pala ang conversation namin. wala lang. naoffend kasi ako ng bonggang-bongga kay lola. wala ba siyang tiwala sa kakayahan ng apo niya? siguro nga mabuti ang kaniyang intensiyon pero well... basta siguro bastos nga ako at sumagot ako ng pabalang sa mas matanda sa akin. pero nasaktan ako eh. facade ang drama. ayun dinrop na ang topic. pagdating talaga sa gender issue sa pamilya prickly talaga ako. madali akong maalibadbaran. for moi kasi tama na ang nagkakaintindihan na alam mo nang ganoon, huwag ng ichorva pa. awkward lang kasi. kaya ako hindi ko talaga inoopen sa pamuli ko at alam ko namang alam nila na ganito ako eh. kaya okey sa akin ang set-up na hindi pinaguusapan. may mutual understanding kami na ganoon nga.

tapos may isa pa na hindi ko alam kung nakakabastos pero natatawa na lang ako noong time na iyon. nagtutulugtulugan ako noong kausap nila yung tita ko sa ameyrica. haha. wala lang para makaeavesdrop. hehe. tapos ayun kinausap si papa regarding my graduation. itago natin sa pangalang chorva si kuya at chorvalin naman ako.

papa: gagraduate na si chorva--
lola: si chorvalin...
papa: ...si chorvalin. naku sinasabi niya na hihingi sana siya kahit panlibre lang sa mga kaibigan niya... (ay excuse me ha? wala akong sinasabing ganoon.)
tapos nagpatuloy usapan nila, walang datung si tita kaya bengga...
papa: oo nga si chorva.... gagraduate na si chorva... si chorva.... ganiyan si chorva... blah blah chorva...

haha puro pangalan na lang ni kuya ang nasabi niya. well sa pagkakaalam ko hindi niya peyburit si kuya at hindi rin niya ako peyburit dahil si bunso ang peyburit niya. okey lang din kasi kay mudang naman akey close. pero siguro mas maikli naman kasi ang pangalang chorva sa chorvalin hindi ba? haha. mas maikli kasi ang nickname ni kuya kaysa sa akin kaya siguro achieve ni pudang na iyon na lang ang banggitin at siguro nagkakaintindihan naman silang ako ang pinag-uusapan. so nasaktan ba ako nun? hindi. nakakatawa lang. nakakabastos? ewan. kaya ayun. nabastos ba ako o nambastos? kapag talaga puso ang pinagana hindi mo na talaga alam kung ano ang mali o tama.

Wednesday, March 19, 2008

minsan namatay ang pag-ibig

heto ang kauna-unahang pagkakataong ipopost ko ang kathang nagpanalo sa akin ng honorable mention o karangalang-banggit sa katha sa ika-22 gawad ustetika (isang university-wide literature awards sa ust na ala palanca) kaya nais kong ipasilip ito para sa aking holy week special. hehe kaso isa itong panata at matinding sakripisyo ang kailangan dahil nobela ito!haha.


hanggang kailan mo kayang maghintay?
hanggang kailan mo kayang magtiis?
hanggang kailan ka kakapit sa iyong pananampalataya?
lalo na kapag ang pag-ibig ay nalagutan na ng hininga...
tatlong magkakaibigan. tagni-tagning kuwento.
inihahandog ni kalansay collector para sa semana santa...

ang


"minsan namatay ang pag-ibig"
nakiramay si sto. niño, ang biyernes santo at ang burol na dating luntian

Maririnig sa hindi kalayuan ang kalembang ng simbahan na tila nanunuya, patay na si Kristo, mukhang binubulong nito. Kasabay noon ang himno ng mga matatandang nagbabasa ng Pabasa habang tirik na tirik ang araw na sadya yatang sinusunog ang lahat ng sangkatauhan sa kanilang mga kasalanan. Ngunit sa isang munting bahay na nabahiran ng alikabok ng lahar, may tatlong kaluluwang tila kinalimutan na ng tadhana. Tatlong kaluluwa na sinasabayan ang pagluluksa sa pagkamatay ni Kristo.
"Hindi ko sinasadya…"Ang mga hikbi ay natatabunan ng mga tawang kay tagal ng naitago. "Hindi ko talaga sinasadya…"
Nalalapit na ang mga nagpepenitensiya, tumatalamsik ang kanilang dugo na mula sa kanilang sugatang likod sa kalsadang nadungisan na ng lahar. Ang init ay tila nang-uusig sa kanilang binabayarang kasalanan. Sa silong ng bahay na may tatlong kaluluwa ay nanggagamot si Sto. Niño sa mga nananalig at siya'y walang kamalay-malay na may tatlong makakasalanan na pala ang namumugad sa tirahan. Sa kalsada, tunog ng mga kawayang humahampas sa likod na pulang-pula na sa dugo, dugong kumakandirit sa mainit na daan. Sa loob ng bahay, tatlong kaluluwa, isang humihikbi, isang tumatawa at isang walang malay na nakahandusay.

I. Panalanging Basag

Matagal na akong hindi umuuwi ng Pampanga. Simula kasi nang mapasok sa seminaryo, hindi na ako lubusang nakadalaw. Buti na lang, bakasyon na at mahal na araw kaya maaaring bumisita. Sumusunod ako sa mga mananampalataya habang naririnig ang mga matatandang bumibirit ng pasyon sa may pabasa sa di kalayuan. Mahaba ang pila ng mga nagpepenitensiya at dinidiligan nila ng kanilang dugo ang sunog na kalsada at hindi rin nila alintana ang lapnos na dulot nito sa kanilang mga paa. Alang-alang sa pananampalataya. Alang-alang sa pagmamahal. Magkahalong dugo at pawis ang tumatagaktak sa kanilang mga likuran, nangunguna sa mahabang pila ang mga beterano na sa pagpapapako sa krus habang pasan-pasan ang trosong pagpapakuan.
Sa totoo lang sawa na akong makakita ng ganito tuwing sasapit ang Biyernes Santo. Hindi mga nagpapapakong mananampalataya at mga sinasapian ni Sto. Niño ang pinunta ko rito. Nagbalik ako para harapin ang dalawa kong matalik na kaibigan. Nagbalik ako para mang-usig. Nagsimula ako mula sa mga tagamasid sa gilid ng kalsada at sa gitna ng mga iba’t -ibang kulay na payong sa lugar na hindi mahulugang karayom, nakita ko ang isa sa mga hinahanap ko.
"Mercy!" Tawag ko sa isang babaeng na halatang hapo na sa paglalakad sa gitna ng araw. May dala-dala siyang jug at makikitang malamig ito dahil sa nagpapawis ito sa labas. Lumingon siya at nanlaki ang mga mata, hindi makapaniwala sa nakita ngunit bakas ang pananabik. Isang nakakailang na katahimikan ang namayani sa amin at tila huminto ang lahat sa nangyari.
"J-Jude?!" Siya ang bumasag ng katahimikan.
"Kumusta?" Umiwas siya ng tingin at tumingin sa hindi kalayuan.
Sinundan ko ang kaniyang tingin at napako ako sa isang pamilyar na tao. Nakatingin siya sa isa sa mga nagpepenitensiya. Natatakpan ang mukha nito ng itim na t-shirt na binuhol sa likod ng ulo at may koronang gawa sa ligaw na damo at baging na di mawari. Kahit na tago ang mukha nito, kilalang-kilala ko kung sino siya. Naglalakad siya ng nakayapak kagaya ng ibang nagpepenitensiya. Hinahampas ng isang buntong maliliit na kahoy na kawayan ang kaniyang duguang likod. Napakunot ang mukha ko sa aking nasaksihan.
"Hindi mo sinabi sa akin na kayo na pala?" Sabi ko.
"Ha? Sinong may sa-" Hindi siya makatingin ng deresto. "Oo. Mag-aapat na taon na."
"Matagal na rin pala."
"Jude, hindi kasi maaari ang gusto mo!"Biglang kabig ni Mercy. Hindi ako nakasagot at bigla siyang lumakad palayo. Napako ako sa aking kinatatayuan, nabubunggo na ako ng mga tagamasid. Patakbo akong humabol sa kaniya at sumabay sa pagmamadali niyang paglalakad.
"Umiiwas ka ba Mercy?" Tanong ko.
Nagulat siya sa tanong at umiling. Nagmadali itong muli at kitang-kita ko sa mukha niya na siya’y balisang-balisa. Kumakabog na ang puso ko kasabay ng tunog ng paglalapat ng mga kawayan sa duguang likod at kasing taas ng pasyong binabasa ng mga matatanda. Nasaktan ako. Nasasaktan ako. Naramdaman kong ayaw niya akong makita.
"Bakit ngayon ka pa nagbalik? Bakit ngayon pa kasi?!"Si Mercy pa ang nang-usig.
"Alam mo naman kung bakit ako bumalik di ba? Iyon din ang dahilan kung bakit ako umalis at pumasok ng seminaryo." Tugon ko.
"Alam ko Jude! Pero bakit ngayon pa?!" Nahinto siya sa paglalakad at tumingin sa akin. Nangingilid na ang mga luha niya. Nakatitig lang siya sa akin at muli na namang bumagal ang oras. Kasabay ng pagtagas ng pawis ng dala niyang jug, tumulo rin ang luha sa kaniyang mata. "Bakit ngayon pa kung kailan hindi na puwede?"Mahina niyang sabi.
Pinahid niya ang kaniyang luha at natahimik kami. Muli na naman kaming naglakad. Walang kumikibo sa amin. Parang isang bulalas ng salita ay kamatayan ang kapalit. Narating na pala namin ang lugar kung saan pinapako ang mga nagnanais gayahin ang ginawa ni Kristo. Malapit na roon ang bahay nina Mercy. Nakatayo ang tahanan nila sa tabi ng dati nilang bahay na bubong na lang ngayon ang makikita dahil binura ito ng lahar. Ang lugar na pagpapakuan ay dating luntiang burol na kung saan binuo namin tatlong magkakaibigan ang aming mga ala-ala sa Pampanga. Hinding-hindi kami mapag-hiwalay noon . Noong sumabog ang Mt. Pinatubo namatay ang ama ni Mercy kasama pa ang iba naming mga kamag-anak. Nanlumo man kami sa nangyari, sa dating luntian na naging abo, muli naming binuo ang aming mga pangarap. Hanggang sa naisipan ni tatang at ni ima na sa Maynila na lang kami manirahan. Kasabay noon ang pag-iiba ng aking damdamin. Hindi ko iyon lubos na maintindihan. Kaya natuwa ako nang malamang kami’y aalis. Makakatakas ako sa mata ng mga mapang-usig. Ngunit iiwan ang unang nagpatibok ng aking puso. Kinagabihan bago kami pumunta ng Maynila, napagtapat ko kay Mercy ang lahat. Siya lang ang nakakaalam ng aking lihim. Ang sabi niya sa akin, maghihintay pa rin siya. Maghihintay sa pag-ibig na hindi yata para sa kaniya.
Sa burol na iyon kaming tatlo ay binuklod. Sa burol na iyon kami’y pinaghiwa-hiwalay. Sa burol na iyon mga pangarap namin ay nabuo, nawasak at muling binangon. Sa burol na iyon naramdaman namin ang lahat ng maaaring maramdaman. Ngayon nakatayo kami ni Mercy sa lugar na dating berde na ngayo’y tinatapakan na lamang ng maraming tao. Narinig na namin ang martilyo at ang mga impit ng mga nagpapako. Maya-maya pa’y tinaas na ang tatlong krus lulan ang dalawang lalaki at isang babae. Bakas sa mukha nila ang hapdi at sakit pati na ang init ng araw na mapang-usig. Ang kanilang mga pawis ay humahalo na sa hangin. Ang mga tagamasid ay tumingala sa pagkamangha. Habang muling nagpatuloy ang mga nagpepenitensiya sa paghampas sa sairili.
"Hanggang ngayon... ikaw pa rin."Narinig kong kaniyang binulong sa gitna ng mga daing at sakit dulot ng mga kawayang gumuguhit sa likod na nag-iinit.

