Showing posts with label blah blahs. Show all posts
Showing posts with label blah blahs. Show all posts

Thursday, July 22, 2021

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali.

mga gusaling walang masyadong laman. 

gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga sasakyang bumubuhay dito. 

tahimik. bihirang masilayan ang mga bulubundukin ng rizal mula sa metro manila. 

sabi nila, the world is healing.

pero ang totoo, isang pandemiya ang dumadaluyong sa lungsod.

isang pandemiyang pinartneran pa ng mas malalang virus - inutil na gobyerno.

sa isang iglap, nagbago ang buhay nating lahat.

nagsara ang ating mundo.

ang maingay na maynila, nabalot ng katahimikan, maliban sa mga ospital na napuno ng singhap ng kamatayan. 

katapusan na nga ng mundo, hindi pa mayakap ang mga katawan ng yumao. 

***

after a year, buhay na buhay pa rin ang sakit. lumalakas. 

mabuti may bakuna na. 

inutil pa rin si duterte. 

unti-unting nagbabalik ang ingay ng maynila. may mga nakakalimot dahil nabakunahan na. 

pero nandito na ang mas nakakahawang variant na pumatay ng libo sa india. 

inutil pa rin si duterte.

walang trabaho ang mga tao, bagsak ang ekonomiya, walang mapanghawakan sa mga parating na bukas.

sa apocalyptic manila, hindi ang mga bangkay ang zombie, kundi ang mga dds troll na hanggang ngayon bulag pa rin sa kapabayaan ng kanilang poon. 

mga tusta ang kanilang utak, saradong mga isip, pinapatay ang lasog na ngang kaluluwa ng bayan. 

sana may bakuna rin para sa kanilang mga bulag. 

***

kahit nakuha ko na ang second dose ng aking bakuna, alam kong bago na ang mundo. hindi pa rin pwedeng makampante. 

hindi pa nasusugpo ang virus. 

tila walang kasiguraduhan ang bukas. 

wala tayong ibang kakapitan kundi ang ating pagtindig.


illustration by tarantadong kalbo.


Wednesday, March 6, 2019

two worlds

gusto mo ng surreal feeling?

1999.

twenty years ago. 

imagine how different the world was.

no iphones. 
and the whole world was engulfed by millennium bug.

isang software error na aakalain ng computers na ang year 00 ay 1900 imbis na 2000 pagpatak ng new year.  naloka ang mga tao nun. pwedeng bumagsak diumano ang mga eroplano habang nasa ere, magrestart ang mga computers at magdown ang mga computer powered machines. 

total chaos. 

ang baliw lang. ang naalala ko nun, akala ng nanay ko tatak ng computer ang y2k. haha. 

pero ang ending? exag lang mga tao.  wala namang significant changes. 

normal lang though may mga minor instances sa ibang bansa. 

nokia 5110 ang isa sa mga must have phones nun. kung saan pwede kang maadik sa snake -- at ang concept ng smart phone ay mapapanood lang sa sci-fi films. 

ang power lang ng cellphone mo ay magtext at tumawag. hindi pa uso ang unlitext at unlicall. titipirin mo ang 300 mo.

but imagine the power na hindi mo na kailangang umasa sa trust sa tuwing may meeting kayo ng classmates mo or lakad ng barkada. usapang maayos na lang kapag sinabing 10 am ang kitaan sa mall.

so matetest talaga ang patience mo at maghihintay ka sa meeting place nyo at talagang minsan isang oras kang maghihintay. but with the magic of cellphones, madali na kayong makapagupdate pag paalis na ng bahay -- basta may load.

pucha. 

ang amazing lang isipin. kung mulat ka na nun, kagaya ko, nakakakilabot lang isipin na in our lifetime nakaranas tayo ng buhay na magkaibang-magkaiba sa nararanasan natin ngayon.

imagine your 1999 self na magtratravel ngayong 2019. siguro mabaliw-baliw siya. 
sa konsepto palang ng smart phone, paniguradong mind blown na si 1999 self!

wala lang.

sobrang naisip ko lang yan randomly haha.

think about it --

tama si ateng miley cyrus...

we had the best of both worlds. 




