Wednesday, June 6, 2007

bakit hindi pa rin tayo maunlad?



ang pilipinas ay masasabing nasa magandang location sa asia. isang gateway kung saan dinadaanan ng mga bapor na pangkalakal at masasabing busy sea highway ang ating karagatan.

bakit hindi pa rin tayo maunlad?

ang pilipinas ay mayroong 7,000 plus na isla na mayaman sa likas na yaman. mararaming magagandang tanawin na sikat dito at sa buong mundo. dinadayo sa angking ganda... maraming turismo ang pwede pang makasilip ng ating mga pinagmamalaking tanawin. ang ating mga bulubundukin at karagatan ay maraming tinatagong mga yaman...

bakit hindi pa rin tayo maunlad?

ang pilipinas ay mataas ang literacy rate, sa katunayan, isa sa mga pinakamataas sa asya. kaya nating magsalita ng ingles na higit na magaling pa kaysa sa ibang lahi. nasa atin ang apat na pinakamagagaling na unibersidad sa mundo at talagang hindi matatawaran ang ating mga scientist sa pagiimbento ng mga bagay at matatalinong mga estudyanteng umaani papuri sa ibang bansa...

bakit hindi pa rin tayo maunlad?

ang pilipinas ay may mga talented na tao. mga ofw na pupumunta sa ibang bansa para ipakita mga kakayahan nila. may mga humahataw tayong performers sa iba't-ibang panig ng mundo at mga propesyonal na tumutulong na ibahagi ang kanilang kakayanan. ang ating mga director na sinasalamin ang ating buhay dito ay pinapalakpakan din sa ibang bansa.

bakit hindi pa rin tayo maunlad?

***

bakit nga ba? siguro ang sagot marahil ay dahil sa graft and corruption pero ako? i think its because of our lack of unity. feeling ko yun lang naman ang lulutas sa problema nating lahat. kapag tulong-tulong tayo siguradong masusugpo natin ang kahirapan at lahat ng kaakibat ng mga problema nito.. hay ganito talaga nagagawa kapag nag intern ka sa news and current affairs... haha.. mas nakikita mo kasi ang mga bagay-bagay... hay... nakakafrustrate lang kasing isipin na kung tutuusin kaya naman talaga nating mabuhay ng maganda kung gugustuhin natin. hay... grabe pero feeling ko sa younger generation talaga magmumula ang initiative kasi mas open, mas may pakialam, mas may concern at may nationalistic ang ating generation compared to the older one.. hehe... aminin natin iyan. im looking forward for it... hehe..

***

fight poverty, kill the poor.
chos.
baka mapatay din ako. haha

4 comments:

  1. lets just sell ourselves back to the americans. that way we can all be out the country in no time

    ReplyDelete
  2. para kay pilospikal bastard--matagal na nating naibenta ang ating sari-sarili sa mga kanong yan. wala nang naitira sa atin. kung magkakainteres man ang mga kanong yan sa pilipinas ay dahil maganda ang lokasyon ng bansa para kanilang maitulak ang pansariling interes sa asya.estratedyik kumbaga. saka isa pa, marami pa pala tayong mina. mina na ngayon ay pilit na isinasalsak ni gloria sa mga kano at mga awstralyanong yan na kung pupundo man ng pagmimina dito sa bansa ay mag-eenjoy naman sa ilang taong tax holiday. aba! para tayo nitong mga puta na pwedeng utangin ang bayad--swerte na lang kung mababayaran talaga.

    ReplyDelete
  3. ewan ko nga ba?
    ndi kasi makuntento ang tao kung ano ang meron siya..
    may kinakain ng ice cream hawak sa kanang kamay, gusto pang kunin ang ice cream ng bata sa kabila!
    LECHE!
    let's just be all positive about our future..
    kaya yan!

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

guess who's back?

ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in.  birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...