II. Anak ni Sto. Niño

Dagsa ang mga mananampalataya sa aming silong. Naniniwala kasi sila na mas malakas ang kapangyarihan ni ima tuwing Biyernes Santo. Minamasdan ko sila mula sa taas ng aming munting bahay, Si ima ay nakaupo sa isang bangko at mayroong batiya ng tubig sa tabi nito. Nakapikit lamang ito habang ang mga naiinip na mananampalataya ay paypay ng paypay sa init. Bata, matanda, lalaki, babae, pilay, bingi, mayaman, mahirap, sila ang mga nagbabakasakaling mapagaling ni ima. May mga bumabalik naman dito na nagpapasalamat lalo na tuwing Pasko at Mahal na Araw. Nagpasiya akong bumaba sa aming kusina at ipaghanda ng malamig na tubig si Ruben. Isa kasi siya sa mga nagpepenitensiya. Hindi ko mawari kung bakit niya iyon ginagawa, baka kabayaran sa mga kasalanang hindi ko alam. Habang nililinis ko ang jug na paglalagyan ng tubig, naririnig ko ang mga pamilyar na pagsinghap ng hangin. Senyales na nandiyan na si St. Niño at sasabayan naman iyon ng mga pagdarasal ng mga matatanda. Paglagay ko ng yelo sa loob ng jug na may tubig, nagsalita na si ima. Maliit na boses ang namutawi si kaniyang bibig. Ako na ngayon ay ang anak ni Sto. Niño. Lumabas ako sa aming tahanan at nadaanan pa ang kinakalawang na bubong ng dati naming bahay na lumubog dahil sa lahar.
"Aling Maring kayo na po ang bahala." Bulong ko sa matandang gumagabay kay ima, tumango ito. Bago ako umalis nakita ko na nanginginig si ima habang hinahaplos ang tiyan ng isang batang umiiyak.
Marami na namang tao ngayon. Pagpipiyestahan ang mga nagpepenitensiya at mga magpapapako. Naririnig ko ang mga matatandang umaawit ng pasyon sa hindi kalayuan. Umiindayog patungo sa lalaking pinipilit kong mahalin. Nasaan na kaya si Ruben? Tanong ko sa aking isip. Pinagpapawisan na ako at ang jug na dala ko. Ayun siya! Napansin ko sa hindi kalayuan. Bakas ko sa hitsura ni Ruben na pagod na siya. Tila bumuhos ang lahat ng pawis sa katawan niya at tinatangay ang sakit at dugo na dulot ng kawayang humahampas sa likod. Palapit na ako, nang…
"Mercy!" Nagulat ako sa tawag ng pamilyar na boses na matagal na ng huli kong marinig. Paglingon ko tama ang hinala ko. Ang lalaking kaisa-isa kong minahal simula pa nung bata pa kami ay palapit sa akin. Kay tagal ko siyang hinintay, huwag niyo na akong gisingin kung ito'y panaginip. Nakatingin lamang siya sa akin. Bumalik na kaya siya para sa akin? Kung kailan huli na ang lahat.
"J-Jude?!" Binasag ko ang katahimikan.
"Kumusta?" Tanong ni Jude sa akin.
Hindi maaari! Nagkagulo ang aking isipan. Kaya umiwas na lamang ako at tumingin kay Ruben. Hindi ko alam kung nakikita niya kami, sana hindi. Alam ko naman na alam ni Jude kung sino ang aking tinitignan.
"Hindi mo sinabi sa akin na kayo na pala?"Pagtatanong ni Jude. Hindi ko alam kung ano ang aking isasagot. Naglalaro na naman ang aking damdamin. Nasabik ako sa muli niyang pagbabalik ngunit alam kong hindi ako ang tinitibok ng kaniyang puso.
"Ha? Sinong may sa-"Hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Sasabihin ko na nga…"Oo. Mag-aapat na taon na."
Napakasakit. Iyong mga salitang iyon na yata ang pinakamabigat at pinakamasakit na mga salitang aking nasabi. Apat na taon akong nagtiis. Apat na taon!
"Matagal na rin pala."Sabi ni Jude.
May sakit sa pagsagot niya. Pero hindi nga maaari ang nais niya. Alam naman niyang siya ang mahal ko noon pa, bakit ayaw niyang piliin ang daang mas mapapadali siya?
"Jude, hindi kasi maaari ang gusto mo!"Sabi ko sa kaniya, sabay talikod at lakad palayo. Sana matauhan siya na hindi nga tanggap ng lipunan ang kagustuhan niya. Sana maisip niya na hinintay ko ang kaniyang pagbabago at ako ang piliin niya. Sana maramdaman din niya na masasaktan lang siya sa gusto niyang mangyari. Nararamdaman ko ang bigat ng aking mga paa. Ayaw kong talikdan si Jude pero ito ang nararapat na gawin. Ito nga ba? Sandali. Sumusunod siya…
"Umiiwas ka ba Mercy?" Tanong ni Jude.
Umiling ako. Pero ang totoo, iniiwasan ko talaga si Jude. Ayokong makita kami ni Ruben. Pakiramdam ko kasi alam ni Ruben kung sino talaga ang gusto ko. Kinakabahan ako pero sa kabila ng lahat nais ko talagang kausapin pa siya ng matagal. Kay tagal ko ring inasam kahit na alam kong hindi magiging sa akin ang puso niya pero umaasa pa ring titibok ito para sa akin. Hinarap ko siya.
"Bakit ngayon ka pa nagbalik? Bakit ngayon pa kasi?!" Mariin kong sabi. Dapat maramdaman niya ang sakit.
"Alam mo naman kung bakit ako bumalik di ba? Iyon din ang dahilan kung bakit ako umalis at pumasok ng seminaryo." Sabi sa akin ni Jude.
"Alam ko Jude! Pero bakit ngayon pa?!" Hindi ko mapigilan ang aking nararamdaman. Nangingilid na ang aking mga luha. Alam naman ni Jude na siya ang mahal ko. Alam niya yon. Hindi ko alam kung ano na ang mangyayari."Bakit ngayon pa kung kailan hindi na puwede?"Bulong ko kasabay nang pagpatak ng aking luha. Hindi ko alam kung narinig niya. Sana narinig ni Jude.
Pinahid ko ang aking luha at naglakad. Walang kumikibo sa amin. Sumusulyap ako ng palihim kung ano ang reaksiyon niya. Nakayuko lang o kaya’y nakatingin sa malayo. Hindi namin namamalayan narating na namin ang lugar kung saan pinapako ang mga nanampalataya. Ito ay sa dating burol kung saan kami malayang naglaro noon nina Ruben at Jude. Ngayon, isa na lamang itong bunton ng lahar. Larawan ng pagsabog ng Bulkang Pinatubo ilang taon na rin ang nakalipas. Doon , lahat ng aming mga pagkatao’y nabuo. Hanggang sa isang gabi bago umalis si Jude patungong Maynila, nag-usap kami sa burol na iyon na kaming dalawa lamang. Wala si Ruben, kaya malaya kong nasabi ang matagal ko nang gustong sabihin kay Jude. Mahal ko siya simula pa noon . Pakiramdam ko tinadhana kami sa isa’t-isa. Sinabi ko sa kaniya iyon habang sariwa pa ang sugat na dinulot ng bulkan sa aming burol. Matapos kong magsalita, gulat na gulat na nakatingin sa akin si Jude. Hanggang sa ibuka na niya ang kaniyang bibig.
"Mercy, hindi kita pwedeng mahalin.Hindi ko rin maintindihan pero si Ruben ang gusto ko. Alam kong hindi ka pa handa sa mga sinasabi ko ngayon pero dapat malaman mo bago pa ako makaalis dito. Iba ako sa inyong lahat Mercy. Kaya natuwa ako ng malaman kong aalis na kami rito. Pagdating namin doon ako’y papasok sa seminaryo para makalimot at susubukan kong magbago. Baka pagbalik ko, malay natin, pari na ako o kaya’y ikaw na pala ang mahal ko." Sabi ni Jude.
"J-Jude?"Ang mga luha ko ay naging bituin sa lupa. "Maghihintay ako sa iyo. Alam kong titibok din ng tama ang puso mo."
"Salamat Mercy. Huwag mo sanang sabihin kay Ruben ang lahat. Ayokong may magbago. Ayokong layuan niya ako." Nangingilid ang mga luha ni Jude.
Pansamantala kaming natahimik. Minamasdan ang mga bituin sa kalangitan at pansamantala ring nakalimutan ang ginawa ng bulkan. Bigla niya akong niyakap! Sa oras na iyon tila namulat ang aking mata. Nakita ko ang mga bahayan na bubong na lang ang nakikita, ang mga punong wala na at ang kadiliman na hindi pangkaraniwan.
"Hihintayin kita Jude. Sana pagbalik mo ako na ang binubulong ng puso mo." Noong gabing iyon, nasaksihan ng mga bituin ang aming malungkot na pamamaalam. Sa burol kung saan kami binuklod. Sa burol kung saan nabuo ang aming mga pangarap. Sa burol kung saan kami naghiwalay.
Bigla akong nagising sa pagmumuni-muni nang marinig ang impit ng isang nagpapapako. Sinundan pa iyon ng mga pagpukpok ng martilyo at iilan pang daing. Nakita ko si Jude. Napatingin siya sa mga nagpapapako. Kung alam lang kasi niya ang tunay na nararamdaman ko. Hindi ko tuloy naiwasang bumulong. "Hanggang ngayon... ikaw pa rin." Hindi ko alam kung kaniyang narinig. Matapos noon ay tila umingay muli ang lahat at tila mas lumakas pa ang mga pagpalo sa likod ng mga nagpepenitensiya. Itinaas na ang tatlong matatapang, minamasdan ng mga taong naduduwag harapin ang kanilang mga kasalanan.

