it was also a
wednesday last year,
kasisimula pa
lang ng july when
i was haunted and hunted by a
death of an acquaintance.
a death
i never expected to affect me profoundly.
the reality that you can die young, snatching you off your sleep, that death in the final destination movies
na hindi titigil para
kit'lin ang buhay mo.
parang stalker lurking in the shadow.
that was last year.
and this year another
death shocked me.
a young promising teen actress took her own life
habang ako sobrang takot na takot mamatay,
nakayanan niyang tuldukan ang kaniyang buhay.
but i don't judge her.
...nakakalungkot
lang.
the paranoia of dying eventually faded, actually meron pa rin pero
hindi na kasing lala nung last year.
nakatulong din siguro
na naging busy ako at may
pinagkakaabalahan.
i confronted it by talking about it with my friends.
nakatulong naman.
iba naman ang
naghaunt sa'kin lately -- that ever
mailap na love life.
lol
***
if death lurks in the shadow, love is in the air.
charot.
hihi.
...but yeah.
it is annoyingly everywhere.
lol.
si love waiting in the park bench, having a day off.
or sneaking in tinder or even in hopeless
grindr.
in the air we breathe, in the aftertaste of expensive chocolate from your dreamy suitor..
in the dog shit you didn't pick up.. pero alam mo kung saan siya wala?
sa'kin.
shet.
forever punchline ang love life ko.
haha
minsan napunchline na rin sa office ang kawalan ko nang love life.
...at mapaglaro ang tadhana...
ang isang barkada ko sa workplace, ako lang ang walang dyowa.
yung isa
sa tinder nakahanap ng mahal, tas yung isa naman tuloy pa rin sa complicated niyang kasintahan.
then, suddenly
ang bestfriend ko may ka-date.
sa tinder din.
gosh.
i almost got desperate at kulang na
lang magright swipe
ako sa lahat ng nakikita ko
sa tinder.
haha.
oo napeer pressure
ako.
ganern levels.
kasi naman third wheel forever ang role
ko at ako na ang
nagiging token
beki bestfriend role! haha shet nikki valdez lang ang peg.
...pano kung
nikki valdez roles
nga ang tadhana
ko?
wah.
lord pwede naman for once
maging toni gonzaga ako?
or sarah geronimo?
haha
sa isang inuman,
nabanggit nung dati kong boss turned friend
na ang dami
ko raw
kasing walls.
subukan ko raw
kasing magbaba para
magkadyowa ako.
sabi ko naman sa isip ko, subukan naman nilang tibagin di ba? hihi.
siguro kaya ko naman. pero sa tamang tao. :)
...kung
darating siya.
pero minsan mapapagod ka na rin sa kakahanap. ang dami ko rin kasing kuda.
haha
charhaha
pero kung mahal mo ang isang tao di ba, madali namang magpatibag ng pader? ang magpabago ng dingding, magbukas ng pinto sa pogi. . . ang tumigil sa pangunguwestiyon, ang pagkabulag sa mga kakulangan, pagpuno sa mga kabawasan... kung mahal mo na ang tao.
pero pano nga kung hindi ka pala nakatadhanang magmahal?
o baka habang buhay kang matatakot sumubok?
...ayoko rin kasi
ng dates.
wala lang.
naplaplastikan ako.
haha nakakapressure kasi. parang dapat meron kang patunayan. iyong lagi mong iisipin na sana magustuhan ka. na bawal kang magkamali.
...minsan ang pathetic
ko rin kasi.
masyadong eager.
masyadong nagsasabi agad na gusto. pero di ba kung madali nating makuha ang bagay madali rin nating bitawan? so ganun tuloy pakiramdam nila kapag sinasabi kong gusto ko sila. hindi na sila nachachallenge.
nasasakal agad.
hindi pa ako nililigawan kahit kailan.
walang nagkamali. haha hindi ko rin naman alam ang iaasta.
lol
hindi ko rin naman kayang manligaw.
...parang ayokong lagyan ng label ang mga bagay.
ayokong tawaging date.
parang may cringe factor. ang ligaw parang ang plastic lang din, gagawin mo lahat para mapasagot pero pag napasagot wala na, or baka pangstraight lang yun.
ayoko ng labels
pero gusto ko rin namang
maranasang may
tawaging boyfie,
bebe,
bae, love, babe...
akin.
jusko.
kaso posible ba yun lalo na sa lipunan natin na hobby ang maglabel sa lahat ng bagay.
or baka wala pa talaga yung taong yun? o baka wala naman talaga siya.
sinasabi nila may mga taong nakalaan sa'tin, pero bakit may mga matatandang binata at dalaga?
masyado na akong
matanda para
maniwala pa
sa destiny plot.
pero ayoko namang maging cynical
masyado.
nakakapagod na rin kasi ang puro kama na lang. madaling makaraos, mailabas ang mga halinghing, parang bula na madaling maglaho ang ligaya.
***
sa susunod na linggo tatanda na naman ako ng isang taon.
hindi ko alam, may panibago na naman sigurong magmumulto pero alam kong nandiyan pa rin ang mga gabing hindi mo pa rin maiwasang maisip ang takot sa pagkamatay, o ang pagiging mag-isa. o ang ilap ng pagmamahal.
kapag tumatanda, mas nagiging kumplikado ang mundo.
pero mas madaling umunawa.
sa taong
ito hindi na ako nagsusulat ng birthday
wishlist.
pero hindi dahil karamihan naman hindi ko nakukuha, kung hindi dahil magbebente ocho na ako, hindi na sapat ang humiling lang.
dapat gumawa.
dapat humakbang.
nandiyan man ang mga takot, sa kawalan ng kasiguraduhan, harapin lang siguro.
kalabisan naman kung lumilipas lang ang mga taon na wala tayong natututunan.
sinubukan ko noon na hayaan ang pagmamahal na dumating, sinubukan ko ring hanapin.
ilang posts na ba ang nasabi ko rito na sinabi kong gusto ko na?
haha.
hindi pa rin nagbabago ang kagustuhang iyon.
pero hindi ko pipilitin.
siguro may gigiba pa rin ng pader, o mas tataas pa ang mga ito.
dadagdagan pa ang semento, pipintahan, vavandalan at iihian.
i will not compromise myself.
sawa na rin akong maghanap.
maging desperado.
ang matakot.
basta yayakapin ko na lang ang mundo. :)