Wednesday, November 9, 2016

wag ibaon sa limot

nagbabalik para sa pasabog na araw.  reposting from my other blog.
Bakit mahirap magmove on beshies? 
Ang daming kuwento ng Martial Law pero deadma lang tayo mga besh. Sa bagay, numbers lang naman ang mga ito. Statistics. Hindi sila tao. Part lang sila ng past, isang past na hindi tayo apektado. Kapag nag-iba ba ang mukha ng kalaban at ang hero ay ang gusto nating bida, mas maiintindihan ba natin ang lahat? 
Bilang hindi tayo natitinag ng facts baka mas maintindihan natin through fiction mga ka-DDS! (though hindi ko naman nilalahat ang mga ka-DDS ay Marcos Loyalist, this is just to illustrate the point… since parang “universal” naman ngayon sa Pinas na tinitingala si PDigong so bakit di siya ang maging mukha ng “bida.”)
Ang mga tauhan sa kwento ay fiction lang so chill lang. 
Kaya beshie this is it. Wattpad presents…
Wag Ilibing sa Limot.
Kabog. Ang dramatic ng ating kwento di ba? Pangprimetime bida, ganern. 
Magsisimula ang lahat taong 2016, masaya ang buong bansa kasi nanalo sa eleksiyon si Tatay Digs – intense siya at may isang salita. Tatay Digs is the symbol of hope sa Philippines. Siya ang mag-aahon sa’ting kahirapan at siya ang pag-asa ng bayan. My gosh abelgas, keri na sana pero nagkasakit si Tatay Digs! Mapipilitan siyang bumaba sa pwesto beshie!
So ang papalit sa kaniya ay si Mommy Len. Keri naman, loving and gentle naman si Mommy Len. Marami siyang balak sa Pinas. Ipagpapatuloy daw niya ang nasimulan ni Tatay Digs. Push lang nang push. Kaso nakain na siya ng sistema, nagwewelga na ang mga millennials with their Frappuccino sa Mendiola habang nakapayong with their multicolored placards: No To Momshie Len! Sabi ng mga placard nila kasi nga parang napapabayaan na ni Mommy Len ang kaniyang obligation lalo na’t nareveal na may masama palang balak ang kultong dilawan!!! 
Kaya pala nagkasakit si Tatay Digs kasi naglagay sila ng lason sa danggit ni Tatay Digs sa agahan. OMG! What is the meaning of this?! Lumala pa ang lahat dahil habang nasa event si Mommy Len, sa binyag ng kaniyang kadilawan may isang assassination attempt sa buhay ng mahal na pangulo kasama ang mga bisita ng binyag! OMG! Magulo na nga ang Pinas. 
So Mommy Len and the dilawan decided na magdeclare ng Martial Law. This Martial Law thingy is chill lang naman daw at para ito sa peace and order ng bansa. May curfew, pinasara lahat ng bias na media na yan. Tapos bawal na rin ang internet beshies! Jusko. Ipasara na tutal bias naman di ba? Push. Check. Sina Mommy Len at ang dilawan pinush na angkinin ang pinaka-bias sa lahat at ginawa nilang network ng bayan at ininstall dito as president si Madam Krizzy tutal may experience naman daw siya sa TV. Push. Check. Para sa bayan. 
So seemingly winner naman, nakikita natin sa TV na pinapalabas nina Madam Krizzy na ang ganda ganda ng projects ni Mommy Len and the dilawans. Ang daming ganap! May pinapagawang airport, highway, tulay, building, ospital, school, waiting shed, basketball court, pabaranggay pageant etc pero sa likod ng mga ito binubulsa pala ng dilawan ang kaban ng bayan. 
No way di ba?! Kakapal ng pez. So nalaman ni Tatay Digs ang lahat, kahit mahina sa sakit, pinush niyang humanash laban kina Mommy Len! But no, pinatapon siya sa China para hindi na makahanash laban sa gobyerno. 
Hindi ito matanggap ng mga ka-DDS ni Tatay Digs. Lalong lalo na si Mochika, isang komedyanteng sexy pero tranny. Super duper die hard supporter siya ni Tatay Digs. So bilang ganti sa pagpapatapon kay Tatay Digs, hetong si Mochika gumawa ng isang blog – ang Mochika Blog. Lahat ng hanash niya pinupush niya run para kay Tatay Digs ang kaso sinasabi ng kultong dilawan lahat ng mga lumalabas dun ay hindi totoo kahit na totoo naman sa mata ni Mochika. Wala na kasing nagbabalita ng tama dahil hawak ng dilawan ang media. 
Eventually matutunton si Mochika, pinasara ang kaniyang blog na puro lang daw hanash at kahit kalian hindi na nakita ang katawan ni Mochika. Ang sabi nila tinorture daw. Ang sabi nirape. Pero kahit ano pa man, masakit ang katotohanan na lahat ng kumabalan sa dilawan ay pinatatahimik ng pamahalaan. As in binabaon din sa lupa. O tinatapon kung saan hindi na sila kailanman makikita ng pamilya nila.
Ginawa ng mga ka-DDS ang lahat para lumaban sa diktaturya ng dilawan. Ang kaso lahat sila napatahimik, pinatapon sa kung saan, kinulong, ginapos, pinatay. Nanaig ang kultong dilawan sa buong bansa. Walang malay ang ibang mamamayan sa tunay na problema, puro “magaganda” lang ang nakikita nila dahil sabi ng dilawan maunlad ang bansa kahit na deep inside nagjijirap na ito. Huhu. Kawawa naman ang bansa, pero hindi naman ito knows ng mga normal na mamayan. Sigaw ng mga ka-DDS – PATALSIKIN ANG KULTONG DILAWAN! Kasi sila raw ay backer din ng mga oligarchs! Ang mga crony na ginetlak lahat ng private business pero ninenenok naman ang kita. Walang napupunta sa bayan! Jusko talaga ang mga dilawan na yan! Wala nang nagawang tama mga bes!!!!
Years passed, naging balwarte ng kultong dilawan ang buong Pilipinas, namuno si Mommy Len at di bumaba sa pwesto hanggang sa siya’y nagkaapo. Bakit pa raw siya bababa e ang galing galing niyang magpatakbo ng bansa. Pero ang truth nabaon sa utang ang bansa. Mas dumami ang nagutom at nagpakatuta pa lalo sa Kano si Mommy Len para yung mga projects ng US sa’tin gaya ng pagbalik ng US bases mapush at makakick back. Dahil ditey, napilitang umuwi mula sa China si Tatay Digs. Di raw niya kering matigs at habang buhay na nakagapos sa diktadurya ng dilawan ang bansa. Ang kaso pagjuwi niya – boom! May bumaril sa kaniya dahil hadlang siya sa gobyerno. 
Ito ang nakitang way ng mga ka-DDS para lumaban. Nagstage sila ng people power at dahil dito after ng matagal na pamumuno, napatalsik si Momshie Len at ang kaniyang mga kakamping dilawan. Lumayang muli ang bansa sa diktadurya. Hindi na kulay dilaw ang bansang Pinas!!!
Okay na sana kaso wa epek naman ang pumalit kay Momshie. Jusko nag-iba lang ng color pero ganun pa rin pero atleast mas free nang humanash ang mga tao laban sa gobyerno. So years passed, lumaki at tumanda na ang mga pinanganak nung Martial Law. 
Bongga na ang bagong generation na tinatawag na generation push. Ang mga pushers ay mahilig magpush lang nang magpush ng ideas at isa rito na myth lang daw ang mga Martial Law stories under the dilawans. Pinakamayaman daw noon ang bansa at maraming projects. Ganern. So tagasuporta sila ng apo ni Mommy Len sa pagtakbo sa pagkapangulo. Gusto rin nilang ilibing sa Libingan ng mga Bayani si Mommy Len na marami raw nagawa noon sa bansa. Si Tatay Digs daw ang totoong kalaban for hampering growth and development. Mommy Len is the best queen mother president of the Philippines sabi ng kulto. Deserve niyang ilibing sa Libingan ng bayani. 
Kaso humina at umonti na ang naniwala sa mga Ka-DDS. Ang kolektibo nilang boses ay madali nang matabunan. Wala silang magawa nang ipabago ang kasaysayan!!! Sa paglibing sa diktador na Queen Mother malelegitimize sa bago at susunod na henerasyon na isa itong bayani. Mapapatotohanan ang pagiging dakila ng mga kultong dilawan. 
Ang kultong dilawan na sinira, yinurak, pumatay at ginahasa ang bansa.
Magiging bayani sila pero puro kasamaan lang naman ang ginawa ng kulto.
Gusto ba natin yun? Gusto ba nating magwagi ang kultong dilawan?
Kakayanin ba talaga nating magmove on?
O hahayaan nating kulayan nila ng dilaw ang bansa para matakpan nila ang mga mantsa ng pulang dugo?