III. Bayad Kasalanan

Pang-apat na taon ko na ito. Pang-apat na taong hinahayaang saktan ang sarili. Panata ko na kasi ito tuwing Mahal na Araw. Panatang alam kong magtutuloy-tuloy pa sa mga susunod pang mga taon. Ramdam ko na ang lapnos kong mga paa at tila namanhid na rin ako sa mga kawayang lumalatay sa aking likod. Ang init ng araw ay nakadadagdag sa aking paghihirap. Kaya ko namang tiisin dahil may mas masakit pa na sumusugat sa akin.
Sabi nila kapag nagpepenitensiya ka binabayaran mo ang mga kasalanan mo rito sa lupa. Ginagawa raw ito ng mga makasalanan. Kaya nagulat si Mercy noong unang taon ng aming pagmamahalan ng nagpasiya akong gawin ito.
"Bakit ba kailangan mong gawin iyan Ruben?" Tanong ni Mercy habang inaayos ang iinuman kong jug.
"Dahil mahal kita." Sagot ko.
Natigil siya sa paggawa. "Kasalanan bang mahalin ako?"
Tinignan ko si Mercy at ngumiti. "Kasalanan na hindi ka mahalin."
Tumingin lang siya sa akin at pinagpatuloy ang ginagawa.
Hanggang ngayon hindi pa rin batid ni Mercy ang tunay na dahilan kung bakit ko ginagawa ang pagsasakrapisyo kong ito. Totoo, ginagawa ko ito dahil mahal ko siya. Hindi ako titigil hanggang sa hindi rin niya ako mahalin. Siguro nga ako na ang pinakamasayang tao noong napasagot ko si Mercy. Pero sa kabila noon , alam ko kung sino ang tunay niyang gustong sabihan ng "oo". Magpepenitensiya ako hanggang sa matutunan niya akong mahalin. Maghahampas ako ng likod hanggang sa makalimutan niya ang pagtingin kay Jude. Hindi nila alam naroroon lang ako sa hindi kalayuan habang nag-uusap sila sa burol. Ang burol kung saan nasaksihan ang aming paglaki. Hindi ko man naririnig ang kanilang pag-uusap, naramdaman ko naman ito. Biglang pumatak ang luha ko noon dahil alam kong ang mahal kong si Mercy ay hindi ako ang gusto. Malayo man ako, gumuguhit sa akin ang damdamin. Malayo man ako, alam kong ako’y bigo.
Ngayon sa bawat hakbang ko at bawat sakit na dulot ng paglatay sa aking likod, iyon ang mga araw na alam kong pilit lang ang kasiyahan ni Mercy sa piling ko. Sa bawat kirot na nararamdaman ko ngayon ay ang mga panahong ibang pangalan ang kaniyang hanap. Sa mga dugong tumatalamsik sa nabahiran ng lahar na kalsada ay ang bawat patak ng kaniyang luha dahil alam niyang ang kayakap niya ay hindi ang mahal. Sana matutunan ni Mercy na ako’y mahalin. Maghihintay ako sa araw na iyon. Sana ito na ang huling taon ng aking pagpepenitensiya. Sana . Biglang may nahagip ako sa aking paningin. Hindi ako makapaniwala! Nakatingin si Mercy sa akin dala ang isang malamig na jug at si Jude! Tama si Jude ay nakatingin din sa akin! Kumabog ang aking dibdib at bumilis ang aking paghampas sa aking likod! Tuluyan na akong namanhid. Maya-maya pa’y nagmadali silang umalis. Tila nauulit na naman. Hindi ko man batid ang sinasabi nila umuukit naman sa aking puso ang lahat. Hindi ito maaari. Hindi ko inaasahan si Jude sa kaniyang pagbabalik. Nagbalik yata siya para kay Mercy.
Sinusundan ko sila at hindi nila iyon alam. Minsan nangunguna ako sa pila ng mga nagpepenitensiya para lang hindi sila mawala sa aking paningin. Hindi nagtagal sila’y huminto. Napagtanto ko kung saan iyon, sa burol kung saan binuo namin ang mga ala-ala ng kabataan. Sa bawat hampas ko ng kawayan sa aking likod unti-unting sumasariwa sa akin ang gabing iyon. Ang huling gabing nakita ko si Jude at ang gabing nalaman ko na bigo na ako. Kinabukasan matapos ang gabing iyon, naisipan kong maglakad-lakad sa burol. Makikita pa ang bakas ng pananalakay ng lahar. Naghihintay ng kasagutan sa lahat. Sana magsalita ang lupa tungkol sa napag-usapan nilang dalawa.
"Wala na si Jude." Hindi ko namalayang naroon na pala si Mercy.
"Alam ko." Sabi ko.
"Paano?" Pagtataka ni Mercy.
"Naramdaman ko lang." Sagot ko at hindi ko na rin siya tinanong tungkol sa pagkikita nila. Hindi na lang kumibo si Mercy at sumabay sa paglakad sa akin. Parehas kaming naiyak dahil alam naming maaaring hindi na namin makita pa ang kaibigang si Jude. Pero sa kabila ng lahat, may nagtatagong ngiti sa loob ko na tila nagsasabing si Mercy ay sadyang akin lamang.
Isang pista, naisipan naming pumunta ni Mercy sa burol. Habang tumutugtog ang banda sa di kalayuan sa dulo ng prusisyon, umupo kami sa dating luntiang burol at inalala ang kaibigan.
"Sayang wala si Jude masaya pa naman."Sabi ni Mercy."Mahal ka nun."
"Oo.Mahal ka rin niya. Mahal mo ba siya?" Sabi ko naman.
"Syempre. Mahal na mahal." Aniya.
"Alam mo mahal din kita. Mahal na mahal." Sabi ko. Napatitig lang si Mercy sa akin. Simula noon binibigyan ko na siya ng ilang-ilang o santan o dili kaya’y sinasabayan sa pag-uwi.
Minamasdan ko silang dalawa sa di kalayuan. Pakiramdam ko pinapako rin ako habang bumabagsak ang martilyo sa pako at naririnig ang maimpit na daing. Naninikip ang aking dibdib. Parang hindi ko na kayang ihampas pa ang kawayan sa likod ko. Parang hindi ko na kayang kumilos. Matapos i-angat ang mga pinako, tila muling umikot ang mundo. Sa hindi mawaring kadahilanan, namuhi ako sa pagbabalik ni Jude at biglang hinampas ng malakas ang kawayan sa aking likuran. Ang dugo ay pumulandit kasabay ng aking mahinang pagtangis.

IV. Biyernes Santo

Sa burol muling pinagtagpo-tagpo ang tatlong magkakaibigan. Hindi nila alam na silang tatlo pala ay pinagbuklod na noong araw na iyon, isang Biyerrnes Santo.
"A-anong sinabi mo?" Sabi ni Jude kay Mercy. Nagulat ang babae at tumingin lang dito. "Narinig ko ang sinabi mo!"
"Wala!" Mabilis na sagot ni Mercy sabay iwas at nagtangkang umalis. Hinablot siya ni Jude sa braso.
"Kung mahal mo ako bakit naging kayo ni Ruben." Matigas na sabi ni Jude.
"Bakit ba kasi ngayon ka lang bumalik?!" Muling umiyak si Mercy. "Ikaw ang mahal ko at hinintay kita! Sana bumalik ka na lang dito ng naka-abito!"
"Ako nga ang mahal mo pero alam mo kung sino ang gusto ko! Kung talagang mahal mo ako bakit mo ako sinasaktan ng ganito?" Mahina pero mariin na sabi ni Jude. Nagpumiglas si Mercy at binuksan ang jug. Binuhos niya ang malamig na tubig kay Jude.
"Magising ka nga Jude! Kilabutan ka! Ilang lalaki na kaya ang nababoy mo sa seminaryo?" Sabay alis ni Mercy at tumakbong luhaan.
Nagulat si Jude sa nangyari at naramdamang kumapit sa kaniya ang lamig. Matapos matauhan hinabol niya si Mercy. Kitang-kita ni Ruben ang lahat kaya nagmadali rin itong humabol. Mangilang-ngilang tao rin ang nabaling sa kanila ang atensiyon.
Ang pagtakbo ni Mercy ay napalitan ng mabilis na paglakad nang marating niya ang kanilang silong. Si Sto. Niño ay patuloy pa ring nanggagamot. Isang sanggol ang umiiyak kasabay ang iilang bata roon. Ginanagamot nito ang isang batang may sapi raw at nagwawala. Dali-daling pumunta si Mercy sa bahay. Nang akmang isasara na niya ang pinto, pinilit itong buksan ni Jude. Pinapasok na rin ni Mercy.
"Bakit ba ganito Mercy? Bumalik ako dahil kay Ruben. Sana matanggap mo iyon." Maluha-luha na si Jude.
"Pero umasa akong babalik ka para sa akin." Sabi ni Mercy. Umiiyak ito at nakasandal sa lababo nila.
"Ano ba ang gusto mo para ibigay si Ruben sa akin?"Lumapit si Jude kay Mercy. Medyo napaurong si Mercy at dumiin pa lalo sa lababo. "Ako ba? Ako ba Mercy?"
Lumalapat na ang mga labi ni Jude sa leeg ni Mercy. Hindi alam ni Mercy ang gagawin kaya tinulak niya ito!
"Huwag Jude!" May sakit sa boses ni Mercy. Napa-upo si Jude sa maalikabok na sahig tanda ng maraming naglalabas-pasok doon. Tatakbo na sana si Mercy kaso nahuli siya ni Jude. Mahigpit ang pagkakayakap nito kay Mercy at sinandal sa lamesa.
"Alam kong matagal mo akong inasam Mercy! Ibalik mo siya sa akin!" Nakakatakot na si Jude. Kasabay noon ang tunog ng napupunit na damit at mahihinang hikbi. Tumaas-baba ang katawan ni Jude tila umiindayog sa matataas na boses ng mga kumakanta ng pasiyon. Umiiyak lamang si Mercy. Iyak ng bata ang namayani sa silong at ang mga maliliit na salita ni Sto. Niño. Bawat ulos ni Jude ay tila sumasabay ang sigaw ng batang sinasapian at nagiging sintunado ang pasiyon. Biglang bumukas ang pinto ng kusina, tila lahat ng galit sa mundo ay natawag sa puntong iyon.
"Hindiiii!" Nagdilim ang paningin ni Ruben at walang humpay na pinaghahampas ang hubad na katawan ni Jude ng kawayang sumugat din sa kaniyang likod. Unti-unting pinipintahan ng pula ang paligid. Hindi tinigilan ni Ruben ang paghampas. Makikita sa mata ni Jude ang pananabik na makita si Ruben. Si Mercy ay humihikbi at nakahiga sa lamesa, nakatulala lamang ito. Hinahaplos ang katawang nagamit ng mahal niya. Bawat haplos ay may ngiti sa labi na unti-unting napalitan ng halakhak na tila matagal ng gustong ilabas. Pumikit si Jude na si Ruben ang huling nakita. Sa kaniyang pag-pikit, kumalembang ang kampana ng simbahan sa di kalayuan. Patay na si Kristo. Kasabay noon ang pagtahan ng batang umiiktad kanina lamang. Patuloy ang pagkalembang. Patuloy ang pag-o-orasyon ni Sto. Niño. Patuloy ang kaligayahan sa bawat tawa ni Mercy. Sa isang sulok, si Ruben ay nakatitig sa walang malay niyang kaibigan. Kinulayan ni Ruben ang paligid ng pula. Si Jude ang tumupad ng kaniyang obra-maestra.
"Hindi ko sinasadya! Hindi ko sinasadya!"Paulit-ulit niyang sabi habang nakahiga pa rin sa lamesa si Mercy at tumatawa. "Hindi ko talaga sinasadya…"
Hindi siya makapagdasal dahil wala na ang Diyos noong oras na iyon. Ang pasiyon ng mga matatanda ay naging sintunado at mataas, samantalang mga nagpepenitensiya ay lalong kinulayan ng pula ang daan ngunit hindi pa rin mapantayan ang pulang ginawa ni Ruben. Sa gitna ng tag-init ay isang ulan, isang kasalanan na pag-ibig ang dahilan at tila pagbabayaran hanggang sa huling libingan. Isang pag-ibig na pinako sa krus at isang pag-ibig na masakit man tanggapin, ay hindi hinayaang maging luntian ang burol na ngayon ay balot na sa abo at dating salamin ng mga musmos na hindi alam kung ano ang salitang pag-ibig dahil laro at pangarap lang ang nalalaman. Huli na nang humingi ng tulong sa Kaniya. Huli na. Kumakalembang pa rin ang simbahan, tila nagdadalamhati sa isang kamatayan.


