Showing posts with label iii. Show all posts
Showing posts with label iii. Show all posts

Monday, February 14, 2011

ano ang pakiramdam ng minamahal?

it's february 14.
another valentines day ang lumipas.
and for 23 years i never experienced it to be with someone romantically.
ang post na ito ay hindi nagbibitter.
kundi nagtatanong lang.

sumasagi na kasi ngayon sa isip ko kung ano ang pakiramdam ng nababaliw sa pag-ibig ng hindi one sided lang ha? yung may mutual understanding. ano nga bang pakiramdam ng nasasabihan ng i love you? nakakakilig na parang sa pag-ihi? masaya na parang nanalo ka sa lotto?

ano ang lasa ng mga halik na may pagmamahal? matamis gaya ng tsokolateng bigay tuwing valentines? o maanghang gaya ng sili na nagaalab sa init? o lasang gatas mula sa dodo ng cow?

anong ang feeling na may minamarkahang monthsary every month? o inaantabayanang anniversary?  exciting ba gaya ng paghihintay sa pasko? nakakaatat gaya ng mga bubuksang regalo tuwing birthday?

ano kaya ang pakiramdam ng may nagiisip na iba sa'yo? yung meron kang kayakap sa malalamig na gabi? yung meron kang ka-hhww sa park? anong pakiramdam pag hawak mo kamay niya? sing lambot ng cotton candy? o sing huggable ng teddy bear?

ano nga kaya ang pakiramdam ng hinaharana? ang nililigawan? ang sinasagot? anong pakiramdam ng nasasaktan dahil sa pag-ibig? parang minamartliyo ang puso? parang pinapapak ng libo-libong langgam? o parang sinusunog ng buhay?

ano kaya ang kaibahan ng paglingon sa pagtawag na "bebe" sa pagtawag ng "hoy"? mas nakasasabik ba? may musika ba sa tenga na parang may choir na kumakanta o may mga nagbibiyolin? ano kaya ang pakiramdam?

ano ang pakiramdam ng nagmamahal at minamahal? parang isang sayaw na dalawahan? walang kasing tamis gaya ng pulot pukyutan? sing init ng summer? sing ginaw ng tag-ulan?

ang dami kong tanong. alam ko naman na balang araw masasagot. ang tanong, kailan? baka mamaya, o bukas, o baka sa susunod na balentayms... gusto ko lang din naman maramdaman, yung hindi lang ako ang nagmamahal.

Monday, February 7, 2011

dalawang oras

this is my 200th post and binalak ko na dapat special siya.
but i did not expect na magiging ganito siya kaspecial.

it started with a tweet wish sa twitter:
"gusto ko ng pizza pero nagtitipid ako. :|"

after ilang oras dumating sina kuya. and guess what? may dalang pizza! nice. but this night is destined to become extraordinary. nagulat si kuya with my new haircut. bakit daw ako nagpakalbo eh bakla ako. chos. anyway sinabi ko na nagtititipid kasi ako ng paggupit. (well isa na yung rason na yun at ang reason na curious lang ako sa histura ko pag kalbo). bumili kasi siya ng ipod at para mapagana yun kailangan niyang magregister on line so kailangang gamitin ang laptop ko.

at ang dalawang oras na usapan sa pagitan ng aking nakatatandang kapatid ay nagsimula na.

***

well ang communication sa pagitan namin ng kuya ko ay mga civil talks lang, kumain ka na ba? o nandiyan ba si mama? but we rarely talk. pero last year napablog ako dahil nagkaroon ng moment na nagusap kami ng seryoso!

at ngayong araw, naulit nga ito. nagkaroon pa ng progress!

***

sa dalawang oras na yun, narealize ko na maraming bagay pala ang pagkakaparehas namin ni kuya. he writes songs while i write stories. he loves to draw at sobra ang pagkanationalistic. hindi siya bumoto last presidential elections pero si gibo rin dapat ang iboboto niya na binoto ko naman. he likes to study again na gusto ko rin at may mga paniniwala kami sa buhay na parehas na hindi ko inaasahan.

nagulat ako kung makapagopen up siya parang hobby naming mag-usap. sinabi niya kung ano ang naramdaman niya na noong time na pinilit siyang patapusin ng archicture at kinuwento rin niya ang mga pangarap niya sa buhay. gusto niyang mag-aral ng fine arts ulit sa UP dahil yun naman talaga ang gusto niya ever since. 

ang kinagulat ko, he believes na he will die at 30. he is 26. pinabayaan daw niya kasi ang katawan niya. kaya iniisip niya sana magawa raw niya ang mga pangarap niya.

kaya ba niya ginagawa ito kasi he thinks na he will die at 30?!

ang morbid.

someday daw pagagawan niya ako ng kuwento tapos isasakomiks niya. masyado siyang magtiwala sa kakayahan ko bilang baguhang manunulat.  nananahimik lang ako.

i asked questions. he answers. i can't believe we are having a conversation.

***

nanghingi siya ng mga music at film sa laptop ko. ibigay ko raw lahat ng OPM ko. haha eh kumusta naman yun may donna cruz kaya run. haha well kinopya ko pa rin. haha

***

 can't wait for that collaboration na nabanggit niya ng ilang beses. who knows? we might hit big... or not. pero kapag nangyari yun? it is just priceless.

Wednesday, February 2, 2011

saktan mo naman ako please?

hindi ako iyakin.
i have this tolerance sa pain.
that is physical... and emotional pain.

but i miss crying and that pain inside you na alam mong walang gamot na makakaalis...

natatakot ako.
namanhid na yata kasi ako.

nasaan na nga ba kasi ang luha at ang sakit?

***

lately sa work may assignment ako:  
i should find my pain. 

***
pero ang hirap. it is not an ordinary assignment na isusulat mo sa papel at meron nang automatic na tamang sagot. im trying to open up to myself and analyze na rin... nasaan nga ba ang pain na yan? naging bato na ba ako since i've learned to control my feelings?

i have this tendency kasi to stop when i know na it will not go anywhere or kung alam ko naman na masasaktan ako. hindi ko pinipilit ang sarili ko kung ayaw mo naman sakin. hindi ko na ipupush pa... so hindi na nga ako masasaktan. move on stage na agad. madali akong magpatawad, hindi ako nagtatanim ng galit... i'm understanding. i try to avoid conflicts. when something is wrong, sometimes i just keep it to myself...

well i masyado na yata akong naging mabait?! haha
kidding aside, may trust issues ako.

baka ang pinanggalingan nito ay betrayal from the past?

but i don't remember anyone na binetray ako ng bongga?!

doon ko naisip..


what if sinadya kong kalimutan ang mga masasakit na memories?
as in karamihan masasaya ang naalala ko.

but i have to dig deeper.
deeper and deeper....

***

iyakin akong bata noon.
as in.
kapag tinutukso ako ng mga pinsan kong bakla..
i cry.
kapag umalis si mama at hindi pa bumabalik...
i cry.
kapag nagalit ako dahil may umaaway sakin..
i cry.

and i cry.
and i cry.

bata palang ako tinutukso na ako ng mga pinsan kong bakla. and i resent it dahil pinagtatawanan nila ako. at dahil pinagtatawanan ka, ibig sabihin nun something is wrong. so i feel embarrassed. i cry. and cry. and cry again.

dahil sa kakaiyak ko, pucha mas tinawag tuloy nila akong bakla. well for them ang lalaki ay di dapat umiiyak. nakakainis.haha.

i thought ang best defense mechanism noon ay ang pag-iyak para maawa sila sayo... pero hindi rin. dahil nastress sakin nanay ko... bigla kong naalala sinabi niya noon, "bakit ka umiiyak lang, bakit hindi ka lumaban?!" whoa. talo na naman ako. and i cry. and cry and cry.

so habang lumalaki ako, i try to prove them wrong. noong bata ako ang dami kong peklat sa paa... kasi lalampa-lampa raw ako.. kasi nga... yeah you guess it right, bakla nga kasi kaya lalambot-lambot. pero kaya naman ako nagkakapeklat kasi nga gusto kong patunayan na aktibo ako sa kakalaro, kakabuhat ng mabigat, sa kakaganito... lahat ng associated sa panlalaki, ginagawa ko naman.. i try to show them na i'am a boy not a girl...

sa intrams naalala ko nung grade four, nagvolunteer akong sumali sa basketball para maipakita sa kuya ko na i can play balls este basket ball too. haha. pero hindi rin ako nakapasok... kasi sa bangko lang ako. haha. at sinasabi ko noon sa nanay ko girl crushes ko at alam din ng kuya ko yun. so that hindi nila ako haruting bakla. natatakot kasi akong masaktan... natatakot akong umiyak... nilalayuan ko ang mga taong hindi gusto ang pagkatao ko... kaya hindi ako close sa majority ng mga pinsan ko sa mother side.

well hanggang sa maghigh school na ako... dun ko na kasi natanggap e and i know kahit hindi ko sabihin straight kina mama dama ko naman na tanggap nila e, pero alam ko the rest of my relatives hindi tanggap kaya i know na they are talking about it. and i learn the art of deadma. i start to snap back kapag may hindi ako bet na comment.

so kung ayaw nila sa akin.
kebs.
so kung hindi pa rin nila lubusang matanggap.
kebs.
hindi ko sila iiyakan.
hindi ko sasayangin ang luha ko.
hindi na nila ako masasaktan.