Monday, December 8, 2014

one night stand

kulay kahel ang kalangitan sa paglubog ng araw. sinisinagan ang mga ulap na wari'y nagpapakita ng mga imaheng magsasabi ng iyong kapalaran. nakakabingi ang katahimikan at kapayapaan. at bihira iyong mangyari sa kamaynilaan.

yan ang eksena kahapon noong lumabas ako ng bahay. parang may certain anticipation, isang landian ng lungsod dahil alam niyang may parating siyang bisita -- si ruby. a seduction na tila naghahamon, o isang wisdom na handa siyang harapin ang parating na unos. 

si ruby. bida kontrabida. isang precious stone. pulang pula. passionate. may landi.
sa kaniyang pananalasa, animo'y nang-iinis dahil sa kaniyang kabagalan. 
ninanamnam ang pagtama ng kaniyang majestic winds, pinapatikim ang kaniyang pait sa pamamagitan ng walang tigil na ulan. 

tila isang babaeng iniwanan ng pinakamamahal na jowa. 
o isang asawang nalaman na may querrida ang kabiyak.

at ang bansa, ang kabit, na dapat makatikim ng kaniyang hagupit. 
unti-unti, dahan-dahan. binabayo ang kalupaan, humahalik sa mga lungsod na dinadaraanan. 
nag-iiwan ng pait.

parang isang babaeng ubod nang ganda, na lahat nabibighani niya, ngunit matapos makuha, iiwanan na lang basta ang lalaking nahulog sa kaniya. nababaliw sa kanyang pag-indayog at pagbayo, lahat ng mga kababaihan ay hawak ng mahigpit ang kanilang mga mangingisdang asawa dahil baka matakam at kumagat sa kaniyang panlalandi. 

si ruby. ang magandang malandi. handang kunin ang kanilang mga asawa, lulunurin sa laot matapos paglaruan, samsamin ng kaniyang mga matatamis ngunit mababagsik na halik.

kahapon, naramdaman ko hanggang ngayon kung paano siya manlandi. 
ang lungsod ay naghihintay sa kaniyang pagdating, may halong takot at pananabik.
kahapon, tila nahawa sa kaniya ang mga tao, sa hatid niyang lamig, kasabay pa ang simoy ng disyembre at bantang paparating na daluyong. 

parang maraming nakakain ng sili. init na init sa kabila ng ginaw ng panahon. pabugso bugsong mga damdamin gaya ng binubugang hangin. ang daming nag-aaya sa grindr. lol. at naisip ko, talagang sabay sabay silang nalibugan sa gabing ito? 

baka dahil kay ruby.

o dahil sa lamig ng panahon.
lahat gustong may kasamang makatabi sa kanilang mga kama.
maging masikip ang higaan para may kayakap habang binabayo ng ulan.
o sinasampal ng malakas na hangin. 

itong si ruby na malandi na nagsasaboy pa ng maraming landi. 
bakit nga ba hindi? ang lumbay ng panahon ay tumatagos marahil sa kanilang mga puso at puson. 
naghahagilap ng makakalantari. 

walang natuloy. siguro gaya ng bagyo, naisip nila na masyado silang pabugso bugso. basta basta na lang sumasalakay. tutal wala pa naman si ruby.

hindi pa nila mararamdaman ang sumpa nito.

hanggang ngayon, nanunuya pa rin siya, nanlalambing na hindi mo maintindihan dahil masyado siyang nag-eenjoy sa pananalasa sa bansa. 

iiwanan ang mga isla, ang mga barrio at mga mumunting siyudad, mga luhaan. 
lahat sila nakatikim ng bagsik ni ruby. 

ngunit maging siya ay nanghina, marahil kapag nakikita mo ang maraming kalungkutan at tila walang hanggang pagkawasak, madudurog din ang puso mo at ika'y manghihina. 

sa ngayon, ilang puso na nga ba ang dinurog ni ruby? sa pagbaybay niya sa timog katagalugan, unti-unti na siyang nanghina. naapektuhan sa mga dasal, sa mga pakiusap, sa mga daing ng kaniyang mga sinaktan, sa mga galit ng asawang tinataboy siya para hindi niya makuha ang kanilang mga asawa, mga inang mahigpit ang yakap sa kaniyang mga anak...

ngunit sa lungsod ng metro manila, iba, tila hinihintay ang kaniyang pagdating. 
isang lalaking bihis na bihis, handa siyang yakapin at salubungin. 
may ngisi na alam niyang sa gabing ito, siya naman ang magwawagi.

pagsasaluhan nila ang gabing ito.
one on one. walang kaagaw. 

humahampas na sa katawan ng matipunong lungsod ang hangin ni ruby. batak ito sa trabaho at sa pagmamaneho at sa pagbubuhat sa palengke at sa sari-saring hukay kalsada. ang mga ambon ay sensyales na malapit na nga siya, nagpapakabasa lang ang siyudad, ang mga ilaw nito marahil ay tanaw na ni ruby, animo'y iniinis at inaakit din siya. 

ako ang harapin mo. 

tila panglalandi nito. may ngising nang-aakit. 
hahaplusin ni ruby ng kaniyang hangin ang katawan ng lungsod. 
didilaan ng kaniyang nanghinang ulan. 

yayakapin siya ng bisig ng metro manila, sa haba man ng edsa, kulang pa rin ito para mayakap ang kabuuan ni ruby. ngayong gabi, maglalaro sila. magnininiig. mababasa ang mga kalsada. maaaring bahain ang mga kalye. tahimik ang gabi pero malakas ang ungol ng hangin, maging ang pagtama ng ulan sa mga bubungang pinaghandaan ng mga mamamayan para hindi tangayin. 

magiging maginaw ang magdamag. o maaaring mabalot ng katahimikan ito. 
maaaring bukas o sa makalawa, aalis palayo si ruby. 

pero dama pa rin ang kaniyang mga luha, 
luha ng babaeng nagmahal pero hindi siya kayang mahalin pabalik.

