pero minsan ang mga araw, buwan at taon pala talaga ay bitch.
hindi ko ba siya nilambing kaya hindi siya naging mabuti sa akin?
kaya naisip ko, ang aking year ender ngayong 2014 ay magiging iba sa lahat. ayokong isa-isahin ang mga bagay kung bakit hindi naging mabait sa'kin si 2014, may malalim na lungkot na hindi ko maintindihan. sa totoo lang naexcite ako noong mga huling araw ng taon, dahil sa wakas, marahil matatapos na ang kanegahan. kaya nagpasya ako na ang year ender ko sa taong ito ay isang new year resolution. hindi ako ang isang klase ng tao na gumagawa ng new year resolution dahil ayokong hindi ito tuparin, kaya usually mas 'wish list' ang ginagawa ko para hindi ako mapressure na tuparin sila. haha
sa bagong taon, ito ang limang bagay na aking nais na gawin:
1. stop looking for love.
naglulumandi kasi ako this 2014. haha at napansin ko kasi, kahit na pilit kong i-deny at ipagkaila sa sarili ko, kapansin pansin sa mga posts ko noong nagdaang taon ang paghahanap ng lecheng pagmamahal na yan. at naisip ko, bakit ako naging ganun kapathetic? haha . dati hindi naman ako ang klase ng tao na inaasa sa iba ang personal na kaligayahan. pero marahil dala na rin ng mga ganap ng taon, naghanap din siguro ako ng taong kakalinga. yung taong nandiyan lang, makikinig. kaya kung saan-saan ako dinala nito, sa gym, sa sauna, sa grndr... ngunit lahat naman ay walang laman. walang kaluluwa . hindi totoo ang chika ni rihanna na you can find love in a hopeless place. haha . kaya naisip ko, bakit ko ba ginawa yun sa sarili ko? ang maglandi . ang hayaang makaramdam ng kawalan?
kaya sinabi ko na ngayong taon, sisikapin kong magkaroon ng...
2. quality connection.
ibig sabihin, titigil man ako maghanap ng pagmamahal, hindi naman ako titigil makipagkilala sa mga tao. meaning , malay natin di ba ? dahil walang pressure maghanap . yung chill lang . yung may makukuha ka pa rin sa huli, na magkaibigan kayo, na may bago kang karanasan na hindi lang kayo nagsex sa kama. at kasama na rin dito na maging choosy. haha . well hindi ko naman ikinaganda ang pagpapakachoosy pero kasi mas nakaka-empty lang sa feeling na makapatol lang. haha . so quality connection na rin yung gusto ko talaga di ba ? nyahaha . pero how can you be choosy when you're horny? charot . haha .
pero hindi lang sa pagkilala sa mga tao ito. masasabi ko rin ito sa aking pamilya. hindi kasi ako close sa kanila . baka sakaling mas magandang kahit kaunti, magbuild na ako ng connections sa kanila. i mean hello . it's a no brainer. they are my family.
3. pray .
4. be positive again.
5. invest .
invest din sa sarili at magbabasa na ako ng mga librong hindi na lang literature kundi academic na rin kahit wala na ako sa eskwelahan. part din sa investment ang health, iiwas na ako as much as possible sa junk food. no to softdrinks ! :p pero yes to sweets. haha . ipagpapatuloy ko ang gym na so far, so good. hindi pa naman ako macho. haha
mas nakilala ko naman ang aking sarili, dahil nga ang daming panahon para magmuni-muni dahil well isang taon yata akong technically parang walang trabaho. haha nakaalis din naman ako last year at nakapunta sa baler pero wishing na sana this year muli akong makalabas ng bansa at maayos lahat ng aking financial obligations ng maayos.
...ay baka sabihin ang damot ko...