Tuesday, January 25, 2011

pwedeng magtaas ng kilay hanggang langit?

naniniwala naman ako na mabait akong bata. haha
at hindi ako mapanlait. i mean slight lang. at kung manlalait ako, i'll just keep it to myself na lang kaysa sabihin well unless magkaibigan tayo. hehe hindi rin naman ako discriminating. at i respect diversity at kung ano ang iyong opinion.

kaso tao lang naman ho ako.  may mga bagay na hindi ko ring matanggap. haha. yung parang automatic na napapataas ang kilay ko.

halimbawa.
  • i came across this profile sa isang gay site, wala siyang picture pero meron siyang headline: "kung magaling ka umupo sa b***t kong 8 pulgada at guwapings ka at di ka bading o halata.. message ka lang pre..."
    • seryoso ba siya? may straight male bang papayag na gawin yun? unless call boy siya... pero sorry natatangahan at naprepretentiousan ako. wtf? 
  • since usapang profile naman tayo sa gay sites... ayun ang mga walang kamatayang naghahanap ng face pic pero wala naman silang face pic. kung makapagdemand?! 
  • at sa ibang profile naman, sa fb... feeling ko hindi lang naman ako ang nastrestress sa naglalike ng sariling status (eh di ba like mo na yun kaya nga inistatus mo e?! so double like lang?) at nagcocomment pa! haha
  • meron din yung makapagflood ng twitter feed parang walang bukas. ano bawat aspeto ng buhay niya alam mo na. kapag nagpaquiz siya kung nasaan siya o kung anong ginagawa niya, perfect ka na. or album sa fb/multiply na bawat gawin pipicturan! tas gagawing album. hay. ate. bored lang?
  • nagpapanting din ang tenga ko sa ate o koyang ayaw magabot ng bayad ng jeep, yung patay malisya ba? haha
  • kalevel din nito yung matanda na inaassume na bawal mo siyang sagutin o bastusin kahit na binastos ka niya. wala lang i believe na respect begets respect at wala sa edad yan.
  • speaking of respect, ang taong nanlalaglag ang isa sa mga listahan ko na mabilis akong mawalan ng respeto... well except na lang totoo naman kasi sinasabi niya...
  • hatest ko din yung taong ayaw umamin ng pagkakamali. parang sa trabaho lang yan, example may kateam ka na chaka ang nagawa, boog ayaw niyang aminin and worse ikaw ang nadidiin  o katrabaho mo... ang catch ayaw nga niyang umamin... kaysa naman sa ilaglag mo siya di ba? haha eh umamin na siya. 
hay naku. yes biglang sumakit ang ulo? haha.

***

habang sinusulat ko to kasagsagan ng balita patungkol sa bus na sumabog sa edsa buendia na apat na ang patay... nakakataas ng kilay ang naganap. hay simula noong nagkaroon ng bomb scare sa metro manila, feeling ko sasabog ang mrt at bus na sinasakyan ko. you know just the paranoid me.

ayan sumabog ang sa may edsa. wala ako sa bus, pero it will haunt me forever and ever.
scary times.

fairview bound pa naman yung bus.
eh yun kadalasan kong sinasakyan lalo na kapag sa boss ko ang meeting! ugh.

***

tumataas ang kilay ko sa post na to. ang random masyado? may mai-blog lang? hehe.

Thursday, January 20, 2011

i know what you did last summer

sign noon na summer vacation is coming kapag napapanood at na-ee-lss na ako sa commercial jingles na "ang gaan-gaan ng feeling...", "lalalangka, yelo, ube... hmmm hmmm hmmm may masarap ka nang halo-halo.." at ang "every where i go, every smile i see...". at gaya ng normal na bata ako rin, sabik sa bakasyon.

it means kasi na luluwas ako mula sa lungsod ng cabanatuan sa payak na bayan ng aking mga magulang sa porac, pampanga kung saan nandoon sina lola.  isa na namang dalawang buwan na puro laro, panonood ng tv at walang hanggang paglalakbay ng aking imahinasyon at mga paang namuti na dahil sa kakalakad at katatakbo sa alikabok ng lahar.

ngayon tuwing pasko or kapag may major major holiday (mahal na araw) na lang ako nakakaluwas sa pampanga kaya naman para magbalik tanaw, talagang kumuha ako ng ilang larawan sa aking cellphone para sariwain ang aking experiences dun...



yan ang creek na dadaanan mo bago ka makarating sa bahay nina lola (father's side). well actually wala kang choice kundi daanan yan... at ang masakit kasi may horror story siya na laging kinukuwento nina tito noong bata pa ako na may isang pari raw na bitbit ang kaniyang pugot na ulo na naglalakad back and forth sa creek na yun while chanting "abudabuda..." so imagine, dahil madalas gabi na akong naluluwas sa pampanga, wala akong choice kundi dumaan sa creek na yan... at syempre laging nagflaflashback sa akin ang story na yun. yikes! :p

pero syempre wala pa ring tatalo sa tunay na experience no? minulto na ako sa bahay nina lola dati. haha at maging sa bahay nina mama naman na five minutes to ten minutes away lang mula kina papa (at would you believe sa manila sila nagkakilala at hindi sa pampanga? kaloka. hehe) ay may fair share of ghost stories din.


ayan... sa hagdan na yan kami makadalas ng mga pinsan ko makarinig ng mga ghostly steps. yung tipong nanonood ka ng tv sa taas tas may aakyat, aabangan mong may lumitaw siyempre pero boog! wala! the ghostly steps are so making paramdam. (yes naging conyo?) may time pa nga na sa takot namin dahil may biglang umakyat napatakbo kami at napatago sa ilalim ng sofa... and the funny thing is, si lolo lang pala! :p

well actually hindi lang ako sa mga tito at insan nakakapulot ng horror stories. nung bagets palang ako, adik ako sa horror stuff at sa bahay nina lola na precious hearts lang ang librong mababasa, i crave for more... so sa palengkeng ito ako makakahanp ng nakaadikan kong basahin noon...

komiks. komiks. komiks. dati may tindahan pa yung paborito kong tita (deads na. :( ) na "mama" na rin tawag ko at sa tuwing inuutusan niya akong bumili ng mga paninda niya sa sari-sari store, sa palengke na yan ako bumibili. pero ang kapalit dapat bumili rin ako ng isang komiks. panalo naman laging horror komiks ang binibili ko. hehe. at narealize ko na ang una ko palang sinulat na may kuwento ay isang komiks na patungkol sa eroplanong bumabagsak at sa mga buhay ng pasahero nito. naks. haha

syempre hindi lang pagbabasa ng komiks inaatupag ko nun. mahilig naman akong maglaro sa labas. any larong kalye, name it! from piko to shato to habulan to taguan to patintero to baseball to tumbang preso... basta kung may award na best in laro sa labas, ako na ang mananalo! hehe at mahilig din syempreng magaakyat sa puno ng aratiles at sampalok!


yan ay kiha ng puno ng sampaloc na panahon pa raw ng hapon ay nakatanim na sa bakuran nila lola. gaya ng mga kuwento sa probinsiya, may naninirahan daw duwende at kapre diyan at ang nakikita niyong bahay diyan ay bahay ng tita ko na dating kubo. at guess what? niyugyog daw ng kapre yun dati. hehe

kapag may na at tag-ulan na, binabato namin ang sampaloc (habang nagtatabi-tabi po) para malaglag ang mga salaguinto at salagubang na paglalaruan namin. ayun masaya na kami run. hehe at syempre ang kumain ng sampaloc. pero mas bet ko nun ang kaimito pero hindi ko maakyat-akyat ang puno. ngayon... wala na siya.. heto na siya:

deads. patay na. putol na. hay naku ewan ko ba kung bakit pinutol eh da best pa naman ang lasa ng bunga niya. as in laging hitik sa bunga at talagang hindi ka bibiguin sa tamis! star na star ang star apple. hehe.

kaya ayun pagluwas ko nung pasko, ang sarap magflashback. the best things in life are free. buti na lang nalubos ko pala yung kabataan ko noon. nakapaglaro ako, nakapagtampisaw sa ilog, naghabol ng tutubi, nadapa, nagbisikleta kahit ilang beses sumemplang, nakipagaway, nakipagharutan, nakipagbati... those were the summers of my childhood. ayan ilang buwan na lang summer na ulit... at hindi na ito gaya ng dati.

