Wednesday, October 10, 2007

el viajero

finally ito na ang huling araw ng first sem! so meaning, parang heto na rin halos simula ng sembreak! yey! im so proud of myself. nalagpasan ko lahat lahat ng paghihirap ng unang semestre! iba ang feeling. sobrang fulfilled. hay. mamaya magpapasa na lang kami ng final requirement sa art app na isang walang kwentang subject. sayang. mahilig pa naman ako sa art. tsk. pero at least natapos na ang kalahating taon ng pagiging fourth year ko sa kolehiyo! shet. bukas magsisimula na ang aking huling sembreak. huhu. i just cant wait to go home! yehey homecoming! cant wait to ride that five star bus at kumain sa stop over na double happiness. masilayan ang kabukiran ng central luzon at madaanan ang mga kalsada ng bulacan at nueva ecija... muli akong babalik sa lugar na aking kinilalang tahanan.

i love travelling kung tutuusin. kung may sarili lang akong caru baka kung saan saan na ako nagpupunta. actually gala naman talaga ako eh. noong high school tambay ako ng mga bahay-bahay ng mga berks ko. ayaw ko kasi yung napipirmi sa bahay ng walang ginagawa. at mahilig din akong magsasama kung saan-saang out of town kay mama dati. ang pinakamagandang lugar kong napuntahan ay ang ilocos! sobrang ganda talaga. ang pinakmalayo ay bicol dahil nakipiyesta kami sa peñafrancia sa naga. ang saya-saya! kaya kahit yung pagbiyahe ko lang papunta sa school ay minsan ineenjoy ko na rin kahit na same tanawin lang naman ang nakikita. at ganun din pag umuuwi ako ng province. habang nagbibiyahe ka kasi doon ka nakakapagisip at nakakapagmuni-muni. masaya rin kung may kasama kang kachikahan sa bus o kung saan ka man nakasakay. kaya nga gusto ko ring maging travel lifestyle show host eh. hehe. ansaya sigurong lumibot sa mga lugar na kakaiba.

ang buhay ay laging kinukumpara sa biyahe. yeah, for me it's true. ang buhay natin ay isang mahabang joy ride! masarap makihitch sa mga tao at makisakay sa iba't-ibang kotse. minsan sumusunod tayo sa agos o minsan iba ang tinatahak natin sa mga crossroad na humaharap sa atin. pero tandaan lang na sa bawat pagsisimula ng biyahe sa terminal ay siguradong mararating din ang tamang destination.

kagaya na lamang ng buhay ko ngayon. nagsimula ako sa bumpy road noong first year college ako dahil nagaadjust pa ako sa mga bagay bagay pero now gamay ko na ang manibela. ayan nagkastopover muli sa aking college life dahil sa sembreak pero pagkatapos ng magandang stop over, tuloy na naman ako sa biyahe ko. hehe! beep beep!

p.s.
gusto kong matutong magdrive kahit wala naman akong kotse.

7 comments:

  1. magmoda ka ng Let's Get Lost ng National Geographic. It may actually be fun.

    my work brought me to places i never expected to see in my entire life. i am sure yours will lead you too.

    ReplyDelete
  2. hi skeleton! whoopee sembreak na! (nung student ako, hate ko pag sembreak kasi may duty pa rin tapos 1st week ng 2nd sem yung defense ng thesis, kaya yun, instead of enjoying our sembreak, we're still stucked with the academic chores). =(

    me lovey lovey to travel din! ang problem nga lang sa akin eh pag nagtratravel ako by land eh mabilis akong atakihin ng motion sickness. kaya hayun, parang staple na ng traveling kit ko ang plasil (kontra-vomit) at bonamine (kontra-hilo). unless by plane (na mas enjoy ko), kering keri kahit pangmatagalan. =)

    sabi nga ni christina aguilera eh:

    "Life is a journey
    It can take you anywhere you choose to go
    As long as you're learning
    You'll find all you'll ever need to know..."

    i-enjoy lang natin ang byahe. darating rin tayo sa ating patutunguhan. =)

    ReplyDelete
  3. PS. travel lifestyle show? like KC: from PARIS to PINAS ba itu? o parang TRAVEL TIME ni cheche lazaro? hmmm.. =)

    panonoorin ko yan!

    ReplyDelete
  4. kiks shucks di ko iyon alam tiya kasi ang cable dito sa QC ay discovery channel ang keme.. pero sige sa cabanatuan ichechek ko ang show na iyan sa nat geo. ;p ang saya naman ng trabaho mo! hehe

    salamat naman pareng coldman

    hellllooo nurse ruff nako kung ganun din magaganap sa akin.. i will hate sem break too! hehe

    oh talaga? buti naman at may mga gamot kang dala. at wow sana maexperience ko ang by plane. ang naexperience ko pa lang ay by car, by train, by pedicab, by tricycle, by jeep, by taxi.. in short by land. ;p

    yeah. darating nga tayo sa ating byutipul destination. ;p

    kahit ano sa dalawa haha. pero cool ang KC from paris to keme ha? ansaya sobra! gusto ko talagang maging ate yang si ate kc. hehe. travel time din sure... o trip na trip? haha

    ReplyDelete
  5. at talagang ikinonek ang buhay estudyante sa byahe..why not? galing mo te magkunek..haha

    ReplyDelete
  6. haha ate aj hobby naman nating magkonek! hehe

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...