ganiyan naman ang labanan sa buhay hindi ba? trial and error? sa laro ng buhay kailangang sumugal kasi paano mo nga namang malalaman kung mananalo ka... o matatalo kung hindi ka tataya. kaya subukan talaga ng tapang. hinahanda ko na nga mga taya ko eh. mahirap na may bagong sugal kasi akong tatayaan kailangan may pambala.***
sugal ng mga sugarol para makabili ng sugar roll(?)
ang nanay ko at lola ko adik sa tong its. sila yung kayang magalaro ng tong its 24 hours akala mong pbb sugarol edition na talagang buong araw at gabi baraha at pera lang ang kanilang kasama. hindi ko kinakaya ang hilig nila sa pagsugal. literal. haha. parang isang libangan slash paglalaro na rin sa swerte.
feeling ko tuloy paranoid si mama sa future. haha. naniniwala kasi ang nanay ko sa hula at talagang mula tarot hanggang palm reading pinatos na niya. parang nagmamadali rin kasi itong si mudang sa pagyaman eh noong bata kasi kami hobby niyang sumali sa kung anu-anong raffle pati nga yung hope and winston sumali kami to think na wala namang naninigarilyo sa amin. hala nagpupulot at hinihingi talaga namin ang mga wrapper ng kasaling mga sigarilyo para marami kaming entries. eh di ba sabi the more entries you have the more chances of winning! haha. tapos ihuhulog namin ni kuya sa drop box sa isang grocery store. nanalo naman na sa raffle si mama, yung sa panda pandemonium of prizes. kaso one year supply lang yata ng panda bolpen at pencils iyon so hindi iyong bonggang bonggang premyo. well at least. haha.
hindi lang sa tong its nahuhumaling si mama noon pati jueteng, lotto at bingo! go lang. umaasang makabingwit ng madaliang salapi. nagmamadali nga siguro itong si mama sa pagyaman. well hindi na rin madalas si mama nagtotong its ngayon kasi may trabaho na siyang pinagkakaabalahan sa maynila.
naisip ko lang, kailan naman kaya ako bibingo sa sugal ng buhay? ilan lang ang natyatyambahan ang milyones sa lotto at mahuhulaan ba ni madam auring ang aking kinabukasan?
ready na akong tumaya. game!
life is full of infinite opportunities and possibilities... and of course, full of risks. risks are necessary for you to know how far you'll go. you may lose in the end at least you tried and didn't settle for a life without doing anything... :)
ReplyDeletelife is full of risks... i just hope what you're gambling for is worth all of it... :)
peace out! hehe!
kung pwede nga lang talagang magbura ng mistake.
ReplyDeletekung nakalapis lang ang lahat sa buhay at di naka ballpen.
nagawa na natin.
life is a gamble.
ReplyDeleteeither you win some or you lose some.
it's just on how you play the game.
if you dont do anything, you wont win a thing.
naks, mukhang matass ang stakes ah
ReplyDeleteyes. go gamble.
ReplyDeletenothing is certain. we never really know.
nagamble na ako and im determine to win it! yeah!hehe
ReplyDeletelagi kong sinasabi
ReplyDeleteFor a shot at happiness
Everything is worth it!
Sabi di sa TV
Laban ng Laban para makuha ang One Million
So GO!
Kung ano ang nasa puso mo, sundin mo!
Get get AWWW!!!!
I have this gay friend of mine whose mother is a gambler. To suffice her gambling, she risked all their properties as collateral because of having a truckload of debt. As a result, they ended up homeless. Luckily, his aunt came to the rescue. Ang buhay talaga!
ReplyDelete