Thursday, January 6, 2011

salamat sa kapag tumibok ang puso ringtone


rip
nokia 2630 
june 24, 2008 - january 03, 2011
cause of death: drowning in the toilet.

para sa dalawang taong tawag, text, pictures at ilang pagbagsak na ating pinagsamahan. hinding-hindi kita makakalimutan.  sa kangaragan, chismisan, textan, puyatan hindi mo ako iniwan at kahit ilang beses kitang nabagsak hinding-hindi mo ko sinukuan. hanggang sa isang gabing hindi natin inasahan...

katatapos lang ng bagong taon. hindi ko inasahan na magbabago ang lahat sa ating dalawa. nagpatiwakal ka ba? tumalon ka kasi sa jacket ko e... sinubukan kitang saluhin... pero dumausdos ka... deretso at pumaimbulong sa toilet bowl. nataranta ako... nakita ko kung paano ka naghingalo... kumurap-kurap ang monitor mo tapos sinasabi mong wala kang sim... tas habang kumukurap-kurap ka.. sinabi mo rin malolow batt ka na... pero full battery ka nun e. hanggang sa nagdilim ka na... hindi ako nagdalawang isip... dinukot kita sa toilet.. dali-daling binanlawan sa lababo... ang hirap pero tinanggap ko na rin... mukhang mawawala ka na sa'kin.. huhu.

ikaw ang pangatlong cellphone ko, mula sa 8210 na niregalo sakin nung college ng mga orgmate close friends ko.. niregalo ka rin sakin ng aking lola noong grumadweyt ako ng college. kasama ko si mama nung binili kita. kakagaling ko lang sa trabaho nun isang hapon, excited akong pumunta sa cubao para bilhin ka... sira na kasi yung 8210 ko nun e..  kapag tinawagan namamatay at sobrang kailangan ko sa trabaho ang fone kaya pinagtagpo tayo...

naalala ko pa,nirecord ko sa'yo ang kapag tumibok ang puso habang nangangarag ako nun sa isang storya sa dati kong trabaho. ayun simula noon nagbago na ang tingin ko sa kantang "kapag tumibok ang puso". haha for the longest time siya ang naging ring tone mo... na lately pinalitan ko na nung normal ringing tune.. nagtampo ka ba kaya ka tumalon? hay. haha. sana sinabi mo para binalik ko na lang... dyaran dyaran dyadyaran...

but i guess it's goodbye... for now. balak kang iressurect ni mama e. haha pero may bago man na akong kasama, huwag kang magalala... nasa memory ko na ang lahat ng bonding times natin. toodles.


Thursday, December 30, 2010

mga larawan ng 2010

sino bang hindi nagiging nostalgic kapag natatapos ang taon? syempre uso na naman ang year end report sa news o kaya gaya nito sa mga blog na magrerecap ng nangyaring matatamis at mapapait na alaala ng taon.

well every year gumagawa ako ng year ender sa blog(s) ko kung anong nangyari sa aking taon. masaya. nakikita ko na ay makabuluhan naman pala ang taon ko. haha. so ngayong 2010 kaya? i

kung i-sa-summary ko ang aking buhay ngayong taong 2010 itong mga larawang ito ang magsisilbing summary ng aking fun, challenging, scary, exciting and colorful twenty ten.

well medyo kakasimula na ng taon pero may isang bagay akong kailangang tapusin at iwan...
pebrero noon noong nagresign akong writer sa talk show na buzz para magfocus bilang brainstormer sa imortal. bilang febraury din nung naaprub finally ang imortal para umere sa primetime.

it's my dream na noon pa na maging part ng creatives ng isang teleserye.. so noong february, tinupad ko ang pangarap ko. hehe.

last day sa buzz last feb 2010







speaking of goodbyes... nagpaalam din si jhey sa pinas bilang nagreunion sila ng nanay niya sa uk. pero bago niya lisanin ang ating tropical paradise, nagdespedida siya sa puerto galera with us sa first week of march. tamang salubong sa summer.

summer at puerto galera (kuha ni bullet)
tapos noong april, nabago ang hitching experience ko dahil sa lalaki noong biyernes santo. sad hindi ko na siya nakita ever sa tuwing umuuwi ako ng pampanga. well after noong mahal na araw ang next uwi ko na ay last week lang nung christmas. so kumusta nga naman kung makita ko pa siya.. unless were destined. weh? hehe. 
destined. yan ang nangyari kay president noynoy aquino this year noong manalo siya sa presidential election. last may naganap ang first ever automated election sa bansa at ang cool dun, first time kong bumoto at i-exercise ang aking right of suffrage. sayang hindi ko man lang naexperience ang mano-mano. hehe 

and btw, i did not vote for noy... i opted for gibo. sayang hindi siya nanalo pero no regrets. hehe. sana bigyan siya ng position sa cabinet this 2011.

ang sayang bumoto in a hi-tech way kaya pinicturan ko pa ang daliri ko with the indelible ink! :)

yey perstaym voter!

well may din noong nagmanila tour kami nina xi, aldrin, argel at judee. nagbago ang tingin ko sa maynila. well i personally love intramuros. kahit ilang beses akong magpunta run, hinding-hindi ako nagsasawa. amazing talaga ang history. imagine naglakad don si rizal?

flowers of the walled city
anyway kung naglakad si rizal sa intramuros... naglakad naman ako sa baguio with the defunct show tuklaw team noong june na naging super ang bonding namin dahil sa mga pinagdaanan namin sa show. haha. masaya kasi bukod sa work, talagang we had fun dining sa mga best restos sa baguio like tam-awan, cafe by the ruins at sa 50s diner. talagang memorable ang experience.

50s diner sa baguio (kuha ni sonny calvento)
...then the months dragged by.july is actually birthday blues. lumipas ang araw na nasa trabaho ako. at ibang klase ang araw na yun. nakaukit na talaga siya sa kasaysayan ng buhay ko. haha not the best birthdays ever pero isa sa mga unforgettable! :p

pero medyo nadelay yata ang surprise birthday gift kasi september sinabi na magiging trainee writer na raw ako for an afternoon show na juanita banana.  pero late man, super fun pa rin. at kahit ngarag, masaya naman. (september innannounce na gagawin pero october ang airing) so ang pinakamasustansiyang teleserye, 6 weeks lang in the making bago umere! :p

juanita thanksgiving (kuha ni sonny calvento)

so kung six weeks ginawa ang juanita, halos one year ang prepation naman ng imortal. kaya naman noong october umere ang imortal, kaya kinilig ako dahil nakalista na sa closing credits ang aking pangalan. hehe. after two weeks, sumunod namang inere ang juanita banana. so fun naman kasi mula hapon hanggang sa gabi, lumalabas ang pangalan sa tv. wow achibment! nyahaha. naadik lang. hehe

imortal sa primetime bida
pero ang tunay na highlight ng october? ang sobrang masayang 10.10.10. for the first time nagrun ako for a cause. haha. para sa pasig. walang tulugan kasi deretso agad sa moa after meeting na natapos ng mga alas dos. masaya naman. after namin ng officemates kong tumakbo, nagpunta kaming enchanted kingdom at finally nakasakay na ako sa space shuttle. haha sa dalawang beses ko kasing pagpunta sa ek, never akong nakasakay sa space shuttle hanggang sa nun ngang 10.10.10. hehe.

ayun. ang next project naming 10.10.10. pips ay next year na 11.11.11. dapat spontaneous na lakad din. iba talaga kapag hindi mo pinaplano...

