Showing posts with label doomsday. Show all posts
Showing posts with label doomsday. Show all posts

Thursday, July 22, 2021

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali.

mga gusaling walang masyadong laman. 

gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga sasakyang bumubuhay dito. 

tahimik. bihirang masilayan ang mga bulubundukin ng rizal mula sa metro manila. 

sabi nila, the world is healing.

pero ang totoo, isang pandemiya ang dumadaluyong sa lungsod.

isang pandemiyang pinartneran pa ng mas malalang virus - inutil na gobyerno.

sa isang iglap, nagbago ang buhay nating lahat.

nagsara ang ating mundo.

ang maingay na maynila, nabalot ng katahimikan, maliban sa mga ospital na napuno ng singhap ng kamatayan. 

katapusan na nga ng mundo, hindi pa mayakap ang mga katawan ng yumao. 

***

after a year, buhay na buhay pa rin ang sakit. lumalakas. 

mabuti may bakuna na. 

inutil pa rin si duterte. 

unti-unting nagbabalik ang ingay ng maynila. may mga nakakalimot dahil nabakunahan na. 

pero nandito na ang mas nakakahawang variant na pumatay ng libo sa india. 

inutil pa rin si duterte.

walang trabaho ang mga tao, bagsak ang ekonomiya, walang mapanghawakan sa mga parating na bukas.

sa apocalyptic manila, hindi ang mga bangkay ang zombie, kundi ang mga dds troll na hanggang ngayon bulag pa rin sa kapabayaan ng kanilang poon. 

mga tusta ang kanilang utak, saradong mga isip, pinapatay ang lasog na ngang kaluluwa ng bayan. 

sana may bakuna rin para sa kanilang mga bulag. 

***

kahit nakuha ko na ang second dose ng aking bakuna, alam kong bago na ang mundo. hindi pa rin pwedeng makampante. 

hindi pa nasusugpo ang virus. 

tila walang kasiguraduhan ang bukas. 

wala tayong ibang kakapitan kundi ang ating pagtindig.


illustration by tarantadong kalbo.


Tuesday, June 24, 2014

give yourself goosebumps*

a. 

guilty.

nakaposas na lumalabas mula sa lumang gusali ng bulwagan ng katarungan sina estrada, revilla at ponce-enrile kasama sina napoles at iba pang sangkot sa pork barrel scam. maaaring napinturahan sana ito o hindi sana tumatagas mula sa kisame ang tubig na galing sa ulan kung nagamit sana ang kanilang mga ninakaw. wala silang pakialam. taas noo silang nakatingin sa mga camera ng press, may mga ngising sumasalubong sa bawat flash at bawat giling ng camera, mga ngising tila sila pa ang mga biktima ng bulag na hustisya. wala silang hiya, ang kakapalan ng mga mukha ay wala na sa kanilang bokabularyo na tila bahagi na ng mga salitang latin na simbahan na lang binibigkas. 

tinaas ng tatlong senador ang kanilang mga kamay na nakaposas, animo'y mga nagsipagwagi sa kanilang mga laban. alam nilang sila raw ay hinusgahan lamang at pinintahang may sala ng media. pinaninindigan nilang sila'y mga inosenteng tupa sa mga nagiinterbyung reporter. 

umiiyak naman ang kanilang mga supporter. umuusal ng mga dasal, naghihintay sa diyos na siya ang magtatakda ng totoong hustisyang pinagkait sa mga santong pulitikong napulitika lamang sa kanilang mga mata. nakaharang sa kanila ang mga pulis, nais nilang makalapit kina estrada, revilla at ponce-enrile, makayakap man lang. makisimpatya. para sa mga ito, wala silang kasalanan, nakakuyom ang kanilang mga kamay na puno ng kalyo dahil sa paghahanap buhay. 

pinapasok isa-isa ang mga mandarambong sa police car na naghihintay sa labas ng bulwagan. masikip sa kapal ng tao ang kanilang dadaanan. 

naghihintay na sa kanila ang kanilang mga malalamig na rehas. 

b.

naghahanda si bong. hindi siya mapakali sa harapan ng salamin. 
inaayos ng kaniyang asawang si lani ang kuwelyo ng kaniyang barong tagalog.
siya'y napangiti. 

sa wakas, natupad na nila ang kanilang mga pangarap. 
sa totoo lang hindi nila ito inasahan. 
hindi nga ba't ilang beses na rin naman napatunayan na ang mga pilipino ay may amnesia.
tila walang nangyari.

sumakay si bong sa itim na mercedez benz, handa na siyang ihatid sa quirino grandstand,
manunumpa na siya bilang ika-16th pangulo ng bansa... 

c. 

malakas ang ulan ngunit pinagpapawisan siya sa kaniyang matigas na higaan. 
tak. tak. tak. tak. tak. tak.

parang ratatat ng baril ang bagsak ng ulan sa kaniyang bintana.
hindi siya makatulog, hindi dahil sa kunsensiya dahil wala naman siya nun kundi dahil sa tigas ng kaniyang higaan. 

hindi na siya sanay matulog sa manipis na kutson. 
hindi na rin siya sanay matulog sa kuwartong walang aircon.

hinahanap hanap ng kaniyang katawan ang karangyaan.
"mga tarantado. hinayaan nila akong mabulok dito e ako naman ang nagpayaman sa kanilang lahat. mga putang inang walang utang na loob!" reklamo niya sa kaniyang sarili.

tak. tak. tak. tak. tak. 
tila makulit na stalker ang ulan na kumakatok sa kaniyang bintana. 

