Showing posts with label pilipinas. Show all posts
Showing posts with label pilipinas. Show all posts

Thursday, July 22, 2021

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali.

mga gusaling walang masyadong laman. 

gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga sasakyang bumubuhay dito. 

tahimik. bihirang masilayan ang mga bulubundukin ng rizal mula sa metro manila. 

sabi nila, the world is healing.

pero ang totoo, isang pandemiya ang dumadaluyong sa lungsod.

isang pandemiyang pinartneran pa ng mas malalang virus - inutil na gobyerno.

sa isang iglap, nagbago ang buhay nating lahat.

nagsara ang ating mundo.

ang maingay na maynila, nabalot ng katahimikan, maliban sa mga ospital na napuno ng singhap ng kamatayan. 

katapusan na nga ng mundo, hindi pa mayakap ang mga katawan ng yumao. 

***

after a year, buhay na buhay pa rin ang sakit. lumalakas. 

mabuti may bakuna na. 

inutil pa rin si duterte. 

unti-unting nagbabalik ang ingay ng maynila. may mga nakakalimot dahil nabakunahan na. 

pero nandito na ang mas nakakahawang variant na pumatay ng libo sa india. 

inutil pa rin si duterte.

walang trabaho ang mga tao, bagsak ang ekonomiya, walang mapanghawakan sa mga parating na bukas.

sa apocalyptic manila, hindi ang mga bangkay ang zombie, kundi ang mga dds troll na hanggang ngayon bulag pa rin sa kapabayaan ng kanilang poon. 

mga tusta ang kanilang utak, saradong mga isip, pinapatay ang lasog na ngang kaluluwa ng bayan. 

sana may bakuna rin para sa kanilang mga bulag. 

***

kahit nakuha ko na ang second dose ng aking bakuna, alam kong bago na ang mundo. hindi pa rin pwedeng makampante. 

hindi pa nasusugpo ang virus. 

tila walang kasiguraduhan ang bukas. 

wala tayong ibang kakapitan kundi ang ating pagtindig.


illustration by tarantadong kalbo.


Wednesday, November 20, 2013

ang mamatay ng dahil sa'yo

isa na namang panibagong umaga, ididilat ang iyong mata, magmumumog,
maghihilamos... mag-aalmusal... magtutoothbrush... maliligo.. magbibihis... hihingi ng baon.. o papasok na sa trabaho...

pero paglabas mo ng bahay nagulat ka na lang dahil inilalabas ng mga sundalo ang bangkay ng buong pamilya ng kapit bahay mo.  nagitla ka kasi inabutan mo lang sila ng tirang adobo kagabi... magsisisigaw ka na sana pero isang baril na may silencer ang nagpatahimik sa'yo... 

hindi lang pala ang kapit bahay mo ang minasaker. pati pala buong street niyo. isusunod na ng mga sundalo ang magulang mo at kapatid. pati na rin ang kasambahay niyo na day off sana ngayon... 

pati pala ang kabilang purok... baranggay at karatig bayan... buong metro manila... mula batanes hanggang jolo... inuubos ang bawat pamilya.. 

pagkatapos gawin ng mga sundalo ang kanilang trabaho na ubusin ang mga tao sa buong kapuluan (as in simot levels, mula bata, matanda, babae, lalaki, bakla, tomboy...) sabay sabay naman silang magbabaril sa ulo. 

dahil ito ang utos ng presidente. 

...at nang masiguradong wala na siyang naririnig na pintig ng puso at nabalot na ng katahimikan ang buong pilipinas, may pipindutin siyang button at saka rin siya magpapatiwakal. 

***

last friday night habang nakatambay kami sa cubao ng aking mga kaibigan, napag-usapan namin ang nangyari sa yolanda. kung gaano nito kami naapektuhan bilang tao. at kung gaano kabullshit ang gobyerno natin. at first, ayoko pa silang sisihin dahil mahirap naman talaga ang nangyari pero dahil sa sunod sunod na kabalastugan, sisihan, laglagan, politicking, partisan issues, ka-epalan... i guess dapat na ngang sisihin ang kawalang kakwentahan ng gobyerno. 

ang isang friend ko natakot dahil baka saan daw mapunta ang bilyon bilyong donations mula sa ibang bansa. well valid ang takot niya dahil buhay na buhay pa rin ang pork barrel issue. at ang nakakainis pa, ang tunay na nagpapagal ng pagtulong ay hindi ang mga nabuwal na puno sa kalsada o ang pagkasira ng airport kundi dahil lang sa pulitika. hindi kasi nila kaalyado ang mga romualdez na namumuno sa tacloban kaya imbis na magtulungan, nauwi sa patutsadahan. jusko. inuna pa talaga yun?! 