10.10.10. ek mode (kuha ni nikki b.)
gaya na lamang nung november, malay ko bang mababasted ako? haha pero may isang bagay akong pinlano na dapat magawa ko bago matapos ang taon... ito ay ang magpabraces! bwahaha. para mukhang mayaman. haha well bukod sa kaartehan, kailangan ko rin para makorek ang bite ko at para maiwasan ang nagbabantang lock jaw. ayoko namang mangyari yun.

so bago matapos ang nobyembre, ayun pumunta ako sa dentista ni argel na nagbago ng mukha ng dentist stereotype. haha siya na ang most fun dentista ever. ayun mas masakit pala kaysa sa pagkakabasted. haha.

the metallic smile
at naisip ko parang maling-mali na magpabraces lalo na't december is so here! eh maraming christmas parties so meaning maraming kainan. eh di nalaos ang braces kasi hindi ako nagpatalo, kain pa rin to the max. so no regrets!hehe

busy sa work ang pasko season pero okey lang, ibig sabihin nun blessings. hehe. last days of december, naganap ang fun-filled xxxmas partey with my hs friends while working, salamat at hinintay nila akong matapos. hehe. annual party yun na may theme.. as usual masaya. i will miss them though, baka karamihan sa kanila sa palawan trip ko na makita. :p yey.

xmas decor sa abs
there.
ansaya naman ng 2010 ko. looking forward sa isang masayang 2011 din. hay can't wait what is in store next year. so sa nalalabing araw ng 2010... magpaalam tayo sa taon with a bang!


HAPPY NEW YEAR!

Saturday, December 25, 2010

pasko in the city

for the first time sinalubong ko ang pasko sa maynila.

well this is not forced dahil sa work though may kinalaman ang trabaho kung bakit ako narito pa rin sa quezon city. actually nakaplano na dapat luluwas na ako ng pampanga kanina. pero tinamad ako. haha. kasi gusto ko rin na pag lumuwas ako tapos na ako sa task na dapat kong gawin para bawas na sa aalahanin. so mamayang umaga na ako luluwas kasi achib na. haggard lang gumising ng maaga. haha.

okey naman. may fireworks na matatanaw mo mula sa kinalalagyan ko. so parang bonggang celebration na rin. at naisip ko rin na mas gising ang mga tao samin sa 31 compared sa 24th. simula kasi noong namatay paborito kong tita at pumunta sa states yung isa ko pang tita, parang natigil na ang konsepto ng noche buena kina lola sa pampanga. mas hindi sila natutulog sa new year. so kaya iniisip ko wala rin naman akong namiss. hehe.

anyway pasok naman sa theme ko this year ang mga ganitong bagong experience.  this 2010 kasi parang ang naging running theme ko, mag-out of character. meaning gawin ang mga bagay na kung dati ni sa hinagap hindi ko gagawin o maiisipang gawin. well i'm 23 siguro mas nagmamature ako at minsan naiisip ko na parang may mga bagay na dapat nagawa ko na sa edad ko. haha so dapat gawin na. at kasama na nga itong mga ganitong experience. salubungin ang pasko ng hindi sa pampanga... hehe

well hindi uber sayang experience pero hindi naman malungkot dahil lumipas lang ang araw pero looking forward ako sa days ahead. anyway share ko lang ang post ko sa aking tumblr.


The Best Christmas Gifts Ever
  1. bumibili ka ng shirts tapos hesitant at first dahil baka masakit sa bulsa then pagdating sa counter sale pala. surprise surprise! :)
  2. beating the deadline. kinda. haha.
  3. the christmas greetings from strangers.
  4. the happy family you see from your friends sa mga pictures nila sa facebook/twitter/tumblr. 
  5. going home sa iyong hometown! :)
  6. fireworks from the kapit-bahays.
MALIGAYANG PASKO! :)

excited na ako later lumuwas! namiss ko ang simoy ng probinsiya. yehey. 

Sunday, December 19, 2010

a christmas letter

dear god,

kumusta? it's christmas. ilang araw na lang birthday mo na naman. are you nostalgic? hindi ba ganun kapag nagbebirthday? :p anyway i'm writing to you para mangamusta. sorry i can't get in touch more often. i miss praying before i go to sleep. hindi rin ako nagsisimba. ang dami ko nang kasalanan sa'yo no? pero in fairness you are always there. nagugulat na lang ako kasi minsan sinasagot mo na ang mga idadasal ko palang o kaya minsan kahit hindi ko pinagdadasal, binibigay mo naman. kaya wala na akong mahihiling pa. :p haha to think na ang dami kong atraso sayo.

it's christmas again. naku lord, wala lang. ganoon yata talaga as you get old, nawawala ang christmas magic. well siguro ibang level lang, hindi ko lang nararamdaman. or i just want to be a child again na ang pasko ay kasing simple lang ng aginaldo, noche buena, regalo at pangangaroling. well that was so long ago. haha. pero in fairness iba naman ang feeling ng anticipation. masaya ang paghihintay ng pasko pero pagdating ng pasko itself, parang.. ok wala lang. haha thank you lord for that wonderful feeling.

since it's christmas well hindi na bago ang pagsusulat ng wish lists. lord as of now, wala pa naman akong mahihiling kasi sabi ko nga bago ko pa ipagdasal, ginagrant mo na. sobrang salamat po. i dont know what i've done to deserve the blessings na natanggap ko this year (sana ulit next year. haha) kaya ayun ang kapal ng mukha ko if i'll ask much pa. so thank you.

happy birthday! :)

lovingly yours,
ako

Monday, December 6, 2010

the art of cheating

if you will ask me if i ever cheated, well my answer is yes.

on exams.
i don't cheat with people.

***

i've done all kinds of cheating at school.
actually noong college lang ako mas natutong magcheat. haha. kasi naman well believe it or not, im an honest person pero syempre i hide things to myself. pero hindi naman ito ang point ng post na ito. it is about why people cheat... kasi sa exam,students cheat to pass. pero in life, bakit nga ba?

for years i never changed my relationship status. it has been single for 23 years and counting. so paano ko magragrasp ang aspeto ng cheating sa isang romantic relationship?

if you are taken at nakipag love making ka sa ibang tao, i think that's cheating. pero if you are taken and you had sex sa ibang tao, is that cheating too? iba ang concept ng sex at love making. pero well in normal norms, nakipagsex ka pa rin sa taong iba naman ang pangalang nasa tabi ng in a relationship status mo sa facebook.

hindi ba't may mga couple na they let their partner explore kasi alam nila in the end babalik ito sa kanila. is this sick? i think not. kasi kung ako magkakaroon ng relasyon, siguro i will let him explore but bawal siyang mainlove sa taong makakasex niya. kaso ang martir lang. haha. well man-to-man relationship is taboo na so bakit pa magpapakahon sa normal na relasyon? pero syempre mas masaya pa rin kung loyal siya at mahirap nang dapuan nang kung anong sakit no. pero... haist.

wala lang. naisip ko lang. pero siguro ang masakit sa part ng cheating ay yung pakiramdam mong ginago ka. nagsinungaling kasi sayo e. ayoko pa naman yun lalo na kung pwede mo namang sabihin ang totoo kasi i will try to understand.  siguro magagalit ang kausap mo pero at least tamang pagalit lang. ehehe.

***

so bakit sila nagchicheat? bakit pa magaasawa ang bading ng babae kung alam naman niya eventually he will find a man din? bakit pa magcocommit sa isang relasyon kung alam mong hindi mo naman kayang magcommit? cheating for thrill? cheating dahil the love is gone? cheating dahil sa long distance relationship? cheating dahil hindi na siya masaya?

***
maswerte ang mga kabit no? at least they know that their partner is 'cheating' on them.

***
ang complicated talagang mainlab. haha. buti na lang hindi pa ako inlab. well hindi pa as of december 06, 2010, 5:26 am.

