Showing posts with label after college. Show all posts
Showing posts with label after college. Show all posts

Thursday, December 30, 2010

mga larawan ng 2010

sino bang hindi nagiging nostalgic kapag natatapos ang taon? syempre uso na naman ang year end report sa news o kaya gaya nito sa mga blog na magrerecap ng nangyaring matatamis at mapapait na alaala ng taon.

well every year gumagawa ako ng year ender sa blog(s) ko kung anong nangyari sa aking taon. masaya. nakikita ko na ay makabuluhan naman pala ang taon ko. haha. so ngayong 2010 kaya? i

kung i-sa-summary ko ang aking buhay ngayong taong 2010 itong mga larawang ito ang magsisilbing summary ng aking fun, challenging, scary, exciting and colorful twenty ten.

well medyo kakasimula na ng taon pero may isang bagay akong kailangang tapusin at iwan...
pebrero noon noong nagresign akong writer sa talk show na buzz para magfocus bilang brainstormer sa imortal. bilang febraury din nung naaprub finally ang imortal para umere sa primetime.

it's my dream na noon pa na maging part ng creatives ng isang teleserye.. so noong february, tinupad ko ang pangarap ko. hehe.

last day sa buzz last feb 2010







speaking of goodbyes... nagpaalam din si jhey sa pinas bilang nagreunion sila ng nanay niya sa uk. pero bago niya lisanin ang ating tropical paradise, nagdespedida siya sa puerto galera with us sa first week of march. tamang salubong sa summer.

summer at puerto galera (kuha ni bullet)
tapos noong april, nabago ang hitching experience ko dahil sa lalaki noong biyernes santo. sad hindi ko na siya nakita ever sa tuwing umuuwi ako ng pampanga. well after noong mahal na araw ang next uwi ko na ay last week lang nung christmas. so kumusta nga naman kung makita ko pa siya.. unless were destined. weh? hehe. 
destined. yan ang nangyari kay president noynoy aquino this year noong manalo siya sa presidential election. last may naganap ang first ever automated election sa bansa at ang cool dun, first time kong bumoto at i-exercise ang aking right of suffrage. sayang hindi ko man lang naexperience ang mano-mano. hehe 

and btw, i did not vote for noy... i opted for gibo. sayang hindi siya nanalo pero no regrets. hehe. sana bigyan siya ng position sa cabinet this 2011.

ang sayang bumoto in a hi-tech way kaya pinicturan ko pa ang daliri ko with the indelible ink! :)

yey perstaym voter!

well may din noong nagmanila tour kami nina xi, aldrin, argel at judee. nagbago ang tingin ko sa maynila. well i personally love intramuros. kahit ilang beses akong magpunta run, hinding-hindi ako nagsasawa. amazing talaga ang history. imagine naglakad don si rizal?

flowers of the walled city
anyway kung naglakad si rizal sa intramuros... naglakad naman ako sa baguio with the defunct show tuklaw team noong june na naging super ang bonding namin dahil sa mga pinagdaanan namin sa show. haha. masaya kasi bukod sa work, talagang we had fun dining sa mga best restos sa baguio like tam-awan, cafe by the ruins at sa 50s diner. talagang memorable ang experience.

50s diner sa baguio (kuha ni sonny calvento)
...then the months dragged by.july is actually birthday blues. lumipas ang araw na nasa trabaho ako. at ibang klase ang araw na yun. nakaukit na talaga siya sa kasaysayan ng buhay ko. haha not the best birthdays ever pero isa sa mga unforgettable! :p

pero medyo nadelay yata ang surprise birthday gift kasi september sinabi na magiging trainee writer na raw ako for an afternoon show na juanita banana.  pero late man, super fun pa rin. at kahit ngarag, masaya naman. (september innannounce na gagawin pero october ang airing) so ang pinakamasustansiyang teleserye, 6 weeks lang in the making bago umere! :p

juanita thanksgiving (kuha ni sonny calvento)

so kung six weeks ginawa ang juanita, halos one year ang prepation naman ng imortal. kaya naman noong october umere ang imortal, kaya kinilig ako dahil nakalista na sa closing credits ang aking pangalan. hehe. after two weeks, sumunod namang inere ang juanita banana. so fun naman kasi mula hapon hanggang sa gabi, lumalabas ang pangalan sa tv. wow achibment! nyahaha. naadik lang. hehe

imortal sa primetime bida
pero ang tunay na highlight ng october? ang sobrang masayang 10.10.10. for the first time nagrun ako for a cause. haha. para sa pasig. walang tulugan kasi deretso agad sa moa after meeting na natapos ng mga alas dos. masaya naman. after namin ng officemates kong tumakbo, nagpunta kaming enchanted kingdom at finally nakasakay na ako sa space shuttle. haha sa dalawang beses ko kasing pagpunta sa ek, never akong nakasakay sa space shuttle hanggang sa nun ngang 10.10.10. hehe.

ayun. ang next project naming 10.10.10. pips ay next year na 11.11.11. dapat spontaneous na lakad din. iba talaga kapag hindi mo pinaplano...

10.10.10. ek mode (kuha ni nikki b.)
gaya na lamang nung november, malay ko bang mababasted ako? haha pero may isang bagay akong pinlano na dapat magawa ko bago matapos ang taon... ito ay ang magpabraces! bwahaha. para mukhang mayaman. haha well bukod sa kaartehan, kailangan ko rin para makorek ang bite ko at para maiwasan ang nagbabantang lock jaw. ayoko namang mangyari yun.

so bago matapos ang nobyembre, ayun pumunta ako sa dentista ni argel na nagbago ng mukha ng dentist stereotype. haha siya na ang most fun dentista ever. ayun mas masakit pala kaysa sa pagkakabasted. haha.

the metallic smile
at naisip ko parang maling-mali na magpabraces lalo na't december is so here! eh maraming christmas parties so meaning maraming kainan. eh di nalaos ang braces kasi hindi ako nagpatalo, kain pa rin to the max. so no regrets!hehe

busy sa work ang pasko season pero okey lang, ibig sabihin nun blessings. hehe. last days of december, naganap ang fun-filled xxxmas partey with my hs friends while working, salamat at hinintay nila akong matapos. hehe. annual party yun na may theme.. as usual masaya. i will miss them though, baka karamihan sa kanila sa palawan trip ko na makita. :p yey.

xmas decor sa abs
there.
ansaya naman ng 2010 ko. looking forward sa isang masayang 2011 din. hay can't wait what is in store next year. so sa nalalabing araw ng 2010... magpaalam tayo sa taon with a bang!


