im back! habang tinatype ko ito ay gumuguhit ang kidlat sa labas ng library. ilang minuto na lang ay magsisimula na ang aking klase sa art appreciation at umuulan pa sa labas. well isa lang masasabi ko... tse. late din naman si sir if i know kaya might as well magpost na lang ako rito sa aking blog. so ang aking topic ay tungkol sa aking mga kapatid. sibling ek ek. bihira ko lang silang mapagusapan sa aking mga friends kasi hindi naman ako close sa aking mga kapatid. kahit close ka sa mga friends mo, mas pipiliin mo pa rin daw syempre mga kapatid mo in times of trouble... dahil lang iyon syempre sa blood. hindi nga kayo close pero syempre sa heirarchy of society mas matimbang pa rin dapat mga kapatid mo. hindi ko nga nararamdaman yung kapatid bond thing eh... awkward nga pag minsan umuuwi ako sa cabanatuan city... sasabihin natin na kahit anong mangyari love natin sila. di ba?
kung tutuusin ewan ko. masasabi kong sa mga close friends ko ay higit pa sa kapatid ang turing ko sa kanila, pero isnt it ironic? hindi ko nga alam yung feeling na higit pa sa kapatid pero yun ang turing ko sa mga close friend ko... hmmm... ang galing din no? curious lang ako.. bakit kaya hindi yung friends na lang natin ang naging kapatid natin kasi mas tugma yung mga hilig nila at ugali sa atin?... bakit kaya tayo hindi binigyan ng mga kapatid na kaparehas natin ng gusto? kasi napapansin ko na parang ang magkakapatid ay mga complete opposites. disclaimer lang, hindi naman sa ayoko sa mga kapatid ko no? pero para lang magkaroon ng diskusyon sa isipan... bakit nga ba hindi na lang ibigay na kapatid sa atin ay yung mga close friends na lang natin?
***
anyway i want you to meet my kapatids. ako nga pala ang pangalawa sa aming apat. actually tatlo na lang kami kasi namatay yung pinakabunsong lalaki paglabas niya sa sinapupunan ni inay. so meet my siblings na talagang we are complete opposites!
my rakista kuya. heavy metal bands ang tumutugtog sa room namin. pagpasok mo sa aming kuwarto parang wala siyang kashare na "dalaga" kasi mga rock band posters ang nakasabit sa mga dingding. as in unang tingin mo pa lang sa kaniya... rakista! long hair, black effect at may banda pa si kuya... at may cute na member.. hihi. (ito yung bumababa ako para kunyari kumuha ng pandesal pero titignan ko lang pala si cute kabanda. wahaha) si kuya ang vocalist. grabe singer hano? ako wag na akong pakantahin baka maisipan ni god na tapusin na ang mundo.hehe. yung gf niya mas bata pa sa akin! (uhmm ex na ata niya ngayon yun) at dahil schoolmate kami ni ex-gf niya noong high school, ewan ko lang kung kinukuwento niya ang mga kalandian ko kay kuya! haha. magaling magdrawing si kuya. fine arts ang gustong course kaso pinilit ni mama na magarchitecture na lang. graduate na siya sa kursong hindi niya gusto. ayun... then sinilang na ang reyna ng aming angkan...
ako na! aba aba! matagal ko ring nalasap ang pagiging bunso ha? mga pitong taon yata at nako awayan galore talaga kami ni kuya dati. kasi alam niya na may potential akong maging dalaga kaya ayaw niya!protective? tse. haha. share kami ng room ni kuya sa bahay namin sa province. well mapapansin mo ang aking bed kasi in all fairness pagirl! haha. kasi basta. alam kong bed iyon ng mga babaeng teeny bopper. haha. may bookshelf na nakakabit sa bed kaya wagi! andun mga charmed book collection ko, yung comix na witch na dati kong kinokolekta, mga goosebumps, books na nabili sa booksale at mga librong hiniram ko at di na sinauli. haha. kaloka minsan pag andun ako tuliro ang ears ko sa mga rock music ni kuya.. siya naman sa gabi tuliro ang mata dahil hindi ko pa pinapatay ang ilaw dahil ako'y nagbabasa. wahaha. gantihan? well tapos na awayan days namin ni kuya. please matatanda na kami at siguro natatanggap na niya ng unti-unti na dalawa ang kapatid niyang babae. haha. uhmm pinakanakakatouch na ginawa niya? alam kasi ni kuya na mahilig akong magsulat... noong last sembreak naalala ko pinapasulat niya ako ng tula... at alam kong gagawin niya iyong kanta... oh di ba? pang-mmk? hehe. hindi naman natuloy yung pagsulat ko. ewan ko ba kung anong nangyari... then finally...