***
cheaters never win naman daw well i think they win... hangga't hindi sila nahuhuli.

...narealize ko hindi naman nasagot ang tanong kung why people cheat? haha

Monday, November 22, 2010

santa can you hear me?


kulang-kulang isang buwan na lang, magpapasko na. well uso na naman ang karoling, monito monita, christmas parties at syempre ang christmas wish list.

ang nakakatawa lang sa paggawa ng wish list alam mo naman na 80 - 100% hindi mo sila makukuha. wala lang. masarap lang magwishful thinking na someone will give their time to read at tuparin ang nasa wish list mo. yung hope lang at surprise na, whoa! may nagbigay ng gusto mong gift. so iba pa rin ang feeling na naibibigay ng pagsulat ng wish list. the feeling of hope at excitement. hehe.
  • wallet sa quirks sa shangrila mall. maganda yung design. yung may airmail, comics, color bars... basta iba-ibang designs. at sabi nila maganda raw na nireregalo sayo ang wallet. hehe
  • witty planner. basta yung planner na witty. haha. nakalimutan ko yung pangalan. kasi ang boring ng planner ko this year. haha
  • graphic novel. kahit ano from arnold arre hanggang neil gaiman. choosy pa ba ako? hehe. 
  • haruki murakami novel. kahit ano rin, except after dark kasi meron na ako nun e. 
  • pants. pandagdag sa closet. 
  • shirt. size ko small - medium. haha pandagdag sa closet ulit.
  • chucks. isang taon na yung chucks ko. kawawa naman, nagdedemand na sana raw may kasubstitute siya. hehe
  • letter. i miss long letters. so high school. haha. pero wala lang  (pero sana samahan ng ibang items sa taas. ano letter lang? hahaha)
  • boys. hihi. alam na. sige kahit isa lang. maiba lang. para may lablayp oh!
  • bag. wala lang. gusto ko ng bagong bag sa bagong taon. hehe.
  • isang set ng harry potter books. nasabihan pa akong potterhead? hanggang one to four lang ang meron ako na paperback e. tas hindi ko pa makita yung isa. boo. huhu
  • isang set ng chronicles of narnia. dalawa lang ang nabasa ko rito, gusto kong mabasa lahat. hehe 
as of now santa yan muna hiling ko. pero kagaya ng ibang hiling kahit na gustuhin ko namang matupad hindi naman akong umaasa na tutuparin mo sila. pero syempre pasayahin mo naman ako ngayong pasko, i think hindi naman ako naughty ngayong year ha at ive been good naman this year. hehe.

so kung sino man ang tutupad ng isa diyan, mahal na kita. haha. kung sino man ang magaksaya ng panahon na tuparin kahit isa sa mga yan... eh di masaya, kung wala, okey na rin... at least somewhere may nakarinig ng aking hiling, malay natin... maghimala... tuparin lahat. di ba santa?

Wednesday, November 10, 2010

ouch basted!

"honestly, hindi kita type. pero we can be friends naman."

text yan ng niligawan (cringe) kong fratman. haha. ouch. ganoon pala feeling ng nababasted. and what is weird tatlong araw palang kaming magkakilala at isang beses lang kami nagkita. honestly, alam ko na yan isasagot niya sa akin and oo, nagwishful thinking din ako na i was wrong. haha. but no, tama ako ayan ang gaga ko kasi eh, patanong-tanong pa ako kung may pagasa pa ako (still cringing) eh alam ko naman ang sagot dahil sa date palang pinaramdam na niya sa akin na hindi niya ako type.

pero bakit ba ako umasa? 

rewind the tape please.

***
it started with a pm
 
it started with exchange of personal message sa isang  gay social networking site at nauwi sa chat. nice ang ganda agad ng batuhan namin, may rapport! hehe. nakakakilig. bakit daw ako nbsb (no bf since birth) cute naman daw ako. (hahahaha cute daw ako oh? pota!) sabi ko sa kaniya pangit naman kasi talaga ako, ayun tinawag niya akong emo. basta nauwi ang chatting sa panliligaw, liligawan ko raw ba siya? natameme ako, ako manliligaw?! hello. ako? nbsb tapos ako manliligaw? pakingshet. hehe.

21 si fratman (na di alam ng brod niya na pumapatol siya sa guys. dahil binasted niya ako, humanda siya. chos. haha) sa UP at dahil shifter next year pa siya magmamartsa. so madaling dalawin kasi malapit lang ang school sa bahay namin. napaisip ako. why not try kasi sabi naman niya akong bahala pero dapat meet daw muna kami. inisip ko hassle. haha pero nagvidcam siya, ay potek nakuha niya ako sa isang ngiti! haha. cute. :p yun na ang trigger point (inciting incident kumbaga sa teleserye. lol), mahal ko na siya! chos.

anyway sa hectic ng sched ko actually hindi na ako umasa na magmimeet kami at pano ka manliligaw kung wala ka naman oras? (cringing to death sa tuwing nababanggit ang ligaw) pero napaisip ako tutal bakit hindi ko subukan?

the 'destined' date

nabasa ko ang horoscope ko sa astrologyzone.com na maganda raw ang love angle ng buhay ko ngayong november so bakit hindi raw ako magmingle. haha. so why not? pero dahil nga hectic ang time sa work, paano ang mingling? but no... gumawa ng paraan ang kalangitan, free day ang tuesday! destiny?! :p assignment lang na ang deadline ay madaling araw ng tuesday so sa umaga't hapon may time.

so nagtext ako. sabi ko kay fratman magkita kami. dapat sa UP kaso nagaalala siya dahil baka makita raw ako ng mga kabrod niya. so we decided na sa trinoma kami magkita. so achib. nalate ako. haha ayaw pa naman daw niyang naghihintay. hinanap ko siya, nasa tapat siya ng tokyo tokyo. nakapolo, shaved ang buhok na may design at nakasalamin, okey ang body built at student ang look. bet na bet! :p cute pakshet. :p hindi ako makarecover at ngiti palang napapangiti na rin ako. haha

pizza, ice cream and jebs

ang opening remarks niya? natatae siya. basa ang medyas niya sa ulan pati pants niya (take it off! chos. :p). nagtawanan na lang kami. kinikilig ako ampotah. :p gusto niya ng pizza. so kumain kami sa greenwich at dahil late ako, nilibre ko siya. (almost 300 din yun ha! :p) what is weird... naramdaman ko na agad, shet may spark pero.. bakit pangmagkaibigan?! haha ayoko! this can't be happening. haha.

sa greenwich, lumalabas ang pangkacompetitive niya dahil nga UP stude at tomasino ako, may mga bantering pa. kilig na naman. haha. pero ang clue na wala na akong pagasa nang simulang magkuwento na siya tungkol sa ex niya... at naconfirm ko na pakshet wala na ito, friendship na lang itey... kasi ang type niya chubby at chinito.. :s deads. hindi ako chubby inay. hindi rin ako chinito. gumuho lahat ng pangarap ko. inimagine ko pa naman na hihintayin niya ko sa work... magdededate kami sa UP sunken garden while eating isaw... manonood ng imortal at juanita banana together... haha may mga ganun na talagang thinking. ayan tuloy.

and ang gago, kinuwento pa na may nililigawan siya at may nanliligaw din sa kanya. ano gahaman lang?! chos. haha pero dahil competitive ako iniisip ko hindi ako papatalo... pero alam ko naman ng talo na e. nakakainis. nagsisisi yata ako na nagmeet kami. kasi ang sarap niyang kausap. masayang kasama. cute. fratman. ayan mas nagustuhan ko siya. :s tsk.

kung tutuusin the date is supposed to be an epic fail... kasi naman he is a defensive, insecure frat guy who keeps on asking kung okey ba look niya to boost his confidence and an asshole who tells his date about his type na kita namang opposite na opposite sakin. pero ang pinakastupid is... it made me like him even more. ngar.

sabay kaming umuwi. kumain pa kami sa dq sa gateway. hinatid ko pa siya sa sakayan nya. ang landi ko raw.

and surprisingly i super enjoyed the bonding (hindi na siya date.. naramdaman ko na na mauuwi lang to sa pakshet na friendship. haha bitter?). considering na he is a total (hindi naman total, nagkachat na nga pala kami.hehe) stranger dapat ha. pero grabe kung magkwentuhan kami, ano high school friend lang? parang ang close namin. haha. bet na bet din niya ang queen seon deok kaya lalo ko siyang nagustuhan. haha. grazilda nga lang pinapanood niya. haha okey lang naman bilang ilumina na katapat ng imortal. :p

***

then ayun tinext ko siya na nagenjoy ako. tinanong ko nga kung may pagasa pa kong sumingit sa complicated na ligawan moment niya. and the expected reply nga. nalungkot ako pero hindi super super sad kasi inasahan ko na nga. pakshet sinabihan lang akong cute umasa na ako. haha feeling. ngar. pero sana maulit labas namin as friends. kung iyon lang ba ang kaya niyang maibigay e. masaya na rin ako run. :) at happy din ako na nagenjoy naman daw siya sa bonding namin. ang catch baka mas lalo lang akong magfall... ano te? semana santa? penitensiya ito? well bilang ganti, dapat hanapan niya ako ng boypren... dapat fratguy din..haha pero hindi na dapat mahilig sa chinito't chubby. at sana ako na ang ligawan pwede? hehe

Sunday, November 7, 2010

how to create a monster?