Tuesday, September 30, 2014

if you can sell your soul to the devil

ang sabi sa bibliya, isang malawak na dagat ng apoy ang impyerno.
...pero iba ang aking impiyerno ngayon.

mukha siyang langit. maliwanag ang gabi dahil bilog na bilog ang buwan. naglalakad ako sa isang magandang tulay, malinis at gawa sa semento. may mga magagandang sculptures sa gilid at mga maliliwanag na poste na makikita ang malinis na ilog.

may mga kotseng dumadaan, taxi, jeep at isang tram.
i realised nasa jones bridge ako.

pero ibang-iba.

sa kasalukuyang maynila na hindi binomba ng mga hapon noong giyera at napreserba ang ganda nito.
sa kasalukuyang maynila na hindi madumi ang ilog pasig at hindi rin mabaho, hindi madumi at hindi yung inilalarawan ni dan brown sa kaniyang nobela na gates of hell.

...but this is the gates of hell.

...i don't understand.... bumisina ang tram.
napatingin ako, i can see the people, maaayos ang suot, naka-iphone 6 halos lahat ay may mga naka-samsung phone din. nakikinig sa some catchy music with tagalog lyrics... sikat daw sa asia.

"hurry up." sabi nung naka-uniform na i guess ala-kunduktor ng tram.

pagtingin ko sa ka niya, i was flabbergasted.
he keeps on changing faces. 
or she. nagiging si binay, tapos si imelda, tas si lolit, tas biglang iba naman, si denise, si cedric tas si madame auring, hanggang sa mga mukhang hindi ko na kilala.

"ano bakla? sasakay ka ba?" ang boses niya sumasabay kung sino ang mukha niya.

hindi ako makapagsalita. what is happening?

"kung ayaw mong sumakay, humiling ka sa akin... pero kapalit ang kaluluwa mo..."
nakakapangilabot ang kaniyang paiba-ibang boses kada salita sa iisang sentence. shet siya.

ano nga ba ang kayang hilingin sa demonyo kapalit ang kaluluwa?

...

okay exag. natense ako kasi naman mag-aalas tres na ng madaling araw. naalala ko ang pelikulang emily rose. kaya erase! erase! pwede naman daw kasing wish sa genie. or kahilingan sa fairy god mother di ba?

eh walang audience impact kapag ang title if you can wish to that genie in the bottle or if you can wish to your fairy god mother di ba? mas kabogera ang if you can sell your soul to the devil! pak.

ok. daming kuda. haha. pero sige sa fairy god mother na lang at sa genie para hindi morbid.
so direk, take two!

ano nga kaya ang magandang hihilingin kay fairy god mother or genie in a bottle?

...ay wait since ber months na at october na nga this week, naisip ko what if kay mary ka na lang hihiling? do you remember her? si jolina magdangal sa puso ng pasko as mary, ang mahiwagang pabitin! da who? haay don't you remember? dahil diyan, please watch this starting sa 6:00.

...

dear mary ang mahiwagang pabitin,

pwede bang hindi na lang tayo dumaan sa lost of innocence at tumandang parang kasing linis at dalisay ang puso natin gaya nang sa bata?

yung simple lang ang outlook sa buhay. walang complications. walang muwang at virgin na virgin. charot. sumpa ba ito dahil kinagat ni eba ang mansanas at kailangan nating mamulat sa kamunduhan? haay imagine a world na puno ng adults with innocent and pure minds?

what a perfect world sabi nga sa kanta.

dear mary ang mahiwagang pabitin,

pwede bang may bonus na rin na maretain ang ating innocence plus yung courage natin nung ating teen days na wala tayong pakialam at ang mga issue lang ay crush at pimples at kakirihan sa buhay? haha.

ay contradictory masyado no? haha. innocence tas simpleng kalandian nung high school? haha
wala lang. naisip ko lang kasi last time, habang nakatambay sa kopiroti sa morato with my friend, namiss ko ang high school. that high school life where small things become bigger and complicated issues but you still don't care and you will make a fuzz out of it anyway while of course acing your exams. haha ang saya lang ng kababawan noong high school.

...if i can feel that teenage don't care less attitude again while in my late 20s... or my child like innocence way back... my make believe stories of fairies, and magic, and powers, and different dimensions... that child like wonder too...

please mary ang mahiwagang pabitin...

give my innocence back.

***

walang babasag sa paniniwala natin noon bilang mga 90s babies na nananganganak ang kisses, lumalaki ang isang plastic dinosaur kapag binabad sa tubig. may ahas sa robinson's. may multo sa balete drive. kaya nating lumipad. makarating sa kung saan man natin gustong marating.

kayang tuparin ang mga pangarap. kayang makilala ang ating prince or princess charming.
mga make believe stories na para sa atin fact na nakasulat sa ating mga personal encyclopaedia.
kaya nating maging si red ranger, si eugene ng ghost fighter, ang maging priestess ng suzaku, si mara o si clara, ang maging hari at reyna... o kahit lalaki ka maging isang prinsesa...

lahat posible.

dahil tayo ay bata.


hanggang sa tayo ay tumanda.

***

or baka sinumpa nga tayo bilang mga tao.
sinumpa tayong tumanda at makalimot.

we grow up and we grow old, then our brain is in a state of amnesia, hindi na tayo inosenteng bata na madaling maniwala kay santa or isang teenager na walang pakialam sa mundo basta matawagan lang siya ng kaniyang crush sa gabi...

we become adults, entangled with our own complicated lives, trying to see or decipher the meaning of things we just don't understand. adults with our fucked up routines or failed relationships or trapped regrets or nonsensical wonderings... just like this post...

hoping that mary the mahiwagang pabitin can grant wishes.

...to never lose that innocence

that is actually long lost...
this curse, so called growing up and growing old...

maybe even the devil will trade his soul just to be innocent again.

...back then bata lang din naman siya, an angel, isang cherubim na walang muwang.

sa musmos na isip niya,
nilikha niya ang dagat ng apoy at siya ang hari,
naniniwalang darating din ang kaniyang reyna

...na hindi takot mapaso sa apoy na nilikha niya.

