Saturday, August 25, 2007

saksakin sa likod si barbara

backstabbing(double b ba? oo na ibackstab mo ako kapag tanga ako at mali ang spelling) is i think isa na sa mga natural na bagay sa mundo... hindi na ito matatanggal pero ito'y iyong maiiwasan. pwede ka namang mangbackstab ng sa'yo lang hindi ba?haha. so bakit nambabackstab ang mga tao kung pwede namang sabihin ng deresto? hindi ba mas masakit ang frontstabbing? at least yun sampal at suntok talaga sa mukha kapag nasabi mo hindi ba?

reasons kung bakit backstabber ka.
1. ayaw mong masaktan ang taong iyon.
2. mas masayang pag-usapan iyon habang nakatalikod siya..
3. duwag ka at hindi mo lang kayang sabihin sa kaniya ng deretso ang lahat.
4. ayaw mo ng harapang away.. so duwag pa rin... hehe
5. sadyang masamang tao ka lang at hobby mo ng pagchismisan ang tao patalikod.

well hindi naman ako nagmamalinis, isa ito sa krimen na aking ginagawa pero never to my closest uber friends! (pero guilty ako minsan sa ganito:natatawa ka kapag pinagkukuwentuhan ng iba mga ginawa nilang hindi maganda. pero wait backstabbing ba yun?! i think backlaughing ang tamang term sa ganun.) ginagawa ko lang ito sa mga kaawa-awang mga taong hindi ko kaclose o sadyang hindi ko feel. hindi ko kasi maatim na benggahin ang mga friends ko ng patalikod. kadalasan kung may sama ako ng loob, kinikimkim ko na lang ito kahit gaano pa iyon kasakit or minsan sinasabi ko.

pero syempre biktima rin ako nito...lahat naman ata naging victim nito. ngar. minsan naririnig ko na lang ang pangalan ko.. ewan ko kung masama ba sinabi or what? pero... mukha naman tanga kung magwala ako hindi ba? eh sinabi pala niya cute at lovable ako, kaloka kung magamok ako run. haha.

ito ang catch... nakakatakot kapag mga friends mo binabackstab paminsan mga friends niyo... i mean hindi ba weird na baka ikaw din binabackstab? kung nagagawa nila iyon sa ibang kaibigan niyo, bakit sa iyo hindi? or again it is still a matter of trust na kaya ganun kasi nga may grudges lang siyang nararamdaman sa inyong pal? pero kung close talaga kayo syempre dapat masabi mo ang mga reklamo mo ng harapan hindi ba? wala lang. the question is kailangan ba talaga ito sa friendship para maggrow? or gawa-gawa ko lang na kailangan lang iyon sa growth ng friendship? kailangan bang may ganoong moment? hindi ba kalevel na rin nun yung kaplastikan? oh well... masayang mambackstab ng mga taong kabackstab-backstab! pero not to your closest friends.

saksakan na. chos.

11 comments:

  1. @KALANSAY: I luuurve backlaughing (neologism ba itech kalansay?), cyempre I’m no angel pero hindi naman ako grabe mang-back-stab, siguro I share some chismis (na alam ko) about some people behind their back but not necessarily to malign them. Masaya lang kasi pag chika-chika time tapos madaming chismis na lumalabas, then you laugh about it, and after that, tapos na.

    by the way artlets ka kalansay diba? ano ba yan ibabagsak mo pa ko? hahaha. wala naman sigurong nakasulat na “Board Exams” yung paper no? kinabahan tuloy ako bigla, this week na kasi ire-release yung results ng boards, baka nga may 65 ako na grade. ay caramba!

    feel ko your dream means that we need to meet, immediately! relevance no? na-meet mo ba ako in person? sana ginawa mo na lang na 75. hindi mo siguro nilagyan ng corrected by para hindi kita mahabol ryt? =) just kidding. thanks for sharing your nightmare, er, dream with me kalansay. sa uulitin. hehehe.

    ReplyDelete
  2. hay...atae.. mukhang may laman sinu toh?

    ReplyDelete
  3. ruff: yah masaya talagang mangchismis! it turned out na ang dream ko ay kabaligtaran ng lahat!

    congrats naman at you passed! hehe.

    oo isa akong proud artlet! hehe. hindi pa kita namimeet in person unless nagkasalubong na tayo sa uste pero syempre hindi naman tayo magkakilala para magbeso bigla. haha.

    mrs. j: uhmm ate isa lang itong muni-muni... naisip ko lang siya amidst the drama. haha may ganun?

    ReplyDelete
  4. Aaaay! I am more of a #2 Backstabber. Kasiyahan lang talagah ito!

    Alam mo yang si Bananas na yan.... nakikipag-chuchu ke AJ Sotteau! Ching!

    ReplyDelete
  5. ayos ang post mo ah! akmang-akma sa post ko about backstabbers. check it out and read mine @ http://naysli.blogspot.com/2007/08/nitpicker-who.html

    ganyan talaga ang buhay sa mundo, "survival of the fittest". kalurki!

    ReplyDelete
  6. lyka: haha! more more chikas talaga. haha

    naysli:naku! sinabi mo pa!

    ReplyDelete
  7. backstabbers. sus! kung sisilaban sila, malamang ubos lahat ng tao sa mundong ito. mahirap iwasan ito pero minsan masarap din naman ang may mapag-usapan...basta ba factual naman ang usapan. wag lang yung dadagdagan pa.

    pero minsan ang sama talaga ng ugali ko. ginagaspang ko ng harapan yung mga taong nakakainis. example: may filingera kasing nang-aagaw ng style ng pag-jojoke ko (50% green, 50% wholesome) kasi laging mabenta, eh pag siya, hindi mabenta. kaya nung minsang bumanat siya na di na daw siya makakasama sa lakad dahil malamang 1 month preggy na daw sha ng mga time na yun...sinabihan ko nga ng perv at "gaga, style ko ng pagjo-joke yan. mag-isip ka ng sa iyo"

    nyahaha! ang sarap ng pakiramdam. kaya as much as possible kesa tirahin mo ng patalikod, sapakin mo ng nakaharap. syet. ang evil ko.

    ReplyDelete
  8. kc that was eeeeviiiil! hehe nabengga mo ng todo si ate. haha. naku mga ganyang banat ay nakakasupalpal talaga.

    ReplyDelete
  9. ganon talaga. kasi kahit dati pa inaagaw na niya ang mga banat ko. yung mga kalokohan ko, ikinukwento niya sa iba na parang siya ang promotor...

    nagkataon lang na evil mode ako nung time na iyon so binengga ko na! nyahaha!

    ReplyDelete
  10. Hay, OKAY na yung plastikan. Lahat kasi tayo nagiging plastik tlga kapag plastik kaharap natin. Pero backstabbing? That's worse.

    ReplyDelete
  11. kc:nabengga mo nga siya. hehe

    reyville: sinabi mo pa!

    btw sabi ng friend ko kulang pa raw yung list... so 6. ayaw mo lang palakihin ang issue.

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

guess who's back?

ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in.  birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...