Showing posts with label walang kwenta. Show all posts
Showing posts with label walang kwenta. Show all posts

Wednesday, March 6, 2019

two worlds

gusto mo ng surreal feeling?

1999.

twenty years ago. 

imagine how different the world was.

no iphones. 
and the whole world was engulfed by millennium bug.

isang software error na aakalain ng computers na ang year 00 ay 1900 imbis na 2000 pagpatak ng new year.  naloka ang mga tao nun. pwedeng bumagsak diumano ang mga eroplano habang nasa ere, magrestart ang mga computers at magdown ang mga computer powered machines. 

total chaos. 

ang baliw lang. ang naalala ko nun, akala ng nanay ko tatak ng computer ang y2k. haha. 

pero ang ending? exag lang mga tao.  wala namang significant changes. 

normal lang though may mga minor instances sa ibang bansa. 

nokia 5110 ang isa sa mga must have phones nun. kung saan pwede kang maadik sa snake -- at ang concept ng smart phone ay mapapanood lang sa sci-fi films. 

ang power lang ng cellphone mo ay magtext at tumawag. hindi pa uso ang unlitext at unlicall. titipirin mo ang 300 mo.

but imagine the power na hindi mo na kailangang umasa sa trust sa tuwing may meeting kayo ng classmates mo or lakad ng barkada. usapang maayos na lang kapag sinabing 10 am ang kitaan sa mall.

so matetest talaga ang patience mo at maghihintay ka sa meeting place nyo at talagang minsan isang oras kang maghihintay. but with the magic of cellphones, madali na kayong makapagupdate pag paalis na ng bahay -- basta may load.

pucha. 

ang amazing lang isipin. kung mulat ka na nun, kagaya ko, nakakakilabot lang isipin na in our lifetime nakaranas tayo ng buhay na magkaibang-magkaiba sa nararanasan natin ngayon.

imagine your 1999 self na magtratravel ngayong 2019. siguro mabaliw-baliw siya. 
sa konsepto palang ng smart phone, paniguradong mind blown na si 1999 self!

wala lang.

sobrang naisip ko lang yan randomly haha.

think about it --

tama si ateng miley cyrus...

we had the best of both worlds. 




Thursday, May 14, 2015

penis monologues

i hated it when people ask dick pics on grindr.
so i send them my poser dick pic.

lol.

yeah i know. what a dick move right

***

medyo tmi yun.
too much info. 

so moving on...

i still blush when i say titi in real life. pero slight na lang. haha there was a time na i can't say it out loud pa nga. penis sounded better. i'd rather say puke hundred times than titi. i dunno
why say it if you can just lick and put it in your mouth right?
charot lang. haha ang bastos nampota. lol

***

bakit nga ba ang bakla nagulat 'ay puke' ang isinisigaw at hindi 'ay titi'?

***

bootot, pitoy mga slang ng penis sa ilonggo
wala lang pinush ko yan para masabi na sa ilo-ilo city at guimaras ako nagholy week with my friend and workmate. haha ang daming poging ilonggo ah. 

kinilig ang bootot ko. charot. hihi

***

nagteam building kami nung monday sa beach sa batangas.
may activity na isalang daw ang best member sa team, aba ako pinush ng mga team mates ko. e di ako na magaling. haha 

beauty pageant pala. shet.
honestly hindi ako comfortable if ever alam kong ganun ang gagawin, hindi ako magvovolunteer. so since andun na, para sa team at syempre para sa spirit of fun, ginawa ko na rin.

guess what? fourth runner up lang ako. haha
natalo ako ng dalawang straight (beki ang nanalo ng korona).  shet
napush ko pa naman ang opening intro ko, "mga mahal kong kandidata, hanap kayo nang hanap ng korona, nasa ulo ko lang pala..." booom nawaley ako sa q and a! haha

pota. napressure ako kasi ako ang una.
ang pakulo, may ipapakitang pichur tas kukuda ka. 
ang pic na napunta sa'kin about idea.

so sabi ko... "ang idea ay kung saan tayo nagsisimula....."

fuck.

natigil ako.

fuck.

as in namental block ako. haha shet expectorant siguro sila na makakasagot ako ng bongga kasi well writer ako at bading pa at the same time. 

but no.

na-pa thank you na lang ako. haha

shet. simula nun alam kong fourth runner up na ako. haha
nahiya ako sa team mates ko. hahahaha

so hindi ko na ibabash ang mga beauty contestant na nawawaley sa q and a bilang i know the feeling na. hahaha

***

so dahil hindi ko matanggap kuya april boy ang pagkatalo sa straight naglasing ako. charot. haha syempre after ng ganap may jinuman

hindi ako palainom, pero dahil sa pakikisama syempre tutungga ka or something. haha
ang kanto lang ng pagtungga. 

it was an interesting night actually.
an awkward pa-virgin kiss (nakakaguilty to though  dahil sa dare at wala sa ulirat yung isa lol) and an action packed chase scene sa beach.

the point is, ang lahat ay nang dahil lang sa call of etits.

***

nung laban ni pacquiao sabi ng mga netizens walang balls si mayweather dahil sa kaniyang fighting style. hindi ako nanood actually. so i dunno. apparently takbo siya nang takbo.

dahil dito he was tagged as #gayweather.

bakit pag duwag at walang balls bakla agad
excuse me. 

oo marahil may duwag na bakla pero it's wrong na ipush ang kabaklaan sa taong nambubugbog ng asawa at umuurong sa kanyang laban.

karamihan sa mga baklang kakilala ko mas may balls pa kaysa sa mga tunay na lalaki.
hindi biro ang buhay ng mga beki.

ang kakaibang pakiramdam na nilalabanan mo, ang kalabang lipunan, ang moralidad...
ang paglabas lang sa kloseta ay isang anyo ng kakaibang katapangan.

