Saturday, February 9, 2008

kabilang ka ba sa 12%?

thesis defense.

halos lahat yata ng estudyante ay nagdaan sa prosesong ito na mapanginig laman at nagdadala ng walang patumanggang kabog sa puso. ibang kaba ang nararamdaman sa tuwing gigisahin na ang halos isang taon mong pinaghirapang pananaliksik.

hindi kami kasama dun.

siguro iilan lang ang kagaya ng grupo namin na kabilang sa mga hindi nakararanas magdefend ng thesis. ayon kasi sa sws survey, 12% college students lang sa pilipinas ang hindi nakakapagdefend ng thesis at kasama na kami sa datos na iyon. chos. imbento ko lang ang survey na iyan. anyway totoo na ito, sabi ng isang panel namin hindi na raw namin kailangang magdefend kasi nagdedefend na mag-isa ang thesis namin. nakakatakot. ewan kung negative iyon o positive pero siguro more on negative kasi marami rin kaming revision. well naligtas man kami sa scrutiny ng defense hindi naman kami ligtas sa two more weeks of thesis writing. hay. at least alam ko na gagawin ko sa valentines hindi ba? wala naman akong kadate eh. aba nasanay na kaya ako for 20 years na walang kadate. hehe.

***

nalalagas na ang mga araw ko bilang isang kolehiyala na ala cancer patient na may taning na sa buhay. naprepressure ako kasi dapat may trabaho ako after grad. pinepressure ko rin ang sarili ko na makuha ang trabahong gusto ko. well sana nga. kung wala man akong date sa susunod na valentines at least kadate ko ang sarili ko hindi ba? magiindulge ako sa aking pinaghirapang suweldo. masaya ring manood ng sine mag-isa. kung horror bawal ka nga lang sumigaw mag-isa at nakakahiya namang tumawang mag-isa habang nanonood ng comedy. parang text lang iyan kung wala ka namang kasama bakit mo babasahin ang text joke ng malakas hindi ba?

***

ewan ko ba. walang kuwenta ang post na ito. as in. ganito siguro feeling ng mga taong naloko na inakala noong first year ay magdedefend sa fourth year para sa thesis, hindi pala. apat na taong natakot at kinabahan. hindi naman pala mangyayari. ewan ko pero para sa akin okey lang na niloko ako. haha. kaysa naman sa hindi nga ako niloko, hindi naman ako handa sa magiging kasagutan.

8 comments:

  1. ligtas ka na pala sa thesis defense mo. hinga na! =)

    ReplyDelete
  2. anticlimactic ba? parang na-build na orgasm bago mahuli ng nanay? hehe

    ReplyDelete
  3. sinabi mo pa COLDMAN! hehe

    anclimatic talaga JERICHO kaya naman yung reaction ko parang liligaya ba ako o hindi? hehe. weird.

    ReplyDelete
  4. hahaha...

    nung undergrad ako ang university rin namin ay walang defense ng thesis. gigisahin ka na sa mismong consultation niyo...

    kaya siguro it took me a year and a summer to finish it...nadelay pa kako ng summer. hahaha!!!

    pero ayus na yun noh!!!

    ReplyDelete
  5. Aynaku, panira sa kabog. Nakakainis malaman na wala din naman palang patutunguhan ang pag-aalala mo para sa defense.

    Pero anyway, siguro naman kaya nyo nang i-revise ng groupmates mo ang thesis ninyo...mukha namang masisipag kayong gumawa.

    ReplyDelete
  6. sabagay choosy pa ba kami WANDERINGCOMMUTER? go na hindi ba? hehe.

    naku KC keri naman. though mga active talaga kami sa aming mga kaniya-kaniyang extra-curicular. magkakaorg din kami. haha.

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...