we can create a monster. actually creating a monster is as easy as reading a del monte kitchenomics instruction. lahat naman tayo gumagawa ng mga halimaw. either ginagawa natin ito sa ating mga sarili o sa ibang tao. minsan kilala pa ba natin ang ating mga sarili, baka gumising ka na lang isang umaga, kailangan mo na palang i-exorcise ang sariling demon. kaloka.

monsters are everywhere. they are not hiding actually. baka kaklase mo na, boss, kapit-bahay, best friend, jowa o baka yung taong nakakaharap mo sa salamin. it's not hard to spot one. kasi nga may boom ng population ngayon. haha.

well sabi nila bitches rule the world. sino ba ang gumagawa ng mga bitches na ito? naglipana sila diyan, either ang walang malay na striktong madre na hobby magcheck sa gate ng isang catholic school kung tama ba ang uniform at kapag mali, siguradong pahiyang pahiya ka sa buong campus. pwede rin ang boss mo o nanay mo na wala na lang nakitang tama sa'yo. pero madali lang naman gumawa ng monster na hindi mo na kailangan pang basahin ang frankenstein. so heto ang simple ways to create your monster!  follow these simple steps.
  • hanapin mo ang kahinaan niya, tapos doon mo tirahin ng palihim. halimbawa insecure siya, eh di tirahin mo lang mga insecurities nya pero dapat tunog na may care ka sa kaniya para hindi ka naman mean sounding.
  • abusuhin mo ang kabaitan. as in. para san pa at naging mabait siya hindi ba? 
  • deadmahin mo ang lahat ng ginagawa niyang maganda pero pansinin mo ang pagkakamali niya. bwahahaha. evil laugh.
  • ilalaglag mo siya (pwedeng literal) sa boss kapag may kaguluhan, para ang inaakala niyang sandigan at pundansyon ay magigiba na rin. 
  • paglaruan mo ang damdamin.
naku ewan ko na lang kung hindi pa siya magsnap dyan. haha naku hindi natin alam kung ano ang kayang gawin ng isang monster... so beware. ingat lang sa pagcrecreate, hindi ko alam how the moster will behave.

Saturday, October 30, 2010

wanted: borders?

madilim.
malamig.
isang anino ang hindi mapakali.

paikot-ikot si aiko sa kaniyang kama.
isang plywood lang ang pagitan ng kuwarto ng kaniyang kuya.
dalawa lang sila sa masikip na room-for-rent na yun.

pero hindi lang silang dalawa sa gabing ito.

paikot-ikot itong si aiko sa higaan.

sa silid ng kanyang kuya, paikot-ikot din ang kuya nito.
nagsisiksikan ang tatlong katawan sa maliit na kwarto...
sa pagitan ng plywood na yun, dinig na dinig ni aiko ang mga hininga.
hindi lang ng sa kaniyang kuya...
may dalawa pang hininga.

ang mga langitngit.

paikot-ikot si aiko.
tagaktak ang kaniyang pawis.
pero malamig ang gabi ng oktubreng yon.

pinapainit ng mga bisita.

ugong ng bentilador ang bumabasag ng katahimikan.
ngunit hindi naman tahimik...
nabibingi si aiko sa halinghing.
mga halinghing.

pinilit niyang takpan ang ulo ng unan.
pero hindi man niya marinig...
takot siyang pumikit.
kasi oras na pinikit ang mga mata...
makikita niya ang imahe ng tatlong katawan na nasa pagitan ng plywood.

paikot-ikot si aiko sa kaniyang higaan.
taas-baba. taas-baba. taas-baba.
pamilyar pero hindi niya kilala.
ilang gabi na rin siyang paikot-ikot.
sanay na sanay na na sa silid ng kuya niya may isa o dalawa pa ang makikisiksik.
pagkatapos, umaga na pero madilim pa,
dadaan sa tabi niya habang siya'y nagtutulugtulugan...
nagbubulungan... naghaharutan...
gusto niyang usigin.

ngayon nagdesisyon siya,
hindi na siya iikot ng iikot.
naubusan na siya ng pag-ikot.
napagod na siyang umikot.

dilat na dilat si aiko.
dapat naman kasi sanay na siya.
ilang tao na ba ang dumaan sa gilid niya.
ilang hininga na ang narinig?
pasinghap-singhap na mga hininga ng mga taong kasama ng kaniyang kuya.
tatlo sila ngayon. mas madalas kasi dalawa lang.
naririnig niya ang kanilang bulungan.
pigil na hagikgik.

nakatingin lang si aiko sa kisame.
makakaraos na naman ang kanyang kuya.
makakaraos din ang dalawang taong kasama nito sa silid.

mga pigil na hininga.


mga kalampag.
mga hindi sinasadyang pagtama ng katawan.
mga pigil na pag-aray. pigil na pagiingay.

pilit na pananahimik.
nakatingin lang si aiko sa kisame.
mga impit.
nanahimik din ang silid ng kuya niya.


gising pa si aiko pero pakiramdam niya binabangungot na siya...

katahimikan.
nakikiramdam kung tulog na ba siya,
para makalabas din ang dalawang lalaki na naging border nila...

***
word vomit lang...
babala: fiction lang yan. wag seryosohin. :p
attempting to write about the taboo. haha

Saturday, October 23, 2010

i love myself but who am i?



humarap ka sa salamin,gusto mo ang iyong nakikita at mahal mo naman siya...
pero ang tanong kilala mo ba ang reflection na nasa harapan mo?




i love myself but who am i?
hep hep, this is not the shet-hindi-ko-kilala-ko-ang-sarili-ko-and-im-confused kind of post.

***
im 23 and basically i know what i want, na ang gusto ko kapwa ko lalaki, mahilig akong kumain, gusto kong magkalaman ng kaunti pero naloloka ako sa tiyan ko, i know the type of films or tv shows na papatok sa aking panlasa, i love reading..  hukot ako at kailangan ko ng braces. loving my dimples. i hate maths. and the list about me goes on.

and i love me.

***
sometimes i do things na magugulat na lang ako na gagawin ko bigla. kung isa akong tauhan sa kuwento, i'm sure may mga idedelete na eksena na ginawa ko dahil sa pagka-out-of-character. but the point is ginawa ko...
and it's unusual.

parang may mga outbursts, may mga decisions at may mga random things na bigla ko na palang nagawa hanggang sa matitigilan na lang ako... shet ako ba yun? wow, nagawa ko yun? sino yun? multiple personality ba ito?

but i love it.

***
naalala ko nung bata ako ang dream ko maging computer engineer kahit na hindi ko alam kung ano ibig sabihin nun... tapos noong high school journalist, hanggang sa college writer na at field reporter. akalain mo na ang layo ng dream ko noong bata hanggang sa makapagtapos na ako?

dati hindi mo ako mapapakain ng talong at kamatis. well ngayon i love tortang talong at kamatis!

hindi ko rin naimagine noon na maiinlove ako sa subject na history.

may mga bagay din na napapashet na lang ako kasi parang ay nagustuhan ko pala si ganyan o wow hindi ko inexpect na gusto ko pala to noon...

ang saya lang dahil nagugulat na lang ako na may natutuklasan ako sa sarili ko.  kinikilala kumbaga...

***
sabi nila dapat daw bago ka humarap sa mundo, dapat kilalang-kilala mo ang sarili mo, naniwala rin ako dun. pero as i get older, mas lalo kong narerealize na shet hindi ko pa pala ganoon kakilala ang sarili ko. at sa tingin ko hindi naman yun kabawasan sa akin... kasama siguro yun sa pagdagdag ko ng edad. kumbaga sa magkarelasyon, maganda ang may misteryo... yung tipong may aabangan kang bago na hindi mo inaasahan. (pero weird pang sobrang bago yung tipong pagbangon mo wala ka nang maalala yun pala may split personality ka na. chos. wag namang ganung level.. haha)

masaya ako na magugulat na lang ako na "oh may ganoong side naman pala ako?"

well at least kung kinikilala ko pa rin ang sarili ko till now ang mahalaga hindi naman ako lito. at panalo talaga kasi baka bukas makalawa may panibago na naman akong matutuklasan patungkol sa sarili ko. i just can't wait. haaay i so love myself.... sino ka nga uli? :p

Tuesday, October 12, 2010

10.10.10.