tas may mga nakuha pag mamulitika at mangampanya. hindi makapaghintay ng 2016. jusko. paano na lang kaya ang pilipinas. sino na ang dapat iboto sa susunod kung tae naman ang mga kakandidato. habang buhay na lang ba natin pagdudusahan ang mga basurang mamumuno? sabi nga, wag magreklamo kasi tao naman ang nagluluklok ng mga basurang ito. so kaya basura ang nakaupo dahil yan sa mga basura ring bumoto. masakit pero may point... forever na lang ba nating pagdurusahan ang ating mga maling choices as a nation?

kaya sumagi rin tuloy sa isip namin na sana hindi na lang pala tayo pinalaya ng espanyol o ng kano. siguro nga limas ang lahat ng natural resources natin pero baka tayo pa rin naman ang mga nakinabang kasi siguro naman dito pa rin gagamitin ang mga yun. baka may infrastracture pa tayo na kayang i-withstand ang malakas na bagyo. baka may pondo na mahuhugot para sa rehabilitation ng mga biktima. baka may mga barko, helicopter at eroplanong magagamit para mas madaling maihatid ang dapat na tulong...

or siguro galit na galit sina rizal at bonifacio ngayon dahil kung alam lang nila na ito ang kahihinatnan ng pinaglaban nilang bansa, siguro pinili na lang nilang makipagsex o mambabae noon kaysa unahin ang bansang ito na mapupunta rin naman sa kamay ng mga gahaman. 

ang masaklap pa, ang mahirap baguhin ay ang mga tao mismo sa'tin. dahil ito pa rin ang mga taong ito ang bumoboto sa mga taong halang din naman ang kaluluwa na sila sila rin naman ang kumakandidato. kaya kung gusto natin ng bagong henerasyon, kailangan baguhin din ang mindset ng mga tao.

eh pano babaguhin ang mindset? 
paano mahihiwalay ang mga hinog sa bulok? 
paano tayo magsisimula ulit? 


e di patayin ang lahat ng tao sa bansa at magsimula sa bago. 

***

ang pinindot na button ng pangulo ay isang machine na mag-aactivate sa underground city na ginawa ng gobyerno. 

isa itong malaking incubator ng milyong milyong sanggol na maninirahan sa bagong pilipinas sa darating na panahon. sa utak nila ay may imprint na ng nationalism, kagandahang loob, pagiging selfless at lahat na ng magagandang traits kung paano nila pamamahalaan ang bansang titirhan. 

sila ang magiging bagong filipino na magsisimula muli. ang magsusulat ng panibagong kasaysayan para sa kanilang mga ninunong nagsakripisyo para lang buhayin ang bayang naghihingalo. 

"Lupa ng araw ng luwalhati't pagsinta 
Buhay ay langit sa piling mo 
Aming ligaya nang pag 
May mang-aapi 
Ang mamatay ng dahil sayo..."







Saturday, September 7, 2013

the big switch

one cold september night, may isang bored teen at walang makausap kung hindi kaniyang diary...

dear diary, 

sana mabigyan ako ng chance makasama ang crush ko.. but no, meron siyang girlfriend. shet na malagkeeet. anong gagawin ko? all this time wala akong pinantasya kundi ang kamay ko ang hawak niya hindi nung berat na babaeng yun... mahalikan ang kaniyang pinkish lips na parang laging nasasayaran ng chapstick strawberry lip gloss... makasandal sa kaniyang balikat habang nanonood ng romcom sa sine...  hay dearest diary... kahit anong gawin ko, hinding hindi ko magagawa yun... unless magpalit katawan kami ni gurl?

uhmm... posible ba? sana nga hano? hayzzz. 

love lotzzz, 
charmee

***

puff. nagpalit sila ng katawan ni bilat and it was charmee's best day ever dahil ginawa niya ang lahat ng nasa check list na gusto niyang gawin sa kaniyang crush!

e di siya na.

oh well kung posible ang switch bodies for a day, sino kaya ang masayang makipagpalitan ng buhay?
hmmm *insert magical sound here habang may fairy na winawasiwas sa akin ang kaniyang magic wand*

puff.


paggising ko nasa malacañang na ako. nakikipagmeeting sa aking cabinet members. isa lang ang gusto kong mangyari, dapat sa loob ng bente kwatro oras kasuhan lahat ng sangkot sa pork barel scam. lahat ng senador at kongresistang nasa listahan ay walang takas. ngangaragin ko sila sa imbestigasyon at dapat bukas na bukas din bago ako magbalik sa aking dating katawan, dapat may magawa sila or else sisisantihin ko sila, agad agad! and i will have a stricter stance pagdating sa south china sea at panatag shoal laban sa mga chinese na yan. tsk. and i will push for the freedom of information bill na maipasa in 24 hours para na rin maging isang step sa pagkakaroon ng transparency sa gobyerno.