Tuesday, September 16, 2014

on tuesdays, i fall in love

cubao ibabaw

tamang bored na weekend noong isang linggo, so abangers sa grindr. hihi. #malandi #makati #makintod #madumi okay ang dami ng hashtags so going back to my chika, best in chat ako sa nasasagap ng aking app.

nasagap ko 'tong si rugged kuya. nakatagilid yung picture niya. rugged and with tats. hot. my kind of guy. so chinat ko. nag-exchange photo kami. i like what i see and fortunately nagustuhan niya ang nerdiness ko. kaya naman without further ado pinush na namin ang dapat na ganap.

it happened last tuesday.

call centre agent ang ate niya kaya sa gabi pa mababakante ang kanilang place sa cubao area. mga bandang eleven. maagang natapos ang meeting ko nun at pauwi na raw siya galing sa school.

madalang na ang jeep nun mula sa kalayaan pabiyaheng cubao. lagpas alas diyes na ng gabi kasi tapos umaambon-ambon pa. hindi ako nagdala ng payong kasi nakakatamad. umuwi pa kasi ako para ibaba ang gamit ko and besides pauwi pa lang siya galing sa law school.

anyway swerte kasi may dumaang jeep. pinara ko agad. bumaba ako sa ali mall kasi malapit daw siya dun. nalagpasan ko pala ang street nila at nakarating ako sa bandang pa-edsa part ng p. tuazon. kinailangan kong bumalik sa ali mall hanggang sa finally makita ko na ang kanto nila.

umaambon pa rin habang nakatayo ako sa madilim na kanto. may mga ilaw naman mula sa poste. may construction ng isang condo sa gilid. naghintay ako.

i'm anxious. paano kung di niya ako trip sa personal or vice versa? ayokong mapauwi lalo na in this momol weather. lol

sinundo niya ako sa kanto. shaved ang kanyang mga facial hairs na gustong gusto ko sa pic niya. baka di raw kasi siya payagang mag-enrol ni dean. nevertheless he is still attractive in my eyes. parang arabic ang features niya though he is not sure kung may arabic blood sila. or maybe indian? mas matangkad ako sa kaniya pero mas toned ang katawan niya sa akin.

the walk towards their apartment is never awkward. we laugh, we joke around, we make chika. fifth floor yata yung apartment nila. basta mataas na akyatan levels. pagoda. walang elevator. haha. may nag-iinuman pa sa ibang floor. haha. neat ang place nila ng ate niya. sa shared room nila ng kaniyang kapatid, doon kami nag hang out.

we started talking to each other. a nice conversation about ourselves and ako kasi naghohold back sa mga taong minimeet ko, but with him, i'm all out. ang daldal ko nga e, I'm talking about this, and that, and those ---

he suddenly kissed me. 

i like being interrupted with a kiss. haha pero nagpatuloy kami sa pag-uusap. i learned na he's a law student, he knows how to play the piano, took music though mas nagpakapractical at nag-law, finished nursing in a good school at naaccelerate noong bata pa. super impressive right, bonus pa na good conversationalist pa siya. then he kissed me again and touched me sa right places. bakit ngayon lang daw kami nagkakilala?

i questioned the gods too, bakit ngayon lang? bakitttt?!
honestly, i fell in love at first sex. 

ewan. it felt perfect actually. sweet kisses, those caress. god. i dunno but it's different. we know that something is special.

...but i don't know.

i like him. a lot. we exchanged texts after the deed. but i felt baka it just sex sa kaniya, a special sex or something pero nagkarelasyon na siya dati na nagstart din sila sa bed. i was afraid actually to act on it. kasi baka madisappoint lang ako or baka disillusionment perhaps? nbsb ako and i want my first to be special and yet, if ever, my first relationship ay nagsimula sa kama at sa grindr na i always see as loveless wasteland. it can't be right? 

pinigilan ko ang sarili kong magtext sa kanya. i want to test the water first. besides hindi pa namin kilala ang isa't-isa... but i like him.

as in.

cubao ilalim

wala na akong gagawin after gym kanina. kaya naman i decided to go to sm cubao para bumili ng shorts kasi nga nawala yung isang sports shorts ko. haha.

...at since may naka-chat ako sa grndr who works in the area syempre mega text ako announcing my arrival. i told him dapat may engrandeng welcoming committee. charot. anyway nalaman ko asa gay way siya so inalok ko siyang makipagkita.

kasama raw nya workmates niya. i proceeded na lang sa sm cubao. but he asked me out kung trip kong manood ng the gifted. pumayag ako. i'm not expecting anything naman. go with the flow. hanggang sa magkita kami sa bilihan ng tix.

well he's clean cut cute. he is five years younger than me and he is taking up dentistry at parehas kaming kapampangan. eventually nalaman ko rin na mula siya sa isang powerful political family. god. way out of my league actually. lol. grabe siya. haha

nanood kami ng sine na parang magdyowa. holding hands, flirting. he is teasing me by touching my nips. kaloka siya. haha after the film nagkayayaan sa starbucks. pababa ng escalator, we kissed. sweet levels lang. naloka si manong guard. haha. okay lang. he keeps on asking me kung like ko ba siya, yes i like him. he is kinda clingy and well parang demanding. haha. though i don't mind. as if para kaming magjowa. aba dinedare pa ako na ikiss ko raw siya sa starbucks. ginawa ko naman. smack lang naman. lol gabing gabi na at lumipas ang lunes... martes na nga...

magsasara na ang starbucks kaya kinailangan naming lumipat sa iba. i suggested jollibee. habang papunta kami run, may dalawang batang babae na namalimos sa kaniya. take note sinama niya at pinakain namin ng jolly spaghetti (medyo labag sa aking kalooban. haha medyo lang naman! so don't judge me. nyahaha). habang kumakain ang mga bata we hold hands and we smacked pa nga for the whole jollibee to see. kalowka. haha

sabi pa niya sa dalawa boyfriend daw niya ako. tas cute nung isang batang babae na six years old, nine kasi yung isa. hindi raw kami pwede kasi lalaki raw kami parehas. lol. tanong pa niya, sinong mas pogi raw sa'min. yung 6 kami raw dalawa, e pinilit niya na isa lang. haha. so yung 9 tinuro siya, yung 6 sabi ako raw sabay explain na dapat daw piliin yung isa para hindi magtampo. pucha. haha natawa kami. porke ba moreno ako nanalo ang maputi?! haha so binawi ko yung spaghetti. charot. haha pero yeah mas cute nga siya sa akin. hehe hindi talaga nagsisinungaling ang mga bata. lol

hanggang sa umuwi na kami. hinatid ko siya sa sakayan. at oo ilang beses ko siyang inaya sa motel. haha im a slut. again, please don't judge me. haha turn off daw yun sabi niya. syempre hindi ko na pinilit no. haha. papunta sa sakayan, magkaholding hands pa rin kami. ilang beses din niya akong tinanong kung gusto ko siya, binalik ko ang tanong sa kaniya. hindi raw siya makikipagholding hands kung hindi. okay.  sabi ko uhm oo.

