
pumunta ako ng quiapo kanina kasama ang friend ko na si mrs. j para ipadevelop ang aming photography project... well flop! haha.. well masaklap ang buhay pero we have to move on. anyway quiapo ang napag-initan kong i-blog ngayon...
quiapo in my eyes
bilang isang harry potter fan, nakikita ko ang quiapo bilang isang buhay na diagon alley at knockturn alley. (sa mga hindi hp fan, ang diagon alley ay ang palengke ng mga witches at wizards, samantalang ang knockturn naman ang black magic market.) kung anu-ano ang mabibili mo sa quiapo mula sa piratang dvd, pagkain, damit hanggang sa sex toy. well not to mention ang mga anting-anting at pampalaglag sa paligid. isa siyang diagon alley sa naunang mga items na nabanggit at kaya knockturn dahil sa huli.
isa rin siyang malaking peklat ng maynila. well masasabi kong sinasalamin ng quiapo ang kulturang pinoy (na after magsimba ay pwedeng magpahula sa labas mismo ng simbahan) pero makikita mo rin ang kahirapan nito. latak ng lipunan kung baga. pero enjoy magtrek sa quiapo ha? may adrenaline rush dahil any time pwedeng may humablot sa iyo. excitement at adventure kung baga. good luck talaga sa dumi ng quiapo...
***
how to survive quiapo
1. magdala ng panyo, bimpo, tuwalya o kung ano man basta mapahid mo lang pawis mo.
2. huwag magdala ng alahas at kung anu-anong gadget kung ayaw mong si manong magnanakaw ang makinig ng cristina aguilera songs sa ipod mo. (or baka maging text mate pa kayo sa near future)
3. magdala ng pera. pero wag naman sampung libo. ano yun? bibilhin mo ang buong quiapo?
4. maging masigasig, maligalig, may pananalig at ... (wala na akong maisip na -ig ang ending.)
5. dont use the words "kulam", "pirata", "bastos" at "pisante". baka makita kang lumulutang sa pasig river kinabukasan.(taray anak ng pasig ka na! weh. hehe)
***
credits
salamat kay kei hanazawa para sa isang nakakatuwang header! salamat talaga. bow.
KC, I love Quiapo. Nung tumira ko sa Espana last year, every weekend pumupunta ako ng Quiapo para lang mamasyal. Naaaliw ako sa place kasi like what you said, dun ko lang nakikita yung true Pinoy culture na nawawala na sa ilang lansangan sa Maynila.
ReplyDeletePara sa akin, hindi peklat ng Maynila ang Quiapo, kundi isa itong lugar kung saan mo makikita yung tunay na kalagayan ng Pilipinas. At kung tutuusin, halo-halo na rin mga tao sa Quiapo, kaya sobrang diversed ng kultura na makikita mo dito.:D
Back when i was in Manila i used to walk the sidestreets of Quiapo and never naman akong napano. Pero hindi ko na sinuong ang kaloob-looban nito dahil na rin sa takot na hindi na ko makita.
ReplyDeleteAs far as being a peklat, hindi naman siguro. Ano lang.. almoranas.
actually marami lang akong reklamo sa quiapo... pero yeah! of course i love quiapo! as in! kaya nga the more you hate, the more you love di ba? hehe... nakikita ko lang ang kapangitan niya pero well i love it. at di ba yun ang tunay na pagmamahal? nakikita mo ang tunay na anyo? haha quiapo pa ba pinag-uusapan natin? hehe
ReplyDeletemy memories of Quiapo, aside siempre kay senor Nazarenong itim, yung patahian ng sari-saring levis jeans sa may ilalim pass na daanan ng tao (wala na yata to ngayon) at papuntang kaunti duon sa ilalim ng tulay, ang sari-saring native souvenirs lalong lalo na para sa balikbayans! hmmmn, makadaan nga ulit dyan sa Quiapo at maglakad ng nakaluhod, hehehe.
ReplyDelete@josh: bastooos. =p
ReplyDelete