im starting to get bored with my blog. actually i feel that the inspiration ran out na.
ewan.
nakakatakot lang yung thought na yung writing for me ay nagiging work na kaysa escape from this oh so chaotic world. pero infairness to me sinusubukan kong ihiwalay or i-merry ang joy of writing sa work. sa industriya kong kinabibilangan, ang trabaho ay personalan bilang ang pagsusulat ay isang personal na gawain dahil naglalabas ka ng mge emosyon na iyong kinukubli sa kaibuturan ng iyong pagkatao. kaya ang hirap ihiwalay at i-detach ng personal sa trabaho lalo na kung baguhan ka pa lang sa mundong ito. mabuti na lang sanay na ako.
natatakot lang ako na baka matakot na akong magsulat para sa sarili ko at dumating sa point na simulan kong kapain ang mga salita at letra sa keyboard... baka umurong. matakot na ring lumabas. baka mawala ko ang paglalaro sa mga kuwento...
gaya na lamang nitong blog ko.
sa tuwing nababasa ko ang mga past posts ko lalo na noong college, ibang iba kaysa sa mga posts ko after. mas playful ako nun. mas broad ang topic. mas relaxed lang. hindi ko alam kung anong nangyari.
maybe because tumanda na ako? nagmature? nag-iba na ang priorities?
dati sobrang pag-iisipan ko pa kung ano ang iblo-blog ko.
or baka dahil pakiramdam ko wala na rin yung mga kasama ko dito? well yung mga friends ko naman sa totoong buhay na nagbloblog, either lumipat na ng ibang blog sites or tumigil na rin. tapos yung mga dating nakakausap ko dito at nakakakuwentuhan, wala na rin. either huminto na sa pagbloblog or naging abala na rin sa kaniya-kaniyang buhay...
ewan.
marami na ngang nagbago. nakaka-apat na season na nga pala itong blog ko e. (i, ii, iii, iv) haha na kung tutuusin hindi ko naman alam kung ano ang pagkakaiba-iba ng apat na yan. or sa tuwing nakaka-100 posts yata ako nag-iiba yata ako ng season? haha whatever to me. lol. pauso. or bawat milestone ko yata sa buhay. haha
ewan ko ba.
i guess kailangan kong makipagbrainstorm sa aking sarili para magbukas ng panibagong season sa blog ko. dahil season five at matagal nang hindi ako nagpapalit ng season, dapat mas bongga ang aking ika-limang season. pauso levels.
kailangan kong hanapin ang sarili para sa panibagong yugto ng blog ko. CHOS. hahah baka kailangan ko lang pag-isipan.
ewan ko ba.
who cares? as if may nagbabasa pa ng blog ko. haha ako lang naman yata. hahaha howell kailangan ko pa ring pasayahin ang sarili ko at magbukas ng panibagong chapter dito dahil my blog bores me to bits. chors.
hay.
ewan.
Showing posts with label iv. Show all posts

Sunday, March 3, 2013
Sunday, February 3, 2013
lang kwentang post
"lumalaki ka kasing paurong!"
kapag nagagalit ang nanay ko, yan lagi ang litanya nya noon. lumalaking paurong. jusko ilang beses sinermon ni inay sa akin yan. haha howell lumalaki nga yata akong paurong. heto na naman ako sa isyu ko sa pag-ibig. sabi ko nga sa post ko na high school repeater, tila nasa teeny bopper stage pa rin ang love life ko. at well umaarte ring pangbagets ngayon. haha ang dali ko nang kiligin. ang dali ko nang matouch about love. nafrufrustrate na ako. haha shet bakit hindi ko yan naramdaman noong dalaginding pa ako. i mean don't get me wrong... may crush crush levels naman ako nun at dumaan din ako sa first lab kemerut na yan... pero ewan parang mas may urge lang ngayon. parang nasa mid life crisis ang heart ko. haha
hay naku ito na lang ang isyu ng blog ko lately. how about problemahin ko muna rito ang mga isyu ng kahirapan at pulitika sa pilipinas no?
hindi e. nagsusumigaw ang punyetang love life problems e. haha i feel so desperate.
so dapat makaisip ako ng topic na iba...
uhmmm... uhmmm... ano... well....
wala akong maisip. kinilig pa kasi ako sa post ni mac! siyete. haha
sabi nga ng isa sa mga closest friends ko sa barkada, maghanap na rin daw ako para sabay ang development ng love life namin this year. shet bet na bet ko na. haha kaso sabi ko nga ayaw kong makahanap for the sake lang na makahanap. haaay mas umiigting pa dahil malapit na ang balentayms. shet naman o. hayst.
kailangan ko ng distraction para hindi ko maisip ang love love na yan! pwe. chos. naging kontrabida levels na. ahaha.
or kailangan pa?
baka nandito naman sa blogging world ang sasagot sa love woes ko.
CHOS! HAHAHAHA DESPERADA LEVELS?
nagbabakasakali lang...
paging paging blogger...
are you the one?
nyahaha...
please?
kahit sandali lang o...
paexperience lang.
CHAROT. HAHAHA
*jokes are half meant*