10.10.10.
hindi na mauulit pang muli ang date na ito kaya siguro it was meant to be special.
hindi ko naman inasahan na this ordinary sunday will be worth remembering.

pagod.

nakakapagod tumakbo. actually mas maglakad. well hobby ko namang maglakad kasi bukod sa tipid masarap magmuni-muni kapag naglalakad. pero fun run kasi ang pinunta ko, meaning pagtakbo, hindi fun walk. well siguro 25 % lang ng 3K ang itinakbo ko. haha. bakit ba? para naman ito sa ilog pasig, so maglakad man ako o tumakbo, panalo pa rin naman si mother nature hindi ba? first time ko palang magfun run. not bad. pero nakakapagod.

pasalamat na lang ako hindi ako nagcollapse sa moa kasi hindi pa ako nakatulog nun. so dapat magpasalamat sa akin si inang kalikasan at pinagpalit ko ang tulog at pahinga para sa kaniya.

pero akalain mong in 5 minutes mararanasan ko ang isang pagod na kinabog pa ang pagtakbo ng kalahating oras? ito ay ang pumasok sa zorb. ito yung inflated ball na may tao sa loob na nasa ibabaw ng tubig. ayun ang goal mo lang ay magtatakbo sa loob. narealize ko na ang  hirap palang maging hamster. ibang klaseng pagod, at sa five minutes sa loob ng bola dinaig pa yung 30 minutes na itinakbo/inilakad ko ha.

takot.

well well sa wakas, nakasakay na ako sa space shuttle. sa pangatlong beses kong pagpunta sa enchanted kingdom, kahapon lang ako nakasakay sa roller coaster dun. grabe oa, after kong sumakay, may tulala factor. yun yata nararamdaman ng mga nagahasa. ibang klase... pero umulit pa kami. hehe. saya. pinaglaruan nito ang aking emosyon akalain mong in 1 or 2 minutes makakaramdam ka ng excitement, anticipation, fear, nervousness, jitters at fun all at the same time? 

first time ko ring magpaintball. aba aba. maaksiyong tagpo ito. at sobrang saya pero nakakatakot kasi naman baka matamaan ako ng paint ball at masakit daw tamaan nito. kaya kumusta naman hindi ba?

ibang klase din ang napagdaanan namin bago ang lakad ng ito. may deadline pa kasi kami ni nikki, na cobrainstormer ko sa isang show. so best in gawa kami sa kabila ng kaborlogan at para matuloy nga ang lakad. aba akalain mong isang oras yata kaming sumusubok magsend sa email ng boss namin? nakaligo na ako lahat-lahat hindi pa rin achib. so nauwi kami sa internet shop.tagumpay. pero katakot yun ha, parang ayaw kaming paalisin. hehe

pero wala pa ring mas tatakot sa biglaang meeting habang malayo ka sa lungsod di ba? :p

fun.

iba pa rin ang lakad na hindi pinaplano. bukod sa sure ka na sa tuloy na tuloy ito, hindi ka pa madidisappoint sa mga indecisive mong kaibigan na pabago-bago ang isip. kung tutuusin pwede na lang akong matulog pero  maganda kasing kunin ang pagkakataon na may wheels at may pera at pwede rin kaming lahat. so ayun tuloy na sa enchanted.

first time ko sa space shuttle, bumalik ang pagkabata ko sa bump cars, feeling bampira ako sa flying fiesta, ibang klaseng high ang anchor's away, uber panalo ang nakababasang jungle log jam at wild river rapids pero wala pa ring tatalo sa magical moment ng panonood ng fireworks.

hay kahit talaga pagod na pagod, hindi ko ipagpapalit ang araw na yun. siguro kung nagsasalita lang katawan ko, siguradong minura na niya ako. hindi ko pinatulog, pinatakbo ko pa, pinatuyuan ng pawis at binasa. tsk tsk. kaya paguwi ko inom agad ng 2 tablets ng vitamin c. haha. pero grabe. uber memorable. :)

it was a 10.10.10. to remember. and what made it special is dahil sa mga taong kasama ko. salamat sa mga katrabaho na kaibigan ko na rin. at least hindi kami nagusap tungkol sa trabaho.

***

wheels + spontaneity + lovers + joy ride + money + roller coaster = perfect barkada movie

Saturday, October 2, 2010

para sa taong tinatawag kong 'hoy!'

lumaki ako na lagi kaming nagaaway ng kuya ko. he's 26 at i'm 23. may tatlong taong age gap. isa siyang rakista, isa naman akong prinsesa. chos. haha grabe. hindi talaga kami close. siguro dahil bading ako and all. naalala ko noong elementary binubully niya kaya ako sa school. pakshet. haha tapos noong high school, nag-abot pa kami, first year ako siya fourth year, ayun kapag nagkakasalubong kami hindi kami naguusap, hindi kami nagpapansinan, parang hindi kami magkapatid no? haha then ayun. hanggang sa pacollege, nabawasan na away kasi syempre matanda na. oa naman kung magbebenggahan pa kami. hehe

hanggang sa may ilang bagay siya na ginawa na hindi ko inaasahan.

2003
kakauwi ko lang mula sa maynila.
christmas break nun. at extra special kasi for the first time narecognize yung so-called talent ko noon sa pagsusulat. nanalo ako ng karangalang banggit (honorable mention) noon para sa isang university wide literary contest sa uste (ustetika) kaya naman extra excited akong umuwi ng cabanatuan para ipagyabang sa nanay ko na bukod sa bakla ako may boyfriend pa akong dala. chos.

anyway take two, extra excited akong umuwi ng cabanatuan para ipagyabang sa nanay ko na nanalo ako sa isang contest. ayun deadma kasi sanay na sila na ang anak nila award winning (CHOS ulit.haha) anyway ayun syempre masaya kumusta naman kung palayasin ako di ba? hehe.

so ang point ng story, one time sa kuwarto namin ni kuya,  nanahimik ako, bigla siyang pumasok may dala siyang papel. sumulat daw ako ng tula. baka raw kasi gawin niyang kanta. 


pakshet. natats ako. haha ayun sumulat ako. about death daw. haha well hindi naman yata nacompose. hehe :p pero yung thought? wala unexpected.

ayun. the usual. hindi talaga kami close. pero itong si kuya hobby akong gulatin...

2010
umeere ang imortal the making sa snn. meron siyang comment na parang hindi naman ako sumang-ayon. haha syempre best in defend ako. nagkaroon ng debate. nagkapaliwanagan. naintindihan ko point niya. nagkaintindihan kami. oo. akalain mo yun nagkaintindihan kami. tapos sabi niya bakit hindi ko raw subukang ipitch yung mga gawa ko at 'magaganda' raw yun(yes kuya nabasa mo?haha pero hindi ba sinabi niya yun kahit wala pa nga siyang nababasa sa mga gawa ko ever) or bakit hindi daw ako gumawa ng indie baka yun na raw break ko. :p

dahil diyan next time, mga crushes ko namang boys paguusapan natin kung boto ka o hindi. char. haha well seriously hindi ko inexpect na sasabihin niya ang mga bagay na yan. i mean parang ang deadma ko lang na tao kapag nasa bahay ako. well mabait ako paminsan kasi binigay ko sa kaniya luma kong sketch pad dati. haha (magaling magdrawing kapatid ko at gumagawa siya ng komiks now. :p) its just that... feeling ko tuloy ang sama-sama kong kapatid. haha baka gusto niyang ipafeel sa akin na proud siya, na kahit ganito ako, masaya siya sa ginagawa ko. naramdaman ko naman. kaso sana next time ako naman, maparamdam ko sana sa kaniya na ako proud din na kuya ko siya at yes... matagal tagal ko na rin siyang hindi natatawag na 'kuya'. well mas kumportable pa rin ako sa "hoy!" :p

ps
may kapatid pa pala akong bunso na babae. haha hindi naman siya kasali sa usapan so bakit ko babanggitin? hahaha

Friday, September 10, 2010

alamat ng pagiging pasweet

innocence
is a term used to indicate a general lack of guilt, with respect to any kind of crime, sin, or wrongdoing.
in contrast to ignorance, it is generally viewed as a positive term, connoting an optimistic view of the world, in particular one where the lack of knowledge stems from a lack of wrongdoing, whereas greater knowledge comes from wrong doing.

ayon yan sa wikipedia.

well innocence. yan ang naging results sa akin noong inanalyse ako base sa aking sagot sa isang peer creative meeting minsan. nagulat ako. haha.hindi ko inexpect.. well for me i'm not that innocent.

it is generally viewed as a positive term, connoting an optimistic view of the world. 

well i think im innocent nga. haha.


may nagtanong sa akin sa formspring kung bakit ako nagpapanggap na inosente.hindi ako nagpapanggap. haha. well siguro umusbong iyon sa aking pagiging pasweet.

i. ayaw yan ni sister... not.

