noong 2002 sa aming highschool library doon ko siya nakilala. dinala niya ako sa mundong inakala ko na sa panaginip lang nabubuhay. masasabi kong binago niya ang aking simpleng buhay. sa pagpasok ko sa kaniyang mundo, hindi ko inaasahan na hindi lang pala puro ligaya ang lahat. kailangan ko rin palang maniwala sa sobrang kasamaan... sumama ako sa kaniya mula sa tren hanggang sa kastilyo. nakilala ko ang dalawa niyang pinakamatalik na kaibigan at mga taong nakasalamuha niya. natakot man ako, sumama rin ako sa isang lugar na kung saan may asong may tatlong ulo, mga chess na gumagalaw at mga nakamamatay na halaman para lang makuha ang isang bato. hindi lumaon, sinamahan ko na siya sa kaniyang buhay. nakisakay sa lumilipad na kotse at nasindak sa isang lihim na lugar kung saan may malaking ahas na kaya kang gawing bato. gusto ko ring tumakas pero hindi ko magawa... hindi ko siya kayang iwan. tapos nakisimpatya ako sa kaniya noong may nakawalang kriminal na nais siyang paslangin. sabay naming tinahak ang landas na malaman ang katotohanan sa huli. ninong pala niya ang nasabing kriminal at hindi pala tunay ang mga paratang sa kaniya. naging masaya ako para sa kaniya kasi natagpuan niya ang isang pamilya na kakalinga sa kaniya. pagkatapos noon sinamahan ko rin siya sa isang matinding pagsubok ng siya'y makasali sa isang patimpalak na halos ikamatay niya. doon sabay naming natunghayan ang pagbabalik ng pumatay sa kaniyang mga magulang. ibang takot ang naranasan ko noon at nasaksihan pa ang pagkamatay ng kaibigan. kaya naman sumama rin ako sa isang lihim na samahan para matalo ang kadiliman. panibagong pagsubok ang kinaharap niya ng pinagkait sa lahat ang katotohanan. pinalabas na siya'y nababaliw lamang at ginagamit ng isang matanda. ngunit sa wakas, nalaman din na totoo ang lahat ng kaniyang sinasabi... hanggang sa isang dagok ang talagang nagpabago ng aming buhay. namatay ang isang matanda na gumabay sa kaniyang panibagong buhay. hanggang sa huli... sinamahan ko siya... sinamahan ko siya sa kagubatan... sa sementeryo.. sa dati nilang bahay.. sa kaniyang paaralan... sinamahan ko siyang puksain ang matagal ng kalaban... hanggang sa huli hindi ako bumitaw sa kaniyang kuwento... hanggang sa huli... 2007 nang sinara ko ang huling kabanata ng kaniyang buhay. salamat sa pagdadala sa akin sa mundo na pinangarap kong puntahan... salamat harry sa pitong taon na pakikipagsapalaran.

***
emotera! hehe. sobrang napamahal kasi ako sa harry potter series. as in. nasad nga ako ng matapos ko yung last book eh. alam ko kasi na huli na iyon at hindi ko na muling makakapiling si harry. well isang matamis na pamamaalam naman ang kaniyang ginawa. hehe.
speaking of pamamaalam, salamat naman at namaalam na ang bagyong egay! grabe sobrang haba nga aming bakasyon! nakakabaliw. namiss ko rin naman ang aming paaralan dahil kadalasan doon ako nagiinternet para makapagblog! kaya naman habang humahampas si egay at dumadagundong ang kulog at kidlat, kapiling ko ang harry potter seven at binubuno ang mga eksena. sa haba ba naman ng bakasyon namin eh tignan ko lang kung hindi ko matapos si kuya harry noh?
well sabi nga nila sa bawat goodbyes ay may-hellos ding kasama... syempre wag ng mag-apply kay egay ito no? hayaan mo na lang siyang maggoodbye! so parang ako rin.. dahil nobela na ito parang masayang magsabi na rin muna ng baboo!
emotera ka naman kay harry potah
ReplyDeleteemotera!
ReplyDeletepero aminin mo, ang dibdib ni harry potter. ang dibdib ni harry potter!
agree ako!!!
ReplyDeleteemotera at emotera at emotera ka~!
at ang dibdib ni harry nga! dibdibin mo pa!
everyone: dinibdib ko talaga! as in! hihi
ReplyDelete