Showing posts with label emo shit. Show all posts
Showing posts with label emo shit. Show all posts

Friday, August 15, 2014

the time machine

fascinated ako sa posibilidad na someday magkaroon ng time machine. yung magkakaroon ng kakahayan ang mga tao na maglakbay na ala hermione sa panahon gamit ang kaniyang time turner. isn't it exciting to see our young self? i mean kahit parang hologram lang ang ating present state watching our own memories. well maybe the hologram thingie is far fetched pero yung concept na maglalakbay sa nakaraan? possible. but how? madali lang.

play your music player. 

or iPod. uh uh. that's right. chika nga ng article ng bbc na natisod ko sa net, "songs from the past can stir powerful emotions and transport us back in time." coolness right?

sa tuwing tumutugtog ang the sign ng ace of base (na akala kong title niya ay i saw the sign) ang unang pumapasok sa isip ko ay ang mahahabang boring na tanghali ng linggo o pagkauwi galing sa eskwela. sa aking pagpikit, naririnig ko pa ang mga sasakyan sa maharlika highway, nandoon kasi ang apartment na unang tinirhan namin nung lumipat kaming cabanatuan mula sa manila. sa tabi ng kalsada kaya dinig na dinig ang harurot ng mga tryk at busina ng jeep. pati mga bus papuntang maynila at further north dumaraan dun.

sa aking pagpikit habang pinakikinggan ang kanta, nakikita ko ang prep na ako. bored na bored. wondering bakit ang haba ng taong 1993? nothing special sa memory pero i can feel that same feeling years ago vividly dahil sa kantang the sign.



hindi ako marunong magsayaw. pinagtatawanan ako nung bestfriend kong babae nung grade school habang nasa quadrangle kami habang pinapanood niya ako. as in naalala ko pa yung ngisi niya. leche. haha. 5678 ng steps ang sinasayaw ko noon. grade five ako at meeting de avance kasi namin nun bilang kumandidato akong mayor (yata? shet i forgot the position. baka dog style? chos! bastooos! anyway governor pinakamataas nun) sa batasang pambata (student council) sa school. panalo closing ko sa speech nun, "kung si erap ay para sa mahirap, ako naman ay para sa lahat!" kabog. ayun natalo ako. nyahaha. 





jump to high school. paulit-ulit kong pinapatugtog ang isang cassette tape. summer iyon bago kami mag-fourth year. sumali ako sa theatre org ng school namin at kasama sa membership ang umaatikabong summer workshop. ang kanta... one last cry ni brian mcknight. 

tang ina. haha 

sorry hindi ako palamurang bata. pero grabe ilang beses kong inaral yan para sa singing part nung workshop. then the fateful day came, very vivid ang memory na paakyat ako sa stage ng avr ng school. yung kaba ko dinig na dinig mula aparri hanggang jolo. charot. kasi naman alam ko naman sa puso ko na hindi ko strength ang pagkanta. haha jusko. tapos minus one pa. haha pota. haha. ayun laos nga ang pagkakakanta ko. haha pero naging member naman ako ng theater org. haha



huli kong dinig sa more than words by extreme, nasa cafe yata ako or sa resto. last week lang. ayun. sobrang nag cringe ako. kasi ba naman ang kapal kapal ng mukha kong mag-audition sa choral ng cathedral noon sa aming bayan. shet. feel na feel ko pa. second year high yata ako nun. tas si mama proud na proud pa yung mukha habang kumakanta ako pero deep inside nahihiya ako sa kaniya. haha pero hindi sa pinag-au-auditionan ko ha? haha. shet. syempre bagsak ako. haha naku kung babalikan ko ang panahong iyon, pipingutin ko ang sarili ko. haha


pasabog ang mga yan noong high school ako e. pero marami pang nagpapaalala sa akin ng aking high school gaya na lang ng stronger ni britney spears na ang naalala ko ay tuknene at yung bahay ng kaklase ko na tinatambayan namin lagi nung second year. super patok din pag acquaintance party yung superman ng five for fighting. sa classroom lagi kong kinakanta ang come on in and out of the rain ni sheryn regis para manggulo lang. nyahaha at sa katunayan yung caricature ko sa school paper namin, ayun kumakanta ng nasabing sheryn song. haha. tapos kasagsagan naman ng acoustic nung third year to fourth year. moonlight over paris ni paolo santos ang nagpapaalala naman sa akin noong sinabihan ko yung kabarkada na kung magkakadyowa akong babae gusto ko ka-peg niya. haha shet super close pa rin kami ngayon so hindi ko alam kung naalala niya yun. sana hindi na. haha. tas kinakanta namin ang does the moonlight shine on kapitan pepe (oo totoong pangalan ng subdivision nila yan) after the sun goes down? 


