Sunday, February 17, 2008

love letter confession

wala akong mapost pa. anyway heto yung pinaworkshop kong isang upuang gawa ko sa isang writing workshop. kaya naman nabengga siya. haha.dahil diyan ito ang aking post-valentine gift. haha gumaganun?
***
LOVE LETTER

Mahal kong Mikaela,

Happy Valentines. Happy nga ba? Sad Valentines - ayan masaya ka na? Iyan ba talaga ang gusto mo? Ito na yata ang pinakamalamig na Valentines natin, hindi naman Pasko. Hinawakan ko ang iyong kamay ngunit tila tangan ko ang isang natutunaw na halo-halo sa tag-init. Dumampi ang aking mga labi sa mga halik mong parang naliligaw sa mga bulubundukin ng Baguio. Nasaan ka na ba Mikaela? Mika? Mga rosas na binigay ko sa iyo tinanggap mo nga pero iniwan mo naman sa akin ang mga tinik, dinamay mo pa ang mga tsoklateng nakalimutan na sila'y matamis. Mahal mo pa ba ako Mika? Mikaela? Sa pag-indayog ng aking katawan sa sayaw na alam na alam natin ay tila nakaligtaan mo ang mga kumpas. Ang aking mga maiinit na haplos sa balat mong mas malamig pa sa Paskong walang regalo ay naging hangin. Happy Valentines Mikaela ha? Nakalimutan mo yatang may kasintahan ka. Tumingin ka sa aking mga mata ng marinig ang aking tinig. Wala na ang mga dating tagos sa pusong titig. Wala na ang... mahal mo pa ba ako Mika ko? o Mika ka na ng iba? Hinintay ko ang iyong sagot ng pagkatagal-tagal. Ilang mga yabag na rin ang dumaan sa tapat ng ating pintuan. Ugong ng aircon ang nagsisilbing awit, sa apat na sulok ng kuwarto umaalingawngaw pa rin ang katahimikan. Nakabibingi. Nalaman ko ang sagot ng pumatak ang luha sa iyong kanang mata. Nakalimutan na ng puso mong tumibok para sa akin, ang makaramdam. Ang bolpen na pinansusulat ko ngayon ay inabot ko sa iyo. Itarak mo sa akin. Hayaan mong tumigil na rin ang pagtibok ng aking puso. Sulatan mo ako ng liham sa aking kaloob-looban. Isulat mo ang mga bagay na nagpatigil at nagpalamig sa nararamdaman mong pagmamahal. Babasahin iyon ng aking katawan o bulagin mo na lang kaya ako gamit ang bolpen na iyan tutal pinakita mo na sa akin ang kadiliman. Mikaela, Mika bakit hindi mo na ako mahal? Binalik mo ang bolpen sa akin. Ang sabi mo ay isaksak ko sa iyong mabuti at hayaang kumalat ang kulay gabing tinta sa puso mong hindi na marunong makaramdam. Hindi ko yata kaya iyon Mika. Ganoon kita kamahal. Ang tugon mo, isulat ko ang aking pagmamahal sa iyong mga lamang loob, ang mga salitang puno ng pagsamba, mga tula ng pag-ibig at mga bersong walang kasing tamis baka sakaling magbalik ang pagtinging napaso na ng panlalamig. Ang bilin mo pa'y idiin ang bawat titik sa balat mong naghihintay ng aking init. Hindi ko talaga kaya ngunit sabi mo, kung talagang mahal kita ay hindi ako magdadalawang isip. Ika'y nagtanong kung mahal ba kita. Kay tagal kong napipi. Ilang mga yabag ang dumaan sa tapat ng ating pintuan. Ang ugong ng aircon ang nagsilibing awit sa apat na sulok ng kuwartong kay tahimik. Sinimulan kong itarak ang bolpen sa iyong dibdib. Ako ang nakaramdam ng abot langit na sakit. Sa aking pagpikit ako'y naging manunulat, isang makatang walang alam kundi ang mga tulang walang laman. Sinulat ko naman ang mga matatamis nating ala-alam, ang tintang itim ay naging mapusyaw na pula. Tamang-tama sa araw ng mga puso Mika. Paano ko ba tatapusin ang paglalahad sa iyong kaloob-looban? Sa iyong kaliwang baga ko nilahad na ikaw ang aking hininga, sa iyong tiyan ko naman inukit na ikaw ang bumubusog sa aking gutom na buhay. Sa labi mo kinuwento ko ang akign matatamis na halik at sa iyong puso ko sinulat ang isang liham ng pag-ibig. Happy Valentines inukit ko sa iyong pisnging kagaya ng kay kupido, sa iyong dila aking inalay ang pangalan kong maaari mong tawagin kahit kailan. Sa iyong mga palad sinulat ko ang ating tadhana na tayo'y magsasama kahit kailan. Ang liham kong ito'y dumadaloy sa iyong makinis na likod. Mahal mo na ba ako ulit Mikaela? Isang katahimikan ang kasagutan at ako'y nagising sa isang umagang makulimlim. Nang tumigil ang iyong puso sa pagtibok para sa akin, isa na akong malamig na bangkay.