salamat sa pagbabasa at tinapos mo ang kanilang masalimuot na kuwento. sana'y nagustuhan mo.
all rights reserved

Monday, March 17, 2008

interbyu blues 2: lost in ayala

ewan ko ba kung ano ang sangkap ng araw na ito. i just feel sick pero hindi ko palalagpasin ang pagupdate sa aking bonggang-bonggang blog dahil sa aking interbyu experience kanina. so after ng aking exciting interbyu moments last week heto na ang kaputol ng awit.


a taste of the corporate world
federal land interview (almost)



8:30 am dapat nasa ayala avenue na ako sa may gt tower inernational. gumising ako ng 6 am at tinatamad akong bumangon dahil nga i feel sick at hindi pa rin masyadong naaalis ang agam-agam na napagkamalan akong matanda ng federal land dahil nga sa mga qualifications sa advertising and media planner post.

male, 24-30 years old.
grabe fine sige male na ako. hehe. weird kasi may female kaya sa interview at 20 pa lang ako! so i there fore conclude gawa-gawa ang lahat. chos. haha
with at least 1 year experience in advertising and media planning
what? hehe fresh na fresh pa lang ako mula sa classroom.

though yung iba achieve ko naman. kaso... basta. anyway sige na nga tutal nagising na rin ako kaya go na kahit na masama ang pakiramdam ko tutal sa real world wala silang paki kung may sakit ako unless ako ang queen ng england di ba?

the road to ayala

actually tinanong ko yung chuva sa fone kung paano pumunta. sinabi niya na bumaba ako sa boni ave ng mrt. check. at sumakay ako ng jeep or fx patungo sa rcbc.. then yun na. er hindi nasabi sa akin kung what jeep or fx... so bahala na. so mga 7:30 asa mrt na ako... shet pinamukha yata sa akin na holy week na kasi naman talbog ang penitensiya sa haba ng pila! kamusta naman. akala ko sa pagbabayad lang ng tuition meron nito. tsk. so sa wakas nakakuha na ako ng ticket ang susunod na delubyo ang tren. siguro 5 tren na ata ang dumaan hindi pa rin ako nakasakay dahil sa sobrang dami ng tao. para kasing fans day ni nora aunor at tirso sa sobrang dami ng tao. finally nakasiksik na ako.. pero shit! naipit sa pinto ang aking polo at pants. hahaha weird. buti na lang nakatalikod ako sa pinto kaya mukha lang akong nakasandal. haha. pagdating ko sa boni 8:30 na. shet im late. at take note dahil hindi ko nga sure ang jeep nilakad at hinanap ko ang gt tower. hawak lang ang address nito. grabe buti na lang hindi amazing race. then... nakita ko na!!!!!

the apprentice

ang ganda ng building! very corporate ang effect. parang ganoon ang iniimagine ng isang bata na pangarap magtrabaho sa isang bonggang company. so pumasok na ako. okey wala akong pen. tsk. bumaba ako ulit para bumili at bilisan ko raw sabi ni ate guard at magiistart na ang exam. okey exam pala muna bago interview. tsk. anyway ayun matapos kong bumili pinapunta niya ako sa board room. nang malaman ko na ang board room pagpasok ko...

mga 8 yatang mga tao ang nakaupo sa conference table at pagpasok ko lahat sila ako ang naging sentro ng atensiyon. uh ow. wrong room yata ako. hala ano ba yan magaapply pa lang ako mangaabala pa ako ng meeting or baka ganoon kadami ang panel sa interview?! grabe isang mahinang "good morning" na lang ang nasabi ko. well narealize ko nasa tamang room nga ako. applicants din pala sila. kumusta naman ate charo ako lang ang fresh grad. parang executive na kasi yung mga ibang tao run at parang sila pa ang mangiinterview sa akin. well unless fresh grad din pala sila... sa graduate school. hehe. so ayun nakakahiya lang ang feeling. inisip ko na no match na ako no pero siyempre dapat magmaganda pa rin ako.

the exams

ang drama pala ay exam muna. tapos parang magmomove sa next level ang papasa. antaray di ba? ang unang pagsusulit ay word analogy. so 30 minutes lang ang exam. ayun pinalipat kami sa 16th floor. then doon sinabi sa amin na ang papasa ay magmomove sa next test. sa isip ko, ano ba iyan sana naman pumasa ako kasi nakakahiya namang bumagsak sa unang eksamen palang! pagbalik ni quizmaster... everyone passed! yehey. one down. ang huling step yata ay interview. tapos gumuho ang mundo ko ng malaman ko ang next exam.... numerical chorva! in short math! my hatest and weakest subject! hala! hindi ba pwedeng iq test muna? pero syempre inisip ko mga pasweet math lang siguro iyon. weird naman kung algebra, geometry at trigonometry iyon di ba?

binigay ang scratch paper, text booklet at 30 minutes lang daw at bawal cell phone at calculator. good luck. so ayun simpleng math pero kamusta fractions eh nakalimutan ko na ang fraction!!!tapos mga multiplication na hindi rin pasweet. over 50 ang exam, sa number 23 na ako nang biglang... time is up! ay umeksena si kuya quizmaster!!!!! kaloka. hindi ko inaasahan. nagpanic ang iba binilisan nila para ifill answer sheet nila eh ako walang pagasa kasi si kuya ay isang kalabit lang ang layo sa akin. pft. alam ko na ang kapalaran ko.

eviction night

si kuya quizmaster ay bumalik bitbit ang aming mga test papers. iaannounce daw niya ang mga pasok sa next level. nakita ko. sayang iq test. sana yun na lang inuna. tsk. hehe. so ayun nagaannounce nga si kuya. yung mga natawag daw ay magproproceed sa next test yung isa raw inonotify na lang daw after six months. eh ate ako lang ang hindi natawag. sana sinabi na lang niya na hindi ako pumasa hindi ba? nakakaloka. haha. parang hesitant akong tumayo. shet. ganoon pala ang feeling sa pbb eviction hall. haha. kasi naman ako lang talaga ang aalis. haha. nakakahiya. feeling ko binoto nila ako para mapatalsik sa bahay ni kuya. haha 2 points daw dahil late ako at 1 point dahil sa hindi pagtapos sa math exam. haha. paglabas ko nasabi ko na lang na "magbabayad kayong lahat!" chos. haha. ayun okey lang. so much for the corporate world. di man lang ako umabot sa question and answer portion. well at least pasok ako sa top ten. hehe

lumabas ako sa magandang building ng gt towers na bitbit pa rin naman ang aking ultimate dream. i want to be a writer. wala siguro sa mga interior ng bonggang gusali ang aking pangarap at hindi siguro tinadhana na magsuot ako ng long sleeves at tie. kung ako ang tatanungin mas gusto ko pa ring magsulat. makipaglaro sa mga salita at makagawa ng isang mundong hindi kulong sa mga nagtatayugang gusali ng ayala. hinihintay ko na lang ang tawag. pilit ko pa ring dinadial ang linya. sana sumagot na siya.

Thursday, March 13, 2008

interbyu blues

kung dati ang mga propesor na ang hinuhunt namin para makapagpass ng mga requirements aba ngayon mga jobs na ang tinutugis. actually natutuwa naman ako at i had four job interviews notification na. at least kahit papaano may nagtitiwala pala sa akin. haha. share ko lang mga interview moments ko hehe for a change.

first ever job interview
etc 2nd avenue!


bonggang-bongga nang malaman kong iinterviewin na ako sa 2nd avenue. ang kinaloka ko lang... sa antipolo city pala opisina nila. kaloka talaga. hehe. tumambling ako kasi siyempre spell malayo, a-n-t-i-p-o-l-o di ba? pero dahil unang-una naman siyang tumawag eh di gora na rin for experience. sakay ako ng jeep papuntang lrt anonas, tapos sakay ng lrt to santolan then jeep sa sumulong highway! akalain mo pag nagkataon sa probinsiya ako magtratrabaho. hehe. tapos ito pang si manong dayber sabi ko ibaba ako sa senyora dela paz subdivision binaba nga ako sa dela paz, kaso baranggay dela paz yata iyon. pft. so nagtanong-tanong ako at may i travel ako pabalik. shet mali rin pala ang sa wari ni manong buti na lang matalas ang aking paningin at natagpuan ko ang senyora dela paz subdivision! last transpo mode, tricycle. narating ko rin sa wakas after the long and winding road! so kinakabahan daw ang drama ko. eh pasweet lang pala sina ateng sa interview. so ayun keri lang. writer/producer ang position sa 2nd avenue. nagcopywriting exams na akey at hihintayin ko na lang ang kanilang mahiwagang tawag mula sa bundok ng antipolo. weird nga lang pagdating kasi sa ganitong scenario:
friend: oi gurl, saan ka nagwowork? sa makati?
ako: hindi. sa antipolo.
baka mapakanta pa siya ng tayo na sa antipolo at doon maligo tayo... ;p

2nd job interview
filstar(hindi philippine star okey? hehe) the licensee of hallmark


basta nagtext sila sa akin na nakuha raw nila ang aking resume sa 49 jobstreet, diliman, quezon city, chos. basta ayun punta raw ako sa kanilang opisina ng 9am kinabukasan so nagworry ako kasi nga 50 pesos na lang ang salapi ko kaya hindi ko achieve na makipagsapalaran. sa pasig city kasi iyon baka hindi ako makauwi hindi ba? kaya ang sign pag iniwan na ni tiyo ang salapi, go ako. eh hindi. so inisip ko baka kinabukasan ng umaga iachieve niya. eh wala rin. 9am na. so naisip ko huwag na lang. eh nagdecide ako na iparesched na lang, so ayun nakuha ko na datung ko so nagtext ako kay ate na ipamove ng 1pm ang aking interview portion. nagmaasim yata kasi hindi na ako nireplayan. haha. sayang tuloy get-up ko. pero di bale pagbukas ng email ko another notification naman pala ang sosorpresa sa akin...

totoong 2nd job interview
hinge inquirer(philippine daily inquirer)


ang hinge inquirer ay kasama sa philippine daily inquirer group. ang hinge ang magazine arm nila. editorial assistant ang position ditey na inaaplayan ng inyong abang lingkod. nalate ako ng 30 minutes actually pero buti't wala pa pala ang magiinterview sa akin. ahihi. nagtravel ako patungo sa bonggang lungsod ng makati. so may i upo sa sala sa lobby pagdating ko at waitsung na mapansin ang aking kagandahan. pagbukas ng pinto ni ate...

ate: go see? model ka?
ako: hindi po. applicant po.

chos syempre dream sequence lang iyan. ayun nakita na nga ako ni ateng hr sa totoong buhay at pinapasok na niya ako sa opisina at nagfill up ng employment chorvaloo at isang test na ala beauty pageant questions ang mga katanungan. eh di nagsasagot ako aba may supladang aplikante na hiniram ang lapis ko at actually hindi na nga siya nagthank you wala pa yata siyang balak ibalik sa akin kasi iniwan niya sa lamesa. gaga siya. hehe. then ayun, noong tapos na ako may isang guylet na pinage ang name ko at ang sabi "i love you." charot dream sequence lang ulit iyan. so ayun ang trulaloo may lalaki nga na pinakilala si ate sa akin after kong magsagot, siya raw ang magiinterview sa akin sa isang room. oooh.