Wednesday, January 2, 2013
my 2012 in 1 to 10
1.
one tattoo.
pangarap ko kasing magkaroon ng tattoo. last year naachib ko na siya finally. usapan kasi namin ng bff ko na magpapatat kami together. pero dahil na rin sa pagkakaiba namin ng sched, naudlot din. nauna siya sa akin ng isang araw. carpe diem ang kaniya and mine is carpe noctem. oh so cool.
one pet.
i had a pet. niregalo sa akin ng co-worker ko last last year. isa siyang cute guinea pig na pinangalanan kong prim. nakuha ko ang name niya sa hunger games. sadly, after seven months, namatay siya. huhu and i don't know why.
2.
abs-cbn channel two.
i started working there since 2008. infairness four years and counting na.
two times sa subic.
twice din akong nagsubic. una dahil sa work tas yung pangalawa with friends. maganda ang subic at malapit pa sa manila. jungle, beach and adventure rolled in to one destination. taray ako na ang best in promotion ng subic.
two semesters.
nag-enrol ako nung first sem. pangalawa ko na since nagdecide akong mag-aral. well it did not go well. why? see number 6.
3.
three shows.
it's a blessing na maging part ako ng tatlong show sa nakaraang taon.
una, isang afternoon drama entitled mundo man ay magunaw na talagang malapit sa aking puso.
pangalawa, naging bahagi ako ng highest rated daytime drama for two weeks na nagpapakilig pa rin ngayon sa buong bansa -- ang be careful with my heart.
pangatlo, natupad ang pangarap kong magsulat sa mmk. year ender pa ito ng show. mabuti na lang magaling yung co-writer ko run at direktor kaya ang ganda ganda nung episode. haha
three apples.
see number five.
4.
four exotic places.
bongga ang travel ko this year. bukod sa pagpunta sa mga lugar na napuntahan ko na gaya ng puerto galera at subic, nakarating din ako sa mga lugar na hindi ko pa napupuntahan. s
singapore
first time kong umalis ng bansa at ang foreign soil na ito ay ang ating kapit bahay na singapore. nag-enjoy ako sa pagkain at sa first world experience. bongga rin kasi ang mga kasama ko run kaya sobrang memorable ng trip. suplada nga lang mga tao! haha
mt. pinatubo crater lake
naganap naman ang aking self reflection noong holy week sa mount pinatubo crater lake. sobrang ganda! as in. hindi ko madescribe in words kung gaano kaganda nung crater lake. nakakapagod ang pag-akyat pero sobrang worth it kapag nakita mo na ang tuktok. ang gaganda ng views at sceneries habang papaakyat ka ng bulkan. out of this world ang landscape at you can make friends pa sa mga makakasabay mo sa trek.
dumaguete city and siquijor
after naman ng mundo man, naisipan namam ng isang workmate ko na pumuntang dumaguete. syempre dahil tapos na ang trabaho at walang masyadong labada, sumabit na rin kami. ang saya kasi nakatagpo ko pa ang isang kabarkada ko na sa siliman nag-aaral. super fun. ang sarap ng food at ang chillax ng city. dahil isang oras na lang ang layo ng siquijor, pinuntahan na rin namin ito. grabe. i fell in love sa quaint barrio feel ng siquijor. ang friendly ng mga tao, ang ganda ng lugar at ang simple ng buhay. haggard nga lang dahil may iniinda na ako nun (see number six). haha
5.
iphone5
ayun. mula nokia nag-upgrade na ako ng phone. yabang. haha well dahil sa instagram. lol. salamat sa plan ng globe at naging abot kaya siya. haha. ito ang aking regalo sa sarili last christmas. masisync ko na laptop at tablet ko. e di ako na. tipid tipid na this year at babawasan ko na ang luho sa gadgets. quota na day!
6.
six months of suffering.
this is what i hate about last year. basta nagkaroon ako ng maselang kundisyon (haha) na nagdala sa akin sa aking first ever experience na maconfine sa ospital at maoperahan. putek. hassle. grabe hanggang ngayon naghihilom pa rin ang sugat ng operasyon. sumpa! haha. as in. kalahating taong kahaselan! sana'y tuluyan na itong maghilom.
7.
seven addresses.
last year napagdesisyunan ng mga magulang ko na tuluyan nang iwanan ang cabanatuan. tutal nasa manila na kaming dalawa ng kuya ko at dito na rin nag-aaral si bunso tas nagwowork na rin dito si mudang tapos madedestino pa si papa sa pampanga kaya mas mabuting umalis na kami sa nueva. ang sad lang kasi malaking bahagi ng childhood ko nasa cabanatuan. doon ako nagprep hanggang nagfourth year high school. doon ko rin nakilala ang mga matatalik kong kaibigan. oh well. time to move on. at ang seventh address goes to ang bahay sa pampanga na dati tuwing summer ko lang napupuntahan. ngayon doon na ang provincial address namin.
8.
eight members.
binuhay ulit ang think tank sa unit at part ako ng eight members nito. okay. i know pilita ang part na ito para sa number eight. haha
9.
nine units.
dahil bibubibuhan ako and thinking na makakaya ko, sa aking pagbabalik ma ay kumuha ako ng nine units. isang undergrad subject at dalawang ma subjects. daaaay. dahil nga nagkasakit ako plus tinamad plus may work on the side, hindi ko rin kinaya at dinrop ko ang undergrad subject at nagkaroon pa tuloy ako ng dalawang incomplete grades. shet. maganda pa naman grade ko nung first sem. howell part of growing up.
nine disney renaissance films.
maraming disney films ang hindi ko napanood though familiar naman ako sa mga songs nila. so naging project ko last year ang panoorin lahat ng disney renaissance films. infairness naachib ko naman at nagustuhan ko naman lahat pero ang mga fave ko ay ang beauty and the beast at hunchback of notre dame.
10.
tenth year.
special din ang year end party namin ng high school barkada ko dahil ika-sampung taon na kasi ang tradisyon na bago matapos ang taon ay nagkikita kita kami to party and catch up. nagsimula ito noong fourth year high school dahil birthday ng isa sa mga kabarkada namin at simula noon nagkikita na kami tuwing december 30. then noong 2007 naisipan na naming lagyan ng theme. tea party ang unang theme at since then nagkaroon na ng tema ang aming gathering.
this year, dahil special at isang dekada na ang tradition, naisipan naming magkaroon ng yule ball at magsuot ng formal wear. bongga! sumunod naman ang mga tao sa theme. at as usual, panalo na naman ang aming party at sobrang saya. masasabi ko talagang kasama na sa buhay ko ang aking high school barkada till the end of time. :)
that sums up my 2012. naging mabuti sa akin ang taon. lagi ko ngang sinasabi na hindi ko alam kung ano ang ginawa ko at talagang napakabait ni god sa akin para ipagkaloob ang mga nag-uumapaw na blessings. im looking forward sa bagong taong ito at kung ano ang dala ng 2013 sa akin.
sabi ko nga sa aking new year greeting sa fb:
Hello 2013! Happy new year! Resolutions? What resolutions? :p
Break rules and learn more lessons! Make mistakes, fall in love, be crazy! Take risks and choose to be happy! This is our year! Claim it! Embrace it! Seize it!
Lets do the water snake vibe! Sssss! Cheers! Happy new year!

