Monday, June 18, 2007

anatomiya ng pagdadalaga

I.

wala akong masyadong maalala nung bata pa lang ako. basta sa pampanga ako pinanganak at tumira kami sa quezon city dahil doon nagtratrabaho nanay ko at habang si papa(ama ko okey.hehe) ay ofw sa saudi arabia. may kuya ako. 4 years ang tanda sa akin at well ako pa ang bunso noon. simple lang ang buhay pero naalala ko napapaiyak ako ng mga pinsan ko noon dahil hinaharot nila akong bakla! wahaha... kaya hindi ako adong malapit sa mga pinsan kong mas ahead sa akin sa mother side dahil dun. aloof talaga ako hanggang ngayon sa kanila. so kaya may bahid nang pagkapamhin ang aking buhay. kasi naman dahil lalaki ang kapatid ko, isahang bili na lang ng mga laruan sa amin... lego, family computer, mini-car, baril-barilan, robots etc. etc. so syempre bagets pa lang ako boy toys na ang nilalaro ko. so ayun. prep ako nang lumipat kami sa cabanatuan city. doon naalala ko na na kahit mga trabahador namin hinaharot ako ng bakla! (hayop! kung alam ko lang pinasisante ko na kayo! chos) iyakin ako nung bata! grabe! syempre no murang isipan at alam ko nun sa sarili ko na hindi ako bading kasi may cursh akong girl nun! haha.. at alam ni mama at kuya kung sino siya. at dahil nga ayaw masabihang bakla, hindi talaga ako naglaro ng gurly stuff... hanggang sa...

II.

grade school na. ayun hindi na ako bunso after seven years na pagiging beybi ay pinanganak ang kapatid kong girl(ayan balanse na, lalaki then gitna ang bading then babae.hehe) ayun.. gradeschool may mga crushes pa rin akong girl. every year yata nagpapalit-palit ako ng crush na gelay! haha. mga friends ko mga lalaki pero syempre may mga girls din. haha. nilalaro ko pangboys pa rin... patintero, putubong 1 2 3 at kung anu-anong habulan. pero naalala ko grade school na rin ako tumikim ng larong pambabae. haha. nagpipiko na ako, jumping rope(na nagchampion ako nung intrams namin nung grade 5 yata.haha at may jollibbee as a reward ko kay mama.hehe) 10, 20, chinese garter at higit sa lahat... jackstone! ay take note na master ko na ang jack stone at mga exhibition dito! haha. kalaro ko pa tatay ko nung umuwi na siya dito sa pinas. haha. ayun... pero lalaki pa rin ako haha. hanggang grade 6 may crush pa akong girl at alam ko nun malambot na akong kumilos at wala pa akong crush na boylaloo noon. pero i think hindi ako naging in denial, confuse siguro? basta ewan. hetong si kuya binubully ako at isa raw kasi akong gaylaloo.

III.

high school heto na ang turning point! ang aking pagbloobloom i think.. nung first year high ang huli kong crush na gelay at classmate ko haha.. pero doon ko rin lubusang natanggap na isa akong dalaga. narealize ko rin siguro na noon pa siguro at ayaw ko lang talagang tanggapin ang tadhana. ayan may mga crush na akong mga boys ahihi. pero never akong nagkaboyfriend... virgin pa tuloy ako(totoo.)... masaya naman ang gay life ko. sa mga kamag-anak lang ako nakakaramdam ng discrimination. tanggap naman ako ni mama at ni papa(i guess) at ni kuya at ni bunso. dahil kung hindi "tse!" yun ang masasabi ko sa kanila haha. pero dahil nga panlalaking lifestyle ang kinalakhan ko, hindi ako marunong mag-make-up, hindi malambot ang beywang ko sa pagsayaw, wala akong fashion sense at hindi ako uber girly na mukha tuloy ako minsan pamhin(please iam not). at homophobic ako.chos. takot kasi ako sa mga palengkerang bakla at mga uber uber faggot. as in. naiilang ako pag ganun. masaya ang high school life ko. dito ko nakilala ang mga bespren ko na mga babae, ilang lalaki at isang bading... well i think ang real bloom ko ay sa college..

IV.

oh my college life! shet napagcross dress ako rito dahil kailangan sa organisasyon namin! kung hindi ko lang mahal ang mga taong iyon hindi ko yun gagawin! haha. mga closest friends ko pa rito kung hindi bakla, babaeng bakla! haha kaya todo saya na ang buhay. uber gayest kung baga. dito ko rin nasabi sa mga pinsan ko ang real me... kasi naman nag-arrive mga pinsan ko from london at for 10 years na nilang hinihintay pag-a-out ko. duh? alam naman na nila eh. hindi ba nila alam kung gaano kahirap sabihin sa mga taong ayaw mong sabihan? hay ayun... heto now im still okey about my sexuality. masaya ako na ganito ako. i discovered myself and im happy about it na and i have no qualms sa aking gender. though, in discovering the real me ay kasama na ang mga lessons na talaga namang tumatak sa akin gaya ng life is unfair, hindi rin nagwowork sa akin ang saying na there's no impossibilities sa love, makikitid ang nagiisip na masama ang maging bakla... now, my journey ay talagang nagsisimula pa lang. kung baga sa aklat, prologue pa lang ang lahat dahil ang tunay na buhay ay magsisimula paglabas ko ng paaralan.

...

kung bibigyan ako nang chance mamili ng gender sa next life ko anong pipiliin ko?

sagot: siguro lalaki (hindi dahil sa pamhin ako or something) dahil siguro mas alam ko na kung ano talaga ang tunay na pagpapakalalaki matapos kong maranasang maging binabae. besides after kong danasin ang maputik na daan ng pagdadalaga, siguro mas madali na ang pagbibinata. hehe.

(pero mind you straight out-there... masayang maging bading. no regrets.)

2 comments:

  1. this is one hell of self realization, i luv reading ur life here... kaya lang puros pintas frm your pinsan... Glad ur Ok now! ;-)

    ReplyDelete
  2. whoa! nahalungkat mo pala ang mga old posts ko!

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

guess who's back?

ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in.  birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...