ako: k-kuya saan mo ako dadalhin?
kuya: dito!!!! *hinila ako* hubad!

hindi ito dream sequence. chos. syempre imbento ko ulit iyan. haha. so ayun pagpasok namin sa room nagstart na ang bonggang interview. kinakabahan ako kasi isa sa mga insecurity ko sa buhay ay magsalita ng ingles. hindi naman ako janina san miguel level, hindi lang ako kompident. pero come what may. ayun syempre kapag ingles ang tanong ingles ang sagot kapag nagtagalog na siya may i tagalog na rin ako. talbog, dapat ang nanalong miss world...

kuya: what do you want to be?
ako: i want to be a writer and also a documentarist. i like kara david, howie severino...
kuya: yeah they're good...
ako: i want to be part of i-witness but i guess it is hard to get there...
natawa siya. basta may sinabi siya na if you want to go there... focus... parang ganoon. panali may advice corner pa.... tas heto pa lang talaga ang pang ms. universe na answer...
kuya: why do you want to be a documentarist pala?
ako: uhmmm it may sound cliche (with matching pacute smile) (naks gumaganon!hehe) but i really want to make a difference.
natawa si kuya ng buong puso.
ako: ...because i believe that tv is a powerful medium that can instill knowledge. gusto ko rin kasing ipamulat sa mga mata ng pilipino na minsan tayo rin dapat may gawin (pasensiya mahirap umigles all the way eh. hehe) to attain our dream of progress. hindi dapat iasa lagi sa gobyerno.

palakpakan naman di ba? hehe. talbog din ito...

kuya: do you know about our magazines?
ako: (pacute smile muna) honestly.... no. (haha)
at least honest di ba? hehe naintindihan naman ni kuya kasi nga sabi niya bago pa lang naman ang ilang mga mag nila. sinabi ko rin naman na inquirer is better known sa broadsheet...

hindi pa nagtatapos diyan ang pagmamaganda...

kuya: what can you contribute naman to our publication?
ako: i will bring fresh ideas and i want to be the representative of our generation.
talbog ulit hindi kinaya ni kuya ang pagiging representative ko at natawa siya. ahaha.
kuya: how can you bring fresh ideas naman?
ako: i want to merge the jologs and high end. ngayon kasi mas open na yung generation namin na mabansagang jologs unlike dati na tinatago nila na nanonood sila ng mara clara. now proud kami na nanonood kami ng koreanovelas...gusto kong pagusapan mga hindi masyadong pinaguusapan at i want to write something good from bad news. example sa zte deal. dapat may new angle na light. dapat kasi hindi porke mahirap ka hindi ka na makakarelate sa pinaguusapan ng middle class and the upper class. i will use the common language that the youth now uses. i mean ang writing kasi communication iyan. hindi pwedeng one-way lang, dapat magkaintindihan kayo ng readers mo hindi lang dapat ikaw ang nakakaintindi. gusto ko pag binasa nila hindi na sila titingin sa thesaurus o dictionary para lang maintindihan... (syempre dahil monologue iyon hindi ko na maalala mga pinagsasabi ko pa. haha)

ano beh yen ang dami kong sinabi doon ha? hehe.

at dahil diyan mageexam na ako sa kanila next week sa tuesday. yehey naman. pero isa na ito sa choice ko kung matanggap man ako. kasi mukhang nice naman mga people at okey ang office. madali pang puntahan. ewan ko nga lang sa compensation. doon siguro magkakatalo sa sweldo.

3rd interview
federal land
metrobank group

sosyal advertising and media planner ang drama at sa monday na ang eksena ko rito. kanina lang nagtext sa akin. sa makati rin. pero naloka ako kasi noong tinignan kong muli ang qualifications parang hindi yata dapat ako pasok kasi 24-30 years old ang kailangan. eh sweet 16(chos) pa lang ako at fresh grad. baka mukha akong matanda sa paningin nila. charot. anyway try na rin tutal susyal susyal naman ang effect ng federal land. baka may free condo ka kapag nagtratrabaho ka sa kanila. hehe. abangan na lang natin sa lunes ang mga kaganapan.

***

iba na talaga ang life after college. exciting pero nakakapressure. mahilig pa naman ako sa mga twist and turns at surprises in life kaya kinda nararamdaman ko ang excitement nang bonggang-bongga. i dont know what is in store for me sa future. may isang inaantay na lang akong interview na sobrang gusto ko eh. hay complete na sana ang kagalakan ko. yun talaga kasi ang gusto kong job. well i'll wait pa rin at kung saan man ako dalhin ng tadhana... bahala na. ewan ko na lang.

Saturday, March 8, 2008

ambisyon ng ambisyosa


doctor. nurse. teacher. astronaut. pulis. abogado.

iyan siguro madalas sabihin ng isang bata kapag tinanong siya kung ano gusto niyang maging kapag laki niya. ako isa riyan ang mga sagot ko. pulis. akalain mo iyon? at hindi ko maimagine kung bakit ko naisip iyon. haha. pero nang lumaon naiba-iba na rin ang mga sinusulat ko sa mga sanaysay na may theme na ano na ako after 10 years at iba na rin ang sinasagot sa mga autograph sa tanong na ambition.

pinangarap kong maging computer engineer noong bandang elementary kahit na hindi ko alam kung anong ginagawa ng computer engineer. basta mukhang masaya kasi may computer tapos may engineer. hehe. hanggang sa noong high school na ang gusto kong maging ay isang journalist. nadala naman iyon hanggang college hanggang sa nagsanga-sanga na. so ano ang gusto kong maging paglaki ko?

i wanna be a writer

i love writing. i breathe words and i doodle my imagination. batsa gusto kong magsulat maging isang fictionist or scriptwriter, makasulat ng next hottest pinoy soap opera na sisikat din sa malaysia at magkakahollywood remake.gusto kong isulat ang susunod na pelikulang pipilahan sa takilya at paparangalan sa famas. gusto ko ring makita ang aking unang libro na nasa bookstore na binabasa kahit no private reading. masaya rin sigurong makilala ang mga karakter na aking ginawa at makitang buhay sa isang entablado. basta. gusto kong maging manunulat.

i want to be the next i-witness documentarist

howie severino. kara david. jay taruc. sandra aguinaldo. kalansay collector. ang taray hindi ba? hehe. pangarap kong maging isang dolumentarista na babago sa mga kuwentong nakikita sa telebisyon. gusto kong ilahad ang mga bagay-bagay na hindi pinaguusapan at mas tuklasin pa ang mga misteryo ng buhay. i want to make a difference. naks.

i want to be a field reporter

tumatakbo-takbo habang may barilan o giyera. hinahabol ang politikong ito, ang suspect na iyan o ang vip na iyon. gusto ko mga umaatikabong takbuhan, habulan. excitement kumbaga. gusto ko andun ako sa mismong kaganapan hinahatid ang nagbabagang balita. oh hindi ba? bonggang-bongga iyon. kaso good luck kailangan brusko at macho ang dating baka kasi ilagay ako sa star patrol o chikka minute.

bakit hindi? ngayong paalis na ako sa apat na sulok ng kolehiyo dapat ko na sigurong isipin kung ano ang daang dapat kong tahakin. basta sana matupad ko ang aking mga pangarap. sa totoo lang marami pa. mahirap naman kasi kung iisa-isahin ko pa at baka magmukha na itong classified ads well siguro hindi ko hahayaang maglaho ang mga pangarap na ito. hawak-hawak ko lang sila, uso naman namang mangarap hindi ba? nasa atin na lang iyon kung hahayaan natin maging hanggang pangarap na lang ang lahat. minsan masarap ding maging ambisyosa di ba?

Thursday, March 6, 2008

pulitika monologues

i want president gloria-macapagal arroyo to stay until 2010.

sigaw ng mga raliyista ibasura ang executive order 464, binasura na ang order kaya ang bagong sigaw nila pakitang tao lang daw ang pagbasura. pwes sisigawan ko na rin sila at the top of my lungs, eh ano ba ang gusto niyo? ibasura o hindi? tsk. parang kahit ano ang mangyari ganoon pa rin. at parang crying over spilled milk ang drama ng mga chorva kasi hindi ba nabasura na ang nbn-zte deal? so ano na? hindi naman siya mangyayari, hindi tayo makukuhanan ng 100 million plus na datung kasi nga no deal na.

corrupt at cheat daw si gma. si cory at erap against her. as if naman ang ganda ng pamamalakad ni ate cory? remember the coup attempts ate? or the mendiola massacre na 13 ang namatay at marami ang nasugatan? excuse me sa labanan ng lupa hano? at si erap? mahiya nga siya sa ginagawa niyang paglakad sa kalsada. hello baka nakakalimutan niya na corrupt din siya? kaya please lang. nobody is perfect. kung sana gumanda ang bansa noong under nila. hindi rin naman.

people power 3? no way! sino ang ipapalit? hindi ko maimagine ang country under vice president noli. naku kahit nga yung mga obispong anti-gma walang mapresent na magandang kapalit ng president no. at nakakahiya kapag magpipeople power na naman. anong iisipin ng mga international boylets na sa tuwing hindi natin feel ang president ay maglalamyerda na lang tayo sa edsa. naku as if walang personal agenda ang mga anti-gma na iyan kasi nga excited na rin silang mapatalsik ang pangulo para sila naman ang magkakamal ng salapi. walang mangyayaring pagbabago sa pilipinas hangga't hindi nagbabago ang mga pulitiko. kaya please lang tama na.

kung economy ang labanan taob naman ang lahat no. ayon sa isang article sa net na nabasa ko ang economic growth sa admin ni gma ang pinakamataas na average na 4.6% compared to erap (2.8%-ano ito?), fvr (3.7%) at cory (3.8%) at tandaan na last year lang nakaexperience tayo ng 7% something growth rate na highest sa nakaraang 20 something years. dont forget the piso rin na highest performong currency in asia ngayon. oha! kaya kung ayaw nating maputol ang momentum ng economy huwag na tayong magmaasim. please sa kakarally ng mga tao tumataas ang presyo ng bilihin! sabi nila hindi raw nararamdaman ng mahihirap ang pagtaas ng economy pwes sabi naman ni mingu na aking friend kasi naman ang una talagang makakaramdam ay ang mga nagiinvest ng pera syempre dahil daw nasa pinakababa sila ng pyramid sila huling makakafeel. may point si ateng hindi ba?

sige sabihin na nating cheat si pgma at wala ng moral fiber sa buhay please lang huwag tayong magbait-baitan lahat yata ng presidente nangurakot! ako nga noong bata ako nangungupit ako ng barya sa nanay ko eh. kaya pwede ba. nobody is perfect nga. hindi na mawawala sa pilipinas ang corruption. siguro iminimize na lang soon. haha. kasi naman oa itong si abalos eh milyon talaga ang drama. ayan bukol na bukol talaga ala felix bakat. ano ba ang gusto nating pangulo: nangungurakot pero lugmok pa rin ang ekonomiya o kurakot pero bonggang-bongga ang economy? syempre sa bonggang-bongga na hindi ba? naku unti-unti nang nakakabangon ang pinas kaya huwag naman sana tayong magpadapa ulit!

hindi ba nila kayang maghintay ng 2010? bakit ba kasi inip na inip ang mga tao. ayan na naman kasi ang gusto na instant lagi eh. lagi na lang din kasing sinisisi sa gobyerno ang lahat ng bagay ultimo siguro pantaya sa lotto. eh kung wala ka ring gagawin para maging maayos ang buhay mo huwag ka namang makapal ang mukha na magmartsa sa kalye as if gobyerno na ang may kasalanan. huwag naman sanang iasa at isisi lahat sa gobyerno. tumingin muna sa sarili kasi baka sa self pa lang ay may problema na.

napanood ko sa bandila ang mga high school student na magpapadala ng mga hate mail. tse. iyon lang ang masasabi ko at may jingle pa silang ginawa na gusto raw nilang ilublob sa kanal si gma, tadyak tadyakan at ibitin ng patiwarik. duh? barbaric kids. ano ang tinuturo ng paaralan sa kanila? siguro tuwang tuwa naman ang mga anti-gma. kung gusto nilang mangyari iyon kay gma nasaan na ang kanilang moral fiber din? haaay. nakakainis. i mean hindi masamang ipahayag ang nararamdaman kaso nachicheapan kasi ako sa pambebengga nila.

buti na lang i so love the philippines. alam kong aahon dito tayo. basta maniwala lang tayo.