HAPPY NEW YEAR!

Sunday, May 3, 2009

nang mapikon sa akin si lord

nagtika-tika ako ngayong nakaraang mga araw at naisip ko medyo malakas yata ako kay bro. pero ang catch hindi yata niya binibigay ng buo ang ang aking mga dasal, hindi naman sa choosy ako no? sa totoo lang kuntento naman ako sa mga naibibigay niyo sa akin pero naisip ko lang parang patingi-tingi ang kasagutan sa mga dasal, marahil salot daw kasi ang mga bading, hindi ako nagsisimba tuwing linggo o dili kaya'y kulang-kulang daw ang detalye ng pagdadasal ko.

naalala ko noong high school, sumali ako sa division school press conference. nakawiwindang! kasi nilagay ako sa sports writing ng adviser namin sa school organ! asports writing?! excuse me di ba? malay ko sa sports writing, so dahil mahal ko masyado ang pagsusulat go lang. sumali ako, at nosebleed kasi english division iyon eh mas gamay ko ang ating sariling wika kaysa wikang banyaga! syempre nagdasal akong manalo (sana pala para bidang kontrabida ang pinagdasal ko na lang matalo nawa ang mga katunggali ko! wahaha. shet lalong hindi sasagutin ni lord ang dasal ko nun. hehe). aba aba akalain mong nanalo nga ako! 5th placer (uy bente mahigit kami nun ha?!haha) nga lang. sabi siguro ni lord, "eh hindi mo naman sinabing first place eh!". nako kaya siguro hanggang top 3 lang ako sa room noong grade school kasi hindi ko nga naman iniispecify na "sana top 1 ako." huwag ng choosy, 5th placer pa rin iyon ha to think na tungkol sa basketball game sinulat ko na wala naman akong kamuwang-muwang sa basketball, piko at jackstone mana pa!

pinangarap kong mag-aral sa ateneo at pinagdasal kong na ana pumasa ako run kahit maghirap pamilya namin sa pagpapaaral sa akin. at least kahit na nasa squatters area na kami dahil nasaid na ang aming kayamanan bongga pa rin at maipagmamalaki ko sa adik naming mga kapitbahay na sa ateneo ako nag-aaral. dahil diyan hindi dininig ni lord ang aking prayers at upang maging mabuti akong kristiyano sa ust niya ako pinag-aral na infairness hindi ko naman pinagsisisihan at thankful ako sa aking thomasian education. amen! teka specific na ang dasal ko nun na sa ateneo sana ako mag-aral hindi ba? sagot ba naman siguro ni lord, "how do global warming affect globalization?" tunganga, may password pa pala ang prayers bago sagutin. (oo maniwala ka nakausap ko siya, hindi lang si santino ang may kakayahan no. chos)

sumali ako sa isang premyadong univrsity-wide literary contest noong college. malamang pinagdasal ko na magwagi ako. again kulang siguro sa detalye, nagwagi naman kaso hindi pumasok sa top 3 at karangalang banggit (honorable mention) lang ang binigay sa akin para sa aking katha pero syempre out and proud pa rin ako kasi maraming sumasali sa patimpalak na iyon. muntik pa akong magbuwis buhay kasi natapilok pa ako noong kukunin ko ang award!

matapos magtapos ng kolehiyo noong nakaraang taon, nagdasal ako na sana makapagwork ako sa tv network. kung news, gusto ko sa gma at kapag entertainment sa abscbn naman. aba aba ubos biyaya nagexam ako sa parehas at pumasa. napathank you lord ako syempre kaso dugo sa ilong kung ano pipiliin ko sa dalawa. unang nagparamdam ang gma news. akala ko magiging masaya ako kaso all i wanna do nga is to write inspiring stories na babago sa buhay ng taong babasa/manonood nito, hanggang sa kumatok na ang kapamilya network sa tingin ko mas matutupad ko ang aking pangarap sa nasabing network. tumuloy ako at linisan ang balitaan para suungin ang aking pangarap (isa pa akong kapamilya talaga kaya winner) kaso mukhang kulang na naman sa detalye ang aking dasal.... napipikon na siguro sa aking ang diyos... binibigay naman niya ang aking mga kahilingan (isa na lang actually ang hindi pa niya tinutupad! lord gusto ko ng magsulat please? baka sakaling matapos na ang aking kalbaryo sa aking puso na buhat-buhat ko ngayon. haha sa tingin ko ito ang sagot sa aking hinahangad na kaligayahan. sige na kukumpletuhin ko ang detalye ng dasal ko. promise, kung gusto mo 5 page essay pa!), so nakalipat nga ako sa mas gusto kong network at napunta naman sa hinahangad kong show... kaso...

shucks may kulang na naman yata kasi sa dasal ko... nakalimutan ko yatang sabihin na "...at sana po maging masaya ako." hindi pala sapat na gusto mo lang dahil minsan kapag nakuha mo ito, hindi ka rin pala agad magiging masaya.

Monday, December 1, 2008

finally



humingi ako sa langit ng maraming bagay. gaya nang pagkakaroon ng show....

binigyan naman ako. kaso binago ang title.

habang may buhay na.

habang may buhay talaga may pagasa no?

hehe.

finally may show na ako. habang may buhay starring judy anne santos and derek ramsay.

isa siyang medical drama. isa akong researcher dito. kaya mga nurse riyan at doctor...

help please! ;)

Sunday, October 26, 2008

mga kuwento mula sa hukay?