"tang ina. pag hindi sila gumawa ng paraan... ilalaglag ko sila... sama-sama kaming masisira!"
hindi makatulog ang kaniyang utak, hindi matanggap na siya lang ang sumasalo ng lahat ng kanilang mga kasalanan. 

paikot ikot siya sa matigas na kama, nag-iisip kung paano sila ilalaglag isa-isa o kung anong sakit ang kaniyang huhugutin para makalabas sa impiyernong lunggang kumukulong sa kaniya.

napabuntong hininga at nauhaw, tumayo siyang namumuo pa ang pawis sa kaniyang noo.

tak. tak. tak. tak.
humalo sa ulan ang putok ng baril.

nagkulay dugo ang pader. 
dilat siyang humandusay sa malamig na sahig. 

d. 

nanginginig ang tuhod niya habang nakasiksik siya sa gilid ng kaniyang tinatawag na selda pero kung tutuusin isang maayos na dorm na iyon para sa isang estudyanteng nagtitipid na makahanap ng mauupahan sa u-belt. sabi nga ng mga kritiko, mas okay pa ang kaniyang kinalalagyan kumpara sa mga bunkhouses ng mga nasalanta ng bagyo noong nakaraang taon.

hindi siya makagalaw sa sulok. naglalaban ang dagang kasing laki ng kaniyang machong braso para mabuhat ang kaniyang magandang leading lady at isang ipis na ga-hita niya ang lapad para makandong ang kaniyang mga huthuterang querida. 

marahas ang laban, upakan ng daga at ipis. sinagpang ng daga ang pakpak ng ipis noong magtangka itong lumipad. napunit ito at siya'y bumagsak. ito naman ang kinuhang pagkakataon ng daga para kagatin ang ulo ng kalaban. madiin. may bangis. naghiwalay ang ulo ng ipis mula sa kaniyang kumikisay kisay na katawan. 

tumingin ang mapulang mata ng daga sa kaniya. mas lalo siyang nanghilakbot at mas lalong pinagsiksikan ang katawan sa madilim na sulok. 

tumalon ito patungo sa kaniya.
siya'y napasigaw, para siyang nasa horror film na paniguradong ilalahok niya sa mmff. 

walang nagawa ang kaniyang pagiging action star. 
pinagkakagat siya ng daga. 

nabingi ang lahat ng mga nagbabantay sa kaniyang nagmamakaawang sigaw.
ni isa, walang nagbigay ng tulong.

e.

tanda man ang binansag sa kaniya, hinding hindi siya mamamatay. 
dahil balak niyang ibenta ang kaniyang kaluluwa sa demonyo.

ngunit pagbaba niya sa impyerno, siya'y nadismaya, mukha nga namang tanga kung babayaran niya ang kaniyang sarili. 

*base ang title na give yourself goosebumps na kinahiligan ko noong bata ako na pwede kang mamili kung saan tutungo ang kuwento at kung paano ito mag-eend.


Saturday, December 24, 2011

doomsday list

(updated 102712)

ilang beses na bang napredict ang pagkagunaw ng mundo?
noong year 2000 at noong mayo lang sinabing magtatapos na ang mundo. 
at ngayon ang pinakapomosong petsa ay nabanggit na..

DECEMBER 21, 2012

ayon daw iyan sa mayan calendar at ang date na raw na iyan ang napipintong pagtatapos ng mundo.
kung totoo yan, meron na lamang tayong nalalabing 362 days  sa mundo bago ito mawasak.
(refer to my countdown timer on the right.) 

imagine a life with a clear deadline?
from now on, kung totoo ang propesiya, meron na lamang tayong kulang kulang isang taon para mabuhay. lahat tayo may taning na at 12 buwan ang natitira para gawin ang mga nais nating gawin bago ang armageddon (insert i don't want to miss a thing song here).  

so dahil diyan oras na para gumawa ng aking doomsday bucket list at dapat magawa ko ito bago magunaw ang mundo! oh siyet this is really is it.

and i will update this list kung anuman ang maisip ko pa. :p
shet so many dreams, so little time. lol

  1. magpatattoo. (finally! :p sept 24, 2012!!! :))
  2. travel abroad.
  3. fall in love.
  4. have a boyfriend. 
  5. bond with my family somewhere.
  6. go to mindanao.
  7. join a cause.
  8. plant a tree.
  9. learn how to cook.
  10. invest a business. 
  11. buy an apple product. haha (yabang may new ipad nako. hehe)
  12. spill a secret to a stranger.
  13. make new friends outside of my circle.
  14. splurge on clothes.
  15. buy my mom an expensive gift. 
  16. do something stupid.
  17. have a nude photo.
  18. go skinny dipping.
  19. fly a kite.
  20. enroll back to school. 
  21. join an organization again.
  22. write an article.
  23. join palanca.
  24. write a novel.
  25. make someone cry.
  26. cry.
  27. join a workshop.
  28. write a play.
  29. learn a new language.
  30. buy harry potter set.
  31. have an advocacy.
  32. have an artista friend.
  33. kiss a girl. lol (eew)
  34. hit the gym.
  35. have a sport.
  36. magpakulay ng buhok.
  37. mapanood ang mga cartoons ng disney noong disney renaissance
  38. write a film.
  39. get drunk.
  40. do something good to a stranger every day. (well nagagawa ko naman kaso di everyday. laos. lol)
  41. makatikim ng hipon. :p
shet parang kaunti lang nadagdag. well may bago, first time kong maoperahan at maospital. lol

guess who's back?

ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in.  birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...