mahaba pa ang lakaran, ilang beses niya akong tinanong. nabobother siya. binura na niya ang kaniyang grindr. he wants mine erased. e hindi ko binubura. haha. so there, i know he felt my reluctance and i explained to him na nbsb nga ako and i want everything to be sure. magkasama lang kami ng ilang oras. hanggang sa dumating kami sa jeep na sasakyan niya.

i told him to text me when he gets home.

asa jeep pa lang ako pauwi tumawag na siya agad. bothered na baka raw nakipagmeet ako. sa bahay, nagpatuloy ang textan namin.

then he called.

good night daw. groggy, parang antok na antok.

love mo ba ako? tanong niya.
agad-agad? sabi ko naman.
love mo ba ako?
agad-agad?
love mo ba ako?
agad-agad?
love mo ba ako?
ikaw?
ako ang nagtanong.
agad-agad?
yes or no?
natawa ako.
love mo ba ako?
agad-agad?
love mo ba ako?

hindi pa.

okay. good night.

binaba niya ang phone.
hindi ko kasi alam. honestly, natakot din ako, paano kapag sinabi kong hindi mawala siya? kapag oo naman i might lead him on... hay jusko.

 i'm not sure if he'll call or text me again tomorrow i mean later. :s

***

ay day good catch silang dalawa at higit sa lahat mas cute sila sa akin! haha feeling ko ako si bella torn between edward (the clean cut student doctor) and jacob (the rugged law student). shet. wow ang aga to think about it at assuming na ako agad e dalawang tuesdays pa lang naman yun. In short dalawang magkaibang araw tas pilian agad at torned na?! haha #feelingmaganda

pero honestly si jacob ang mas trip ko. i felt something more. spark or something. kaso si edward yung nagsabi talaga ng kaniyang intentions though kasi naman atatchiba e hindi pa nga niya ako kilala and vice versa... though ganun din naman status namin ni jacob? wah. pakshet.

maybe I'm just like this because kasi nga somehow i'm looking for that something special na rin?
hay crazy tuesdays.

maybe back to normal na ulit pagsikat ng araw.
or maybe, is this wish granted? 

a love story in the making?

bigla kong naalala...






ilang beses na rin akong naloko sa cubao.





Wednesday, September 3, 2014

assumptionista

mainit ang steam bath. ang sarap lang ng feeling ng init.
mga apat na kami sa loob nang may pumasok pang isa.
there's this hairy bear (and kinda cute) na nagkahulihan kami ng tingin.
lumabas siya. kasi siguro maraming tao sa steam.

lumabas na rin ako. mainit na kasi masyado at hindi na rin ako makahinga.
lumipat ako sa sauna. favorite ko rin mag-sauna.

nandito si hairy guy! at may isa pang middle aged guy na mas malapit sa furnace.
so nasasandwiched namin si hairy bear. napansin ko blatantly siyang tumitingin sa akin, para bang ready to strike a conversation. syempre malandi ako at lalabanan ko siya ng tingin. hihi

hanggang sa finally umalis na si middle aged guy. naiwan kami ni hairy bear --

agad niya akong hinatak, sinibasib ng mga mapang-ahas na halik, hindi alintana kung may makakakita ba sa kaniyang kapusukan. lumaban ako, nakipagespadahan ng dila sa kaniyang sabik na  halik ---

charot.

so lumipat ako malapit sa furnace para mas malapit sa init. at napapansin ko kasi blatant nga siyang tumitingin so gusto kong masiguro na para sa akin nga ang mga tingin na yun di ba (aba kahit na maliit lang ang sauna ayokong mapahiya na i'm reading it all wrong pala). so ayun, ang sabi niya...

"anong tinitingin-tingin mo?"

"ano?" sabi ko naman.

okay nabingi pala ako. haha ang sabi pala niya anong meaning ng tattoo mo?
...at doon nagsimula ang aming chikahan sa sauna.

isang diwatang naligaw sa lupa aka ako: ah seize the night. carpe noctem! (proud na pinakita ang braso)
hairy bear or hb: galing ba yan sa kanta ni (nakalimutan ko name ni dj nung una e nagoogle ko na!) tiesto na carpe noctum?
ako: hindi. sino yun?
hb: dj.
ako: okay. (sandaling katahimikan) so maling grammar pala napatattoo ko? okay lang kaunti lang naman ang nakakaalam e.

so nagsimula na ang tanungan kung anong work out ko hanggang sa natanong niya kung na-try ko na ang combat training.  at nalaman ko ring pre-med siya. oooh sexy. lol

ako: hindi.
hb: try mo ang combat training. halos everyday siya.
ako: saan? dito?
hb: (smirked) hindi sa taas.
ako: (pilosopo ampota! haha) dito sa new manila?
hb: oo.
ako: e bat hindi kita nakikitang madalas?
hb: nasa taas ako e. at sa hapon pag buhat naman para kaunti ang tao.
ako: ok.
hb: sa thursday at friday meron. punta ka.
ako: sana free...

mainit na sa sauna. as in.

hb: sige, see you around.

nauna siyang umalis. naiwan akong mag-isa. grabe inaya ba niya akong magdate sa combat training? ginawa pa niyang pick up line tat ko e... yiiih. hahaha wow ang lakas kong maka-assumera! haha.

as if naman.

pero ang hindi ko kinaya ay nawala yung jersey shorts ko sa gym.
shet.

feeling ko na-mara clara moment yun, meaning na-ilagay ng some one sa bag niya mistakenly ang shorts ko. howell.
...or may taong fetish ang pawising shorts tas ninenok. choz. haha
...or pwede ring kinuha ni hb para maalala niya ako. hahaha ang feelingera ko naman as if alam niyang shorts ko yun.


hay naku. ayoko sanang bumili pa ng bagoooo.

ang random lang ng pagkawala ng shorts ko. ugh.
speaking of random..

nagbasa kasi ako kanina sa mcdo tomas morato ng book ni maria ressa na 10 days, 10 years: from  bin laden to facebook. ang sarap ng caramel mcflurry nila! yum. nasa itaas ako unang nagbabasa ang kaso bumaba na ako kasi naglilinis na sa taas at nahiya naman ako (though 24 hours naman yun).

nakaupo ako sa tapat ng salamin sa tabi ng cr. shet. mukha akong walang inorder. haha doon ko ipinagpatuloy ang aking pagbabasa.

so habang nagbabasa ako may pumasok na mga customers. mga college students siguro na halos girls. tas kasama dito ang dalawang lalaki, cute parehas. hihi. naka-green at naka-black. parehas silang mestizohin. chinito yung naka-green at yung naka-black nakasalamin at may goatee -- my type. hehe. sa bunch of kids parang sila ang pinakamatanda. siguro mga nasa pa-mid 20s?

nakatingin sila sa akin. lumapit pa yung naka-black para kausapin ako...