Sunday, December 23, 2012
doomsday survivor
ayun lumipas ang dooms day. hindi naman tayo inulan ng meteors or niyanig ng lindol. nganga. walang nangyaring gunaw. tuloy pa rin ang buhay. siguro nagunaw ang mundo nang iba sa atin nun sa ibang paraan... like nawalan ng trabaho, natapilok, gumulong pababa ng hagdan... name it.
so oras nang balikan ang ginawa kong doomsday list noong december 24, 2011.
magpatattoo.(finally! :p sept 24, 2012!!! :)) sa wakas. ang tat ko ay nasa right wrist. carpe noctem ang nakalagay, meaning seize the night sa latin. :)travel abroad.first time kong umalis ng bansa at nagpuntang singapore with my best friend and close friends.- fall in love. haaay dahil hindi nagunaw ang mundo, achib na siguro next year? hehe
- have a boyfriend. LAOS.
- bond with my family somewhere.
- go to mindanao.
- join a cause.
- plant a tree.
- learn how to cook.
- invest a business.
buy an apple product. haha(yabang may new ipad nako. hehe) certified apple convert na ako! dinidiyos ko na ang apple! lolspill a secret to a stranger.minsan mas madaling kausap ang taong hindi mo kilala.make new friends outside of my circle.splurge on clothes.buy my mom an expensive gift.do something stupid.- have a nude photo.
- go skinny dipping.
- fly a kite.
enroll back to school.- join an organization again.
- write an article.
- join palanca.
- write a novel.
- make someone cry.
- cry.
- join a workshop.
- write a play.
- learn a new language.
- buy harry potter set.
- have an advocacy.
- have an artista friend.
- kiss a girl. lol (eew)
- hit the gym.
- have a sport.
magpakulay ng buhok.infairness fun. next year balak kong magpablue nang buhok! new year new look!mapanood ang mga cartoons ng disney noong disney renaissance.fave ko ang beauty and the beast at hunchback of notre dame.- write a film.
get drunk.suka levels.- do something good to a stranger every day. (well nagagawa ko naman kaso di everyday. laos. lol)
makatikim ng hipon. :phihi. wink.
ano ba yan. 13 out of 41, wala pa sa kalahati ang nagawa ko. howell pwede pa namang ipagpatuloy ang ibang naudlot na mga pangarap na gawin. mabutit hindi totoo ang end of the world nung 21. grabe marami pa akong pangarap. hindi pa kaya ako nagkakaboyfrieeend! haha
we survived!
Monday, December 17, 2012
awkward christmas
malapit na ang pasko.
well hindi na siya kasing saya unlike dati pero syempre iba pa rin ang feeling kapag malamig na ang simoy ng hangin at tumutugtog ang mga christmas song sa radyo o kung saan man.
pero actually noong tumatanda na ako, dinedread ko na yung feeling na sasapit na naman ang araw na ito.
kasi sa panahong ito obliged na umuwi ako sa pampanga. i love pampanga pero kasi naman i feel awkward sa mga family reunion kasi nga hindi ako masyadong close sa mga relatives ko. ayoko ng family gathering. ayoko ng mga tanong kung kailan ako mag-aasawa kasi mabubullshitan na naman sa mga in denial kong kamag-anak. lol. magiging uncomfortable na naman ako sa buong stay ko at magiging anti-social.
i hate it na i can't be myself with my family at ang ironic dun alam naman nila. hindi ako out pero open secret naman na i'm gay. hindi lang namin napag-uusapan.
naiinggit ako sa mga pamilyang close. or sa mga beki na out sa relatives nila. ako kasi feeling ko abrupt din kasi hindi naman nila ako kilala at feeling ko if i show who i really am hindi nila kakayanin. haha i mean kasi nga parang pilit naman. tas deep inside alam ko namang may nega comment sila.
hay naku. this is so frustrating. taon taon na lang ito ang issue ko with them. ang sad lang. well i guess they try to reach out pero ewan ko. parang ang hirap magadjust na. kasi naman kung di ba nila ako binully nung bata ako hindi ba? sabi ko nga mas masakit na mabully ka sa family circle mo kasi compared sa nabully ka sa school at least yung mga bullies sa school malaki ang chance na hindi mo na sila makikita after grad... e paano kapag ang bully mismong family mo di ba?! haggard. kung anong cool ko sa school ganon naman ako katimid kapag sila ang kasama ko. hay naku.
howell sasapit at sasapit ang araw ng pasko at uuwi't uuwi pa rin naman ako. howell i have to endure another day of awkward moments. ayayay maligayang pasko naman.

Friday, November 2, 2012
ano ang kinatatakutan mo?
masasabi kong matapang akong bata. hindi ako takot sa dilim gaya ng ibang bata. kaya kayang kaya kong patulan yung dare ng mga pinsan ko sa pampanga na pumunta sa puno ng matandang sampaloc sa likod bahay nina lola na sinasabing tahanan ng mga duwende at kapre sa kadiliman ng gabi gamit lamang ang flashlight or kandila.
oo ginawa ko yun ng nakangiti. pumunta ako sa puno ng sampaloc, tangan ang flashlight habang sinasamahan ako ng katahimikan at pagkabog ng aking puso. oo, kinakabahan ako, pero alam kong hindi ako natatakot. gumuhit ang ilaw ng flashlight sa matandang sanga ng puno at sa mga dahon na tila binabati ang aking pagdating (sabi nila happy birthday. charot) sinisipat ang dilim, naghihintay ng duwende at kapre na hindi naman dumating.
hindi ako natatakot sa mga kuwentong multo at katatakutan. hilig ko ang makinig patungkol sa mga kababalaghan, inaabangan ang magandang gabi bayan halloween special at hinding hindi ko uurungan ang mga pelikulang katatakutan. dahil sa kaadikan sa mga kuwentong ito, hiniling ko noong magkathird eye. inambisyon na sana mabuksan ang ikatlong mata para lang makakita ng mga nilalang na hindi nakikita ng iba pero syempre hindi yun natupad.
ako ang batang siga sa dilim pero oras na marinig kong kinailangan naming bumisita sa lolo't lola ko sa mother side, tumitindig ang lahat ng balahibo ko. masidhing takot ang babalot sa aking musmos na katawan. as in kailangan pa akong panlisikan ng mata ni mama at pagtaasan ng boses para mapilit akong sumama. kung pwede kong isemento ang aking mga paa para lang mapigilan ang pangyayari, gagawin ko. dahil alam ko, pagdating namin doon, haharutin na naman ako ng mga pinsan ko. aalaskahin na naman nila ako dahil lang sa bading ako. takot na takot ako. ano na naman kaya ang sasabihin nila sa'kin?
masahol pa sa mga nanlilisik na mata ng aswang o sa malalamig na haplos ng babaeng nakaputi, minulto ako ng mga masasakit na salitang yun na sinundan ako hanggang sa aking pagtanda. kaya naman ngayon hindi ako masyadong close sa aking mga insan. pero okay lang, iyon din naman ang nagfuel sa akin to prove myself to them na hindi lang ako basta ganun. i'am something more.
***
i love traveling pero ang pinaka ayoko sa pagtratravel ay ang pagsakay ng eroplano. natatakot kasi ako sa feeling na any moment pwede itong bumagsak. doon ko natuklasan na takot pala akong mamatay nang agad agad. nininerbiyos ako kapag may disturbance. feeling ko magflaflashback na sa akin ang buhay ko at mamromroblema pa ako kung may nagawa ba akong mabuti bago ako sumakay ng eroplano. may closure ba o may naiwang problema? what if bumagsak? ang morbid pero hindi ako matahamik hangga't hindi lumalapag ang eroplano. i just don't want to die in a blah way. haha
***
ang sarap talagang maging bata. kung saan ang mga kinatatakutan lang ay ang dilim o ang mandurugo na kumukuha ng mga batang iaalay sa tulay. pwedeng takot sa maskot o sa clown na habang lumalaki tayo ay unti-unti rin nating nalalabanan. nageevolve kapag teens na, takot sa pimpol o ang takot na magkapalakol sa report card. pero ang masaklap, habang tumatanda tayo tila mas tumitindi pa ang mga takot na kayang sumakmal sa atin.
yung takot na walang kasiguraduhan ang lahat pagkagradweyt mo ng college at mainit-init pa ang diploma. yung takot na maganda ba yung nabibigay mo sa trabaho at kung may trabaho ka pa ba bukas? o yung takot na kaya mo pa bang pagkasiyahin ang sahod mo sa buwang ito? pero mas nakakatakot naman talaga kapag makita mo ang pay slip mo at hindi mo gusto ang nakalista. haha. ang takot na matutupad kaya ang pangarap mo? ito ang mga takot na higit pa sa kayang ibigay ng agit na mangkukulam o ng nag-aamok na tikbalang.
***
sa dinami-dami ng sari saring takot na kayang gumambala sa atin (insert phobia sample here), alam naman natin na iisa lang ang solusyon diyan. e di ang cliche na face your fears. sana lang hindi tayo takot magkamali. dahil oras na natakot tayong magkamali, malamang sa malamang, tayo rin ang lilikha ng mga bangungot at gabi gabi rin tayong hindi patatahimikin.
Saturday, October 27, 2012
the high school repeater
i feel that i'm still running in a corridor full of girls in maroon skirts and guys in charcoal gray pants. late for my class. gasping and panting, as usual, im late. magugulat pa nga sila kung pumasok ako ng maaga e. my class adviser is discussing na in front about economics. shet. late na naman ako. tinignan ko ang aking mga kaklase, nakikinig ng mabuti, nagsusulat sa kani-kanilang mga sterling or corona notebook using red and black ballpens, red ink para sa term at black para sa description. at ako lang ang gumagamit ng blue g-tech pen nun kaya pag nakakalat ang notebook ko, alam na sa akin agad yun.
umupo ako sa aking upuan, malapit sa bintana. napatingin ako sa reflection ko... oh gosh. it's my twenty five year old body trapped in high school.
...
yan actually ang puso ko. alam mo yun, tumanda na ako, i just turned 25 this year. pero bakit ang state ng puso ko napag-iwanan na at nasa high school pa rin?!
honestly, napapathetican ako sa sarili ko. supposedly, noong high school ko pa ito naramdaman, yung tipong sulking sa tabi na bakit ako walang jowa? or bakit walang dumarating na love sa akin? hahaha why o why ngayon ko lang ito napagdadaanan?! dahil ba sa global warming? o sa bagyo weather? ayoko kasing aminin na ganito ako kaloser ngayon. haha
my state of heart is so teenybopper kulang na lang i-cast ako as a high school stereotype sa isang teen movie. feeling ko sa kakanood ko 'to ng awkward e. lol o dahil napaliligiran ako ng mga taong in a relationship. lol pakiramdam ko hindi ako nagmamature pagdating sa puso. my heart is a pasweet teenager na nagdaramdam at naninimdim sa isang gilid dahil laging unrequited! a wallflower na in love sa jock na kahit kailan hindi siya papansinin.
shet. how loser can i be? hanggang doon na lang. yung umaasa na may darating, na naniniwala sa bullshit na fairytale. like omg. heart naman, bente singko na ako, hindi na nga ako virgin e, lumevel up ka naman. lol sunod sunod na love woes ang post ko sa blog ko lately ha? hindi ko matanggap. haha.
hay ganito nga siguro kapag nbsb ka ng twenty five. or napaparanoid lang siguro ako dahil yung mga tao sa paligid ko unti-unting nagkakajowa. kahit san pa ako tumingin, may mga magkaholding hands! tapos napagiiwanan na nga ang puso ko, lumelevel up pa ang insecurity ko sa sarili ko. shet. siguro wala talagang magkakagusto sakin, siguro walang makakapansin sa akin? pota. haha gumaganung levels na ako minsan. howell wishing well, sabi ko nga ayoko namang magkaroon ng jowa for the sake lang na magkajowa. kaso kasi naman... ehh. jusko.
hangga't kaya ko, susubukan ko munang dumedma. haha. baka ang love woes ko ay dala nga lang ng hindi mapaliwanag na phenomena o hatid ng pabago bagong klima. kung stuck man sa high school ang puso ko sa ngayon, papasa at papasa rin yan... kahit pasang awa, ang mahalaga makapagmartsa at makuha ang inaasam na diploma!
bwisit. lol