Nagmamahal,
Isaiah

***

isa sa mga bagay siguro na pinakamahirap gawin sa mundo ay ang mangumpisal. imagine, ilang guts at balls ang kailangan mo para lang umamin at harapin ang iyong ginawang kasalanan? hindi ba? ang hirap aminin ng isang bagay kapag alam mong ito'y kasalanan mo at alam na alam mong masama. at aminin naman natin hindi rin naman tayo nagiging honest sa mga confession with father. may mga lihim at kasalanan tayo na hindi natin magawang aminin. siguro sa takot sa stigma o sa kahaharaping consequences. pero well isang matapang na tao ang kayang humarap at umamin sa mga kasalanan kahit na alam niya na babatuhin siya ng mga tao ng bato.

sa pangungumpisal umiikot ang aming film finals. dito iibahin namin ang mukha ng katotohanan, bayani pa ba ang umaamin sa kasalanan? posible bang maging tama ang mali?

***

ilang dasal ang kayang magsalba sa iyong kasalanan?

handa ka na bang mangumpisal?

"KUMPISALAN"



sa pebrero 19-22, 2008, rizal conference hall, st. raymund's building, ust

kumpisalan show times:

pebrero 19- 10:20am - 11:40am
pebrero 20- 11:40am - 1:00pm
pebrero 21- 1:00pm - 2:20pm
pebrero 22- to be announced


When I tell wicked people they will die because of their sins, you must warn them to turn from their sinful ways so they won't be punished. If you refused, you are responsible for their death." Ezekiel 3 : 18

15 comments:

  1. ang galing ng konsepto. kumpiSALAn.

    pero gaya nga ng ginamit mong biblical verse, kadamay ka sa dugo ng taong napahamak sa kasamaan dahil hindi mo pinagsabihan. pero kung pagpaunahan mo ang masama, tapos hindi pa rin nagbago, ligtas ka.

    Ezekiel 3:18-19
    “When I say to the wicked, ‘You will surely die,’ and you do not warn him or speak out to warn the wicked from his wicked way that he may live, that wicked man shall die in his iniquity, but his blood I will require at your hand. “Yet if you have warned the wicked and he does not turn from his wickedness or from his wicked way, he shall die in his iniquity; but you have delivered yourself.

    ReplyDelete
  2. oooh, na-excite naman ako! parang maganda! :-)

    am i eligible for a free invite?

    is mikaela a longhand term for mike? wala lang, just curious.

    ReplyDelete
  3. Mas magandang dumiretso ka na lang ng confession kay God.

    ReplyDelete
  4. HOLY KAMOTE salamat naman sa iyong papuri. manood ka if you want. hehe.

    well sabi nga dalawa ang uri ng evil person, yung isa yung gumagawa mismo ng masama at yung isa naman nakikita ng may masama pero nagkikibit balikat lang.

    korek direk MRS. J! hehe

    ReplyDelete
  5. naku manood ka then dun mo ijudge kung maganda ba o hindi. hehe at yeah you are invited kaso hindi kami magbabantay ng booth pero okey lang yung kasi hindi ka magsheshell out ng mahigit 20. baka less than 10 pesos nga bayad NURSE RUFF eh. hehe

    about mikaela, walang mikaela. fictional lang talaga sila. sabi ko nga noong workshop nung tinanong kung sino siya, sabi ko imagine god nung pinasulat niya yung bible sa mga bible writers. parang ganun. hehe. parang kinuwento lang ni mikaela at isiah sa akin ang buhay nila. hehe

    infairness KEITARO hehe tama ka riyan. ;p

    ReplyDelete
  6. medyo dumugo ilong ko sa lalim nung wikang ginamit. haha!

    i think it's very poetic. ;)

    ReplyDelete
  7. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  8. oh you're so sweet and adorabe talaga ARJAY hahaha. pero sana huwag ka nang magsara. hehe

    ReplyDelete
  9. as in ang liliitnung fonts ahahaha

    intay ko nalang next post

    woof!

    ReplyDelete
  10. i might come on the 22nd, pero not yet sure ha. ndi ko pa kasi alam yung sched ko eh...

    sa 20th kasi, 6am-2pm ako then on the 21st, 2pm-10pm, baka ma-late ako sa work. sayang naman.

    sana ok sched ko sa 22nd.

    i'm having my dirty, er, fingers crossed. :-)

    ReplyDelete
  11. u'r ryt.. we dont really confess everything if we go to confessions.

    "classified GP" lang ang kinoconfess ko noon.

    ReplyDelete
  12. isa lang masasabi ko:

    maglabas ka ng libro.

    at bibili ako. isang box.

    ReplyDelete
  13. thats cool nurse RUFF magpasabi ka lang para may hero's welcome ka. joke. hehe.

    tama KRIS JASPER bago pa man tayo makapagconfess ay sinecensor na natin ang ating sasabihin.

    aawww you are one of the sweetest bloggers talaga tiya KIKS! *hugs* hehe

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...