mahina ang hum ng tv habang sinasabayan ito ng mga kokak ng mga palaka sa tag-ulan. malalim na ang gabi at nalulunod na ang karamihan sa kanilang mga panaginip. nakatutok pa rin ako sa telebisyon, magigising si inay. tila binangungot ako habang nagising.
"may pasok ka pa bukas! patayin mo na yan!" bulyaw ni ina.
wala akong magawa kundi pindutin ang power button. pag-akyat ko sa kuwarto namin ni kuya na dadatnan ko na siyang tulog sa kaniyang kama. mahihiga ako sa aking bed, mapapatingin sa bintana, pagmamasdan ang ilaw ng poste sa labas. nakadilat lang ako. naglalaro ang isip. hanggang sa makatulog ako at mapanaginipan ang isang manananggal na nagpupumilit pumasok sa bintanang aking minamasdan.
uwing pokpok
high school, parang kasalanan sa akin ang umuwi ng bahay ng may araw. siguro ilang beses kong pinag-alala ang aking nanay dahil lagi akong late umuwi. pati mga magulang ng mga kabarkada ko naloloka dahil kung tumambay ako sa kanila hanggang madaling araw na. gusto ko pag uwi ko tulog na ang lahat. ako na lang ang gising.
pag-uwi ko hindi pa ako matututulog. magbabasa pa ako ng w.i.t.c.h. o ng goosebumps or charmed. musika sa akin ang huni ng mga kuliglig o ng mga butiki sa gabi. tahimik. may panaka-nakang tricycle na humaharurot sa kalsada. pakiramdam ko ako ang buwan... o kaya'y isang bituing walang ningning. chos.
kalayaan
pagsapit ng college, sa maynila na ako nag-aral. mas naging malaya na akong umuwi ng madaling araw. naranasan ko ring manirahang mag-isa kaya mas lalo kong naeenjoy ang mga gabing ako lang mag-isa kapiling ang mga paborito kong midnight snack na cup noodles or mga tinapay na binili mula sa panederya sa kanto.
medyo natakot din ako nung una, kasi naman sa probinsya kapag nanonood ka ng balita ang laman mga krimen at holdapan sa kamaynilaan ang nagaganap. well well eventually mas nanaig pa rin ang pagmamahal ko sa gabi. mas gusto kong maglakad sa kalsada na puno ng maliliwanag na poste. makasalubong ang mga puta o mga adik. o dili kaya'y mga call center agent na papasok palang.
naranasan kong mapagsarhan ng gate. at makagilitan ng mga tiyahin ko dito.
pero nanay ko nga hindi ako napigilan maglamyerda sa gabi, sila pa kaya? hehe. nagpatuloy ako sa aking affair with the night. pakiramdam ko aking kapatid ang buwan at ang mga bituin.
in love with midnight
siguro tumingkad ang fascination ko sa gabi dahil sa hilig ko sa supernatural lalo na nung bata ako. mas night person kasi ako at mas gumagana ang isip ko kapag gabi. kaya ayan baliktad na tuloy ang mundo ko. gising sa gabi, borlog sa umaga. unless may meeting. lol. bampira na ang peg. iniisip ko nga baka laos ang pagigym kung late naman matulog kaso nakakakuha naman ako ng hustong tulog so baka achib naman. hehe
i love the feeling of mystery pag gabi. ang sexiness na pwedeng mangyari sa dilim. ang power ng buwan at ang mga kahilingang naiipon sa gabi. haunting. magical. whimsical. parang posibleng mangyari lahat pagsapit ng dilim. it's naughty. it's not boring. minsan iniisip ko, parang ako lang ang gabi... maraming tinatago, maraming kinukubli...
![]() |
| nagpatattoo ako last year! :p |

Ikaw na ang Dyosa ng Dilim! Ay mali, ano na lang... Uhm, Ambassador of Darkness! Oh diba. :P
ReplyDeleteAng gusto ko sa gabi ay mga inuman, sleepovers, night-outs, at ang pagmasdan ang city lights mula sa isang mataas na gusali. :)
Nice tattoo! Masakit ba? I'm thinking of getting one too. Seryoso. *heehee*
bwisit ang ambassador of darkness. haha kita mo na hanggang ngayon dilat na dilat pa rin mata ko. lol
Deleteay winner ang sleepovers at ang pagtingin ng city lights. peyburit ko rin mga yan. haha
parang kagat lang ng langgam.... ng maraming langgam! ahaha pero keri lang. natitiis naman.
...at hindi pa rin ako makarekober sa interview mo kay iskwater. :) nakakakilig. hehe
Papa-tattoo din ako. Buong alphabet, sa birdie ko. Pa-spiral mula ulo hanggang balls. Ay, ang halay! *hahaha!*
DeleteOi may TF yun ha. Ipa-Western Union mo na lang. Cash. Lols.
ang bastos. bawal yan sa religious blog ko. chos. haha
Deleteflying kiss na lang pwede? haha
Oops. Sowi. *hahaha!*
DeleteO siya, ipa-LBC mo na lang. :P
dapat ang pangalan mo ay luna.
ReplyDeleteGusto ko yung pattern malalim.