Saturday, October 6, 2012
love allergy
nangangati ako kapag may pogi. (no pun intended.)
sumisikip dibdib ko pag may sweet couple.
nababahing ako tuwing may hindi na single.
kinikilig na lang ako pag umiihi.

yeah. Ang pathetic ng post na ito.
baka dahil sa ulan or something.
buti na lang malapit na akong maging sobrang busy, love story na lang ng fictional na tao ang proproblemahin ko. What is happening to me?

*if symptoms persist, consult your doctor.
Monday, October 1, 2012
carpe noctem
i seize the night.
i reach for the stars as i sing under the moonlight.
i don't sleep.
i'm a zombie, a vampire, lusting in the dark,
pumping bloodless ode to luna,
the dead queen up above.
kissing.
licking.
frolicking.
the nocturnal dreams of the insomniac writer..
with his mediocre poems,
forgettable whims, quotes, lines.
who hates rhymes and poetry books
and trying hard poets with crappy verses
like this. and that and further beyond the script.
the decay eats the day of this black ink on a blank canvass,
waiting to be devoured
by the purple sky full of blinking lights.
no more nightmares, as they say,
for the children of midnight.
waiting for that nocturnal dreams of the insomniac writer.
pausing as the ufo hovers by.
the pen coughed red smears,
useless ink.
dead print.
seizing the night.
Wednesday, September 12, 2012
buhayin mo ang patay
oh no. this is not a film review (well sige, medyo review na siguro. may quiz kasi after. chos). hindi rin ako sasali sa rant at debate kung patay na nga ba ang pelikulang pilipino or naghihingalo pa lang. at kung patay man (na sa tingin ko hindi pa), huwag lang sanang kumuda nang kumuda. hindi mabubuhay ng pagtalak at sa pagrereklamong patay na ang pelikulang pilipino ang industriya. ang dapat po nating gawin ay manood ng sine. baka naman best in reklamo ka na kesyo patay na ang sineng lokal pero hindi ka naman pala nanonood sa tuwing may filipino film na palabas. diyos ko po inay. nakakahaggard lang.
ang kuwento ng bwakaw ni jun robles lana ay tungkol sa takot natin sa pagtanda't pag-iisa. sino nga ba ang gustong tumandang mag-isa? actually, sinet ko na ang sarili ko na tatanda na akong mag-isa. mukhang nega at pessimistic pero sa totoo lang, ang tawag ko diyan ay katotohanan. kung maaga palang kaya na nating tanggapin ang katotohanan ng mga bagay bagay dadali ang buhay natin. hindi tayo madidisappoint at hindi tayo madidishearten sa ilusyong ginawa natin. well of course, deep inside, ayoko naman talagang tumandang mag-isa pero well pakialam ng tadhana sa kung anong gusto nating mangyari di ba? haha. pero yeah, somehow umaasa ako... hindi ako tatandang mag-isa. mag-aalaga ako ng aso. ng maraming aso.
isa lang itong pagsasalaysay ng aking paglalakbay ngayong nakaraang linggo matapos kong mapanood ang mga magagandang pelikula na ito.
![]() |
| mula sa unitel films |
napaawit at nakiliti ang puso ko sa musical na i do bidoo bidoo ni chris martinez. opm plus filipino film in one. paglabas sa sinehan, paniguradong nakaplaster na ang ngiti sa iyong labi. yeah yeah, ilang kuwento na nga ba ang narinig natin patungkol sa biglaang pagpapakasal? pero iba ang paglalahad dito, may kasamang kantahan at sayawan. ang puso ng kuwento ay tumitibok sa mga nota ng kanta ng apo, inaawit, hinaharana ang manonood. paglabas mo, siguradong napasagot ka na ng pelikula.
pero hindi lahat sinusuwerteng mahanap ang kabiyak nila na sasamahan sila sa hirap at ginhawa...
![]() |
| from cinemalaya.org |
e kung may kasama ka, kinidnap ka naman? (okay ang chaka ng transition. nyahaha)
![]() |
| from center stage productions |
ang latest film ni brillante mendoza na captive is based sa dos palmas kidnappings noong 2001. ang mga nangyari noon ay kuwentong mula sa media pero sa pelikulang ito, sinubukang ipakita ang mga kaganapan at binigyan ang manonood na maging saksi sa mga dinanas ng nakidnap. sinubukan ng pelikula na ilahad ang nangyari in a neutral way, yung wala kang kakampihan sa dulo pero wala ka nga ba talagang kakampihan sa huli? gaya ng mga nakidnap, ang audience rin ay magtitiwala ba sa mga nakikita nila. masama nga ba ang mga abu sayyaf? terorista nga ba sila o bayani ng kanilang homeland? biktima nga ba ang mga bihag ng kanilang kidnappers o biktima ng inutil na sistema? ikaw ang huhusga.
ako ang stand ko, wala talagang puwang ang dahas, hindi masasagot ng violence ang problema. giyera nga ba ang solusyon para matapos ang lahat? hindi. mas lalo lang iigting at aalab ang galit. mas lalo lang lalala ang sitwasyon.
natuwa naman ako na napanood ko ang mga nasabing pelikula. patunay lamang na nandiyan pa ang pelikulang pilipino. sana gawin natin ang ating papel bilang manonood, hindi lang puro reklamo at hindi puro pintas sa sariling atin. sana mapanood natin ang mga gawang pilipino at tsaka rin matutong kumilatis. sabi nga raw ni jose javier reyes nung may nagtanong sa kaniya kung nasan na ang magagandang pelikulang pilipino, tanong din ang sagot nito, nasaan ka ba noong palabas ang magandang pelikulang pilipino?
Tuesday, September 4, 2012
para sa'yo sa future (kung di magugunaw ang mundo sa december)
dear future boyfriend,
hello there. ang tagal kitang hinintay ha. di bale, sanay naman akong maghintay. kasama na nga yun sa hobby po ko e. ang maghintay. okey lang. nalilibang ko naman ang sarili ko. okay lang sa'kin basta ba dumating. hindi ka naman naghihintay kung walang darating di ba? o kung walang patutunguhan ang paghihintay mo. ang tawag dun pagtunganga o pagtengga kung nakanganga ka lang sa wala. deadma na nga.
dumating ka naman e.
salamat ha? akala ko kasi hindi ka na darating.
salamat at dumating ka sa buhay ko. sa totoo lang hindi ko naman inakalang darating ka. e sus. malay ko ba. emo ako e. pakiramdam ko wala namang magkakagusto sa'kin. katawan lang habol ng mga tao sa'kin. joke lang. kasi wala. wala silang hahabulin sa'kin.