"6 feet under"

mahalumigmig. wala akong naririnig. madilim. tahimik ngunit ako'y nabibingi. maginaw. hindi ko alam kung anong oras na pero alam kong nakasilip na ang buwan at ang mga bituin. madilim nga. maginaw. tahimik. gusto kong magsalita. tumatalon ang mga letra sa aking isip. masikip. hindi ako makakurap. nakapikit ako. pero hindi ko na alam kung paanong dumilat. madilim. maginaw. tahimik. masikip. gabi na pero habang buhay na yata akong mahihimbing. hindi na ako magigising. masikip. maginaw. amoy lupa. ayoko ng dumilat dahil alam kong madilim. ayoko ng gumalaw kasi masikip. hindi nawawala ang lamig. gabi na at hindi na maguumaga pa. naaamoy ko ang mga nalalantang bulaklak. masikip. madilim. at ang lakas ng amoy ng lupa.

***
namimiss ko ang pagsusulat. well para sa nalalapit na undas ang aking mini story sa itaas, well kung matatawag nga siyang literatura. haha.

***
bakit kaya sa mga slasher flick gaya halimbawa ng i know what you did last summer, bakit ang bagal maglakad ng killer tapos kahit na tumatakbo na ang biktima aba naabutan pa rin niya ito hindi ba? sana sa totoong buhay mabagal na nga lang maglakad ang mga killer para naman makatakbo ng malayo ang mga biktima. at least wala ng masosoco si gus abelgas hindi ba?

bakit ang mga white lady o multong babae eh laging hindi nagsusuklay ng buhok? tignan mo si sadako hindi ba? sarap sabunutan. o kaya'y si lilia cuntapay na laging multo ang role (siya ang mumu sa shake, rattle and roll 4 episode nina kris aquino). siguro para mas nakakatakot ang drama? eh ang mga manananggal din at mangkukulam dapat magugulo ang buhok? masama bang magsuklay? makakabawas ba sa powers nila iyon? i bet matatakot pa rin ako kahit na pangshampoo commercial ang buhok ng white lady na makikita ko. i mean sa bagay mapapansin ko pa ba ang buhok hindi ba?

***
i miss blogging so much. so anong update naman sa buhay ko? yes. ganap na kapamilya na ako (almost). naghihintay na lang ako ng deployment ng show. wish me luck at yeah hindi sila nagkaila na impiyerno ang papasukin naming trabaho. well masokista ako paminsan eh. so see you in hell na lang. ;)

so tapusin na rin ito sa isa pang kuwento...

***
"tahan na, bunso"

11:46 pm
nakaupo ako sa paborito kong upuan.

11:50 pm
narinig ko na may nagtatangkang buksan ang pinto dahil maingay ang door knob. bumubukas na ang pinto. isang anino.

11:55 pm
humiga ang anino sa kama. napatalon ang puso ko. nagsisikip na ang aking dibdib.

12:00 mn
humihikbi ang anino. anong gagawin ko? kinakabahan ako. lalong nahihirapan akong huminga. narinig ko ang isang kalabog. parang natumbang upuan...

12:03 am
pakiramdam ko lumulutang ako. hindi na yata ako nakaupo sa aking paboritong upuan. ang anino nakatago sa kumot. humihikbi pa rin. nakalimutan ko na ang paghinga. dahil ba sa takot?

12:07 am
pagtingin ko. ang paborito kong upuan ay nasa isang gilid na. parang sinipa. pakiramdam ko lumulutang pa rin ako.

12:11 am
nagitla ako. ang anino ay sumilip. ang takot ay hindi mapinta sa kaniyang mga luhaang mata, "kuya... tama na..."

12:13 am
sa bintana, sa tabi ng natumbang upuan, sumasayaw ang mga kurtina sa malamig na hangin.

Monday, September 22, 2008

a charmed life is a bum life

madadama mo sa talukap ng iyong mga mata ang dampi ng sinag ng araw. ayaw mo pang dumilat. hindi dahil sa tinatakasan mo ang bagong umaga kundi dahil gusto mong pahabahain ang paghihilik. sige lang. namnamin ang kama, ang unan, ang kumot. huwag dumilat. yakapin pa ng mahigpit ang unan....

pero hinaharot ka ng kape at pandesal. makipagharutan na nga. wala namang masamang putulin na ang pagtulog dahil 11 na ng umaga.

buksan ang telebisyon. manood. maglipat. magtext. walang problema. walang inaalala.

hay kay sarap maging bum!

***

what toni gonzaga, mariel rodriquez, alesandra de rossi and kalansay have in common?

soon.

Thursday, August 21, 2008

anong bago?

“the only thing that is constant is change.”

ilang beses na bang nagpaulit-ulit sa tenga natin ang kasabihan na iyan? ngunit kahit binging-bingi na tayo sa nasabing motto alam na alam naman natin na totoo ito. ilang beses na rin ba tayong nasabihan ng nanay, magulang, kalaro, kaaway, kaibigan o kapitbahay natin na magbago?

”oy magbago ka naman, masama na ugali mo eh.”
”magbago ka na ng look ateng dahil hindi ka na mabenta sa mga boys.”
”sawa na akong kumain diyan, magbago na please.”
“no, why will i? i will never go back to my old shampoo!”

ang tanong, handa ba tayo sa pagbabagong ito? magiging masaya siguro ang mundo kung nagbabago tayo sa magandang paraan pero paano kung sa ang transformation na nararanasan natin ay hinihila na pala tayo pababang impiyerno?

sa mga pelikula ang mga pagbabago o conflict ang nagpapayanig sa tahimik na buhay ng bida. sa tunay na buhay ganoon din. bakit kaya hindi na lang hayaan na tahimik ang buhay no? sa bagay lalangawin ang movie kapag walang nakakalokang kaganapan. pero kung alam lang nga mga scriptwriter at ng mga direktor kung gaano nahihilo ang mga bidang kagaya ko sa pagyanig ng aking mundo! sus. life changing event talaga. yung tipong wala akong magagawa kundi madepress, malitang, madefocus, mabaliw, matulala at makompyus. hay. isang pitik lang talagang nababago ang lahat. ngayon bawat araw na lumilipas ay may suspense sound background music na. inaabangan ang bawat desisyon, ang bawat galaw at bawat pangyayari na siguradong magpapabaligtad at magpapabago ng aking medyo natahamik na buhay. ano nga ba ang kinalilitang ko ngayon?

malalaman din sa takdang panahon.