Monday, March 3, 2008

labing-pitong taon

amoy na amoy ko na ang diploma. heto na kasi ang last school day ko literally. well imbis na nasa classroom ako nandito ako sa library nagbloblog at siguro ililitanya ang aking 17 taong pag-aaral mula nursery hanggang ngayong fourth year college. wala lang. akalain mong 17 years na ang lumipas at ito na ang huling marso ko bilang estudyante. for seventeen years nasanay akong maexcite sa tuwing sasapit ang summer vacation pero ngayon iba na ang lahat. iba na ang summer wala na siyang vacation kasi vacancy na ang habol ko ngayon. sana makahanap ako ng trabahong gusto ko.

17 years of academic journey

pre-school in twinkle toes

nung nursery at kinder ako sa isang parang day care center ako sa bignay st. sa may quezon city ako nag-aral. twinkle toes ang pangalan ng school namin. ang cute noh? ahihi. iilang class lang ang meron noong 2 ata isang am at isang pm mula nursery hanggang prep. masaya kasi more more games noon at naalala ko pa noon na may activity na meron kaming guhit sa mukha para mukha kaming pusa. well hindi ko na maalala. noong prep lumipat kami ng cabanatuan city kasi doon na nadistino si mama sa work kaya ayun. ang section ko noon ay st. rita at si mam oanes ang adviser namin.

elementary in cic

sa college of the immaculate conception ako naggrade school(nagprep din) upto high school. siya ang first ever catholic school sa nueva ecija. taray di ba? hehe shet sa autograph coke-in-can ang nilalagay namin sa school kasi nga cic. cool di ba? hehe

grade 1-st.agatha ako si mam medina ang adviser at sibika ang kaniyang subject na itinuturo. dapat st. rita ako nun first section kaso nag-attitude ako sabi ko kay mam dalacat ayokong umalis sa section na iyon. haha. iyakin din ako nung bata. ayan wala na tuloy akong maiiyak ngayon.
grade 2-st. isidore naman ako na ang adviser ay si mam de guzman with her science subject. may classmate ako noon na nagkacrush sa teacher namin na si mam balitayo na nagtuturo ng english. siya si paolo na binibigyan ng flower si mam. hehe. ako kaya bigyan niya ng flower. chos.

grade 3-st. vincent ako at hala nakalimutan ko adviser ko nung grade 3. haha

grade 4-st. john ako na si... er hala i forgot my adviser again. pasensiya bawal ang pork... bawal ang beans... haha si mam medina ulit naalala ko eh.

grade 5-st. jude ako. si mam balitayo ang adviser namin at language teacher siya. sakit ng ulo raw section namin ahaha. kiyeme nagmamaganda ako kasi top 3 ako sa klase eh. naalala ko na natapunan ng bubble gum yung classmate ko sa buhok. wahaha.

grade 6-st. justin naman ako. kami yata first na st. justin kasi kakagawa lang yata ng section na iyon noong year na iyon. si mam judy ang aming taga-payo teaching reading. ayun last year na sa elemtentary. sosyal kami kasi millenium batch kami eh.


high school sa cic pa rin

or we fondly call it ci
noong first year san agustin ang aking section. well ewan latak yata iyon ng mga late nagenrol. kasi naman hindi ko balak magaral sa school ulit namin. kaso bumagsak ako sa isang science high school. actually hindi ako bumagsak, tinanggal ako sa slot. ang pulitika nga naman doon oh! tsk. deadma lang. pero grabe ang section namin noon ang daming bading. nakakainis. haha. gay hub na yata kami noon. wahaha. kaya ayan naging in touch to the next level ang aking femininity. huling crush kong gurl dito na sa level na ito. yuck. akalain mo. kadire. ahehe. eh ariba ako noon kasi nagcommendable student ako. si mam dela vega ang adviser namin na the ang subject.

so dahil commendable student ako naging first section na ako noong second year, sta. clara naman ang aming section. masaya naman. deadma si sir galam sa aming klase na inaadvisan niya dapat. haha. commendable ulit ako! hehe.

third year paggalang kami the next year at syempre pers section ulit. ahihi. si mam hernandez ang adviser namin na pe ang itinuturo kaya kaloka pe ang first subject. mabaho ka na sa susunod na klase mo. hehe. nabengga ako sa commendable dahil sa letseng chemistry!

fourth year kapayapaan! ito pinakamasaya sa high school life ko. kumandidato ako sa high school student council bilang business manager at nagwagi ako. hehe. hindi na nga lang ako commendable ulit. basta uber saya ng aking fourth year.


college sa uste


1ca3.2ca2.3ca2 at 4ca2

ang aking block section. well naiba kasi akala namin ishushuffle kami noong second year eh section lang pala binago. hehe. naging classmate ko si mrs. j noong second year kasi natanggal siya sa section niya noong pers year. hehe. masaya ang aking college life. more more theater and bonding. basta wala akong pinagsisisihan. hindi pa ito ang goodbye post ko.... tumatakas lang ako sa mga kamushyhan... hehe.


hay i will miss school.

***

photo credits:
diploma
school is great

Thursday, February 28, 2008

i love my pototoy

last week na ito ng aking academic life. hay im leaving college soon. plano kong maging mushy sa aking post dapat pero well kagaya ng ibang plano, hindi nasusunod. haha. eh iba ang tinitibok ng puso kong isulat ngayon eh. next post na lang ang mushy and emo mode. haha. basta bittersweet talaga ang mga goodbye...

***
yesterday habang binubuno ang isa sa mga tambak na requirements (na sabi nga ng aking friend ay isang sem na siniksik sa february) ay naghaharutan kaming magbabarkada sa room. napunta sa topic na hindi ba raw ba ako malilibugan kung maghubad ang aking mga friends na gelay o iduldol ang bubang sa aking face. ano ba yan, magagalit si chairman laguardia sa usapan namin. anyway sabi ko with conviction oo titigasan ako. chooooooooooosss. eew. syempre hindi no. hanggang sa napag-usapan na gusto ko raw bang maging babae? ang sagot ko, ayoko nga. nagulat ang isa kong friend kasi ngayon lang daw siya nakaencounter ng ganoon. sabi ko naman hindi naman siguro lahat ng bading ay gustong maging babae no. ayoko talaga. matagal na rin sa aking binabato ang tanong na iyan. ayoko ng sex change i want my pototoy no. siguro namulat lang ang mga pinoy sa notion na ang mga bakla ay lalaking gustong maging babae eh hello may mga bakla nga na gusto ng magmukhang lalaki no!

siguro mas lalong naweirduhan yung friend ko na iyon sa sagot ko. kasi nga naman alam naman natin na mas mahirap ang buhay ng mga kagaya ko dito sa pilipinas. discrimination at mga kung anu-ano pang issue ang kinahaharap unlike pag babae ka o lalaki, ang proproblemahin mo lang pag girl ka ay kung paano ilihim sa magulang mo na buntis ka o pag guy paano itatago sa mga kabarkada mong lalaki na virgin ka pa.

siguro lingid din sa kaalaman ng straight crowd ay may mga panalong advantages ang pagiging dalaginding haha. ano-ano nga ba?
  • we have the best of both worlds.
  • dalaga sa paningin lalaki kung kumain.
  • madali kang makafriends dahil sa ika'y funny, charming at lovable. haha
  • highly creative. hindi nauubusan ng creative juices. nakakainis. chos. haha
  • hindi nahihiya na ipakita ang damdamin paminsan.
  • prangka pero hindi offensive. haha kasi akala ng kausap mo nagjojoke ka lang pero deep inside... haha masama ba? chos.
  • nagc-cr ka pa rin sa lalaki, syempre ano ba ang gusto mo? di ba lalaki rin? eh di kunyari jumijingle ka lang yun pala jumijingle bells na ang bahay-bata mo sa iyong nasasaksihan. haha

basta many to mention. as of now feeling ko buo naman ang pagkatao ko sa pagiging half pinoy at half pinay. masaya naman ako at kontento na sa kung anong meron ako. bakit ko pa papakumplikahin ang buhay ko na kung tutuusin ay kumplikado na nga pinapasimple ko na lang. gay ang english ng bading eh kasi nga masaya. masaya naman talaga hindi ba?

Saturday, February 23, 2008

ang makabagong sodom at gomorrah


the destruction of sodom and gomorrah
by john martin, 1854


ang sodom at gomorrah ay winasak ng panginoon dahil sa sobrang makasalanan ang mga tao roon. hindi raw hospitable ang mga nakatira roon, nageengage sa homosexuality, more more sex, brutal ang mga tao, basta past time nila ang gumawa ng masama at nickname na nila ang evilness. infairness to the sodomenyos at gomorrans naachieve nila ang end of the world nang maaga at take note napagtuunan sila ni god ng pansin, imagine ganoon na sila kasama? hehe. ayan bumibiblical passage pa ako oh?

"Then the Lord rained brimstone and fire on Sodom and Gomorrah, from the
Lord out of the heavens" Genesis 19:24.