e humabol ka.
salamat sa paghabol. buong buhay ko kasi ako ang habol ng habol. sa deadline... sa jeep... sa mga taong ako lang ang nagmamahal. mabuti na lang nandiyan ka. pinaexperience mo na hindi lang aso ang pwedeng maghabol sa'kin. nakakatouch. pakiss nga. akala ko ako ang laging taya, akala ko magiging burong talangka na ako. mabuti na lang, nandiyan ka.
okay lang. hindi naman ako mahirap mahalin e. haha. oo. at hindi rin ako mahal. fishball sa monthsary, up sunken garden tambay para sa anniv... sapat na yun. hindi naman ako maarte. may sogo naman at di mo naman sagot lahat. charot. haha.
salamat at nagtiyaga ka sa taong tulad ko na walang nagtiyaga kailanman. akala ko wala nang makakapansin. mabuti na lang hindi ko na kailangang maging ksp para sa'yo. salamat din at nakita kong pinagmamasdan mo ang fb ko. katakot. stalker? lol
pero hindi ko pa rin ibibigay sa'yo password ko. ano usisero? hehe. salamat sa tiwala. hindi naman ako makikipagchat kung kani-kanino. makikipagtext lang. hehe. joke. pero salamat at nirerespeto mo ang privacy ko dahil alam mo namang oras na sinilip mo phone ko masasaktan ka. hehe
pero salamat.
kasi natuto akong magtiwala.
may trust issues kasi ako e. salamat at nagtiyaga ka sa pagbasag nito at kinilala pa rin ako sa kabila ng mga isyu at drama ko sa buhay. salamat din sa pag-intindi sa trabaho ko na minsan hindi natutuloy lakad natin dahil sa mga biglaang meeting. salamat sa pagiging inspirasyon. :)
salamat at binasag mo ang sumpa ng pagiging single ko. haha
salamat ulit.
mahal kita. :)
your future boyfriend

Thursday, August 9, 2012
Thursday, July 12, 2012
takipsilim, larong gutom at mga limampung kakulay ni grey
takipsilim.
larong gutom.
limampung kakulay ni grey.
yan ang literal translation ng twilight, hunger games at 50 shades of grey.
hindi naman siguro kaila na ang mga international bestsellers na yan ay natranslate na sa iba't-ibang language sa mundo. im sure may japanese, german, french or russian versions ang mga yan. kaya naman this time, inilaban ng precious hearts pages ang publisher ng mga sikat na filipino romance novels ang translate ang mga ito sa filipino!
guess what? nauna nang managalog sina bella swan at edward cullen dahil nung may lang ay napublish na ang filipino version ng twilight na itrinanslate ni armine rhea mendoza.
![]() |
| takipsilim ni stephenie meyer |
nakatutuwa hindi ba? sabi siguro ng karamihan, bakit pa? e sanay at nakakaintindi naman tayo ng ingles so bakit pa kailangang itranslate ang mga ito? well well ang tunay pong karamihan ay ang mga masa na hindi gahanong bihasa sa ingles. so please lang sa mga feelingerong sosyal diyan na porke nakakaintindi at nakakapagsalita ng english e paistar na.. move over dahil soon enough, sina katniss, peeta, christian at anastasia magiging fluent na rin sa filipino.
masasabi kong tagumpay ito ng lengwaheng filipino dahil makakatulong itong mapush na magbasa ang mga bagets lalo na sa rural areas. bukod sa mas maiintindihan ito ng karamihan, syempre mas mura at abot kaya ang libro! pak. can't wait sa hunger games! hehe iba rin naman ang experience kung binasa mo ito sa filipino. may ibang ganap. hindi ko pa nababasa ang 50 shades of grey at i've heard erotica raw ito kaya interesting kung paano ito itratranslate sa filipino. hihi
anyway highway magandang step ito para mas mapalaganap pa ang ating lengwahe at siguro someday hindi na lang mga bestsellers ang itranslate nila, pati mga classics at literary gems na rin para win na win at makarelate ang mga pinoy sa akda nina shakespeare, garcia marquez atbp. siguro kung makakatulong din ito para magbasa ang mga pinoy ng mga akda ng mga filipino authors na kung hindi man pumapantay ay nakahihigit din naman ang talento sa pagsusulat sa kanilang foreign counter parts.
imagine, nakapila ang mga tao sa bookstores para bumili ng libro at take note all walks of life ha? hindi na lang yung may kaya at makikiri pati mga masa nakikipila na rin at makakarelate na sa usapan patungkol sa kung anumang worldwide bestseller yan. this is not about nakikiuso or what, this is about the state of reading in our country.
oa naman kung maghahanap pa ako ng statistics sa net no? ano thesis paper lang te? hehe obvious naman siguro na kaunti lang ang nagbabasa ng libro sa mga pilipino. feeling ko makakatulong naman ang ginagawa ng PHR na pagtratranslate ng best sellers para maengganyo silang magbasa. kasi naman kung hindi tabloid sa videoke lang siguro nagagamit ang reading comprehension skills ng karamihan. chos.
anyway highway masyado akong naexcite. dapat magbabasa ako ng readings sa school but no, nagblog ako ng walang kalaban laban. howell filipino pride i guess at tutal next week naman buwan ng wika! kaya this is it, advance buwan ng wika post na humihirang sa ating pinakamamahal na salitang filipino! mabuhay ang wikang pambansa!
Thursday, July 5, 2012
eh yung wala akong post nung june?
oo ang post na ito ay para may maipost lang.
bakit nga ba wala akong post nung june?
siguro dahil naging busy sa work tag nagenrol pako sa MA.
tas kapag may naisip naman akong ipost tatamarin naman akong magblog. shet.
oo na, malaki na ang problema ko. lol
howell i miss blogging.
i mean yung enthusiastic ako sa topic na isusulat ko...
yung pananabik dati lalo na nung college (na narealize ko mas okay ang mga posts ko nun) kasi alam kong lang internet sa bahay kaya napag-iisipan ang mga post sa blog.
ngayon honestly parang uninspired na. ugh.
ewan. baka things are not interesting lately or imbis na i-blog i-stastatus na lang or tweet. oh shet.
gusto kong magblog revamp.
i need inspiration.
i need ideas.
gusto kong i-overhaul ang blog ko design wise and content kaso good luck sa design wise hindi naman ako graphic designer. well unless may magvolunteer. hihi.
hay hay hay.
i know, walang kwentang post. :s