"taga-up ka ba?"

"hindi."

"ah okay. mukha ka kasing taga-up e."

bakit? mukha ba akong busabos?! charoooot lang phowz. hihi.

"bakit?" i asked back.

"wala. akala ko... (may sinabi siya na hindi ko maintindihan)" tas bumalik na sila sa mga kasama nila at umorder.

nagpatuloy ako sa pagbabasa. tapos nakita kong bumalik na yung dalawang lalaki sa table ng mga kasama nila na dala yung mga orders for the group. at ang nakakaloka, nakatingin sila sa akin at may sinasabi sila sa mga ito. so pakiramdam ko pinag-uusapan nila ako kasi tumingin sila sa'kin! ang weird. para akong transferee na kumakain sa cafeteria mag-isa ang feeling! haha.

medyo kinabahan ako ng eklayt kasi ang weird. anyway na engross naman ako sa binabasa ko, hanggang sa makita kong nagmumumog sa faucet sa may salamin si naka-black na guy. naramdaman kong may sasabihin siya sa'kin.

true enough, after niyang gawin ang kaniyang business ngumiti siya sa akin at may sinabi siyang something na "itext mo ang *insert weird something here*"

sabi ko, "ha?"

nakangiti lang siya at may tingin na parang wag akong mag-maang maangan.
hala. hindi ko talaga gets.

hanggang sa lumabas na sila. dinedma ko na lang.
nagpatuloy ako sa pagbabasa at nung mabetan ko nang umuwi dahil naweirduhan nga ako sa ganap, nakita ko pa sila sa labas. may kausap si naka-black na guy sa phone pero ngumiti siya sa akin tas si naka-green he acknowledged me with a small smile.

ang weird talaga. feeling ko nasa novel ako ni murakami na ala after dark. or yung film ni stanley kubrick na eyes wide shot doon sa kulto scene.

hindi ko pa rin gets yung nangyari.
ang labo.

iniisip ko napagkamalan ba nila akong ibang tao? tas the naka-black guy is sending some clues or codes? weird talaga. haha

ang theory ko baka frat members na gusto akong irecruit kasi akala nila im from up?
...or sindikato na may kikitain sa mcdo morato at kamukha ko yung middle man na pinadala para sa human trafficking ng mga dala nilang babae?

ah ewan.

ang daming assumptions.

Thursday, July 24, 2014

sporty spice


grade five yata ako noon or grade six. 
excited akong umuwi sa bahay namin kasi atatchiba akong ibalita sa nanay ko na nag-champion ako.


nag-champion ako sa jumping rope. 

pota. 
how beki can you get di ba? bwahaha
oo nag-champion ako sa jumping rope nung intrams namin. 
kabog di ba? 

at pinanlaban din ako ng classroom ko nun sa piko. 
shet. base sa pagkakaalala ko, hindi kami nanalo pero may place naman kami sa piko. haha

pero ibang klase e. hindi pa rin matatawaran na nag-champion ako sa jumping rope. bwahaha. 
at take note, nilibre ako ni mudra sa jollibee dahil sa uwi kong gold medal. hihi.

masasabi kong hindi ako sporty na bata. 
mas bet ko kasi ang art nun pero i can say na active naman ako kasi i enjoy habulan, patintero, putubong at kung anu-anong pisikal na laro. 

kapag tinanong mo ako kung anong sport ko... uhm wala akong masasagot. 
ayun. tumanda na ako, hindi rin naman ako nahilig.

kasi noong high school naalala ko bumabadminton levels kami ng mga barkada ko pero hindi ako kasing adik nila na bumili pa ng raketa at talagang gumogora sila sa mga tennis court pag may time. ako salingkit lang, nakikipalo at isa na rin kasi yung reason na yung crush ko naglalaro rin. hihi. 

pagdating nung college, best in pe naman. infair kakaiba ang mga kinuha kong pe nun. nung first year first sem arnis ang pe ko, tas sumunod sepak takraw! pak. intense di ba? ang daming boys. haha tapos nung second year, yung peyburit kong hand ball tapos nung second sem binalak kong mag-foot ball ang kaso usapan namin ng mga orgmates ko sama-sama kami, e yung iba nakapag-football na so laos kaya nauwi kami sa social dance. i hate dancing pa naman. haha 

last december sinubukan ko namang magswimming lessons. hindi ko nabetan yung coach namin. haha. ewan parang masabi lang kasi. haha pero may natutunan naman akong mga survival kemerut so achib na rin. 

so at present, naisip ko gusto ko namang magkasport. wala lang. para cool ang peg. haha charot. 
hindi kasi active ang trabaho ko kaya kailangan ko ng fun physical activity bukod sa gym. 

so far this year feeling ko sporty ang theme kasi nakatry ako ng mga cool sports na if mabibigyan ako ng chance, pwede kong ituloy tuloy. like surfing!

biglaan kaming nagbaler ng aking mga kaibigan last summer and grabe super na-enjoy ko ang adrenaline rush! the waves! the sea! the buwis buhay alon sa baler! ang pagsalpok sa akin ng surf board! feeling ko second life ko na'to. charot. haha 


oh di ba ang sexy ko sa picture? charot. haha ang lakas magpa-misteryoso. haha grabe ang intense talaga ng wave. as in pramis, buwis buhay talaga. haha pero sobrang fun. kaso nganga, kahit gustuhin ko man ipush ang sport na ito parang haggard masyado dahil baler na yata ang pinakamalapit na surfing destination sa manila, e halos anim na oras ang biyahe. well tama na yung naexperience ko siya pero pramis kapag nadayo ako ulit ng baler or la union, i-pu-push ko 'to! 