o di ba powerful? mapapabilis pa ang lahat...

puff.



suddenly, im in my posh apartment in los angeles baby. having a posh give away party. this is my last night here in ritz-carlton because im giving all my money, my apartment and my fab fashion finds to charity. binabalik ko ang lahat sa gobyerno ng pilipinas ang aking mga ari-arian. i hate the pork scam princess tag,  prinsesa ng masa is fine. mas may puso. it may not be susyal but at least mas okay kaysa habang buhay na isumbat sa akin ng mga filipino na hindi ko pinaghirapan ang lahat ng meron ako.

puff.


katatapos lang ng taping sa my husband's lover. pagod na pagod ako pero imbis na matulog, haharap ako sa salamin. i will touch my nipples. play with them forever. then play with my thing. yeah. i sooo love myself! nyahaha pasensiya na isa sa mga celebrity crushes ko si dennis trillo so kapag nabigyan ako ng chance makipagpalit ng katawan sa kaniya... gagahasain ko ang sarili ko. lol so pwede naman akong magbody hopping sa mga boylets na crush ko. nyahaha. madami dami yun, shet.

puff. 

im back.

well nafafascinate kasi ako sa switch thing. parang ito kasi ang paraan para maintindihan natin ang mga tao sa paligid or kapag naexperience kasi natin ito ng first hand mas madali natin itong maiintindihan. at imagine the power kapag napunta ka sa katawan ng isang presidente or kung sino mang makapangyarihan? ang laki nang kaya mong baguhin in a snap. mas madami ka pang maaapektuhan at matutulungan. 

hmmm sino pa kaya ang magandang makipagpalitan ng buhay for a day? 

Sunday, May 26, 2013

aping-aping-api

kayang kaya nila akong tapak tapakan.
kayang kaya nila akong alipustahin.
kayang kayang kayan-kayanin.
kayang kaya nilang gawin sa aking lahat.

ang kasalanan ko lang ay maging mahirap kumpara sa kanilang mga mayayaman.

ang kaya ko lang gawin ay umatungal. mag-emote at magdrama and ask for awa and help sa mga kapit bahay. pakiramdam ko isa akong bida sa teleserye na sinasabunutan, inaapi at sinasampal sampal. kulang na lang ingudngod nila ako sa labahan o sabuyan ng asido sa mukha. bawal lumaban sa amo. bawal magreklamo. pwede na akong bumida sa planet of the api.

ang kasalanan ko lang ay maging mahirap at umasa sa kanila.
sabi nila hinding hindi mo pwedeng kagatin ang kamay ng nagpapakain sa'yo... pero ano yun pwede akong hampasin at sakalin nung kamay na yun? ano te? unfair lang? bawal kumontra? bawal lumaban?

sa bagay, lalaban pa ba ako? e kayang kaya nila akong pulbusin sa isang iglap, paulanin ng bala ang aking kalawakan at papulahin ang aking kalsada, karagatan at kalupaan in a snap. shet. so anong gagawin ko?

humingi na lang nang saklolo? hanggang kailan naman nila ako tutulungan? kapag nawala ang mga bully, pwede pa rin namang may dumating na panibagong epal... panibagong kontrabida na sisira sa buhay ko. ang masakit, ang kaya ko lang gawin ay humingi ng tulong, kahit gustuhin ko, hindi ko rin naman kayang ipagtanggol ang aking sarili. oh snap! poor me. literally poor me.

sabi nga ni angelica panganiban, ang pera niya hindi nauubos pero ang pasensiya niya kaunti na lang. ako rin katiting na lang ang pasensiya ko pero sa natitirang pasensiyang yan iniisip ko pa rin ang ibang tao. ang mga maapektuhan at matatamaan oras na  naglaho ito at sumilakbo ang aking damdamin.

pero kapag sumabog din ang aking damdamin at mag-amok, ako pa rin naman ang pagtatawanan. ako pa rin ang magiging talunan. mapapakata na lang ng bohemian rhapsody... 'but im just a poor boy and nobody loves me... ' awit ko, 'he's just a poor boy from a poor family spare him his life from this monstrosity', chorus pa nila habang binabagsak ang daang daang bomba mula sa himpapawid...

kaya nila akong itulak tulak...
takutin...
sindakin...
batuhin ng putik...

dahil isa lang akong pilipinas.

isa silang china at taiwan, mas makapangyarihan at mas mayaman.
ano nga ba naman ang aking laban?



guess who's back?

ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in.  birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...