Showing posts with label rattle and roll. Show all posts
Showing posts with label rattle and roll. Show all posts

Monday, December 16, 2013

sampung shake, rattle and roll episodes na dapat mong panoorin bago ka patayin ng pridyider (or ng aquarium)

i'm always fascinated with the unknown. bata pa lang ako imbis na matakot sa dilim, mas sinusuong ko ito. hindi ako takot lapitan ang puno ng sampaloc sa gabi na sinasabing pugad daw ng mga duwende at kapre (pero kinakabahan pa rin habang lumalapit. haha) at sabik na sabik na buksan ang tenga sa kuwentong katatakutan.

kaya hindi rin naman nakagugulat kung mahilig ako sa pelikulang horror. at isa na nga sa pinoy horror film na bet na bet ko ay ang shake, rattle and roll (srr). napanood ko ang lahat ng episodes nito mula baso sa pinakaunang pelikula na pinalabas noong 1984 (syempre sa tv ko na ito napanood no!) hanggang sa unwanted sa part 14 na last year lang ang showing. may mga taeng episodes pero syempre meron din mga tumatak!

dahil walang srr nitong taon sa metro manila film festival, namiss ko naman ang nasabing film franchise (though boto naman ako sa pananahimik muna nito this year. hehe) naisipan kong balikan ang sampung pinakapaborito kong episodes mula sa favorite hanggang sa most favorite!

at simulan natin ito kay ate...

10. ate. shake, rattle and roll iii (1991) 

starring: janice de belen, gina alajar, joel torre, armida siguion-reyna, subas herrero, inday badiday, pen medina

fresh pa ni ate janice.

tungkol ito sa dalawang magkapatid na hindi nag-uusap ng matagal na panahon pero one time biglang nabalitaan ni janice na namatay ang kaniyang ate na si gina alajar. so may i gora naman siya sa kanilang probinsiya... but wait si ate wala na sa ulirat! kumakain ito ng lupa (na gawa sa brownies! yum.) at zombie-like ang kilos. boom. naging member pala ng kulto si gina na pinamumunuan nina subas at armida na bumubuhay ng patay.

i love it! though nung pinanood ko ito ulit nakatulugan ko siya... twice. lol pero still one of srr's best eps.

9. tulay. shake, rattle and roll vi (1997)

starring: matet de leon, aiza seguerra, tom taus, ara mina

hello raw sabi ng mata ni tom taus.

hindi matahimik ang kaluluwa ni tom taus at binibiktima ang mga dumadaan sa tulay. so to the rescue naman sina matet, aiza at ara at napag-alaman nila na dinukot pala si tom taus noon at pinatay para i-alay ang kaniyang dugo sa gagawing tulay.

well i was torned between telebisyon at tulay sa kung ano ang ilalagay ko sa 9th place. bago pa kasi lumabas si sadako, nauna nang lumabas si mr. boo sa tv para takutin ang batang si camille sa nasabing ep. pero i guess mas may creepy factor itong tulay dahil naging part ng childhood ko ang panakot ng mga matatanda na huwag maglaro sa gabi dahil dudukutin daw ng gumagawa ng tulay!

8. nieves. shake, rattle and roll x (2008) 

starring: marian rivera, diana zubiri, buboy villar, pekto etc etc.

gondong albularyo nomon niyan.
kailangang sagipin ni marian ang kaniyang asawang si pekto na dinukot ng mga engkanto gamit ang kaniyang kakayahan bilang isang albularyo at maging isang engkanto slayer.

funny and super entertaining. kaya mababa ang rank nito sa aking fave list ay dahil feeling ko lang out-of-place siya sa iba pang episode at sa timpla na rin ng iba pang kwento sa srr franchise. kahit kasi may comedy horror din na episode like kulam sa srr 2, mas lamang pa rin usually ang horror feel nito. ito kasing nieves mas fantasy at comedy and this ep merits a separate film sana.

7. pridyider. shake, rattle and roll (1984)

starring: janice de belen, charito solis, william martinez

mula sa "pridyider" remake ni andi eigenman. iconic ang eksena nito ni janice.
click the link for the episode.

kakalipat lang nina janice ng bahay.  may naiwan dung misteryosong refrigerator na pumapatay. nadiscover niya na ang ref pala ay dating pag mamay-ari ng isang serial killer kung saan doon niya tinatago ang katawan ng kaniyang mga biktima.

wala pa ring tatalo sa unang srr at thumbs up din sa mga kritiko na ang first film ang pinaka the best sa buong series. at isa ang episode na ito ang pinaka bongga sa kanilang listahan. how creative lang na ang isang household appliance ay maging isang nakatatakot na halimaw. reportedly, noong pinalaabas daw ito noong 1984, ilang araw din daw umiwas ang mga tao sa kanilang ref sa takot na patayin sila nito. cool right?

