Thursday, August 21, 2008

anong bago?

“the only thing that is constant is change.”

ilang beses na bang nagpaulit-ulit sa tenga natin ang kasabihan na iyan? ngunit kahit binging-bingi na tayo sa nasabing motto alam na alam naman natin na totoo ito. ilang beses na rin ba tayong nasabihan ng nanay, magulang, kalaro, kaaway, kaibigan o kapitbahay natin na magbago?

”oy magbago ka naman, masama na ugali mo eh.”
”magbago ka na ng look ateng dahil hindi ka na mabenta sa mga boys.”
”sawa na akong kumain diyan, magbago na please.”
“no, why will i? i will never go back to my old shampoo!”

ang tanong, handa ba tayo sa pagbabagong ito? magiging masaya siguro ang mundo kung nagbabago tayo sa magandang paraan pero paano kung sa ang transformation na nararanasan natin ay hinihila na pala tayo pababang impiyerno?

sa mga pelikula ang mga pagbabago o conflict ang nagpapayanig sa tahimik na buhay ng bida. sa tunay na buhay ganoon din. bakit kaya hindi na lang hayaan na tahimik ang buhay no? sa bagay lalangawin ang movie kapag walang nakakalokang kaganapan. pero kung alam lang nga mga scriptwriter at ng mga direktor kung gaano nahihilo ang mga bidang kagaya ko sa pagyanig ng aking mundo! sus. life changing event talaga. yung tipong wala akong magagawa kundi madepress, malitang, madefocus, mabaliw, matulala at makompyus. hay. isang pitik lang talagang nababago ang lahat. ngayon bawat araw na lumilipas ay may suspense sound background music na. inaabangan ang bawat desisyon, ang bawat galaw at bawat pangyayari na siguradong magpapabaligtad at magpapabago ng aking medyo natahamik na buhay. ano nga ba ang kinalilitang ko ngayon?

malalaman din sa takdang panahon.

15 comments:

  1. hays... it takes a great deal of courage and tons of motivation for a person just to have one step closer to change... lalo na kapag sanay ka na sa kung ano ka o you're on your comfort zone already. mahirap magbago...

    i have always believed that it is a gradual process to change things... hindi overnight lang...

    ---

    try mo panoorin tong death note astig...

    if you have one, don't dare to write your name... pano ka magbabago kung dedo ka na? hehe!

    ReplyDelete
  2. sobrang nakawawala ng bait talagang humarap sa isang pagbabago. minsan kailangang magrisk to start all over again para makuha ang inaasam na pangarap.

    well we'll see. nasa kamay ko actually kung haharapin ko ang pagbabagong ito.

    sana lang maging tama ang decision ko.

    ReplyDelete
  3. dont tell me you've decided to be pamhinta na. Choooos!

    ReplyDelete
  4. of course not tiya LYKA! hehe.

    basta sobrang nakakabaliw ito for me. hay. career move kumbaga. haha

    ReplyDelete
  5. Oh, I'm changing yun ba ang drama?

    I think tht word "magbago" sometimes can be diff depende yun sa choice mo and also sa situation. :)

    ReplyDelete
  6. i agree DAZEDBLU. nasa aking mga kamay ang lahat.

    ReplyDelete
  7. haaay. change is inevitable. but its a process din daw. hirap nga lang kapag ayaw mong lumabas ng comfort zone mo.

    ReplyDelete
  8. actually WANDERER ang mahirap ay kung pipiliin ko ba ang pagbabagong iyon? magririsk ba akong humarap sa mga magiging consequence noong change na iyon? hay sakit sa ulo.

    time is ticking.

    ReplyDelete
  9. put on those earphones and sway your way to work.

    when change passes by, make sure you pose.

    ReplyDelete
  10. hays, ganun tlga... change is not an easy thing...it needs time, motivation, inspiration to drag those feet... :)

    ReplyDelete
  11. If I were to change something, it would be my nose. I want a prettier nose. LOL! Di naman ako pango pero gusto ko talaga mas matangos na ilong tulad kay Ruffa! LOL!

    ReplyDelete
  12. guys guys guys im so ready sa transformation ng aking buhay! hehe

    abangan na lang natin kung tama ang aking naging decision. exciting.

    ReplyDelete
  13. if you want ssomething positive to come into your life, you really have to make a risk

    ReplyDelete
  14. change is inevitable.

    either you accept the changes or sulk on things you can no longer bring back.

    change brings something new, something you can look forward to.

    ReplyDelete
  15. whatever happens, haharapin ko ito ng taas noo! wohooo

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...