***
does size matter to me?
not really, actually.

i like kissing more so...

***

recently, mary jane veloso's case hogged the headlines. naligtas siya sa kaniyang pending doom.
but then filipinos reacted when her mother uttered her issues about the government na hindi sila tinulungan.

ewan ko lang. at first naloka ako at naisip ko walang utang na loob but naisip ko, ano nga bang alam ko sa kanilang plight? 

but what bothered me is what if nagamit din siya ng ibang tao for their own personal agenda? siguro hindi naman.

hay wala ng mas nakakaloka pa kundi ang mabrainwash ka sa bagay na di mo pinaniwalaan, principles are like dicks na hindi mo basta basta ipapasubo na lang sa iba di ba? 

though hindi naman siguro. may sariling isip naman ang mga veloso. 
yeah this is just me and my trust issues. lol

***







...okay what a random post.


Sunday, March 3, 2013

reformat

im starting to get bored with my blog. actually i feel that the inspiration ran out na.

ewan.

nakakatakot lang yung thought na yung writing for me ay nagiging work na kaysa escape from this oh so chaotic world. pero infairness to me sinusubukan kong ihiwalay or i-merry ang joy of writing sa work. sa industriya kong kinabibilangan, ang trabaho ay personalan bilang ang pagsusulat ay isang personal na gawain dahil naglalabas ka ng mge emosyon na iyong kinukubli sa kaibuturan ng iyong pagkatao. kaya ang hirap ihiwalay at i-detach ng personal sa trabaho lalo na kung baguhan ka pa lang sa mundong ito. mabuti na lang sanay na ako.

natatakot lang ako na baka matakot na akong magsulat para sa sarili ko at dumating sa point na simulan kong kapain ang mga salita at letra sa keyboard... baka umurong. matakot na ring lumabas. baka mawala ko ang paglalaro sa mga kuwento...

gaya na lamang nitong blog ko.

sa tuwing nababasa ko ang mga past posts ko lalo na noong college, ibang iba kaysa sa mga posts ko after. mas playful ako nun. mas broad ang topic. mas relaxed lang. hindi ko alam kung anong nangyari.

maybe because tumanda na ako? nagmature? nag-iba na ang priorities?

dati sobrang pag-iisipan ko pa kung ano ang iblo-blog ko.

or baka dahil pakiramdam ko wala na rin yung mga kasama ko dito? well yung mga friends ko naman sa totoong buhay na nagbloblog, either lumipat na ng ibang blog sites or tumigil na rin. tapos yung mga dating nakakausap ko dito at nakakakuwentuhan, wala na rin. either huminto na sa pagbloblog or naging abala na rin sa kaniya-kaniyang buhay...

ewan.

marami na ngang nagbago. nakaka-apat na season na nga pala itong blog ko e. (i, ii, iii, iv)  haha na kung tutuusin hindi ko naman alam kung ano ang pagkakaiba-iba ng apat na yan. or sa tuwing nakaka-100 posts yata ako nag-iiba yata ako ng season? haha whatever to me. lol. pauso. or bawat milestone ko yata sa buhay. haha

ewan ko ba.

i guess kailangan kong makipagbrainstorm sa aking sarili para magbukas ng panibagong season sa blog ko. dahil season five at matagal nang hindi ako nagpapalit ng season, dapat mas bongga ang aking ika-limang season. pauso levels.

kailangan kong hanapin ang sarili para sa panibagong yugto ng blog ko. CHOS. hahah baka kailangan ko lang pag-isipan.

ewan ko ba.

who cares? as if may nagbabasa pa ng blog ko. haha ako lang naman yata. hahaha howell kailangan ko pa ring pasayahin ang sarili ko at magbukas ng panibagong chapter dito dahil my blog bores me to bits. chors.

hay.

ewan.

Saturday, October 6, 2012

love allergy


nangangati ako kapag may pogi. (no pun intended.)
sumisikip dibdib ko pag may sweet couple.
nababahing ako tuwing may hindi na single.
kinikilig na lang ako pag umiihi.
yeah. Ang pathetic ng post na ito.
baka dahil sa ulan or something.
buti na lang malapit na akong maging sobrang busy, love story na lang ng fictional na tao ang proproblemahin ko. What is happening to me?



*if symptoms persist, consult your doctor.

Thursday, July 5, 2012

eh yung wala akong post nung june?

oo ang post na ito ay para may maipost lang.
bakit nga ba wala akong post nung june?

siguro dahil naging busy sa work tag nagenrol pako sa MA.
tas kapag may naisip naman akong ipost tatamarin naman akong magblog. shet.

oo na, malaki na ang problema ko. lol

howell i miss blogging.
i mean yung enthusiastic ako sa topic na isusulat ko...
yung pananabik dati lalo na nung college (na narealize ko mas okay ang mga posts ko nun) kasi alam kong lang internet sa bahay kaya napag-iisipan ang mga post sa blog.

ngayon honestly parang uninspired na. ugh.
ewan.  baka things are not interesting lately or imbis na i-blog i-stastatus na lang or tweet. oh shet.

gusto kong magblog revamp.
i need inspiration.

i need ideas.
gusto kong i-overhaul ang blog ko design wise and content kaso good luck sa design wise hindi naman ako graphic designer. well unless may magvolunteer. hihi.

hay hay hay.
i know, walang kwentang post. :s

guess who's back?

ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in.  birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...