hanggang sa last week may nag-aya sa'kin magfoot ball. eh kasagsagan pa naman this year ng fifa world cup da ba? eh hindi naman ako faney ng fifa bilang ang boring panoorin. haha pero gusto ko siyang laruin bilang noong college ay inattempt ko na siyang subukan. so i guess, this is the right time na i-push ang naudlot kong pangarap na magfoot ball! 

grabe ang saya ng football! as in naenjoy ko siya with feelings. hihi

credits kay jay f. for the pic. hihi
ang lakas maka-poser ng picture. bwahaha. well isa yan sa mga drills. naglaro naman kami ng game. shet natalo kami sa first game nung team ko. bwahaha pero bumawi na kami nung second kaso tabla levels lang at halos mga bata pa mga kalaro namin. nyahaha. pero all in all sobrang nag-enjoy ako. as in. bet ko siyang ulit ulitin at nakikita ko ang future ko sa azkals. charosa rosal. hihi 

pero siguro kung may pwede akong seryosohin, posible ang football. sa katunayan kanina galing kami ng aking mga workmates (na sila rin kasama ko last week sa feu diliman para sa soccer clinic) sa world citi colleges kung saan may free workshop ng futsal (indoor football) at grabe mas nakakapagod ang mga drills niya compared sa foot ball. same pa rin naman ang enjoyment bukod sa may cute na goalee kanina. hihi. isang middle eastern hottie. hihi 

howell habang hindi pa super duper busy at habang kaya pang isiksik sa sched, push lang. besides may talent naman ako pagdating sa paghawak ng balls. 

charooooooooot. hihi 



Tuesday, April 1, 2014

bully proof

as a catholic school, we always start our class with a prayer.
everyone is standing, eyes closed, uttering solemnly the ever memorised 'the lord's prayer.'
'good morning mam!' grade five st. jude greeted their teacher mechanically.

then suddenly shea sat flatly on the floor.

this is exactly what she wrote in her 'most embarrassing moment' space in someone else's slum book.

i moved her chair while we were praying.
and i guess my prayers were answered.

...ayun asa labas ako ng classroom buong period.

bakit ba kasi ako nag-iingles? madaling araw na raw kasi. haha. anyway isa yan sa mga pambubully na ginawa ko noong elementary bukod pa sa pangtutusok ko sa kamay noong classmate ko nung grade two ng pencil kasi, binubully niya ako. haha.

looking back, i'm not actually a big bully. i don't boss people around, or call them names (in their face. haha). but i must admit, i'm a bully now. haha.

in my life, i bullied and got bullied too. I'm sure minsan naging shea rin tayo or naging, ako, the bully. haha bullying is a big issue and it may be petty or seem juvenile pero may effect ito as we grow and mature. god i experienced that strong feeling of hatred towards my cousins who bullied me, yung time na makakasama ko sila ay naging hell sa'kin at talagang iniiwasan ko.  but noong naghighschool ako i shrugged it off and well fought back. haha pero now naisip ko isa yun sa mga dahilan kung bakit hindi rin ako masyadong close sa kanila. sayang lang dahil isa akong cool person so it's their loss. charooowt. haha.

anyway highway so i learned to adapt with this dog-eat-dog world of bullies and victims. life is a survival and since bakasyon na may time pa ang isang student to bully proof her or his self bago magpasukan. but how?

easy.

1. fight back. 

these bullies, bwisit naman talaga ang mga yan. if they know na mahina ka, kakayan kayanin ka. shet. don't let them make tapak tapak you around. fight back! they will know na hindi ka yung tipong kinakaya-kaya. if they know that, they will leave you alone. kaya naman vivid pa sa aking memory noong time na i stood up for myself against my bully cousins. the feeling is awesome! hehe.

2. laugh with them.

uhmm no martial arts moves or witty catty line? well just laugh and make fun of yourself too. remember, these bullies are insecure kaya sila nambubully at kapag kita nilang affected ka, mas ego boost sa kanila yun. so learn the art of deadma and laugh. well some name callings are funny, even na sa'yo ginamit. kung kita naman na hindi ka naman affected, matatawa na lang din sila... and who knows maging friend mo pa sila di ba?

3. befriend the bully.

speaking of friendship, well it pays to befriend the bullies. haha. it doesn't mean naman na magiging bully ka na rin. sa school hindi naman ako masyadong nabully kasi nga kaibigan ko sila! haha. sophomore year lang ako naging first section noong high school. well knows naman natin ang buhay sa lower sections. haha bully haven! lalo na noong first year ako, grabe! pugad ng bullies ang section namin! haha how i survived? ginamit ko ang aking asset, my smarts. ako ang susi sa pagpasa nila as i pass the answers around. hehe and plus points dahil cool naman ako. wahaha. so my life is a breeze.

so easy lang di ba? hihi.

kaya kung sino ka man, nagbabasa nito, lugmok at nabully...

kawawa ka naman!
bwahahaha.

***

nabully si senator angara sa twitter kasi raw dahil sa kaniya natalo si pia wurtzbach.
naalala ko tuloy yung status ko sa facebook:

Natuwa siguro at first si Pia Wurtzbach kasi ako rin matutuwa nun bilang less kaba kasi in Filipino ang tanong kaya chill at sasagot din in Filipino... But as she answers the question, her intuition kicked in... Uhm a lot are foreigner judges. Then, the bell rang. 

Tsk tsk so much for that intuition thing! And yes maiintindihan kita kung di mo iboboto si Sonny Angara sa susunod na election. Lol

***

aw. meteor garden aired again after ilang years. shet naabutan ko ito ng kaunti sa gym, ang eksena iba't-ibang pambubully kay san chai. naka-mute sa gym so laos. tapos i'm kinda sick so tinatamad akong magwork out. so di ko tinapos ang circuit ko for the day. wahaha. i expected nga pala meteor garden sa iwanttv. but no. wala siya. laos.

***

i bullied myself to blog today.
and so i did.

but i want to bully myself more to write substantial posts.
more inspired posts pa kumbaga.

i'm still looking and waiting for that inspiration...

***

maniniwala ka ba kung nabuntis ako ngayon?
sa katunayan naglilihi nga ako e.

***

last week, my workmate and i pushed ourselves to start our summer calendar in an agad-agad-lakad fashion bilang naging free ang weekend namin. so we hopped in a six hour bus ride to this wonderful town:


i learned surfing. :)
how cool is that?

guess who's back?

ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in.  birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...