"Turning the cities of
Sodom and Gomorrah into ashes, condemned them to destruction, making them
an example to those who afterward would live ungodly" II Peter 2:6


ayan ang napala ng mga tao sa sodom and gomorrah at naging sawsawan sila ng mangga kasi nga natransform sila to asin. sushal. anyway bakit ba ako nagbibigay ng theology lecture ngayon? naalala ko lang kasi yung bonding moment namin ni aj the barriobitch noong isang araw matapos naming manood ng selda sa galleria ay napag-isipan naming magdinner sa isang tapahan malapit sa amin sa may bandang kamias. so naisipan naming bumaba sa edsa sa may 7-11 at maglakad na lang patungo sa aming kakainan. syempre choosy pa ba ako at magrereklamong maglalakad di ba? libre naman niya ang fudams at hobby ko rin namang maglakad paminsan so ayun habang binabagtas namin ang kamias isa lang ang napansin namin... soon magiging gay capital na siya ng quezon city kasi naman mula kamuning hanggang sa kahabaan ng kamias ay kapansin-pansin ang nagsusulputang massage parlor for gays at hindi rin pahuhuli ang mga fashion designers kasi marami ring mga designers ang nasa paligid ng lugar. hindi lang mga bading ang parokyano ng kamias dahil pati mga lalaking nais ng aliw ay makakatagpo rin ng paraiso.

aba noong gabing iyon habang naglalakad kami ay may lumabas na dalawang magdyowa yatang lalaki na naghaharutan sa pavement. excuse me hindi ba? aba aba pumasok sa loob ng isang gate at naghalikan! well paano ko nalaman syempre kita sa siwang ng gate sa ibaba na nakatingkad ang paa ng isang lalaki at magkatapat sila. tsk tsk. more more lingon at medyo napahinto kami ni aj. haha. nagbitter si ate aj mo. haha ako naman isang malaking deadma sign ang umiilaw ala neon lights ng mga cheap bars sa kamias ang kumikinang sa noo ko. pero oo na, nakadama ako ng konting inggit. konti lang naman. nakarecover naman ako agad. kasi may ateng prosti na umagaw ng eksena...

so pinagpatuloy namin ang paglalakad...
prosti the snowman: isama niyo ako! isama niyo ako! (aba abot langit ang pagsigaw ni ate sa amin ha? again im wearing my deadma sign kasi baka iba ang tinatawag ni ate.)
prosti the snowman: isama niyo ako! pssst!
(nakakalayo na kami ng konti ay hindi pa rin nagpapaawat si ateng sa pagtawag sa amin na nga ata! excuse me mukha ba kaming lalaking naghahanap ng aliw? haha. so dahil hindi matahimik si ate prosti si mareng aj mo lumapit na...)
prosti the snowman: isama mo ako.
aj: saan kita isasama ate?
prosti the snowman: sa davao del sur.(chos. hindi ko maremember ang sagot. "sa inyo" ata.)
aj: ate bakla kami.
prosti the snowman: bakla ka?! (gulat na gulat si ate, hindi ba niya nakikita na nakavest pa si aj?)
(tawa lang si aj. lumapit na rin ako..)
kalansay: ate bakla kami, magkukuwentuhan lang tayo...
eh di wala na siyang nagawa kundi tumawa. kaloka. hindi namin kinaya ni aj iyon kasi nga its our second time na maganap sa amin ang ganoong eksena. noong una sa cubao, late na rin kaming umuwi at ang siste may lumapit sa aming ale sabay sabi,"boss babae po?" at ang sagot namin noon? "excuse me?" haha. ewan ko ba hindi naman kami mukhang brusko hano? nakakatense lang. bakit kaya walang nagaalok sa amin ng lalaki? charot. haha.

anyway baka magulat na lang ako na paulanin na lang ni god ng fireworks ang kamias. ayoko yatang maging sawsawan ng mangga o gamot sa goiter. modern sodom and gomorrah na ba ang bagong image ng kamias? na sa kahabaan ng kalsada nito namumugad ang mga sex den, prostitutes at mga kung anu-ano pa. alam niyo ba na may binaril sa kamias last month ata? naniniwala pa rin ako na safe sa kamias. tahimik ang buhay pero syempre gaya ng pangalan ng street, may asim din paminsan minsan at hindi bat ang asin magandang partner din sa maasim na kamias?

Wednesday, February 20, 2008

layang kulong: sa loob at labas ng selda

minsan akala mo malaya ka na pero nakakulong ka pa pala sa mga nakaraang pilit mong tinatakasan at mga ala-alang tinatakbuhan. siguro minsan mas pipiliin mo na lang manatili sa isang selda kaysa harapin ang magaspang na reyalidad ng buhay. ito ang pelikula nina paolo villaluna at ellen ramos, isang kuwento ng pag-ibig at trahedya... selda.

ang selda ay tungkol sa...

nagkabuhol-buhol ang buhay nina rommel (ang hot na bida na ginampanan ni sid lucero), ang kaniyang asawang si sita (ara mina) at ang presong si esteban (hot daddy emilio garcia) nang mapiit si rommel sa kulungan dahil sa isang aksidente. pinagbayaran ni rommel ang kasalanang hindi naman sinasadya. hinabol lang naman niya ang batang nag-agaw ng bag ni sita ngunit sa kasamaang palad nabundol ang bata habang hinahabol niya ito at namatay. sa rizal provincial jail niya nakilala si esteban, ang mayor ng kanilang selda, kasama pa ang iba pang makukulay na karakter na sina warden (micheal de mesa), ang malibog na si boy(palakpakan to allan paule), mahilig sa batang lalaki na si mang jon(soliman cruz) at iba pa. pinilit niyang mamuhay sa magulong mundo ng kulungan sa kabila ng babuyan, patayan, kasinungalingan, pagmamalupit, pakikisama at pakikibagay. unti-unti siyang napalapit sa mabuting mayor na si esteban. si esteban ay matagal ng nakakulong doon at may isang anak na lalaki na namatay sa aksidente. sa magulong mundo ng kulungan nakatakpo ng kaibigan si rommel at sandigan.

lalaya na si rommel sa wakas at utang niya ang lahat kay esteban matapos siyang pagtakpan nito sa isang malagim na patayan. muli niyang nakapiling ang asawang si sita at lumagay sa tahimik at payak na pamumuhay bilang isang magsasaka(kung kagaya niya ang lahat ng magsasaka sana naging palay na lang ako.chos) sa probinsiya at nagkaroon pa ng anak na babae. lumipas ang taon ay nakalaya na rin si esteban kaya naman matapos siyang lumaya ay hinanap niya kung nasaan si rommel. nang marating nito ang kinaroroonan ni rommel magsisimula na ang tunay na kuwento ng pag-ibig, pagdiskubre sa sarili at mga kasinungalingan.

sita at rommel

dapat bang ikulong na lang sa selda ang pelikula o palayain? hmmm...

nagustuhan ko ang pelikula. ito kasi yung mga tipo kong storyline eh, masaklap, dark, tragic ngunit may puso. marami pang kapuri-puri sa pelikula, magsimula tayo sa core nito, ang istorya. talaga namang maganda ang kuwento ng selda. naitahi niya ang mga elemento ng kuwento ng mabuti at wastong naibagsak ang mga twists and turns nito. nadebelop ang mga tauhan at naipakilala ng maigi. makikisimpatiya ka talaga sa mga ito. hindi predictable ang mga pangyayari at talagang magugulat ka sa mga susunod na magaganap. panalo rin ang mga linya dahil may mga tumatatak gaya na lamang ng binigkas ni boy (allan paule) "lalaki ka, lalaki ako nagkatikiman tayo anong masama roon?" at ng kay mang jon,"akala mo sa labas ang tunay na buhay? dito sa loob ng kulungan ang tunay na buhay..." basta panalong panalo ang screenplay!
dapat ding palakpakan ang cinematography dahil talagang maganda ang look-and-feel ng pelikula, bawat eksena ay tila isang obra. dinagdagan pa ito ng galing ng mga nagsipaganap! mapabida man o mga supporting lang talagang nagpagalingan sa sining ng pagarte. ang pinakapaborito kong eksena ay yung mga patapos na mga pangyayari, doon mo talaga masisilayan ang galing nina emilio garcia, sid lucero at ara mina! sobrang galing at kapanipaniwala ang kanilang pinamalas na pagarte. sa guwapo ni sid lucero nagmukha talaga siyang magsasaka, alam mong magsasaka siya at maniniwala ka na nagtatanim talaga siya ng palay. bawat damdamin ay naipakita ng tatlo ng mabuti at bawat linya ay nasabi ng may buong emosyon. hindi na ako magugulat kung may manalo sa kanila sa mga darating na acting awards. syempre hindi rin naman pahuhuli ang mga supporting characters. sino ba ang kukuwestiyon sa galing nina micheal de mesa, allan paule, ping medina at soliman cruz hindi ba? subok na subok na sila sa mga aktingan. proud din ako dahil alumnus ng theater org namin ang isang umarte sa film na si kuya bombi plata. hehe gumanap siyang preso na kabarkada ni boy syempre magaling din si kuya bombi hindi siya nagpahuli sa mga batikang artista.
mapag-iisip ka talaga ng pelikulang ito. hindi basta basta dahil dapat mataas ang iq para masundan ang mga kaganapan. dinugo nga ang ilong ko eh haha. iba talaga ang takbo ng kuwento at nilalaman nito. nakakaaliw sa ganda. hehe

dahil walang perpektong bagay sa mundo ang naging problema lang siguro ng film sa akin ay masyado siyang mahaba na pwedeng mas maikli naman. yun lang. haha. pero sa lahat lahat, karapatdapat lumaya ang selda sa apat na sulok na piitan at dapat mapanood pa ng mas nakararaming tao!


ang mga may pakana ng lahat: ellen ramos at paulo villaluna

oh hindi ba? sila ang may pakana ng magandang pelikulang selda kaya dapat sila'y salubungin ng isang masigabong palakpakan! nagpamalas ng kagalingan sa pagdidirehe sina ellen ramos at paulo villaluna, dapat silang parangalan! hehe

photo credits:
poster
rommel at sita
directors

Sunday, February 17, 2008

love letter confession

wala akong mapost pa. anyway heto yung pinaworkshop kong isang upuang gawa ko sa isang writing workshop. kaya naman nabengga siya. haha.dahil diyan ito ang aking post-valentine gift. haha gumaganun?
***
LOVE LETTER

Mahal kong Mikaela,

Happy Valentines. Happy nga ba? Sad Valentines - ayan masaya ka na? Iyan ba talaga ang gusto mo? Ito na yata ang pinakamalamig na Valentines natin, hindi naman Pasko. Hinawakan ko ang iyong kamay ngunit tila tangan ko ang isang natutunaw na halo-halo sa tag-init. Dumampi ang aking mga labi sa mga halik mong parang naliligaw sa mga bulubundukin ng Baguio. Nasaan ka na ba Mikaela? Mika? Mga rosas na binigay ko sa iyo tinanggap mo nga pero iniwan mo naman sa akin ang mga tinik, dinamay mo pa ang mga tsoklateng nakalimutan na sila'y matamis. Mahal mo pa ba ako Mika? Mikaela? Sa pag-indayog ng aking katawan sa sayaw na alam na alam natin ay tila nakaligtaan mo ang mga kumpas. Ang aking mga maiinit na haplos sa balat mong mas malamig pa sa Paskong walang regalo ay naging hangin. Happy Valentines Mikaela ha? Nakalimutan mo yatang may kasintahan ka. Tumingin ka sa aking mga mata ng marinig ang aking tinig. Wala na ang mga dating tagos sa pusong titig. Wala na ang... mahal mo pa ba ako Mika ko? o Mika ka na ng iba? Hinintay ko ang iyong sagot ng pagkatagal-tagal. Ilang mga yabag na rin ang dumaan sa tapat ng ating pintuan. Ugong ng aircon ang nagsisilbing awit, sa apat na sulok ng kuwarto umaalingawngaw pa rin ang katahimikan. Nakabibingi. Nalaman ko ang sagot ng pumatak ang luha sa iyong kanang mata. Nakalimutan na ng puso mong tumibok para sa akin, ang makaramdam. Ang bolpen na pinansusulat ko ngayon ay inabot ko sa iyo. Itarak mo sa akin. Hayaan mong tumigil na rin ang pagtibok ng aking puso. Sulatan mo ako ng liham sa aking kaloob-looban. Isulat mo ang mga bagay na nagpatigil at nagpalamig sa nararamdaman mong pagmamahal. Babasahin iyon ng aking katawan o bulagin mo na lang kaya ako gamit ang bolpen na iyan tutal pinakita mo na sa akin ang kadiliman. Mikaela, Mika bakit hindi mo na ako mahal? Binalik mo ang bolpen sa akin. Ang sabi mo ay isaksak ko sa iyong mabuti at hayaang kumalat ang kulay gabing tinta sa puso mong hindi na marunong makaramdam. Hindi ko yata kaya iyon Mika. Ganoon kita kamahal. Ang tugon mo, isulat ko ang aking pagmamahal sa iyong mga lamang loob, ang mga salitang puno ng pagsamba, mga tula ng pag-ibig at mga bersong walang kasing tamis baka sakaling magbalik ang pagtinging napaso na ng panlalamig. Ang bilin mo pa'y idiin ang bawat titik sa balat mong naghihintay ng aking init. Hindi ko talaga kaya ngunit sabi mo, kung talagang mahal kita ay hindi ako magdadalawang isip. Ika'y nagtanong kung mahal ba kita. Kay tagal kong napipi. Ilang mga yabag ang dumaan sa tapat ng ating pintuan. Ang ugong ng aircon ang nagsilibing awit sa apat na sulok ng kuwartong kay tahimik. Sinimulan kong itarak ang bolpen sa iyong dibdib. Ako ang nakaramdam ng abot langit na sakit. Sa aking pagpikit ako'y naging manunulat, isang makatang walang alam kundi ang mga tulang walang laman. Sinulat ko naman ang mga matatamis nating ala-alam, ang tintang itim ay naging mapusyaw na pula. Tamang-tama sa araw ng mga puso Mika. Paano ko ba tatapusin ang paglalahad sa iyong kaloob-looban? Sa iyong kaliwang baga ko nilahad na ikaw ang aking hininga, sa iyong tiyan ko naman inukit na ikaw ang bumubusog sa aking gutom na buhay. Sa labi mo kinuwento ko ang akign matatamis na halik at sa iyong puso ko sinulat ang isang liham ng pag-ibig. Happy Valentines inukit ko sa iyong pisnging kagaya ng kay kupido, sa iyong dila aking inalay ang pangalan kong maaari mong tawagin kahit kailan. Sa iyong mga palad sinulat ko ang ating tadhana na tayo'y magsasama kahit kailan. Ang liham kong ito'y dumadaloy sa iyong makinis na likod. Mahal mo na ba ako ulit Mikaela? Isang katahimikan ang kasagutan at ako'y nagising sa isang umagang makulimlim. Nang tumigil ang iyong puso sa pagtibok para sa akin, isa na akong malamig na bangkay.

