Friday, June 27, 2008

sa pag-iisa

naglakad kami at sinalubong kami ng mga ngiti. yakapan. namiss ang mga tauhang matagal ding nawala sa aming paningin. sinama ang mga kababata sa harapan. umupo. nagkuwentuhan. nagtawanan. nagbaklaan.

sumisigaw ang mga ilaw.
kapansinpansin ang mga bulaklak.
ang mga nakikiramay.

tumatawa pa rin kami.
naghaharutan.
nag-iingay.

...

paano nila makuhang tumawa?
ngumiti?

sa bagay
...sa pag-alis ng lahat
...sa pagpatay ng mga ilaw
...sa pagkawala ng mga korona ng bulaklak

mapapansin nila na may isang nawawala.

doon papasok ang sakit ng pag-iisa.


ito ay alay sa amang sa kanila'y gumabay.
honorio calica
1953 - 2008.
salamat sa inyong mga anak
na higit pa sa kaibigan
kung asan man siya ngayon
kayo'y kaniyang ginagabayan.
nandito lang kami sa inyong pag-iisa.

7 comments:

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...