masasabi sigurong coming of age ang high school. sa catholic school daw ang pagaannounce na nanonood ka ng porn sa mundo ay taboo at ang topic ng sex ay mailap pa sa full moon (depende sa group of people na masasamahan mo. haha). well it is stereotyping na dahil nag-aaral ako sa catholic school kaya dapat sumusunod ako sa proper catholic student decorum. so not. haha.

ang journey sa loss of innocence ay hindi ganoon kadali. kailangan ng understanding people.infairness to me i'm so blessed with understanding high school friends (na uber close pa rin kami till now.) pero noong first year puro candy magazine ang makikita mo, usapang teleserye at showbiz chismis ang laman. hanggang sa mapabilang na ako sa barkadahan na hiyang ako na till now nga buo na kami.

things like watching porn while doing school stuff is kinda normal habang pinagtatawanan namin ang more wholesome member of the barkadahan habang nalulukring siya sa pinapanood. sa barkadahan kung kailan ka huling nagmasturbate is not a crime to answer at no qualms if you have different fantasies becuase your straight guy/gal friends understand you. hay i miss high school.

but of course all your secrets will all stay sa confines ng inyong tambayan, mananatili na lamang sa mga late night phone calls, intimate truth or dare groupies at sa mga boring days. malayo sa mata ng mga kaklase mong echosera.

ii. the pasweet teen princess is born

hindi ko alam. pagdating ko noong college natawag na akong pasweet hence the teen princess title. ewan ko. siguro demure akong kumilos. haha. or dahil sa mga pananaw ko sa buhay na they thought all rainbows at butterflies or dahil sa aking fun-loving attitude. but i don't know. isang freshman na demure, malumanay magsalita (me malumanay? haha) and pasweet.

basta sa college org ko isa akong pasweet. at nagkataon pa na ang dalawang kabertdey ko sa org, pasweet din. at dahil nagkaroon din ng badinggerling grouping, teen princess (sarah geronimo lang? haha) ang nabigay na title sa akin while sa ibang kasama ko drama queen, bitterbitch at action star. haha. and for all we know, kinikilos na namin yung mga label na tinag samin. haha. did we enjoy it? i think yes, somehow iyon ang naging identity namin.

not until naloloka na ako, kami... na in a weird way nakukulong na kami sa idea parang pati kami hindi na makaalis sa mga label na napunta samin. like magugulat mga tao kasi may ginawa akong unpasweet. haha. oh well in fairness to me, nakaalis naman ako sa pasweet image ko sa mga close college friends at orgmates. haha. though may natitirang pagkapasweet pa rin naman sa balat ko.haha. not until sa work ulit.

iii. pasweet forever

ayun sa work akala ng mga tao pasweet ako at inosenteng inosente. haha hindi ko naman sinasadya na iyon ang iproject kung image. well it exudes naturally. char. haha. well bahagi na ng pagkatao ko ang pagiging pasweet pero may pagkabastos naman ako. hindi lang siguro halata.

pero may theory ako. college ako nabrand as pasweet, i think it's my coping mechanism.hirap kasi akong magadjust sa bagong mundo at napansin ko iyon noong college, hirap akong makipagsocialize sa umpisa kaya tahimik, demure ang nagiging image ko. haha. but soon people close to me knows na balahura akong tao. hehe.

pero yes, im still full of innocence. :p ang dami ko pang sinabi? haha.

maganda pa ring may naiiwang ka-naive-an sa katawan di ba?

Thursday, August 26, 2010

in between 24 hours: hostage drama and the major major answer

in a span of 24 hours (well naalala ko previous post ko) nalagay na ang pilipinas sa international limelight. well negatively at positively.

one man tainted our image.
one woman gave hope.
one answer took our chances to take the miss universe crown.
one day of whirlwind events.

***

nasaan si noynoy noong mga panahong kailangan na kailangan siya ng mga nahostage? iyon na ang pinakamahabang eleven hours ng mga nasa bus na yun, nakababad sa telebisyon sa buong mundo hawak ng isang lalaki ang buhay ng 25 na pasahero.

nahihiya ako kasi ang palpak palpak ng mga pulis.
naaawa ako sa mga chinese from hongkong na bumisita lang sa bansa para magaliw-aliw.
naaawa ako sa mga domestic helper sa hongkong dahil sila napagiinitan ng kanilang mga makitid na amo.
pero masisisi ba natin sila? kung satin nangyari yun anong mararamdaman natin?
nakakahiya. nakakaawa. nakakaloka.

good luck sa ating tourism industry.
nakakainis lang kasi sayang ang ganda-ganda ng ating bansa. hindi niya dinideserve ang nararanasan niya ngayon. huwag sanang ipagdamot ang ganda nito sa iba...

***

kung may magtatanong sa akin on the spot kung anong biggest mistake ko sa aking buhay, matitigilan ako para mag-isip. malamang gaya ni venus rah, fourth runner up lang ang mauuwi ko.

naranasan ko lang yan kailan lang at kung tutuusin mas simple pang tanong kaysa sa tinanong kay venus raj pero grabe ang hirap sagutin... "what's your favorite movie?" ang hirap sagutin. ang dami ko kasing gusto pero isa lang dapat ang sagot. ang hirap.

kaya happy na rin ako for venus. 1999 pa noong huli pang nakapasok sa finals ang pinas sa miss universe.
ang hirap kasi ng tanong bilang personal ito compared to the other questions sa mga candidates.

***

congrats venus raj!

***

noynoy good luck, sobrang bagsak ka sa unang test mo bilang president.
bawi bawi ka naman ng major major.

Wednesday, August 11, 2010

sa isang araw

sa isang araw may 24 oras.
sa 24 oras may 1440 minuto.
sa 1440 minuto may 86, 400 segundo.

sa isang araw 16000 ang average na mga salita ang pwedeng sabihin.
aba isang radio drama rin yun at isang pocket book na kuwento.
at sa isang minuto kaya na nating makapagsalita ng mga 160 na salita.
ilang sentences na rin yun.
sa isang minuto pwede ka nang magkaroon ng kaaway o bagong kaibigan.


sa gitna ng mga segundo at ng mga minuto...
sa bawat letra at salitang nasasabi...
sa isang araw maraming pwedeng mangyari.

sa isang araw pwedeng magulat ka na lang wala na ang tatay at kapatid mo.
nabalitaan kasi namin na mula sa isang high school classmate na yung kaklase namin, namatayan ng tatay at kapatid. ayun binaril sa highway sa cabanatuan sa tapat ng isang tindahan ng motorsiklo habang nakasakay sa tryk.

nakakabaliw no? parang kanina lang kasama mo sila tapos magugulat ka na lang wala na sila.
wala na.
wala.

pero dahil ang pag-alis ay hindi rin naman nangangahulugan lang na tuwirang pagkabura ng tao sa mundo. minsan mas masasakit ang mga paghihiwalay na alam mong nandiyan lang sila pero hindi mo naman sila makakasama. paggising mo isang araw, iba na ang lahat. hindi na sila ang kasama mo.

sa isang araw, mawiwindang ka na lang sa paligid mo.
sa kabila ng hirap kong magtiwala at 'mahulog' sa tao agad, matindi rin akong maattach oras na nakuha ang puso ko. ang hirap talagang maglet go at makamove on. isama mo pa riyan ang pagaadjust sa pagbabago.

sa mundong aking ginagalawan, maraming pwedeng mangyari sa isang araw na ang pakiramdam ko na parang siniksik ang lahat ng pwedeng mangyari sa isang buwan.

sa isang araw, biglang ibang responsibilidad na pala ang dapat kong harapin.
at haharapin ko ito na hindi na kasama ang ilan sa mga taong nakasanayan ko na.
kaya ko ba ito? do i deserve this?

haist.
hindi ko makakalimutan ang isang buong araw ko ng martes.
nagising ako ng late dahil martes ng madaling araw may tinatapos ako na hindi ko naman makapitan.
martes ng madaling araw na puno ng agam-agam na pinawi sa aking pagtulog.
martes na puno ng pasabog at balita. siksik ang mga kaganapan.
martes na nadapa pa ako sa harapan ng mcdo. (potek.haha)

lahat ng iyan nangyari sa iisang araw.

hay, bukas, madilim ba bukas? sana hindi. alam kong hindi. dapat hindi. 
natatakot ako. nanganagamba. paano ko ito haharapin. kaya ko kaya?
alam ko naman na...

...sa isang araw kayang mawala rin ang lahat.

guess who's back?

ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in.  birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...