Showing posts with label year ender. Show all posts
Showing posts with label year ender. Show all posts

Wednesday, January 7, 2015

2014 is a bitch

hindi siya naging mabait.
sino

si 2014. 

kada palit ng buwan, laging binabaha ang newsfeed ko sa facebook na "*insert month here* please be kind. or sa tuwing sasalubungin ang bagong taon, may kalakip na pag-asa ang mga tao na sana maging mabuti ang new year. ang pathetic lang. haha 

pero minsan ang mga araw, buwan at taon pala talaga ay bitch. 
hindi ko ba siya nilambing kaya hindi siya naging mabuti sa akin? 

sa pagtatapos ng taon, lagi kong nilulook forward ang aking year end post.
gaya noong masaya kong 2013 na puno ng paglalakbay at paglandi
ang pagsurvive ng ating mundo sa end of the world noong 2012 na equally fun din naman.
so many firsts nung 2011. ang tuluyang pagsasakatuparan ng aking pangarap na nangyari noong 2010. 2009 naman nung sinundan ko ang aking puso sa aking pangarap, one year after graduation. super memorable naman sa akin ng taong 2008 dahil ito ang taon na grumadweyt ako ng college. oo matanda na ako okay? haha then yung ibang year enders ko noong 2007 pababa simula noong nagblog ako ay nasa multilply na nawala na. :( may pauso pa ako noon na year end awards na awarding the best and the worst of the year from tv shows, to films to life experiences. 

as i read my past yearenders, nalungkot ako honestly. hindi naman sila perfect pero masasabi kong 2014 ang pinakapangit sa kanilang lahat. sa totoo lang, mas marami pa siguro ang worst ang 2014 kaysa sa akin pero ewan, masasabi kong ang 2014 ay isang...

quarter life crisis. haha. i felt depressed, lost, confused and empty. last july, a death of an acquaintance made me realize death is really real and it can visit you any time. kahit anong edad mo. kahit kailan nito gusto. and i guess, that experience actually spiralled me down to depression. 

what if... 
hindi ako natahimik. lagi ko siyang naalala, kumakatok sa gabi, bumubulong sa katahimikan. natakot ako. paano kung sa'kin mangyari yun? sa totoo lang, ang balitang yun yumanig sa buhay ko. at ang weird dahil kung tutuusin hindi kami ganun ka-super close. ni hindi ko nga siya iniyakan. pero gumuhit sa'kin yung nangyari sa kaniya...

kaya naisip ko, ang aking year ender ngayong 2014 ay magiging iba sa lahat. ayokong isa-isahin ang mga bagay kung bakit hindi naging mabait sa'kin si 2014, may malalim na lungkot na hindi ko maintindihan. sa totoo lang naexcite ako noong mga huling araw ng taon, dahil sa wakas, marahil matatapos na ang kanegahan. kaya nagpasya ako na ang year ender ko sa taong ito ay isang new year resolution. hindi ako ang isang klase ng tao na gumagawa ng new year resolution dahil ayokong hindi ito tuparin, kaya usually mas 'wish list' ang ginagawa ko para hindi ako mapressure na tuparin sila. haha  

sa bagong taon, ito ang limang bagay na aking nais na gawin:

1. stop looking for love.

naglulumandi kasi ako this 2014. haha at napansin ko kasi, kahit na pilit kong i-deny at ipagkaila sa sarili ko, kapansin pansin sa mga posts ko noong nagdaang taon ang paghahanap ng lecheng pagmamahal na yan. at naisip ko, bakit ako naging ganun kapathetic? haha. dati hindi naman ako ang klase ng tao na inaasa sa iba ang personal na kaligayahan. pero marahil dala na rin ng mga ganap ng taon, naghanap din siguro ako ng taong kakalinga. yung taong nandiyan lang, makikinig. kaya kung saan-saan ako dinala nito, sa gym, sa sauna, sa grndr... ngunit lahat naman ay walang laman. walang kaluluwa. hindi totoo ang chika ni rihanna na you can find love in a hopeless place. haha. kaya naisip ko, bakit ko ba ginawa yun sa sarili ko? ang maglandi. ang hayaang makaramdam ng kawalan? 
kaya sinabi ko na ngayong taon, sisikapin kong magkaroon ng...

2. quality connection.

ibig sabihin, titigil man ako maghanap ng pagmamahal, hindi naman ako titigil makipagkilala sa mga tao. meaning, malay natin di ba? dahil walang pressure maghanap. yung chill lang. yung may makukuha ka pa rin sa huli, na magkaibigan kayo, na may bago kang karanasan na hindi lang kayo nagsex sa kama. at kasama na rin dito na maging choosy. haha. well hindi ko naman ikinaganda ang pagpapakachoosy pero kasi mas nakaka-empty lang sa feeling na makapatol lang. haha. so quality connection na rin yung gusto ko talaga di ba? nyahaha. pero  how can you be choosy when you're horny? charot. haha

pero hindi lang sa pagkilala sa mga tao ito. masasabi ko rin ito sa aking pamilya. hindi kasi ako close sa kanila. baka sakaling mas magandang kahit kaunti, magbuild na ako ng connections sa kanila. i mean hello. it's a no brainer. they are my family. 