Pareho tayong nigh person pareho tayong late na umuwi simula nung high school pa at pareho tayong mahilig gumala sa gabi.
Minsan may mga pagkakataong gusto ko lumabas ng madaling araw para lang mag kape or gumala kaya lang walang maaya wala na kong mga kaibigan e busy na sila lahat o umalis na ng bansa
kape nga tayo. Charot!
At higit sa lahat....
Pareho tayong may tattoo
Sabi nila ang mga nocturnal daw malalim....
DeleteMalalim ang keps. Choz!
Seriously malalim daw talaga
Ang eyebags. Charot!
Totoo na malalim daw....
Ang boses! Char! Ang hyper ko lang. Hahaha
Totoo na talaga. Ang nocturnal people daw malalim...
Malalim mag isip
hanep ang segue mo sa kape sa unang comment ha. haha
Deletemasaya sa gabi. masarap rumampa. yung thrill at yung kaba dahil hindi mo alam kung anong naghihintay sa'yo sa dilim. hehe
anyway talaga ba? malalim daw mag-isip ang mga nocturnal? eh kasi tahimik sa gabi kaya gala ang utak. hehe
Siguro ganun na nga tsaka yung pagka mystical ng gabi, yung dilim, yun katahimikan, yung peace parang.... nakaka elya. choz!
DeleteSiguro nga dahil sa katahimikan ng gabi kaya isip lang ng isip mga nocturnal people. Imagine mo kung sa umaga or tanghali ka mag isip ma-aasar ka lang sa mga tao sa paligid at sa init ng araw. lels
sumagot na ko sa kembot :)
yieee. nagbabasa ka rin pala ng w.i.t.c.h. hahaha sinubayayan ko un. paborito ko pa si irma. ung water guardian. hahahaha
ReplyDeleteako nman di kaya magpuyat ng ganyan. hahah. bagsak na ako sa tulog ng mga 11pm. di ko keri. haha.
oo noong dalaginding pa ako binabasa ko yun. haha si cornelia fave ko pero bet ko rin power ni hay lin na wind. haha
Deletehaha masarap din naman matulog. hehe
Ikaw na si Knight of the Moonlight o kaya Tuxedo Mask. O mas bet mo si Sailor Moon? O kaya Sailor Chibi Moon? Sensya, mema lang. Memacomment lang. Kasi naman, alas diyes pa lang ng gabi, tulog na ako. At alas singko ako nagigising pag weekday, at alas sais naman pag weekends. Bakit ko ba sinasabi to. Memacomment lang talaga. Pero ang nice ng tattoo! Yan na lang ang comment kong maayos. Kthxbye.
ReplyDeleteHahaha! Tawa ko dito
DeleteRegular early birdie pala si Javes. :P
Deletetaray. haha uy masarap din namang gumising ng maaga. namimiss ko rin naman minsan ang simoy ng umaga, yung dampi ng fresh morning air at ang tama ng haring araw sa iyong balat.
Deleteang imagery sa'kin ng umaga ay ang pagwawalis ng lola ko o tiyahin sa bakuran sa probinsiya. o ang potpot ng puto't kutchinta. ang mainit na milo o kape at masarap na pan de sal. hehe :)
Wag mong kalimutan ang cute na magtataho. Hihihi ;)
Deletebwahaha naman!
DeleteAng galing galing ng last paragraph mo, ganyang ganyan din ang thought ko tungkol sa gabi. Parang ang daming pwede mangyari, very promising. Kaya favorite ko ang moon, as it symbolizes the night :)
ReplyDeleteApir dyan, fellow night lover! :)
Eerie yet mystical *winks*
Deletedapat may camp tayong mga night lovers! haha rampa rampa sa gabi levels. hehe
Deleteoo, iba talaga ang gabi. ang payapa at the same time, ang dangerous din. hehe
hahahaha! baka iba naman maging itsura natin niyan. natawa ako sa rampa
Deletebaka mag muka tayong baklang naghahanap ng aura sa gabi. Hahahaha! shet
ay di ba yun nga? hanap ng aura? chos. hahaha
DeleteOh no! my virgin pores.. can't be di ako makakasama. Lol
Deletehindi na ako night person ngayon... simula nung maranasan kong maging day-walker, nahirapan na ako sa buhay vampire lolz.
ReplyDeletehahahaha day-walker ala true blood ba? ilang galong fairy blood ba yang nainom mo? lol
Deletehmmmmm isang baso lang... on the rocks lolz.
DeleteRelate much sa in love sa midnight....hehehe...
ReplyDeletesaya no senyor iskwater? iba ang magic na hatid ng hatinggabi at ng madaling araw. :)
DeleteAko rin mahilig maglakbay sa gabi magpapavictim sa mga uhaw, hahaha! Gusto ko talaga na gabi ako nirarape sa damuhan mas kapanapanabik lalo na pag buwan lang ang saksi, hehehe!
ReplyDeletetaray gusto mo pa cinematic ang rape scene mo ha! lol
DeleteHindi masyado basta ang bida ay ikaw at ako, pasok na!
ReplyDeleteilaban mo yan. ehehe
Delete