Sunday, July 20, 2008

kapag tumibok ang puso kills

may phobia ako sa "kapag tumibok ang puso" ni donna cruz.



yan kasi ang aking ring tone haha.



so every time na magriring siya kinakabahan na ako. feeling ko kasi yung ep namin (executive producer) ay tumatawag o ang sp (segment producer) ko for a certain story. kasi ang ibig sabihin lang noon may ginawa akong masama, may nakalimutan ako, may dapat akong hanapin, dapat akong pagalitan o dapat sermunan.



in short oras na tinawagan ako ibig sabihin sumpa iyon at hindi magandang signos. haha.



well sobrang nakakatakot. dumating din sa point natakot ako sa pagtunog ng aking phone kapag may nagtetext. feeling ko kasi walang dulot na mabuti oras na mabasa ko ang sms. it's either masisira araw ko or mababaliw ako.

...

dyaran dyaran dyadyaran... dyaran dyaran dyadyaraaaan....

pinagpapawisan na ako.

dyaran dyaraaan dyadyraraaannn....

shet ayokong sagutin....

...

basta sobran nakakaparanoid. naku ha huwag niyo akong tatawagan baka mamatay ako. feeling ko kasi boss ko lagi. haha.

hanggang kailan kaya ako magiging paranoid? kailan kaya ako matatahimik?

Friday, June 27, 2008

sa pag-iisa

naglakad kami at sinalubong kami ng mga ngiti. yakapan. namiss ang mga tauhang matagal ding nawala sa aming paningin. sinama ang mga kababata sa harapan. umupo. nagkuwentuhan. nagtawanan. nagbaklaan.

sumisigaw ang mga ilaw.
kapansinpansin ang mga bulaklak.
ang mga nakikiramay.

tumatawa pa rin kami.
naghaharutan.
nag-iingay.

...

paano nila makuhang tumawa?
ngumiti?

sa bagay
...sa pag-alis ng lahat
...sa pagpatay ng mga ilaw
...sa pagkawala ng mga korona ng bulaklak

mapapansin nila na may isang nawawala.

doon papasok ang sakit ng pag-iisa.


ito ay alay sa amang sa kanila'y gumabay.
honorio calica
1953 - 2008.
salamat sa inyong mga anak
na higit pa sa kaibigan
kung asan man siya ngayon
kayo'y kaniyang ginagabayan.
nandito lang kami sa inyong pag-iisa.

Friday, June 13, 2008

viernes de trese

ang lamig sa office
ang sakit sabihin ng salitang office, namimiss ko ang school
ay walang katulad
para akong nasa alaska
as if alam ko ang feeling sa alaska eh hindi pa ako roon nagpupunta
at literal na nanginginig ako at nagtataasan ang aking mga balahibo. baka friday the 13th kasi kaya ganoon.

ako lang mag-isa sa cubicle na parang popsicle na nga sa lamig.
uuy pinipilit magrhyming. heto ba ang sanhi ng friday the 13th? o baka ng global warming?

nakikipagkindatan sa akin ang cursor kasi wala akong maisip isulat.
heto ba ang sanhi ng friday the 13th?

nakakafrustrate ang cell phone ko dahil pag tinatawagan namamatay o kaya'y nagchacharge pero one bar lang pala ang naiipon. nakakainis ang kubeta namin kasi ayaw magflush, ang motto tuloy ng mga jebs ay "i shall return". e punyetang kakareturn iyan nag-aksaya na ako ng limang timba (and counting) ng tubig pero hindi pa rin nagtatitanic ang mga ebs.
heto ba ang sanhi ng friday the 13th?

ang mga yabag ng mga pauwi
at parating
nang mga empleyado ay damang-dama ko na. ang lalim ng iniisip ko ngayon. nalulunod na nga ang mga brain cells ko sa kalaliman eh.
bakit napakapangit ng pinoy idol?
mas maganda pa ang philippine idol. oh hindi ba ang lalim? haha.
heto ba ang sanhi ng friday the 13th?
nakakaadik.

si tiya ces drilong kumusta na kaya? naku sana masave sila. hindi tuloy makumpleto ang ending spiels nina korina at henry sa bandila.

diyahe. sinisigawan na ako ng aking istomak. gutom na raw siya. ang sabi ko naman, wow nagsasalita ka. chos.
heto ba ang sanhi ng friday the 13th?

wala talaga akong maisulat. tae. uuwi na ko.
ito nga yata ang sanhi ng friday the 13th.

Saturday, May 24, 2008

dalawang larawan



totoo nga ba ang impyerno? actually oo. at kaya mo iyan maexperience sa lupa lalo na kapag nararamdaman mong hindi ka masaya. minsan naniniwala na rin ako na tayo rin ang gumagawa ng ating sariling kapalaran kaya para maging masaya eh di piliin ang bagay na magpapasaya sa iyo. sound selfish? sabi nga sa full metal alchemist, "people cannot gain anything without sacrificing something"





alam ng puso ko kung ano ang gusto niya, ang magsulat. masaya ako na alam ko na kung saan ako dadaan. alam ko na. bumitaw man ako ako'y nakakapit pa rin sa aking mga pangarap.

Sunday, May 18, 2008

it will all start and end, in just one week


habang sinusulat ko ang bawat titik sa post na ito sumasabay ding umindayog ang mga agam-agam sa aking isip. hindi ako matatahimik hangga't hindi ako kumakawala sa lugar na kung saan nakukulong ang aking gustong gawin. hangga't hindi ako pumipirma sa kontrata alam kong hawak ko ang aking tadhana. ito ba talaga ang para sa akin o sa iba? alam ko ang gusto ko. kaya ang sagot ay sa iba.

...

...

