Saturday, December 1, 2007

trillanes the soap opera king

noong thursday ginulantang tayo ng isang drama sa makati. kompletos rekados ang timpla ng isang malaking soap opera, may bida, may mga kontrabida, may conflict at higit sa lahat may drama!



nasa school ako at walang muwang sa mga drama sa makati. isa akong news person! hindi kompleto araw ko kapag hindi ako nakakapanood ng news. so noong narinig ko ang drama sa manila pen ay kating-kati akong makapanood ng tv. kaso syempre maraming ginagawa sa paaralan kaya wala akong choice kung di magtiyaga sa mga rumors circulating around the campus at text.

aba sino bang ayaw makanood sa drama ni trillanes? well siguro sa iba mukha siyang bida, sa akin naman isa siyang kontrabida! wala lang sa tingin ko kasi isang maling pagkakamali ang ginawa niya. ginugulo lang niya ang kinda tahimik na pulitika. bakit ba hindi na lang siya pumunta sa senado at gumawa ng batas?! eh di kung gusto niyang patalsikin si pres. gma eh di gumawa siya ng batas na magpapatalsik dito. haha at least in line sa trabaho niya hindi ba? tapos pinagyayabang niya na binoto siya ng 11 milyong tao, puwes sinayang niya ang tiwala sa kaniya ng bayan! imbis na gamitin niya ang pwesto niya para mapabuti ang bansa, sa kaguluhan lang niya nilalagay. hindi ba siya nag-iisip?! nakita ba niya kung anong ginawa niya? hindi bat wala namang nangyari? nanira pa ng hotel. tsk tsk. kasi alam na ng mga pilipino na hindi na sagot ang people power. isang malaking katangahan ang magaganap kapag nagpeople power ulit!(on the contrary masaya iyon kasi tatlong people power holiday sa isang taon. hehe) sawa na ang pinoy sa kakapeople power kasi alam naman nang hindi na ito makakabuti dahil lalo rang nadadapa ang pinas. bakit ba kasi hindi hayaang makahakbang ang bayan? tahimik na nga tapos guguluhin pa! hindi ba siya makapaghintay ng 2010? sino ba ang gusto niyang maupong presidente? si noli de castro? eh hello kahit na gusto kong bordkaster si kabayan alam ko namang wala siyang maitutulong sa pilipinas. anong malay niya hindi ba? tsk.

mas gusto pa kasi ang drama. well sino bang may ayaw hindi ba? hehe. pero hindi ko lang kasi maintindihan iyang si trillanes, kung gusto niyang maglinkod sa mga tao bakit ito ang gusto niyang drama? imbis na sayangin ang oras na pumunta sa manila pen at magngangawa roon magtrabaho na lang siya sa senado. or sa mga pulitikong walang ginawa kung di magbangayan, eh magtrabaho na lang po kaya kayo ano? makakatulong pa iyon sa aming mga mamamayan lalo na sa mga binoto kayo para pagsilbihan. hay sayang lang pinunta ng mga tao sa prisinto noong nakaraang eleksiyon kung ganon. gwapo lang talaga si trillanes. tsk.

***
ay kay bigat. next post ko magaan naman hehe. ciao!

17 comments:

  1. sa teleserye ng totoong buhay, si trillanes ay parang si ruby, ang bidang kontrabida, hahaha.

    ReplyDelete
  2. ay naman coach!! nako to trillanes sakit ng ulo. haha

    ReplyDelete
  3. Kung maging senador si Trillanes at may panukala siyang nais ipasa. Mapapatay din ang kanyang panukala ng senators ng admin o opposition.Nakapanood ka na ba ng botohan ng panukala sa senado?Parang mga batang paslit na hindi na nag-iisip. Awtomstikong bilangan ang nangyayari.

    ReplyDelete
  4. Ay naku, sabog din yata itong si Trillanes kaya nya ginawa iyon. Lalo tayong nagulo sa ginawa niya...di bale sana kung may magandang kinalabasan.

    Naawa rin ako sa may-ari ng Manila Pen.

