lumipat kami sa cabanatuan noong magpreprep ako. galing kaming quezon city nun at doon nga nadestino si mama para magwork. so ayun. till highschool doon ako nag-aral. actually dalawa ang aking probinsiya, ang nueva ecija at ang pampanga. isa akong confused barrio lass? isa akong kapampangan trapped in a tagalog-and0ilocano-infested province? mahabang kuwento. sa ibang blog na iyon.
anyway ang point noong first year college ako ganito lagi takbo ng usapan:
classmate: uy san province mo?
ako: cabanatuan city...
classmate: sa mindanao ba iyon?
ngar. dont you know your geography?
classmate2: ano iyon? nagbabarko ka pauwi?
ako: nye? 3-4 hours lang kaya biyahe dun by bus. lagpas lang iyon ng bulacan.
or
classmate3: san cotabato?
ako: cabanatuan city...
classmate3: ahh cabatuan...
nyeta.
mas worse yung naencounter ng friend ko... tinanong siya kung may kuryente ba sa cabanatuan.. napa-gago-yun-ha ako. hello? city nga eh, mas nauna pa ngang maging lungsod ang cabanatuan kaysa antipolo! heller? well kahit nueva ecija minsan hindi alam ng mga tao. hay. kaloka. wala ba silang natutunan sa sibika at kultura? kung hindi nila alam ang cabanatuan or nueva ecija, paano pa ang pinakabagong province na sharif kabungsuan? o mas lalo na ang fiji island na sa bandang batanes?
ang cabanatuan city ay isang highly urbanized city since 1998 at naging capital of the philippines noong 1899 dahil minove ni aguinaldo ang first philippine republic capital from malolos to cabanatuan. ito ang provincial capital ng nueva ecija dati pero nilipat sa palayan city noong 1965. pero sa ngayon ito pa rin ang economic hub ng province at kinikilala ang mga tricycle dito bilang hari ng kalsada kaysa sa mga jeepney. binansagan nga itong tricycle capital of the philippines eh dahil mahigit 30,000 ang registered tricycles dito. malalaman mong registered sila dahil puti ang paint nila, pag hindi puti, surely, colorum ang trayk na sinasakyan mo! medyo naging maingay ito noong 1990 nang salantain ito ng earthquake, 7.7 sa richter scale na kumitil ng buhay(good thing nasa quezon city pa kami nun! haha). kung gusto niyong bisitahin ang cabanatuan... uhmm wag na kasi wala siyang tourist spot! haha. pero masarap ang longganisa dun. kaloka rin yung kasal,kasali,kasalo (ryan and juday film), binaboy ang cabanatuan dun! haha.
why see cabanatuan?
1. nice people
2. simoy ng hangin
3. minsan may isang tulad ko ang tumapak sa mga kalye nito.
4. lahat ng tricycle puti.
5. may drama sa pulitika. patayan kungbaga.
taga-cabanatuan ka din?
ReplyDeletedi ako taga-doon eh. Wahehehe!
Heypi, berday!
tanggalin mo nga tong word verification na to, para saan ba ito? nagcomment na nga ako, papahirapan mo pa ko.:)
yap! haha.
ReplyDeletesige tatanggalin ko na! pahirap nga naman!
hey..
ReplyDelete