...

tadhana. pangarap. kaligayahan. hindi ako titigil hangga't hindi ako nakaapak sa tamang daan. sinasabi nilang tayo raw ang may hawak ng ating kapalaran hindi ba? pwes imamaniobra ko ang aking kapalaran sa gusto kong puntahan. yes its risky pero para maging trully happy dapat may dash of risk din. natatakot ako. in just one week maaaring magbago ang aking gulong ng palad. may tatapusin ako at hopefully may sisimulan. walang kasiguraduhan. shet. big leap talaga ang gagawin kong desisyon. kakawala ako sa binigay ng tadhana, kakalabanin ko ang destiny kasi i know kung saan ako tunay na magiging maligaya.
...
...
...
bibitaw na. bibitaw na. bibitaw. bibi...
ano na?

Sunday, May 4, 2008

on mangoes and cauliflowers


ano ang masarap sa iyong paningin? kung ikaw papapiliin ano ang iyong kukunin? sabi ng puso mo ang matamis na mangga ngunit sabi ng utak mo ang masustansiyang cauliflower. kanino ka susunod? sa tinitibok ng puso o sa dinidikta ng isip?

ako ang matamis na mangga. dahil alam ko sa bulong ng puso ako liligaya. noon pa man puso na ang aking ginagamit sa mga pagdedesisyon. patok na patok sa akin ang advice na follow your heart. well infairness never pa naman akong binigo ng aking puso. nagiging masaya naman ako sa mga nagiging desisyon ko.

pero sabi nila ang pagdedesisyon sa puso ay masyadong emotional centered hindi kagaya ng sa utak na pinag-iisipan. ano nga ba ang tamang sundin?

lalo na ngayon na ang choice ko at decisions ay literal na babago ng aking buhay. hindi na simpleng kung anong palabas sa sine ang dapat panoorin o kung saan dapat kumain sa lunch ang pinagdedesisyunan ngayon kung hindi mas malalalim pa na mga bagay. sa unang pagkakataon (yata) ay ang sinunod ko ang aking isip at hindi ang dinidikta ng aking puso.

hindi ko alam kung ano ang kalalabasan ng aking piniling sundin. pero hindi naman kasi ibig sabihin na kapag ang isip ang sinunod hindi na magiging tama ang desisyon ganoon din naman sa puso. ang kaibahan nga lang nila sa puso 100% mong gustung-gusto ito. kumbaga this is what you really desire while pag utak naman siguro mga 70%-80% lang at 20%-30% agam-agam. ayaw kong pumili ng isang bagay ng wala ang aking 100 percent pero this time mukhang i'll give it a try. ngayon ko mapapatunayan kung tama ang aking landas na tinahak at kung ang pagdedesisyong gamit ba ng isip ay isa nga bang matalinong choice.

so dapat ka-utak ako at hindi kapuso?




Wednesday, April 9, 2008

100

need to say more? syempre hindi na di ba? hehe. ito ang ika-isang daan kong blog entry! pero actually weird no? kung tutuusin pwede namang magcelebrate kahit ika-56th or ika-89th blog entry pa iyan. haha. well iba kasi ang 100. isang achievement kumbaga. pero ang saya ng feeling na isang daang walang kuwenta, masaya, malungkot, maganda, wala lang, kapanapanabik na blog post na pala ang naisusulat ko rito sa aking blog. mga isang daang damit na pala ang nasisilid ko sa aking aparador. isang daang mga muni-muni at isang daang beses na palang nagtae ang aking bolpen dito. akalain mo iyon? congrats naman!


oo 100th year na ang up. okey. masaya sila kasi hindi naman ako up grad, tomasino ako kaya hindi iyon ang pagtutuunan ko ng pansin. well ang 100 peso bill ay mahalaga sa ating lahat! pera iyan eh. hehe. kulay ube pa. ang sarap sarap ng ube. sa panahon ngayon kailangan ko ng kumita ng aking sariling isang daan. maraming isang daan. libo-libong isang daan! limpak-limpak na isang daan. in short, mukha akong isang daan. kamukha ko na si manuel a. roxas. may tanong ako, ano english ng isang daan?

tama. one way. there is no way but one way. haha. weird yung phrase. parang walang sense pero meron. basta sa kahit na anong problema feeling ko laging may iisang paraan. hindi pwedeng wala. kaya weird siguro yung reasoning na, "nagpakamatay siya kasi wala na siyang magawa." meron kaya siyang nagawa. nagpakamatay siya. haha. so kahit papaano may nagawa siya. haha. adik. isang daang problema man ang dumating there is still one way to solve it! napakaoptimistic no? pero i guess iyan ang kailangan kong sandata to move on sa cruel world. pero may isang tanong ang nagtatago sa 100 piso... kung naliligaw ka malalaman mo ito... sandaan? hehe saan nga ba ang daan patungo sa nagtatagong pangarap?(emoterang linya parang title ng film noong 80s.)



eh di nasa isang daan. kapag kasi dalawa ang daan nakakakompyus pa di ba? hehe eh di pumili ng isang daan patungo sa isang pangarap na nais abutin. kahit isang daang talampakan pa ang taas niyan o isang daang hakbang ang kailangang tawirin, go lang! hindi naman siguro madali ang pagtahak sa dream na iyon at wala ng madali sa panahon ngayon. kailangan pa rin siguro ng umaatikabong extra challenge at pagsali sa suvivor o pagkakakulong sa bahay ni kuya bago pa matupad ang mailap na pangarap na niyan. sangkap na kumbaga ang sumpa at paghihirap sa tagumpay. oh well basta mararating ko naman siguro ang aking pangarap na bituin. sana.

tatahakin ko na lang ang isang daan na magtuturo sa akin kung saan. maligaw man ako, magtatanong ako kung san daan? dahil alam ko namang may one way pa rin para makaalpas ako sa labyrinth ng challenges, o para mapabilis mamasahe na lang ako with my 100 peso bill!

ayaw kong paawat sa pagkonek no? pagbigyan na, season ender na eh!hehe. oh zsa zsa zaturnah hanggang sa susunod kabanata! panibagong daan na naman ang tatahakin ko. samahan mo pa rin ako ha?

