Monday, January 14, 2008

bilugan ang tamang sagot

prelim week at may class ako ngayon. nagcut ako kasi tinatamad ko at dapat kasi walang pasok. ganoon kasi ang patakaran kapag exam week walang pasok dapat, eh ewan ko sa prof namin at nagpapasok dahil diyan hindi ako pumasok sa kaniya. mamayang last period na lang ako papasok.

quiz:
bilangin kung ilang beses ginamit ang salitang "pasok" sa itaas kahit sa anong paraan pa ginamit. exempted sa finals ang alam ang kaibahan ng violet sa indigo.

***

noong elementary ako medyo grade conscious ako nun. top three ako sa class namin noong grade six haha at hindi ako pumapayag na magkaline of 7 sa card. sobrang takot na takot akong bumagsak nun. yung tipong feeling ko iiyak ako kapag bumagsak ako kahit sa quiz lang. sobrang hindi rin ako nangongopya nun. at kung magreview ako, todo kasi naaalala ko pa may isang notebook akong nakalaan para sa reviewer lang. sinusulat ko mga dapat aralin tas ayun babasahin ko na. weird no? sinusulat ko pa ulit sa separate notebook. haha effort yun ha. patok naman. fave subject ko noong grade school ay science. naaalala ko tuloy si sir musni. pero hindi science tinuturo niya.

fill in the blanks:
mahilig akong _______ noong elementary pa ako. crush ko si ___________ noon at mahilig kaming _________ sa room 113. nahuli kaming ___________ ni ___________ doon at pinadala kami sa principal's office.

***

noong high school ako kinda palaaral pa rin ako pero napagsasabay ko ng mabuti sa social life. noong second year ako napunta sa first section ever. commendable student ako noong first year hanggang second year, o hindi ba hindi kapanipaniwala! haha. noong third year at fourth year natanggal ako sa commendable kasi nagkaroon ako ng grade below 83. pesteng chemistry, 82 lang ako at yung math noong fourth year na 82 din. grabe pinamukha pang tanggal na ako kasi isa na lang na point eh okey na hindi ba? haha. unti-unti akong natutong mangopya at magtanong sa katabi. naalala ko noon sa computer exam ata, lumabas yung proctor tapos ayun nagkagulo kami. at bumalik. nakita niya na kumpulan kami deadma na lang kasi naman kami na lang tao sa buong corridor at last exam na namin iyon. haha at naremember ko rin ang pamatay na teacher naming si mrs. maliwat sa filipino noong sophies kami! ang exam ba naman ay fill in the blanks ng florante at laura verses!!!! kaloka. syempre hindi pahuhuli si mam maningas sa history noong third year. alalang-alala ko pa ang statement na "pakanin sila ng keyk" ni mary antonette ata na naging dahilan ng pagsiklab ng french revolution. haha

multiple choice:
sino ang favorite late 90s love team mo?
a. juday santos at wowee de guzman
b. jolina magdangal at marvin agustin
c. aiza seguerra at spencer reyes
d. all of the above

***

ngayong college kapalan na ng mukha sa pangongopya ang mga tao. isa na ako roon paminsan kapag hopeless ang case. haha. nag-aaral naman ako kasi gusto ko namang maging worth it ang aking dean's lister moments. hehe. ang nakakatakot pa rin ay ang mangodigo. kaya solve na ako sa mga tanungan portion kaysa mangodigo. at buti't sa dalawang sem apat na beses ka lang mageexam unlike noong high school na 3 o'clock habit niyong magexam! every after kasi ng quarter may prelims! kaloka. at least ngayon pasweet na lang. mas madali pang mag-aral. sa pagdaan din kasi ng panahon nag-iba na ang aking study habbits. kung noong grade school ay talagang 48 years ang nilalaan ko para sa studying sa exams, noong high school ay dalawang dekada na lang, ngayong college ay 11 minutes na lang ang nilalaan ko. chos. mahilig na akong magcramming ngayon. minsan nag-aaral ako kapag nasa jeep na ako or the day before kaso may matching landian portion pa iyon haha. at naman buti na lang ngayong college wala ng written exams masyado(syempre sa course namin more more application)! kaso bugbog naman kami dahil nga more more shoot, conceptualization, papers at kung anek anek. dugo talaga. pero mas gusto na namin iyon kaysa makipag buno pa sa enumeration, identification, multiple choice, matching type at essay. hay akalain mo after ng prelims finals na... literally. huling examen bilang student. mamimiss ko naman ang magexam kahit papaano.

essay:
explain why victoria amarillo and ysabella cuenca will have a cooking showdown this week? ten points. (plus 50 points if you can bring chef mito in class)

***

good luck to me at start na nga ng kalbaryo ngayong prelim week. kaya ko ito. ilang exam na ba ang nakaharap ko hindi ba?

hay habang dinudugo na ang ilong mo sa exam, iba pa rin ang pakiramdam kapag pagtingin mo sa next item ay may malaking bonus na nakasulat.

corrected by:
kalansay collector

11 comments:

  1. si aiza at spencer? hahaha!

    aral maige ng guminhawa ang ating buhay =)

    ReplyDelete
  2. mahilig akong mamboso noong elementary pa ako. crush ko si harold de guzman noon at mahilig kaming magkyemehan sa room 113. nahuli kaming nagro-roleplaying ni analyn samar doon at pinadala kami sa principal's office.

    ReplyDelete
  3. parang wala kang exam ah, may time ka magsulat ng ganito kahaba. hehehe. good luck.

    ReplyDelete
  4. yup COLDMAN pinagpare sila dati. hehe. salamat! hehe

    sabi ko na nga ba AJ may pagnanasa ka kay harold eh. sinama mo pa si analyn samar na nasa samar na yata ngayon. tsk tsk.

    haha oo nga COACH eh at may time pa ako para magreply sa mga comment niyo. haha may exam nga ako sa PR mamaya-maya lang ang guess what di pa ako nagaaral masyado! haha

    ReplyDelete
  5. masturbate
    Ramon
    masturbate
    masturbate
    Liza

    ??

    ahahaha

    ReplyDelete
  6. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  7. BRYAN kinarir talaga ang pagfill sa fill in the blanks. hehe

    ReplyDelete
  8. so love this post. pinag-isipan. nagbigay ng aliw.

    parang liliw!

    ReplyDelete
  9. wow iba talaga ang feeling kapag pinupuri ka ng isangtiyaKIKS! hehe

    ReplyDelete
  10. Natawa naman ako sa mga quiz mo.

    The best pa rin ang Aiza at Spencer. Haha!

    ReplyDelete
  11. Nako KC tumpak ka riyan. dahil diyan may plus 10 ka sa quiz. haha

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

guess who's back?

ang surreal lang ng feeling coming back. as if i'm talking to my younger self. as in.  birthday blues? maybe. naisipan ko lang na tignan...