3. pray.

isa ito sa mga tumatak na payo sa akin ng aking mga high school friends sa annual year end party namin. matagal na rin akong hindi nagkakaroon ng quality conversation with god. siguro dala na rin yun kung bakit nagkandaleche leche ang 2014 ko. namiss ko yung security ko pagdating sa relationship ko kay god. kaya this year, makikipag-usap akong muli ng taimtim sa kaniya.

4. be positive again.

i'm a realist person though positive thinker. nawala sa akin yun last year. kaakibat nito ang muli kong pagplaplanner. dati kasi hobby  kong magsulat sa aking planner, nagiging ala journal kasi siya sa akin at araw-araw sinusulat ko ang nangyayari sa akin at nakikita ko kung naging productive o waley lang ang araw ko. ngunit kung waley man, nakatulong ito na makita ang mga little things na nagpasaya sakin. salamat at may nagregalo sa akin nung witty planner. muli kong isasabuhay ang aking dating hobby at sa tingin ko makakatulong ito na maging positibo ako ulit.

5. invest

iniisip kong mag-invest financially. hindi na tayo bumabata. hehe.
invest din sa sarili at magbabasa na ako ng mga librong hindi na lang literature kundi academic na rin kahit wala na ako sa eskwelahan. part din sa investment ang health, iiwas na ako as much as possible sa junk food. no to softdrinks! :p pero yes to sweets. haha. ipagpapatuloy ko ang gym na so far, so good. hindi pa naman ako macho. haha 

hay. bitch man si 2014, syempre hindi ko naman siya kakalimutan
mas nakilala ko naman ang aking sarili, dahil nga ang daming panahon para magmuni-muni dahil well isang taon yata akong technically parang walang trabaho. haha nakaalis din naman ako last year at nakapunta sa baler pero wishing na sana this year muli akong makalabas ng bansa at maayos lahat ng aking financial obligations ng maayos. 

but i'm claiming it.

akin ang 2015. 

...ay baka sabihin ang damot ko...

sige take two.

atin ang 2015.

taon natin ito. :)

Saturday, January 4, 2014

ang kagila-gilalas na pakikipagsapalaran para sa mga kasagutang pinagkait ng matalinghagang swimming pool

hangin.

hinipan ako ng hangin. paangat. paangat hanggang sa kaulapan, kaunti na lang masasalat ko na ang kalangitan. walang tulog akong nakatingala sa langit, isang pebrero, buwan ng pag-ibig, humihiling sa mga nagliliparang hot air balloon na bigyan ako ng irog na magmamahal sa akin.

dinala marahil sa hangin ang daing ng aking pusong nagsusumamo, nais niyang tumibok sa taong kasing ilap, kasing lamig, ng hanging hindi makita pero nadarama... parang multong hindi matahimik sa gabing walang bituin.

feb 2013. international hot air balloon festival.
ang sabi ng hangin, hindi raw sapat na siya lang ang magdala ng mensahe. maglayag sa malayong lugar, higit sampung oras ang biyahe sa bus. makikilala ko run kung sino ang dapat kausapin. 

bitbit ang kaniyang payo, sumakay ako kasama ang dalawang kaibigan patungo sa malayong probinsya ng ilocos....

march 2013. vigan, ilocos sur
sa lumang kalye pilit kong pinagtanong kung kanino ako hihingi ng payo. ang sabi nila ay wala roon si manong tubig. dapat pumunta raw ako sa pinakadulo ng mapa sa gilid ng pilipinas. doon daw, makakausap ko si manong, laging naiinis sa mga sawing mangingibig. 

ilang oras pa, pagod na pagod, nakatagpo ko rin si manong. 
maalon siya at masungit.

tubig.

march 2013. pagudpud, ilocos norte

malayo at mahirap siyang datingin pero walang pakialam si manong tubig. ihahampas pa rin niya ang kaniyang alon sa kabila ng ganda ng panahon. hingi nang hingi raw ng payo bakit hindi raw kusang kumilos. ang alat na naman ni manong. padabog niyang binigay sa akin ang payong dapat kong sundin. 

dumayo pa raw ako sa mas malayong lugar. mas malayo pa sa kaniyang kinaluluguran. doon aking makikita ang kasagutan. 