***
picture source? click the pic.

Thursday, April 3, 2008

ang pagtatapos bow

sa wakas. isa na akong official fresh graduate. grabe ha? natuludkan ko na rin sa wakas ang pangungusap na 17 taong ko ring sinulat. panibagong daan na naman ang tatahakin ko. im so anxious sa future kasi nga nakakatakot ang mga bagay na hindi natin alam hindi ba? well sabi nga ni big brother malalaman din natin ang kasagutan sa takdang panahon. hindi ba? hehe. excited na ako sa new horizon na aking tatahakin. wish me luck!
***
yung graduation namin noong lunes naganap sa picc. ayun ang haba wala akong masabi. pero masaya naman. akala ko nga may mga luhang dadanak, eh wala tawanan at landian ang namutawi. si mudang pala sinama ko at nanggaling pa kami from cabanatuan. iba ang feeling suotin ang toga kasi feeling hermione ako dahil ala robes ito. hehe. kulang na lang wand. pero seryoso, ganoon pala ang pakiramdam ng pamamaalam sa nakasanayan ng buhay. kailangan nang maghello sa new life.
***
naalala ko noon na ateneo ang dream school ko. pwes ang nasabi na lang ng ateneo sa akin ay in your dreams! haha. bumagsak ako sa entrance exam ng ateneo which is expected naman kasi mapapakapit ka talaga sa silya mo dahil sa nosebleeding questions. argh. noong nareceive ko ang letter from ateneo alam ko na ang kasagutan kasi naman ang nipis. haha. aba ang ganda ng letter! sulit yung 500 na bayad. kasi glossy, colored at ang sulat talagang may mga pampalubag loob pa. hehe. ayun doon nagtapos ang aking ateneo dreams.
nagexam din ako sa up. okey lang ang exam pero bumagsak ako ng point something sa upcat. sa up baguio raw keri ang grade ko. eh huwag na. so isa na lang. ang ust entrance test o ustet. dumayo pa ako sa maynila para lang magexam sa ust ha? sa tatlong ineksaman ko ustet ang pinakamadali. haha. ayun achieve. obviously pumasa ako. madamdamin ang araw ng paglabas ng resulta kasi nahimatay yung isa kong classmate noong nalaman niyang hindi siya pumasa. physics class noon biglang nagcollapse si ate. ayun. akalain mong mahigit apat na taon na ang nakararaan noong nalaman kong pasado ako sa uste? ngayon aalis na ako. tapos na. siguro naipasa ko ang isang mas malaking entrance test sa buhay no?
***
isang mahalagang yugto ang nagsara sa aking buhay pero syempre sabi nga kapag may nagtatapos may nagsisimula hindi ba?
ano kayang magandang pakulo sa ikalawang yugto? ;)

Monday, March 17, 2008

interbyu blues 2: lost in ayala

ewan ko ba kung ano ang sangkap ng araw na ito. i just feel sick pero hindi ko palalagpasin ang pagupdate sa aking bonggang-bonggang blog dahil sa aking interbyu experience kanina. so after ng aking exciting interbyu moments last week heto na ang kaputol ng awit.


a taste of the corporate world
federal land interview (almost)



8:30 am dapat nasa ayala avenue na ako sa may gt tower inernational. gumising ako ng 6 am at tinatamad akong bumangon dahil nga i feel sick at hindi pa rin masyadong naaalis ang agam-agam na napagkamalan akong matanda ng federal land dahil nga sa mga qualifications sa advertising and media planner post.

male, 24-30 years old.
grabe fine sige male na ako. hehe. weird kasi may female kaya sa interview at 20 pa lang ako! so i there fore conclude gawa-gawa ang lahat. chos. haha
with at least 1 year experience in advertising and media planning
what? hehe fresh na fresh pa lang ako mula sa classroom.

though yung iba achieve ko naman. kaso... basta. anyway sige na nga tutal nagising na rin ako kaya go na kahit na masama ang pakiramdam ko tutal sa real world wala silang paki kung may sakit ako unless ako ang queen ng england di ba?

the road to ayala

actually tinanong ko yung chuva sa fone kung paano pumunta. sinabi niya na bumaba ako sa boni ave ng mrt. check. at sumakay ako ng jeep or fx patungo sa rcbc.. then yun na. er hindi nasabi sa akin kung what jeep or fx... so bahala na. so mga 7:30 asa mrt na ako... shet pinamukha yata sa akin na holy week na kasi naman talbog ang penitensiya sa haba ng pila! kamusta naman. akala ko sa pagbabayad lang ng tuition meron nito. tsk. so sa wakas nakakuha na ako ng ticket ang susunod na delubyo ang tren. siguro 5 tren na ata ang dumaan hindi pa rin ako nakasakay dahil sa sobrang dami ng tao. para kasing fans day ni nora aunor at tirso sa sobrang dami ng tao. finally nakasiksik na ako.. pero shit! naipit sa pinto ang aking polo at pants. hahaha weird. buti na lang nakatalikod ako sa pinto kaya mukha lang akong nakasandal. haha. pagdating ko sa boni 8:30 na. shet im late. at take note dahil hindi ko nga sure ang jeep nilakad at hinanap ko ang gt tower. hawak lang ang address nito. grabe buti na lang hindi amazing race. then... nakita ko na!!!!!

the apprentice

ang ganda ng building! very corporate ang effect. parang ganoon ang iniimagine ng isang bata na pangarap magtrabaho sa isang bonggang company. so pumasok na ako. okey wala akong pen. tsk. bumaba ako ulit para bumili at bilisan ko raw sabi ni ate guard at magiistart na ang exam. okey exam pala muna bago interview. tsk. anyway ayun matapos kong bumili pinapunta niya ako sa board room. nang malaman ko na ang board room pagpasok ko...

mga 8 yatang mga tao ang nakaupo sa conference table at pagpasok ko lahat sila ako ang naging sentro ng atensiyon. uh ow. wrong room yata ako. hala ano ba yan magaapply pa lang ako mangaabala pa ako ng meeting or baka ganoon kadami ang panel sa interview?! grabe isang mahinang "good morning" na lang ang nasabi ko. well narealize ko nasa tamang room nga ako. applicants din pala sila. kumusta naman ate charo ako lang ang fresh grad. parang executive na kasi yung mga ibang tao run at parang sila pa ang mangiinterview sa akin. well unless fresh grad din pala sila... sa graduate school. hehe. so ayun nakakahiya lang ang feeling. inisip ko na no match na ako no pero siyempre dapat magmaganda pa rin ako.