hindi ko masyadong bet yung grad song namin noon kaya lagi kong nakakalimutan. haha so pagtuntong naman ng college hands to heaven ni christian bautista at human nature ni kyla ang tumatak sa akin kasi kapag papasok ako noon, laging myx countdown ang naabutan ko bago umalis e parehas na nag-number one ang mga kantang yan. haha pero hindi natapos ang sumpa ko sa stage. lol
sa theater org naman namin nung college, sa tuwing awards night may presentation ang grupo grupo, so ang grupo ng mga beki na sophies, kakanta ng song so ang naassign sa akin ay tell me where it hurts ng mymp. haha so ayun nakalimutan ko ang lyrics sa stage. nakakaloka. haha pota! nakakahiya. haha buti na lang may kodigo ako. haha. so bukod sa more than words, kapag narinig ko ito sobrang nagcri-cringe ako! haha. 


ang cool lang. ang sarap ng feeling magbalik tanaw. at ang powerful ng music. hindi na rin ako magtataka na kung makaimbento man ng time machine ang mga scientist sa hinaharap, maaaring music ang gawin nilang trigger para makabiyahe tayo pabalik sa nakaraan. 

sabi nga ng abba...
thank you for the music. 

Thursday, August 15, 2013

this is the voice!

i just turned 26.
pero my problem is pang 16 year old.

wala pa kasi akong boyfriend since birth.

haha.

i know it's kinda pathetic. pero feeling ko normal lang. i mean may mga mas matatanda pa naman siguro sa akin na pinoproblema nila ang kanilang love life. actually something happened to me last month that spiralled to this moment na naisip ko na lang na parang gusto kong gawin yung ginawa ni ate regine sa movie nila ni richard gomez na ikaw lamang hanggang ngayon: ang mag-ukit sa isang bench na malungkot ang buhay ko. 

...and finally, i accepted na dahil wala lang akong boypren.

then, i start to question things about me. baka ako ang problema. i start to question my values. my belief system (oo mga ganung levels. haha) and my self confidence suddenly plummeted down the earth's core.  maybe i'm ugly. maybe i'm like this. like that. nanadya pa ang tadhana nung may makasabay akong mga beki sa jeep na magkaholding hands pa! bwisit.

i was so vulnerable and actually the feeling still lingers now. kung dati rati hindi ako nag-oopen sa mga kaibigan ko about love life, suddenly wala na akong bukambibig kung hindi ang tungkol dito.

hanggang sa baliin ko na rin ang paniniwala ko na baka naman posibleng makakita ng pwedeng candidate sa maruming grindr?

sa gitna ng mga headless profiles at mga pacute photos, umasa ako ng slight. nilunok ang sinabi ko nun na cyber love is not so true. and true enough, wala nga akong napala.

until some guy came along and asked for my skype...

the blind auditions

we did not exchange for photos at first but we traded skype usernames.
then we started talking over skype.

ang pogi ng boses. lol.
hindi namin kita ang mukha ng isa't-isa.

we talked. he's funny. natatawa naman siya sa mga hirit ko.
he told me na he's confused and lately lang niya ineexplore ang kaniyang sexuality.
i told him that im vulnerable and sad.

as day goes by, we get to know each other pero habang tumatagal na-hu-hook akong kausap siya. kinukuwento niya ang mga cute guys na namimeet niya. he had this confidence na "cute" daw siya. well how would i know?

yung huling nakausap ko na sinabing pogi siya, sinuka ko sa personal. haha well i swear hindi naman ako choosy sa lagay na yun pero kasi naman hindi ko kinaya na ang layo ng description niya sa sarili niya.

anyway back to this guy sa skype, well on the third night na magkausap na kami feeling ko kapag pinatagal ko pa ang usapan namin baka magfall lang ako dito sa taong ito might as well tapusin na ang illusion. so i decided to send my pic and told him na i enjoyed talking to him blah blah blah at mahuhurt ako if ever hindi na niya ako kausapin  kapag nakita niya ang pic ko blah blah pero okay lang atleast tapos na if ever at bahala siya kung makikipagtrade photo siya sa'kin. so in short nag-emo shit ako. haha i just risked na pedeng maputol ang aking bubble kapag di niya ako natipuhan.