Wednesday, May 30, 2012
what my mom (accidentally) thought me
ewan ko. in my pursuit to dig sa sarili ko kung bakit ako may trust issues... i find these things na baka nakacontribute doon. well i really don't know. i'm no psychologist here..
pero siguro naman hindi tayo tuturuan ng masama ng mga nanay natin no? syempre bago pa tayo pumalaot sa school... sino ba ang una nating teacher? e di si mudang! so baka may nainstill siyang bagay na hindi naman niya siguro sinasadya nagkaroon tuloy ng impact sa aking buhay.
syempre hindi ko naman malilista lahat ng lessons na tinuro sakin ng nanay ko. given na ang kagandahang asal pero these two lessons in life are taught, uhm.. well.. accidentally? ewan ko. sinadya man ng nanay ko o hindi nagmarka ang dalawang yan sa buhay ko.

- crying is a weakness.
well. i was bullied by my relatives and what is the best weapon kapag bata ka? e tears! haha well lalapit ako sa nanay ko na nagsusumbong habang umiiyak. aba imbis na ipagtanggol ako tatalakan pa ako! nakakaloka. haha. sabi niya bakit daw ako umiiyak? e bakit di ako lumaban? well apparently hindi pa rin ako lumalaban noong bata ako sa mga kamag-anak kong bully which is weird dahil pagdating naman sa school day may umaaway sakin tinusok ko ng pencil ang kamay niya. pak. well good thing hindi nakarating kay mudang yun. haha masisira ang aking good boy (girl) image.
hanggang sa lumaki na ako, ayun dumalang na ang pag-iyak ko hanggang sa parang nawalan na ng luha ang mga mata ko. siguro naubos na nung batang iyakin pa ako. kaya ayun bihira na akong maiyak, i don't cry sa mga dapat na nakakaiyak na pelikula. i don't cry sa mga dapat na nakakaiyak na situation. sometimes i just miss crying. - wala kang ibang kakampi kundi ang sarili mo. wag kang sumbungera.
sabi nila ang unang kakampi mo sa lahat ng laban ay ang nanay mo. pwes wag mong idamay ang nanay ko. hahaha. well connected ito sa unang lesson. bilang may pagkasumbungera nga ako nung bata aba yung tipong vindictive ako at feeling ko kakampihan ako ng nanay ko... aba aba aba si bakla binebenga ako!
noong napagalitan ako dati ng teacher ko basta may ginawa na nakalimutan ko na, sinumbong ko sa nanay ko... aba aba at aba pa... ang sabi sa'kin "kaya ka siguro (insert ginawa ko here) kasi madaldal ka!" ah eh teka ako biglang nagkakasalanan te? haha infair consistent si mudang dun, sa tuwing nagsusumbong ako hahanapan muna niya ng rason baka siguro bakla ka kaya ka ginanun sabi nya pa. chos. ay nasabihan pala ako ng nanay ko na malandi. haha hindi ko rin alam kung anong kunek nyan sa part na'to. ah basta may nagawa yata ako or something. haha
so anyway, ayun hanggang sa ayoko ng magsumbong. tatalakan lang ako e. haha
sino nga ba ang tunay kong kakampi?
sometimes, i even doubt myself. chos. haha
yeah, childhood stuff. pero as a kid, i thought tears are powerful... kailangan mo lang umiyak makukuha mo na ang gusto mo. magtantrum ka pwede na. umiyak ka mapapagalitan ang umaway sa'yo... pero hindi. even my tears, my only alley, betrayed me. wala akong nakuha dahil lang sa iniyakan ko o umiyak ako. ugh. sayang ang luha sabi nga nila.
but then, somehow i'm happy na naturo sa'kin ng nanay ko ang mga yan. lalo na yung ikalawa. imagine, kung nanay mo nga minsan hindi ka makampihan paano pa kaya ang ibang tao? kaya im thankful sa nanay ko na yeah.. i guess it helped me to be cautious sa mga tao. na any moment pwede nila akong saktan, na pwede nila akong talikuran. kaya kailangan siguraduhin ko munang pwede ko silang sumbungan at dapat by that time sigurado akong ako ang kakampihan.
howell nasa lesson plan man yan ni inay o wala, fine. i guess they equipped me ngayon.. sabi nga nila, sinasadya man o hindi, mothers know best. e di siya na, sana manalo siya ng coke litro sa araw araw panalo dahil nanay daw ang panalo. chos.
Tuesday, May 15, 2012
bye bye del pilar
1993 bignay st.quezon city
Siguro naubos na ang luha ko kakahintay kay mama. Mukhang tanga kasi alam ko namang hindi siya darating. Ilang buwan na kasi siyang nasa cabanatuan. Sa isang lugar na hindi ko alam kung saan basta ang alam ko doon siya pinadala ng kumpaniyani tito para pamahalaan ang bagong branch ng airconditioning business nila sa nasabing lungsod.
Hindi ako makapaghintay magsummer noon. Kasi ang pangako ni mama pagkatapos kong magkinder lilipat na kami nina kuya kasama niya sa cabanatuan. Si papa noon ay nasa saudi pa kaya nasa pangangalaga kami ng masungit pero lovable kong tiyahin sa maynila. Feeling ko fave niya ko nun though pinalo niya ko nung hinabol ako ng aso sa may tulay sa may kamias. Bwiset ako na nga ang nakagat ako pa ang napalo! Lol.
Howell narealize ko ilan lang sa mga alaalang ito ang iiwan ko paglipat namin nun. Kasama ang bote ng chokolait na dinedeliver tuwing umaga, ang pre school na twinkle toes at ang puno ng kamias na puno ng christmas lights tuwing magpapasko sa tapat ng tinitirhan naming quarters ng mga trabahador sa bignay sa company nina tito na nasa kamias na nilalakad pa namin para makita si mama.
Pero anong malay nga naman ng isang kinder sa letting go at goodbyes? Ang alam ko lang nun makakasama ko na si mama ng mas madalas.
1993 zulueta st. Cabanatuan city.
Isang apartment sa tapat ng highway. Yun ang unang tirahan namin sa cabanatuan. Tatlong oras ang layo mula maynila. Suddenly nagbago ang lahat. Walang bote ng chokolait sa labas, sa mas malaking private school na ako nagaaral at ang dating malling sa cubao tuwing weekend ay napalitan ng swimming sa NFA. Yes as in sa national food authority sa tapat ng bahay namin. Ang aming playground dati na dead end na kalsada sa bignay ay napalitan ng malawak na NFA compund na pwede kang maligaw sa mga warehouse ng bigas. Hindi na rin kami sumasabay sa mga kamah anak tuwing umuuwi ng pampanga dahil sa tapat lang ng bahay namin may bus papunta sa nasabing probinsiya.
Ito na ang bagong syudad na aking tirahan.
1994 del pilar st, cabanatuan city
Sa isang matandang bahay kami tumira. Paborito ko to kasi may character yung old house na tinirhan namin. May mumu. Haha na naririnig namin ang mga yabag sa hagdan. May tatlong kwarto pero dalawa lang ginagamit namin na di ko rin gets. Narealize ko ngayon na sana kwarto ko na lang yun at di na kami share ni kuya. Sa bahay na din nato sinilang ang bunso namin na pitonh taon ang agwat namin. Dito na rin sa bahay na to tuluyang umuwi sa papa mula sa saudi.
Dito na rin sa bahay nito nagdesisyon na humiwalay kina tito at magtatag ng sariling airconditioning business. Na ang opisina ay ang isang malapit na talyer sa harap ng kalsada. Nasa looban kasi ang bahay namin.
Hanggang sa unti unting bumagsak ang company. Nagdesisyon ang may ari na tumira na sila sa old house at umuwi sa pinaa so wala kaming choice kundi umalis.
1997 del pilar st. Cabanatuan city
Habang naghahanap ng lilipatang bahay nagstay muna kami sa talyer. Hanggang sa wala ng makita sina mama. So doon na kami tumira sa talyer. Ginawang office slash bahay. Well sa lahat ng tinirhan namin dito ito ang pinakahindi ko beeet. Haha ang peg kasi ng eksena heto yung pag tinatanong ka ng kaklase mo kung san ka nakatira, hindi mo sasabihin kung san dahil kinahihiya mo. Haha. Well narealize ko may mga friends naman akong napapunta sa talyer. Doon kami unang nilooban sa bahay at ninakawan at namatayan ng arwana. Lol. At doon na kami tuluyang naging poor! Kaloka. Malas na talyer, char. Haha
2002 del pilar st. Cabanatuan city
Finally lilipat na kami ng bahay!nagpagawa kasi yung pamilya ng may ari ng ancestral house ng apartment. Well kaya obviously sa same street lang kami lumilipat lipat. Haha masaya naman. Dito na ako nakagrad ng high school at ito ang inuuwian ko tuwing school break nung college.
2004 kamias, quezon city
Muli akong nagbalik sa maynila para magkolehiyo. At majority ng mga tinatanong ako kung san ako naghigh school, hindi alam kung san ang cabanatuan. Kainis. Haha akala nila nasa mindanao. Bwiset. Haha kung di mo rin alam google it. Lol.
I look forward na umuwi tuwing sem break! Yey.
2012 kamias, quezon city
Nabalitaan ko kay mama na may offer ulit magtrabaho si papa sa kumpaniya nina tito na mas malaki na ngayon compared noong 1993. Pero this time sa branch naman nila sa san fernando pampanga. Dahil dun naman nakatira sa pampanga sina papa at mama they decided to take the offer.
It's time to leave cabanatuan na. Inuwi na rin nila ibang gamit namin sa pampanga. Nalungkot ako. Shet.
Ngayon hindi na ako kinder na walang muwang sa pagalis at pagmove on. Mulat na ako sa goodbyes at suddenly nakaramdam ako ng void. Saan na ako titira kapag naisipan kong umuwi ng cabanatuan? Parang biglang nagsink in sa akin na kalahati ng childhood ko nasa lungsod na napagkakamalang nasa mindanao.
Pero hindi sapat ang pag-iyak para ipagluksa ang lahat.