the exams

ang drama pala ay exam muna. tapos parang magmomove sa next level ang papasa. antaray di ba? ang unang pagsusulit ay word analogy. so 30 minutes lang ang exam. ayun pinalipat kami sa 16th floor. then doon sinabi sa amin na ang papasa ay magmomove sa next test. sa isip ko, ano ba iyan sana naman pumasa ako kasi nakakahiya namang bumagsak sa unang eksamen palang! pagbalik ni quizmaster... everyone passed! yehey. one down. ang huling step yata ay interview. tapos gumuho ang mundo ko ng malaman ko ang next exam.... numerical chorva! in short math! my hatest and weakest subject! hala! hindi ba pwedeng iq test muna? pero syempre inisip ko mga pasweet math lang siguro iyon. weird naman kung algebra, geometry at trigonometry iyon di ba?

binigay ang scratch paper, text booklet at 30 minutes lang daw at bawal cell phone at calculator. good luck. so ayun simpleng math pero kamusta fractions eh nakalimutan ko na ang fraction!!!tapos mga multiplication na hindi rin pasweet. over 50 ang exam, sa number 23 na ako nang biglang... time is up! ay umeksena si kuya quizmaster!!!!! kaloka. hindi ko inaasahan. nagpanic ang iba binilisan nila para ifill answer sheet nila eh ako walang pagasa kasi si kuya ay isang kalabit lang ang layo sa akin. pft. alam ko na ang kapalaran ko.

eviction night

si kuya quizmaster ay bumalik bitbit ang aming mga test papers. iaannounce daw niya ang mga pasok sa next level. nakita ko. sayang iq test. sana yun na lang inuna. tsk. hehe. so ayun nagaannounce nga si kuya. yung mga natawag daw ay magproproceed sa next test yung isa raw inonotify na lang daw after six months. eh ate ako lang ang hindi natawag. sana sinabi na lang niya na hindi ako pumasa hindi ba? nakakaloka. haha. parang hesitant akong tumayo. shet. ganoon pala ang feeling sa pbb eviction hall. haha. kasi naman ako lang talaga ang aalis. haha. nakakahiya. feeling ko binoto nila ako para mapatalsik sa bahay ni kuya. haha 2 points daw dahil late ako at 1 point dahil sa hindi pagtapos sa math exam. haha. paglabas ko nasabi ko na lang na "magbabayad kayong lahat!" chos. haha. ayun okey lang. so much for the corporate world. di man lang ako umabot sa question and answer portion. well at least pasok ako sa top ten. hehe

lumabas ako sa magandang building ng gt towers na bitbit pa rin naman ang aking ultimate dream. i want to be a writer. wala siguro sa mga interior ng bonggang gusali ang aking pangarap at hindi siguro tinadhana na magsuot ako ng long sleeves at tie. kung ako ang tatanungin mas gusto ko pa ring magsulat. makipaglaro sa mga salita at makagawa ng isang mundong hindi kulong sa mga nagtatayugang gusali ng ayala. hinihintay ko na lang ang tawag. pilit ko pa ring dinadial ang linya. sana sumagot na siya.

Thursday, March 13, 2008

interbyu blues

kung dati ang mga propesor na ang hinuhunt namin para makapagpass ng mga requirements aba ngayon mga jobs na ang tinutugis. actually natutuwa naman ako at i had four job interviews notification na. at least kahit papaano may nagtitiwala pala sa akin. haha. share ko lang mga interview moments ko hehe for a change.

first ever job interview
etc 2nd avenue!


bonggang-bongga nang malaman kong iinterviewin na ako sa 2nd avenue. ang kinaloka ko lang... sa antipolo city pala opisina nila. kaloka talaga. hehe. tumambling ako kasi siyempre spell malayo, a-n-t-i-p-o-l-o di ba? pero dahil unang-una naman siyang tumawag eh di gora na rin for experience. sakay ako ng jeep papuntang lrt anonas, tapos sakay ng lrt to santolan then jeep sa sumulong highway! akalain mo pag nagkataon sa probinsiya ako magtratrabaho. hehe. tapos ito pang si manong dayber sabi ko ibaba ako sa senyora dela paz subdivision binaba nga ako sa dela paz, kaso baranggay dela paz yata iyon. pft. so nagtanong-tanong ako at may i travel ako pabalik. shet mali rin pala ang sa wari ni manong buti na lang matalas ang aking paningin at natagpuan ko ang senyora dela paz subdivision! last transpo mode, tricycle. narating ko rin sa wakas after the long and winding road! so kinakabahan daw ang drama ko. eh pasweet lang pala sina ateng sa interview. so ayun keri lang. writer/producer ang position sa 2nd avenue. nagcopywriting exams na akey at hihintayin ko na lang ang kanilang mahiwagang tawag mula sa bundok ng antipolo. weird nga lang pagdating kasi sa ganitong scenario:
friend: oi gurl, saan ka nagwowork? sa makati?
ako: hindi. sa antipolo.
baka mapakanta pa siya ng tayo na sa antipolo at doon maligo tayo... ;p

2nd job interview
filstar(hindi philippine star okey? hehe) the licensee of hallmark


basta nagtext sila sa akin na nakuha raw nila ang aking resume sa 49 jobstreet, diliman, quezon city, chos. basta ayun punta raw ako sa kanilang opisina ng 9am kinabukasan so nagworry ako kasi nga 50 pesos na lang ang salapi ko kaya hindi ko achieve na makipagsapalaran. sa pasig city kasi iyon baka hindi ako makauwi hindi ba? kaya ang sign pag iniwan na ni tiyo ang salapi, go ako. eh hindi. so inisip ko baka kinabukasan ng umaga iachieve niya. eh wala rin. 9am na. so naisip ko huwag na lang. eh nagdecide ako na iparesched na lang, so ayun nakuha ko na datung ko so nagtext ako kay ate na ipamove ng 1pm ang aking interview portion. nagmaasim yata kasi hindi na ako nireplayan. haha. sayang tuloy get-up ko. pero di bale pagbukas ng email ko another notification naman pala ang sosorpresa sa akin...