the kikay bunso! antaray ng ate mo... siya ang bunso at only-girl pa ang drama kaya medyo pampered!(not really! wahaha.) nako too bad kay ate dahil siya lang nakatikim ng public school noong grade school siya. binebengga ko siya dahil don. ang mean ko. haha. well ngayong high school na siya, nasa private na siya, hindi nga lang sa school namin ni kuya dati. kaya binengga ko na naman siya dahil don. haha. aba dati madalas din kaming mag-away nito.. nasabi tuloy ni ama, paglaki daw ng kapatid kong bunso magsasabunutan na lang kami. haha. infairness kay ate mo keri niyang kumanta at sumayaw! na parehas na hindi ko kaya. ngar. well infairness again dahil class president siya ngayon. oh di ba? nagmamaganda. haha. well tapos na rin awayan days namin. siguro inaabangan na lang niya na kulutin ko ang kaniyang buhok. haha. pitong taon ang agwat namin eh.. well siguro mas masaya ang buhay kung nabuhay ang pinakabunso naming kapatid. at least para na rin siyang may kakambal.
hmm.. hindi ko man naipapakita sa kanila... syempre ispesyal ang aking pagmamahal sa kanila. hindi siguro nila alam iyon.. sa gitna ng awayan namin dati ni kuya dahil sa aking gender issue at sa kabila ng age gap ko at ng aking sistah, namamagitan pa rin sa amin ang iisang dugo. magkapatid kami at hindi man namin iparamdam sa isa't-isa, we know we love each other! naman sa post! after the encyclopedia level, soap opera-ish naman! haha
p.s.
aminin niyo balanse ang pamilya namin... nanay and tatay then ang mga anak: lalaki next is in-between then babae... ahihi
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
post apocalyptic manila
maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman. gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...
-
gusto mo ng surreal feeling? 1999. twenty years ago. imagine how different the world was. no iphones. and the whole world...
-
let me start this post with a cliched "one rainy september night", i decided to battle the rain and land on a wet road. i descende...
-
i'm always fascinated with the unknown. bata pa lang ako imbis na matakot sa dilim, mas sinusuong ko ito. hindi ako takot lapitan ang pu...
this is so sweet of u dear. i admire you on how u value ur siblings.at rakista tlga c kuya.hehe. sana post mo din mga pics nila para complete presentation.
ReplyDeletekami naman, dalawa lang. my kuya and I pero that was 3 yrs back. after 18 yrs gumora c mudra para sa isa pang bagets kaya wichelles pagkadalagita ko.hehe.
@KALANSAY: Korek! Balanced na balanced nga ang familia. How I’d love to have a brother sana (and a rockstar at that), not that I’m complaining (as if pwedeng bumalik ang oras), I have 2 sisters kc and I’m the youngest. Kaya hayun, medyo nahawa ang bunso. Feel ko iba din kc pag may brother-figure eh, you know, you can do guy-bonding stuffs that you and your dad couldn’t do. =)
ReplyDelete~Sa case naman namin, a mother, a father, and the tres lukring girls. =)
jackie: yeah kahit hindi nila nakikita or nararamdaman. i value them. besides kami rin naman ang magsasama sa huli...
ReplyDeleteat ate jackie naku wala masyadong larawan iyong si kuya. ang bunso naman hobby nun magpicture kaso sa film camera lang dahil wala kaming digi cam. poorita lang kami eh. hehe.
ruff:hello nurse ruff! ayun sumusunod nga kami sa balanse ng mundo. hehe. ay ako naman feel kong magkaate para may kashare ako sa aking pagdadalaga. hehe.
pero mukhang likas yata sa ating maghanap ng mga bagay na wala sa atin...
hindi rin naman kami masyadong nagbobong ni kuya. well unlike nung mga bagets kami. syempre wala pa si bunso nun at 2 lang kami. so laro galore with awayan on the side. hehe
ah basta! close ako sa kapatid ko. Ingatz!
ReplyDeleteeh di good for you coldman. hehe
ReplyDelete@KALANSAY COLLECTOR: Korek! Natural na nga talaga yung maghanap ng mga bagay na wala sa atin. Feel ko rin naman pag nagka kuya me eh, magiging ganito pa rin ako eh. Hehehe. but who knows, im just thinking out loud. Hehehe.
ReplyDelete~I was at UST din pala. I was at Nitro having a DVD recopied. Sana tinext mo ko para meet tayo. Hehehe. =)
~Akala ko naman ikaw na yung nagpapa-breastfeed eh. Hehe. There are several brochures available at the Medical Arts or OB-GYN Out-Patient. Sana marami kang nakuha. Hehehe.
hindi ako nakakuha nurse ruff pero mga friends ko napitchuran nila mga hanging breast feeding announcements. hehe
ReplyDeletenaku nakakatakot kapag natext kita kahit hindi ko alam ang number mo! haha! isa na akong ultimate manghuhula nun pag nagkataon. hehe.
pero infairness ang galing nung thought na baka nagkasalubong na pala tayo nung araw na iyon sa hospital.. hindi lang natin alam. ;p
ang sweet mo naman. kahit di ka ganung ka-close sa mga kapatid mo eh, nagawa mo pa ring magsulat tungkol sa kanila. at swerte ka talaga dahil tanggap ng iyong rakistang kuya at ng iyong kapatid na kimora na ikaw ay isang dalaga.