This post is looooong. Narealize ko i should stop. Kasi hindi rin naman na kami babalik kahit gano pa kahaba ang isulat ko dito. At kahit gano kahaba ang ilitanya ko hindi rin naman niya mapapantayan kung ano talaga ang pakiramdam. Narealize ko na thankful din ako na sa manila ako nagcollege at dito na nagtratrabaho... Nakatulong para mas madali akong makamove on.
Pero iba e.
Dati alam ko malayo lang ako sa bahay.
Ngayon wala na pala akong babalikan.
Para akong namatayan.
Pero iba e.
Dati alam ko malayo lang ako sa bahay.
Ngayon wala na pala akong babalikan.
Para akong namatayan.
Pero hindi sapat ang pag-iyak para ipagluksa ang lahat.
Saturday, May 5, 2012
agad agad?
ganyan mo ba kabilis pagkakatiwalaan ang isang tao?
o pagkatapos ng dalawang oras?
isang buong araw?
isang buong linggo?
o baka bago ang anim na buwan?
ilang oras, minuto o segundo ang kaniyang bibilangin bago mo ibigay ang tiwala mo?
ilang pasko?
birthday?
o summer?
mahaba?
mabilis?
gaano katagal mo dapat ipagkatiwala ang iyong puso?

Monday, April 23, 2012
detour to hell
as i grow older...
as i meet new and more more people...
as i gain experience...
as i learn new things
as i conquer fears...
my beliefs and morals start to take shape.
...and sometimes i start to question myself.
parang nawawalan na ako ng moralidad. haha
ewan ko. naaalala ko may status ako sa facebook dati na ang sabi ko kapag naging presidente ako ng pilipinas, ibabalik ko ang death penalty at i will draw the line between the church and state. sabi ko run, hindi na pwedeng questionin ng simbahan ang aking pamamalakad dahil sa mata nila immoral na ako in the first place bilang isang beki. lol.
kung paniniwalaan ang simbahan, bata palang ako sinusunog na ako sa impyerno dahil beki nga ako. pero honestly dahil sa pagiging beki ko nagsimulang masira ang relasyon ko sa aking pinaniniwalaang relihiyon. parang how can i believe with someone na ang tingin sa akin ay makasalanan sa isang bagay na hindi ko naman ginusto?
that is why unti-unting nawala ang gana kong magsimba. pero of course i still believe in god pero my faith with religion starts to wane.
hanggang sa i do bad things. well bad things according to society. lol kaya feeling ko mapapabilis ang aking detour sa hell.
given na ang homosexual acts. tapos minsan i don't even wince when some blasphemous words come from my filthy mouth. okay din sa akin ang maging kabit at manira ng relasyon. haha shet. yeah lumalabas ang aking frustration na maging isang kontrabida.
hay. pero in reality, nagkakaroon sa akin ng blur ang thin line between good and evil. minsan ang bad sa iba, hindi na bad sa akin at ang good minsan kinukuwestiyon ko na rin kung good ba talaga yun. ang complicated lang. ang hirap lang kasi kapag nakikilala mo na rin ang sarili mo. kahit ikaw nahihirapan ka na rin intindihin. haha
well if my morality is a blur and questionable..
i guess i have to create my own morality...
god is my only judge after all.