infairness to him nag-usap pa rin naman kami after nun at okay daw na magkaibigan kami pero hindi siya ready magsend ng photo niya. so ako okay lang atleast wala na yung burden sa'kin. kaso i started to create a fictional him on my mind dahil nga hindi ko siya kilala and i start to like that person na and chinanel ko dun yung feeling ko dahil alam kong wala akong pag-asa sa totoong sya...

fuck. ang crazy lang. lol

the battle rounds

...he continues to share his dates and i was like jealous and it was effin weird na nagseselos ako sa mga taong hindi ko naman kilala na pwedeng gawa gawa lang niya. haha pero feeling ko naman totoo.

kaso dahil sinasabi ko sa kaniya na i created a "perfect" version of him sa mind ko, natakot naman siyang makipagkita sa'kin baka hindi ko naman daw maeexceed ang expectation na ginawa ko na. but i assured him na alam ko namang magkaibang tao naman yung nasa utak ko at siya so wag dapat siyang mag-alala bilang i can separate fact from fiction. ang gusto ko lang ay matapos na rin ang kabaliwan ko at kapag nakita ko siya feeling ko magraground ko na sa reality ang lahat. i mean ayoko namang magfall ako sa taong hindi totoo di ba? mukha namang tanga. 

i just want to meet this guy. nagparamdam ako na malapit ako sa area niya at kung gusto ba niyang makipagkita. libre ko raw sya. sabi ko kapal. candy sa 7-11 ko lang siya pwedeng ilibre. he told me na he'd rather stay at home. hindi ko na pinilit pero inisip ko na baka magbago ang isip niya. kaso dahil maeempty na ang bat ko i just went home.

pag-uwi ko at nagcharge, he chatted me kung nasa area pa ako. sabi ko bahay na. siya raw tinatamad at gustong lumabas. fuck. nagpanting ang tenga ko. feeling ko kasi ginagago ako. nag-away kami. at hindi ko matanggap na apektadong apektado ako sa taong ito na sa boses ko lang kilala.

he created a lot of excuses na kesyo test lang daw gun kung gaano ko siya kagustong makita. i felt betrayed. parang kumusta naman yun? ang tanda tanda na may ganun pang nalalaman. basta it was a stressful moment for me and feeling ko dahil sa mga naganap i pushed his ego up to the ceiling while my self esteem exited the south pole na from the earth's core.

so i decided to stop this nonsense dahil ako lang ang talo dito.

the live rounds

i realized the set up is stupid. and i felt what happened was ridiculous and i don't deserve to be treated that way. it's kinda immature dahil nangyari lang yan in a span of a week. haha okay okay don't judge me. I'm stupid i know.

nastress ako sa mga tagpong yun dahil ang desperado ko naman. what am i thinking? so i stopped chatting with him kasi pakiramdam ko mas lalo lang akong malulugmok kung hahayaan ko ang sarili ko na ganunin ng taong hindi ko nga kilala. kaya walang live rounds na naganap at hindi na nabigyan ng chance na magharap kami sa totoong buhay. baka batukan ko lang siya pag nagkataon. haha

nakatulong para magsnap back ako sa reality. so ganun pala ang kayang gawin ng vulnerability dahil in a week naexperience ko ang whirlwind of emotions at narealize ko mukha lang akong tanga. haha pero infair naaliw naman ako sa chikahan namin. i think he's a good person naman bwisit lang yung mga issues niya rin sa buhay. haha well naalala ko lang siya kasi after ilang days ngayon lang kami nagchat ulit.

wala na ang fictional person sa mind ko.
wala na rin akong nararamdaman.

tama.

walang mapapala sa grindr.
wala pa rin akong boypren.

ayos lang.
dating gawi..

proproblemahin ko na lang ito ng nakangiti.






Friday, November 2, 2012

ano ang kinatatakutan mo?


masasabi kong matapang akong bata. hindi ako takot sa dilim gaya ng ibang bata. kaya kayang kaya kong patulan yung dare ng mga pinsan ko sa pampanga na pumunta sa puno ng matandang sampaloc sa likod bahay nina lola na sinasabing tahanan ng mga duwende at kapre sa kadiliman ng gabi gamit lamang ang flashlight or kandila. 
oo ginawa ko yun ng nakangiti. pumunta ako sa puno ng sampaloc, tangan ang flashlight habang sinasamahan ako ng katahimikan at pagkabog ng aking puso. oo, kinakabahan ako, pero alam kong hindi ako natatakot. gumuhit ang ilaw ng flashlight sa matandang sanga ng puno at sa mga dahon na tila binabati ang aking pagdating (sabi nila happy birthday. charot) sinisipat ang dilim, naghihintay ng duwende at kapre na hindi naman dumating. 