totoong 2nd job interview
hinge inquirer(philippine daily inquirer)


ang hinge inquirer ay kasama sa philippine daily inquirer group. ang hinge ang magazine arm nila. editorial assistant ang position ditey na inaaplayan ng inyong abang lingkod. nalate ako ng 30 minutes actually pero buti't wala pa pala ang magiinterview sa akin. ahihi. nagtravel ako patungo sa bonggang lungsod ng makati. so may i upo sa sala sa lobby pagdating ko at waitsung na mapansin ang aking kagandahan. pagbukas ng pinto ni ate...

ate: go see? model ka?
ako: hindi po. applicant po.

chos syempre dream sequence lang iyan. ayun nakita na nga ako ni ateng hr sa totoong buhay at pinapasok na niya ako sa opisina at nagfill up ng employment chorvaloo at isang test na ala beauty pageant questions ang mga katanungan. eh di nagsasagot ako aba may supladang aplikante na hiniram ang lapis ko at actually hindi na nga siya nagthank you wala pa yata siyang balak ibalik sa akin kasi iniwan niya sa lamesa. gaga siya. hehe. then ayun, noong tapos na ako may isang guylet na pinage ang name ko at ang sabi "i love you." charot dream sequence lang ulit iyan. so ayun ang trulaloo may lalaki nga na pinakilala si ate sa akin after kong magsagot, siya raw ang magiinterview sa akin sa isang room. oooh.

ako: k-kuya saan mo ako dadalhin?
kuya: dito!!!! *hinila ako* hubad!

hindi ito dream sequence. chos. syempre imbento ko ulit iyan. haha. so ayun pagpasok namin sa room nagstart na ang bonggang interview. kinakabahan ako kasi isa sa mga insecurity ko sa buhay ay magsalita ng ingles. hindi naman ako janina san miguel level, hindi lang ako kompident. pero come what may. ayun syempre kapag ingles ang tanong ingles ang sagot kapag nagtagalog na siya may i tagalog na rin ako. talbog, dapat ang nanalong miss world...

kuya: what do you want to be?
ako: i want to be a writer and also a documentarist. i like kara david, howie severino...
kuya: yeah they're good...
ako: i want to be part of i-witness but i guess it is hard to get there...
natawa siya. basta may sinabi siya na if you want to go there... focus... parang ganoon. panali may advice corner pa.... tas heto pa lang talaga ang pang ms. universe na answer...
kuya: why do you want to be a documentarist pala?
ako: uhmmm it may sound cliche (with matching pacute smile) (naks gumaganon!hehe) but i really want to make a difference.
natawa si kuya ng buong puso.
ako: ...because i believe that tv is a powerful medium that can instill knowledge. gusto ko rin kasing ipamulat sa mga mata ng pilipino na minsan tayo rin dapat may gawin (pasensiya mahirap umigles all the way eh. hehe) to attain our dream of progress. hindi dapat iasa lagi sa gobyerno.

palakpakan naman di ba? hehe. talbog din ito...

kuya: do you know about our magazines?
ako: (pacute smile muna) honestly.... no. (haha)
at least honest di ba? hehe naintindihan naman ni kuya kasi nga sabi niya bago pa lang naman ang ilang mga mag nila. sinabi ko rin naman na inquirer is better known sa broadsheet...

hindi pa nagtatapos diyan ang pagmamaganda...

kuya: what can you contribute naman to our publication?
ako: i will bring fresh ideas and i want to be the representative of our generation.
talbog ulit hindi kinaya ni kuya ang pagiging representative ko at natawa siya. ahaha.
kuya: how can you bring fresh ideas naman?
ako: i want to merge the jologs and high end. ngayon kasi mas open na yung generation namin na mabansagang jologs unlike dati na tinatago nila na nanonood sila ng mara clara. now proud kami na nanonood kami ng koreanovelas...gusto kong pagusapan mga hindi masyadong pinaguusapan at i want to write something good from bad news. example sa zte deal. dapat may new angle na light. dapat kasi hindi porke mahirap ka hindi ka na makakarelate sa pinaguusapan ng middle class and the upper class. i will use the common language that the youth now uses. i mean ang writing kasi communication iyan. hindi pwedeng one-way lang, dapat magkaintindihan kayo ng readers mo hindi lang dapat ikaw ang nakakaintindi. gusto ko pag binasa nila hindi na sila titingin sa thesaurus o dictionary para lang maintindihan... (syempre dahil monologue iyon hindi ko na maalala mga pinagsasabi ko pa. haha)

ano beh yen ang dami kong sinabi doon ha? hehe.

at dahil diyan mageexam na ako sa kanila next week sa tuesday. yehey naman. pero isa na ito sa choice ko kung matanggap man ako. kasi mukhang nice naman mga people at okey ang office. madali pang puntahan. ewan ko nga lang sa compensation. doon siguro magkakatalo sa sweldo.

3rd interview
federal land
metrobank group

sosyal advertising and media planner ang drama at sa monday na ang eksena ko rito. kanina lang nagtext sa akin. sa makati rin. pero naloka ako kasi noong tinignan kong muli ang qualifications parang hindi yata dapat ako pasok kasi 24-30 years old ang kailangan. eh sweet 16(chos) pa lang ako at fresh grad. baka mukha akong matanda sa paningin nila. charot. anyway try na rin tutal susyal susyal naman ang effect ng federal land. baka may free condo ka kapag nagtratrabaho ka sa kanila. hehe. abangan na lang natin sa lunes ang mga kaganapan.

***

iba na talaga ang life after college. exciting pero nakakapressure. mahilig pa naman ako sa mga twist and turns at surprises in life kaya kinda nararamdaman ko ang excitement nang bonggang-bongga. i dont know what is in store for me sa future. may isang inaantay na lang akong interview na sobrang gusto ko eh. hay complete na sana ang kagalakan ko. yun talaga kasi ang gusto kong job. well i'll wait pa rin at kung saan man ako dalhin ng tadhana... bahala na. ewan ko na lang.

guess who's back?

ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in.  birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...