Nagmamahal,
Isaiah

***

isa sa mga bagay siguro na pinakamahirap gawin sa mundo ay ang mangumpisal. imagine, ilang guts at balls ang kailangan mo para lang umamin at harapin ang iyong ginawang kasalanan? hindi ba? ang hirap aminin ng isang bagay kapag alam mong ito'y kasalanan mo at alam na alam mong masama. at aminin naman natin hindi rin naman tayo nagiging honest sa mga confession with father. may mga lihim at kasalanan tayo na hindi natin magawang aminin. siguro sa takot sa stigma o sa kahaharaping consequences. pero well isang matapang na tao ang kayang humarap at umamin sa mga kasalanan kahit na alam niya na babatuhin siya ng mga tao ng bato.

sa pangungumpisal umiikot ang aming film finals. dito iibahin namin ang mukha ng katotohanan, bayani pa ba ang umaamin sa kasalanan? posible bang maging tama ang mali?

***

ilang dasal ang kayang magsalba sa iyong kasalanan?

handa ka na bang mangumpisal?

"KUMPISALAN"



sa pebrero 19-22, 2008, rizal conference hall, st. raymund's building, ust

kumpisalan show times:

pebrero 19- 10:20am - 11:40am
pebrero 20- 11:40am - 1:00pm
pebrero 21- 1:00pm - 2:20pm
pebrero 22- to be announced


When I tell wicked people they will die because of their sins, you must warn them to turn from their sinful ways so they won't be punished. If you refused, you are responsible for their death." Ezekiel 3 : 18

Wednesday, February 13, 2008

self love

narcissus: selflove

oo na. isa na ako sa mga taong ang alam na date sa valentines ay february 14. im a single since birth and im proud of it. sino bang may sabi na ang valentines ay pangcouples lang? alam niyo ba na ang february 14 ay singles awareness day din? kaya sabi nga sa japan, shine-shine-den(lovers-go-die) chos. hindi naman ako bitter or whatever pero ang point ko lang sa mga nagmumukmok diyan at walang date sa balentayms pwede rin namang icelebrate ang pagmamahal sa sarili at singlehood. kaya merong self love hindi ba?


tips for singles this valentines
  1. look at the mirror and kiss yourself or kunin mo yung pic na pinakamaganda/gwapo ka then kiss it.
  2. kunin mo ang isa mong kamay at iholding hands ang sarili pasway-sway pa.
  3. buy flowers, chocolates, indulge and celebrate para sa sarili.
  4. i-flames din ang sariling pangalan sa sarili mong pangalan and iwish na love or married ang lumabas. good luck kapag angry or enemy.
  5. text yourself ng mga sweet quotes. kunyari hindi mo alam. kikiligin ka pa ng walang kalaban-laban.
  6. write letters na naguumpisa sa dear me...
  7. try self lovemaking, masturbation is the key di ba? haha. i mean part of loving yourself ay masatisfy ang lahat ng needs mo di ba? haha. pasensiya naman sa cbcp.
  8. humiga sa damuhan at look at the stars, ibulong mo na "i love myself" with feelings.
  9. watch your favorite romantic movie like pido dida.
  10. cuddle and hug your own body.
  11. bond with your single friends din.

naku life is so short para lang sayangin sa pagmumukmok. if you dont know how to love yourself sino pang magmamahal sa iyo hindi ba? basta ako kahit na single ako alam kong may lovelife ako. i have my circle of friends around me na nagbibigay kulay ng aking buhay. everyday is valentines day kapag sila'y aking kapiling. juice ko naman kulang na lang sex eh. ganoon kami kaclose ng aking mga friends. napupunan naman nila ang kakulangan ng pagkawala ng isang tao sa buhay ko. hanggang kailan nila pupunuin? imagine 1 vs 100 ang drama? malulungkot ka dahil wala kang isa samantalang meron ka namang 100? hehe. well ewan. basta ang alam ko mahal ko ang sarili ko. hanggat wala pa siya magcecelebrate muna ako well alam ko naman na darating ang araw na may kasama na akong manonood ng sine sa feb 14, may kasabay kakain sa aking fave kainan at may kasabay ng papasok sa sogo. haha eh since wala pa siya ako muna'y magpapakasaya...

mag-isa.

***

i love you kalansay collector.

from your secret admirer,
kalansay collector


***

oh hindi ba? may katuturan ang vandal. kahit mmda magdadalawang isip na burahin iyan sa pader.

maligayang araw ng mga puso sa lahat!

at happy sad(single awareness day!) to all. hehe

***

photo credits:

narcissus
vandal

Saturday, February 9, 2008

kabilang ka ba sa 12%?

thesis defense.

halos lahat yata ng estudyante ay nagdaan sa prosesong ito na mapanginig laman at nagdadala ng walang patumanggang kabog sa puso. ibang kaba ang nararamdaman sa tuwing gigisahin na ang halos isang taon mong pinaghirapang pananaliksik.

hindi kami kasama dun.

siguro iilan lang ang kagaya ng grupo namin na kabilang sa mga hindi nakararanas magdefend ng thesis. ayon kasi sa sws survey, 12% college students lang sa pilipinas ang hindi nakakapagdefend ng thesis at kasama na kami sa datos na iyon. chos. imbento ko lang ang survey na iyan. anyway totoo na ito, sabi ng isang panel namin hindi na raw namin kailangang magdefend kasi nagdedefend na mag-isa ang thesis namin. nakakatakot. ewan kung negative iyon o positive pero siguro more on negative kasi marami rin kaming revision. well naligtas man kami sa scrutiny ng defense hindi naman kami ligtas sa two more weeks of thesis writing. hay. at least alam ko na gagawin ko sa valentines hindi ba? wala naman akong kadate eh. aba nasanay na kaya ako for 20 years na walang kadate. hehe.

***

nalalagas na ang mga araw ko bilang isang kolehiyala na ala cancer patient na may taning na sa buhay. naprepressure ako kasi dapat may trabaho ako after grad. pinepressure ko rin ang sarili ko na makuha ang trabahong gusto ko. well sana nga. kung wala man akong date sa susunod na valentines at least kadate ko ang sarili ko hindi ba? magiindulge ako sa aking pinaghirapang suweldo. masaya ring manood ng sine mag-isa. kung horror bawal ka nga lang sumigaw mag-isa at nakakahiya namang tumawang mag-isa habang nanonood ng comedy. parang text lang iyan kung wala ka namang kasama bakit mo babasahin ang text joke ng malakas hindi ba?

***

ewan ko ba. walang kuwenta ang post na ito. as in. ganito siguro feeling ng mga taong naloko na inakala noong first year ay magdedefend sa fourth year para sa thesis, hindi pala. apat na taong natakot at kinabahan. hindi naman pala mangyayari. ewan ko pero para sa akin okey lang na niloko ako. haha. kaysa naman sa hindi nga ako niloko, hindi naman ako handa sa magiging kasagutan.

Monday, February 4, 2008

paano ako kukunin ni lord?

naglalakad ako minsan isang gabi biglang may humablot sa akin at ginahasa ako. nakilala ko siya. hinampas niya ako ng bato sa ulo at pinaanod sa pasig river.

arghhh...

hindi iyan kuwento ng isang white lady na nagpakita sa akin habang nanonood ng walang tulugan with master showman, naisip ko lang paano kaya ako mamamatay? definitely ayokong ikwento sa isang psychic ang ganoong kapalaran hano? dapat kapag naglaro ng ouija board ang mga apo ko sa sakong magandang death story ang ilalahad ko sa kanila. yung multo ko dapat fulfilled at satisfied sa buhay niya at inembrace ang death.

siguro nakakakilabot pag-usapan ang isang kamatayan lalo na't kung mismong kamatayan mo pa ang pag-uusapan. eh well lahat naman tayo walang choice at madedead soon pero please lang god hindi pa ako handa. hindi naman porke isinusulat ko na itong post na ito ay papasundo niyo na ako. huwag naman kayong excited. hehe. please lord marami pa akong pangarap sa buhay. magiging first gay president pa ako ng pilipinas. chos.

anyway ayun nga. gusto ko naman na kapag dumating ang araw na kukunin na ako ni lord dapat handang-handa na ako. ayokong magaya sa mga multo na workaholic kasi may mga unfinished business pang tinatapos. hehe. pero paano nga kaya ako magmumulto? papagalawin ko ang mga bagay o kaya'y sasapi sa isang bagets. chos. ano ba iyan hindi ko pa nga naiisip kung paano ako madededbol ay pagmumulto na agad naiisip ko. hmmm. basta sosorpresahin na lang ako ni god 96 years from now. haha.

paano ako mabubura sa listahan ng sangkatauhan?
a. mistaken identity. akala isa akong celebrity na adik.
b. sa kabusugan.
c. kukuyugin ng mga inggitera dahil sa aking cuteness.
d. makakalimutang huminga.
e. kukulamin ni voldemort.
f. wala lang.

***

heto ang post na ginawa ko sa pagitan ng gutom at cluelessness(yes may ganito bang salita?) kaya weird. heto ang nagagawa ng malawakang gutom. nasa computer lab ako at inaabuso ang internet ng unibersidad. kabayaran sa pagabsent ng propesor. gusto ko pang magbyuti sleep.

anyway may we all rest in peace... someday after 96 years.

guess who's back?

ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in.  birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...