    ReplyDelete
  5. last thursday, ayun, bound to calamba laguna ako. alas 6 ng umaga umalis kami, naka bus. nadaanan namin un the peninsula. Sabi ko "dude ganda oh" parang tga bundok. tae.

    tas mga bandang alas singko may nagtext "hoi anung oras ka uuwi? ung 4 lanes sa slex isa nlng, trapik, mahigpit ang checkpoint"


    hindi ba nagsasawa yan si trillanes? he has the right to free expression, pero hello, kakaiba ata ang way of expression nia.

    dapt parusahan na yan eh, kasi pihadong pag pinalagpas pa ito, araw-araw ng may mutiny. haay.

    trillanes fnck u!

    ReplyDelete
  6. hahaha., nice one., the soap opera king! :)

    ReplyDelete
  7. anino kung ganoon man sila isa na namang halimbawa iyon ng pagkamakasarili. kung nais ng mga senador na umunlad ang pilipinas, kung maganda naman ang batas bakit nila ito papatayin?

    iyang si trillanes naman tutal senador naman na siya bakit ayaw niyang gumawa ng batas na makakatulong sa mga sinasabi niyang aping pilipino? tsk tsk

    ReplyDelete
  8. well walang magandang kinalabasan kc well except sa mataas pa rin ang piso noong araw na iyon. haha. kaawa-awang may-ari ng manila pen.

    buti ka pa nga thesocialcritic nakita mo na ang manila pen eh. ako hindi pa. hehe. dapat nga maparusahan iyang kalapastanganan ni trillanes. sang ayon ako na malaya siyang magpahayag ng freedom of expression pero mukha naman siyang tanga at parang gusto pang may kakampi pa siya. ayan wala tuloy pumuntang taong bayan. sayang ang pamasahe papuntang makati. ibagsak nga iyang si trillanes walang silbi sa bansa.

    hehe jan richard ayaw kasing magdrama ni trillanes eh. hehe

    ReplyDelete
  9. coach, hindi cya si ruby! siya si rio locsin o kaya si byutiki. basta, hinding hindi ko cya feel.. ever.. isa syang ambisyosa!

    basta ang masasabi ko kay trillanes...

    HALDOL (anti-psychotics)... for your DELUSIONS OF GRANDEUR

    and for bibeth orteza...

    CISPLATIN... for your cancer. :-)

    i know. i'm bad.

    ReplyDelete
  10. Walang silbi ang ihahain niyang batas na magpapa-angat sa kinalalagyan ng masang Filipino dahil papatayin din ito ng admin o opposition senators.Halimbawa:Panukala niya na bawasan ang budget sa militar at idagdag sa edukasyon.Dagdagan ang budget ng mga state universities.Papatayin iyan ng mga admin senators dahil iyon ang trabaho nila.Hindi nila iisipin kung makabubuti ito sa lahat.Automatic na NO ang boto nila.Manood ka ng mga discussion sa senado.Nakakatawa.Hindi na sila nag-iisip.Automatic na itinataas ang kamay!

    ReplyDelete
  11. May maganda namang nangyari sa ginawa ni trillanes.Nakita ng pamahalaan na hindi lahat ay walang kibo at pwedeng lokohin.

    ReplyDelete
  12. naku nurse ruff ha? hahaha. i so hate trillanes too. hindi ba halata? hehe. kailangan ko ng diagnosis pala mawala ang hatred. hehe

    ReplyDelete
  13. hay naku anino kung ganiyan sila ng ganiyan walang mangyayari sa ating lahat.

    ReplyDelete
  14. gusto kong intindihin si trillanes pero di ko talaga maintindihan gusto nya gawin. desperado na siguro talaga sya. ang gulo talaga ng pulitika hano?

    ReplyDelete
  15. sinabi mo pa lawstude kung ganiyan sila ng ganiyan babagal ang pag-unlad natin. well mahirap intindihin ang taong wala naman yatang gustong ipaintindi.

    ReplyDelete
  16. Naku nena approved ako diyan sa inisplukara mo! Wenno pa akong nakipag chukchakan sa mga editors ng favorite broadshit..este broadsheet ko kesho human rights tae daw yung pag tatali sa kanila hahaha!

    enyways I'm happy to know na may mga bektaslu na kapareho ko ng mentality...

    Mabuhay ang mga bektas!

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...