ReplyDeletekatuwa. sumunod ang iyong pamilya sa tamang balanse ng mundo. harhar. =)
ahihihi.. ang hahaba naman ng replies d2. hindi ako maka butt in. ehehe ;)
ReplyDeletebasta keep on valuing ung siblings kxe in the mere end of ur lives, kau kau rin magtutulungan ;)
This comment has been removed by the author.
ReplyDelete@OT: ako din eh, takot din akong magpa-consult minsan. that's the problem with knowing too much, and too little, for that matter. the last time i did, i was forced into having a surgery. its all good though. =) i'm fine now.
ReplyDelete~of course, i do share my number (to strangers) sometimes. (hahaha my bad!) besides, you’re not a stranger kalansay --- you’re a friend! right? right!
oo nga noh? i love that idea. baka nga nag-meet na talaga tayo, hindi nga lang natin alam. =)
ReplyDeleteMiddle Child ka pala? KSP raw ang mga Middle Child. Totoots kaya?
ReplyDeleteChos!
i should have known di pa ako nakakapagkumento... pesteng sakit yan!
ReplyDeleteso, the middle child is the princess in the family of 5.
soon enough your sister will look forward to being like you: a better taste in fashion, in food and in men.
matakaw ka ba, bakla?
kc: uhmm sana nga tanggap nila! hehe. ayaw kasi ng pamilya namin na masira ang magandang balanse ng mundo. haha.
ReplyDeletejackie: hehe. naku nakakatuwa nga eh at mahahaba ang mga reply ng tao. gusto talaga nilang magshare. hehe
ruff: aaww.. oo nga naman. we are friends. :) nakakatuwa naman. ang saya-saya. dahil friends tayo you can share your problems to me anytime!
lyka: haha. hindi ha! mga bunso ksp! haha. chos. well ewan ko na lang kung hindi pa ako napansin ng nanay ko niyan bilang isang reyna ng pamilya. hehe
kiks: oo tiya kiks! napakatakaw ko! pero hindi naman ako tumataba. ngar.
Great posting, thank you.
ReplyDeleteVery, very good work.
Have a good day
Wow, tatlo pala kayong magkakapatid. Ang saya! Alam mo, maybe God has a reason kung bakit naging kapatid mo ang hindi close sa'yo at naging friends mo lang ang mas-close sa'yo. Pero hindi ko alam ang reason. Hehehe! Aba bongga ka ate dahil ikaw ang napagitna sa tatlo dahil pangalawa ka nga. Ibig sabihin reyna ka talaga! Lol!
ReplyDeleteDalawa lang kami na magkakapatid pero para kaming aso't pusa kung nagbabangayan! Minsan nga nag-ookrayan to the highest level from ugali to the most personal matters. Hehehe. Pero minsan nagkakasundo din kami ng sis ko.
Gusto ko ang blog mo kaya isasali ko sa listahan ng blog ko.
ReplyDeleteOFF TOPIC FRIEND:
ReplyDelete@KALANSAY COLLECTOR: nafeel ko rin na up ang mananalo this year eh, parang may kulang sa performance ng gawi na nakita ko sa up, yung “drive to win” ba kamo. nagmumura ang performance ng up eh, parang hindi papahuli ng buhay --- may galit talaga. well… everythings fine naman eh, we wholeheartedly accepted the silver spot and we’re really thankful for it.
~natawa naman ako sa “pagod nang manalo” hahaha. do you think gawi became complacent about their showing this year? in fairness naaliw naman ako sa outfit ha, the striped bee outfit, and the blonde, er, yellow wig. props for creativity (too bad nag-wig din ang AL SALLE! off topic, lasalle’s performance was mortifying! hay naku, F for effort!) don’t worry friend, bawi tayo next year, EB tayo!
~erap winning the presidency is SOOOO the biggest JOKE that ever happened to Philippine politics. and look at him now, parang gusto ko na lang kumanta ng “but the joke was on him.” gma could be a good leader, you know, if only we’ll give her a chance.
~worry not kalansay, i have a fetish for nobela comments too.
wow itong post na ito pinakamaraming comments.. kasi naman ang tagal kong nawala! haha
ReplyDeletedabid:thanks!
pageantbuff:oh talaga? nag-aaway kayong 2? well noong dalawa pa lang kami ng kuya ko nag-aaway talaga kami. hehe. thanks sa paglink.
ruff: eb? why not? exciting yun. and yeah.. nakakaloka ang ginawa ng la salle.. parang napaisip ako na.. sana magbasketball na lang kayo. wahaha. ang sama ko naman. haha.
tse haha1
ReplyDeletetse ka rin ate! hehe
ReplyDelete