Friday, April 6, 2012
kaleldo/maneldo
maundy thursday.
still waiting for the script revision in manila. kapag holiday talaga tahimik ang lungsod, hindi kasing ingay ng normal na araw. animo'y nagrereflect din ang buong lungsod sa mga kasalanan nito ngayong mahal na araw.
tahimik.
hindi magulo.
payapa.
at akalain mong napansin ko yan habang bumibili ng lechong manok? haha
anyway habang naglalakad ako nakasabay ko ang mga taong nag-aalay lakad. biglang nagiinsert quick flashback sa aking gunita ang mga mahal na araw noong bata ako.
naglalakad din. nagmamadali kasama ang aking mga pinsan at tiyahin sa pampanga at sa liwanag ng buwan nagmamadali kami para sa aming visita iglesia dahil baka maunahan kami sa pila ng pagkain.
sa pampanga kasi ang mga pabasa (o puni sa kapampangan) ay may pakain sa mga dumadayo. pabonggahan kumbaga ng foodams bawat baranggay at infairness iba-iba ang labanan. sa baranggay cangatba pwedeng ice cream at sa baranggay babo sacan ay pwedeng spaghetti naman. sa baranggay poblacion, lagi naming ineexpect na bongga bilang yun ang bayan. so ganun ang diwa ng semana santa sakin nun, ang pagkain.
...at ang hindi pagligo.
palibhasa catholic school baby kaya naman best in holy week tradition. pagpatak palang ng ash wednesday sa canteen ng school namin magsisimula nang tanggalin ang chicken at pork kapag friday at mapapalitan ito ng gulay at isda.
pero masaya ang atmosphere sa school nun kasi nga alam mong nalalapit na ang bakasyon. at kapag bakasyon oras nang gumora in pampanga. kaya yung mga customs and traditions tuwing mahal na araw doon ko talaga lubos na nainvibe! kapampangan style!
bawal magpatuli kapag semana santa kasi nga hindi raw naghihilom ang sugat. shet sabi ko nga sa fb status ko hindi naman nasugatan ang puso ko ng holy week, pero bakit hindi pa naghihilom ang sugat?! chooos. hihi.
tapos bawal daw maligo lalo na kapag biyernes santo. which is hindi ko makuha ang point. aaaah naaalala ko na kasi magiging dugo ang tubig bilang patay ang diyos. speaking of patay ang diyos fave ko nun ang mga scary stories na kaakibat nito dahil sa midnight daw ng biyernes santo gumagala ang mga espiritu.
winner din ang peg ng simbahan noon na hindi ka makakarinig ng kalembang bilang ninakaw daw kasi ni hudas ang bell. kaya naman sa linggo ng pagkabuhay, muling maririnig ang kalembang ng simbahan dahil nabawi na ito kay hudas at pagkatapos ng misa, sama-sama kaming pupunta sa plaza para panoorin ang effigy ni hudas na puno ng paputok bilang kaparusahan sa kaniyang pagnanakaw ng bell at ang pagchuchu kay jesus. winner parang new year lang ulit.
naging frustration ko rin noon na sana maging angel. naiinggit kasi ako sa mga batang angel sa salubong, yung magtatanggal ng belo ni mama mary pagkatapos nilang magkita ni jesus? winner ang role nang batang anghel nun kasi nasa tower siya at every year may pasabog. meron nga nasa wire ang bagets at nakaharness patungo kay mother mary! panalo. (nakompyus pa ako noon kasi sa salubong ang mga lalaki sasama kay jesus tapos ang mga girls kay mama mary tapos muling magkakasalubong sa tapat ng simbahan, ayun nalito ako kung saan ako sasama. echoos. hihi)
it was different back then. or again, effect ulit ng pagtanda na parang nagiging jaded ka na lang sa lahat ng bagay or sa holiday lalo na sa mundong ginagalawan ko na wala naman talagang holiday.
sa tinitirhan namin dito sa qc, malayo sa mga pabasa. mas lalo kong nararamdaman ang katahimikan ng lungsod.
howell di bale, luluwas din naman ako pagkatapos ng trabaho.
maririnig kong muli ang semana santa ng kabataan ko.

Sunday, March 25, 2012
singapura in my mind
march 14.
yan ang araw na magagamit ko ang aking passport for the first time.
it's my dream to travel the world at para simulan ito, bakit hindi muna sa ating kapit bahay?
ang singapore!
unang tapak ko sa maliit na bansang ito, nakita ko na agad ang malaking kaibahan sa pilipinas.
malinis.
organisado.
disiplinadong mga tao.
maunlad.
moderno.
malayong malayo sa bansa natin.
kahit saan ako tumingin larawan ito ng kaunlaran at masunuring lipunan.
walang mga yagit sa kalsada (narealize ko kami na pala yung yagit. haha), safe bumalandra sa gabi at hindi ka matatakot maholdap o magahasa.
magara ang mga matatayog na gusali.
mabilis ang kanilang mga tren.
maaayos ang seguridad.
pwedeng uminom sa gripo.
malayo sa bansang pilipinas.
pero habang tumatagal ako, mas nakikilala ko ang maliit na bansang ito.
sobrang masunurin ang mga tao sa batas.
kaya naman takot na silang lumabag sa kanilang gobyerno.
walang rally sa singapore.
may curfew ng 12 midnight.
at iisa lang ang may ari ng tv network.
parang martial law lang.
well hindi naman siguro lahat pero majority ng nakakasalamuha naming singaporeans masusungit. haha sabi nga ng isang pinoy na nakachikahan namin sa isang mall sa orchard, "hindi sila marunong tumawa."
kung maayos lang daw sana ang kita sa'tin, hindi na sila magtitiis sa sg.
kapansin pansin din na para silang robot. mabibilis ang mga lakad animo'y laging nagmamadali. may oras na dapat sundin. umiikot ang buhay nila sa trabaho.
sa liit ng bansa nila, mga foreigners ang bumubuhay sa kanilang populasyon. well opinion ko lang naman ito, pero parang walang sariling kultura ang singapore dahil sa maraming lahi na nga ang nandito. bukod sa nagtatayugang building at modernong arkitekto, kung kultura at kultura ang hahanapin parang hindi ito nagsisip through.
mabilis ang oras dahil nga routinary ang buhay. sabi ko nga, mukhang mabobore din ako sa singapore kapag nagstay ako run. unless marami akong pera. lol
sa apat na araw na naging lima kong stay sa singapore dahil nadelay ang flight, mas nakilala ko ang maliit na bansang ito na 3 oras ang layo satin by plane. pero sa limang araw na yun, pakiramdam ko mas nakilala ko rin ang pilipinas.
madumi.
maingay.
magulo.
pero masaya.
malaya.
sa'tin ang mundo.
ibang-iba pa rin talaga ang bansang pilipinas.
:)

Subscribe to:
Posts (Atom)
guess who's back?
ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in. birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...
-
let me start this post with a cliched "one rainy september night", i decided to battle the rain and land on a wet road. i descende...
-
i'm always fascinated with the unknown. bata pa lang ako imbis na matakot sa dilim, mas sinusuong ko ito. hindi ako takot lapitan ang pu...
-
gusto mo ng surreal feeling? 1999. twenty years ago. imagine how different the world was. no iphones. and the whole world...