hindi ako natatakot sa mga kuwentong multo at katatakutan. hilig ko ang makinig patungkol sa mga kababalaghan, inaabangan ang magandang gabi bayan halloween special at hinding hindi ko uurungan ang mga pelikulang katatakutan. dahil sa kaadikan sa mga kuwentong ito, hiniling ko noong magkathird eye. inambisyon na sana mabuksan ang ikatlong mata para lang makakita ng mga nilalang na hindi nakikita ng iba pero syempre hindi yun natupad.

ako ang batang siga sa dilim pero oras na marinig kong kinailangan naming bumisita sa lolo't lola ko sa mother side, tumitindig ang lahat ng balahibo ko. masidhing takot ang babalot sa aking musmos na katawan. as in kailangan pa akong panlisikan ng mata ni mama at pagtaasan ng boses para mapilit akong sumama. kung pwede kong isemento ang aking mga paa para lang mapigilan ang pangyayari, gagawin ko. dahil alam ko, pagdating namin doon, haharutin na naman ako ng mga pinsan ko. aalaskahin na naman nila ako dahil lang sa bading ako. takot na takot ako. ano na naman kaya ang sasabihin nila sa'kin?

masahol pa sa mga nanlilisik na mata ng aswang o sa malalamig na haplos ng babaeng nakaputi, minulto ako ng mga masasakit na salitang yun na sinundan ako hanggang sa aking pagtanda. kaya naman ngayon hindi ako masyadong close sa aking mga insan. pero okay lang, iyon din naman ang nagfuel sa akin to prove myself to them na hindi lang ako basta ganun. i'am something more. 

***

i love traveling pero ang pinaka ayoko sa pagtratravel ay ang pagsakay ng eroplano. natatakot kasi ako sa feeling na any moment pwede itong bumagsak. doon ko natuklasan na takot pala akong mamatay nang agad agad. nininerbiyos ako kapag may disturbance. feeling ko magflaflashback na sa akin ang buhay ko at mamromroblema pa ako kung may nagawa ba akong mabuti bago ako sumakay ng eroplano. may closure ba o may naiwang problema? what if bumagsak? ang morbid pero hindi ako matahamik hangga't hindi lumalapag ang eroplano. i just don't want to die in a blah way. haha

***

ang sarap talagang maging bata. kung saan ang mga kinatatakutan lang ay ang dilim o ang mandurugo na kumukuha ng mga batang iaalay sa tulay. pwedeng takot sa maskot o sa clown na habang lumalaki tayo ay unti-unti rin nating nalalabanan. nageevolve kapag teens na, takot sa pimpol o ang takot na magkapalakol sa report card. pero ang masaklap, habang tumatanda tayo tila mas tumitindi pa ang mga takot na kayang sumakmal sa atin.

yung takot na walang kasiguraduhan ang lahat pagkagradweyt mo ng college at mainit-init pa ang diploma. yung takot na maganda ba yung nabibigay mo sa trabaho at kung may trabaho ka pa ba bukas? o yung takot na kaya mo pa bang pagkasiyahin ang sahod mo sa buwang ito? pero mas nakakatakot naman talaga kapag makita mo ang pay slip mo at hindi mo gusto ang nakalista. haha. ang takot na matutupad kaya ang pangarap mo? ito ang mga takot na higit pa sa kayang ibigay ng agit na mangkukulam o ng nag-aamok na tikbalang. 

***

sa dinami-dami ng sari saring takot na kayang gumambala sa atin (insert phobia sample here), alam naman natin na iisa lang ang solusyon diyan. e di ang cliche na face your fears. sana lang hindi tayo takot magkamali. dahil oras na natakot tayong magkamali, malamang sa malamang, tayo rin ang lilikha ng mga bangungot at gabi gabi rin tayong hindi patatahimikin.

Saturday, October 6, 2012

love allergy


nangangati ako kapag may pogi. (no pun intended.)
sumisikip dibdib ko pag may sweet couple.
nababahing ako tuwing may hindi na single.
kinikilig na lang ako pag umiihi.
yeah. Ang pathetic ng post na ito.
baka dahil sa ulan or something.
buti na lang malapit na akong maging sobrang busy, love story na lang ng fictional na tao ang proproblemahin ko. What is happening to me?



*if symptoms persist, consult your doctor.

guess who's back?

ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in.  birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...