matapos noon ay hindi na siya kailanman nakipag-usap pa sa akin. 

kaya muli akong bumalik sa aking kaibigang hangin.

march 2013. bangui windmills, ilocos norte
batid mo ba ang payo ni manong? urirat niya. wala akong masagot kung hindi ang pagsimangot. bago lumubog ang araw, hinaplos haplos niya ako at lumapit sa aking tenga...

pumunta ka sa isang kahariang minsang mayaman ngunit ngayon ay bagsak. 

tag-init pa rin noon, kasama ang mga kaibigan, naglamyerda kami patungo sa malayong malayong patay na kaharian. 

ang sabi ng hangin, ibulong ko rin daw sa mga diyos na nakaukit sa bato, sa templong punong-puno ng mga imahen ng mga diyos at diyosa na hindi ko naman kilala. ngunit ako'y nanalangin pa rin.

oh mga diyos at diyosang walang pangalan, bigyan niyo po ako ng taong magpapainit ng aking mga gabi. maglalayag sa ilog ng aking isip at magsusulsi ng aming mga panaginip. 

hindi nila ako maintindihan pero dama naman nila ang aking kahilingan. 

april 2013. inside angkor wat. cambodia. 
isang tulog lang, binigay nila sa akin ang kasagutan sa aking dasal. umibig ako. nakipaglaro at nakipagharutan sa magagandang tren ng bangkok. sa aking pagpikit, nakikita ko si tong ng love of siam o si shone ng crazy little thing called love. nagsasayaw kaming dalawa sa mga templo. sa siam square. 

hanggang sa nagising na lang ako. tapos na ang lahat. 

april 2013. bangkok, thailand.
umibig ako sa lungsod, siya ang minahal ko ngayong taon. pero kinailangan ko siyang iwan. dahil sabi ng hangin, huwag masyadong makampante sa mga taong puro magandang salita ang binubulong, iiwan ka rin nila. 

pero ako kaya ang nang-iwan. 

hindi yata kami para sa isa't-isa. wala ng naitulong pa sa akin ang hangin. 

kaya muli akong lumapit sa tubig... 


kuha ni lei v. june 2013. anvaya cove, bataan.
mas kalmado siya ngayon, pero ang sabi niya: hindi ako ang kailangan mo. wag kang masyadong magmadali sa kasagutan. may mga mga sagot na kailangan mong paghirapan. 

matalinghaga pala ang swimming pool, isip ko, ngunit sinunod ko pa rin ang kaniyang gusto at nagpakahirap. umakyat sa matatarik na bundok at hinarap ang matandang lupa.


my fave photo from last year! :)
july, 2013. batad, ifugao.
sa kaniyang ganda, madali akong nahalina. tila hindi siya tumanda ngunit ang edad niya ay lagpas libo na. mayumi ang kaniyang boses, tila laging nanghaharot. malandi pa sa babaeng makati pero ang puri ay kasing dalisay nang sa dalaginding na hindi pa dinadalaw.  

madali ka niyang mapapaibig, tila isang diwatang may kapangyarihang magpatibok ng pusong bato. 

hindi ka nadalian, pinahirapan kita sa pag-akyat, kaya bilang pabuya, iyong masasaksihan ang aking ganda. pagyayabang niya. 

na-bato-balani ako. namangha na lang at hindi na siya muling inusisa pa. 

inibig ko siya pero binigo niya ang puso kong sumisinta. 

tinanggap ko ito.  gusto ko mang magdalamhati, ang mahalaga sa kabila ng aking paghihirap, nasilayan ko ang kaniyang pambihirang ganda. 

hanggang sa aking pag-iisa, siya'y nagpakita...

gusto mo bang tumibok yan? asa akin ang sandata...


october 2013, hongkong.
nag-aalab ang kaniyang init. sumasambulat ang liwanag sa gabi. siya ang apoy. sumabay sa pagbabago, siya na raw ang nagkikislapang mga ilaw sa mga gusali. 

naghahanap ka bang muli ng pag-ibig? magtitiwala pa bang muli sa mga payong magpapaasa lang sa'yo na nandiyan lang siya sa tabi? wag kang hangal. wag kang tanga.

paglaruan mo lang ako, sa panandalian, iyong mararamdaman ang aking init ng pagmamahal. 

hindi ba't iyon  naman ang payong pinakamadaling sundin?

kaya tanong sa akin ng aking kaibigan, ngayong 2013:
nagmahal ka ba o lumandi?







lumandi.


***
happy new year. happy 2014. okay naisip ko kasi infair naging gala ako sa 2013 at naging memorable ang taon dahil sa mga lugar na aking napasyalan. so sila na lang ang ibibida ko sa aking year ender. more travels to come... sana this year. lol. 

guess who's back?

ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in.  birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...