6. lrt. shake, rattle and roll viii (2006)

starring: manilyn reynes, kimpee de leon, eugene domingo, empress, ehra madrigal

hindi man siya makakita, naamoy naman niya. yum daw!

kasama sa huling pasahero sina manilyn ng last trip ng lrt. nagulat na lang silang lahat dahil tumigil ang tren sa isang abandoned station. ang nakakaloka pa, biglang may isang halimaw na naging target ang kanilang puso. in the end, sinadya pala silang dalhin dun para maging pagkain ng anak ng police chief which is the heart loving halimaw.

does the plot ring a bell? yes! ang ahas lang sa robinsons ang peg. edge of your seat suspense ang hatid ng episode na ito at for me, ito ang episode na nagpa-balik ningning ng franchise after nung
lackluster na 2k5.

5. class picture. shake, rattle and roll x (2008)

starring: kim chui, gerald anderson, jean garcia, erich gonzales, niña jose, eda nolan, ic mendoza and some starlilets. chos. haha

lagi kasing nasa noisy list si kim!
kailangang magstay overnight nina kim and friends sa kanilang school para matapos ang kanilang ginagawang exhibit. unfortunately their fun filled night ay naging isang bloody nightmare dahil  natigs ang kaniyang mga kaibigan. kagagawan pala ito ng multo ng madreng si jean para lang makumpleto ang class picture ng kaniyang advisory section na nagkulang (na dahil din naman sa kaniya) noong 1898.

i love the gore and i must say ito ang pinaka gory na srr episode ever (though pwedeng maging ka-tie niya sa gore ang susunod na episode).

4. punerarya. shake, rattle and roll xii (2010)

starring: carla abellana, nash aguas, sid lucero, mart escudero


dinner is served.
tutor si carla ni nash na anak ng may-ari ng punerarya. nalaman ni carla na ang mga patay pala sa nasabing punerarya ay kinakain ng pamilya ni nash. too bad kay carla, may mga lihim na hindi dapat nabubunyag.

nice story, superb directing at bongga ang cinematography. fan talaga ako ni direk jerrold tarog.

3. nanay. shake, rattle and roll iii (1991) 

starring: manilyn reynes, aiai delas alas, joey marquez, vangie labalan at ang

...undin.

surprise.

nakuha ng kaibigan ni manilyn sa isang lake ang kakaibang slimy eggs not knowing na itlog pala ito ng undin. upang bawiin ang mga itlog, sumama ang undin sa dorm ni manilyn at inisa-isa niya ang mga taong pumisa ng kaniyang mga baby by vomitting acid to them.

ay isa talaga ito sa mga paborito ko dahil sino ba naman ang makakalimot kay undin na nasa inidoro? at impressive ang prosthetics at make up nitong episode na ito that time ha? specially yung eksenang pagkatunaw nina joey marquez at aiai! pak na pak.

2. pamana. shake, rattle and roll xiv: the invasion (2012)

starring: janice de belen, herbert bautista, arlene muhlach, empress, dennis padilla, dimples romana

kung siya ba ang mabubuhay na bampira papayag ka ba?

namatay ang tiyuhin nina janice, herbert at arlene pero imbis na pera ang iniwang pamana nito, pinaalagaan niya sa kaniyang mga pamangkin ang kaniyang mga gawang comics. ang kinaloka lang nina janice ay para makuha ang inaasam na manang pera, kailangan nilang harapin ang mga tauhang nabubuhay mula sa pahina ng mga horror comics.

quirky ang episode at naaliw ako dahil cast sina janice, herbert at arlene. silang tatlo kasi ang bumida sa unang shake, rattle and roll kaya that makes this episode special! hihi at gustong gusto rito ang character ni janice na swapang at masama ang ugali pero in the end siya ang nakakuha ng mana... pero syempre with a price...

1. aswang. shake, rattle and roll ii (1990)

starring: manilyn reynes, ana roces, aljon jimenez, richard gomez, vangie labalan, anjo yllana

welcoming ang mga tao sa baranggay na itey.

inimbita si manilyn reynes para makipyesta sa barrio ng kaibigang si anna. ang hindi niya alam siya pala ang gagawing handa ng buong barrio ng mga aswang.

hands down. ito ang pinakapaborito kong episode at pinakanakakatakot for me. nakakaloka ito. bokot levels.

bonus ang nakakatawang trailer na well malayo sa scary na pelikula. hahaha

***

bukod sa pagkamiss ko at wala ang shake, rattle and roll this year sa metro manila film fest, isa rin sa life long dream ko na makapagsulat ng kahit isang episode man lang. haha at higit sa lahat... iniisip ko rin kasi na ang maging costume ko sa aming high school party (na yearly may theme at this year ay iconic characters from films) ay si manilyn sa nanay episode. hahaha madali lang kasi siya. wala nga lang akong wig at hindi pa ako nakakahanap nung peg ng top niya. haha


...so thats it, ang 10 episodes na dapat mong mapanood bago ka nga katayin ng ref, o lunurin ng aquarium or atakihin ng giant christmas tree! :p


p.s.
ang mga larawan ay hindi ko pag-aari. 

guess who's back?

ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in.  birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...