halos lahat siguro tayo nangarap maging isang artista, na mapanood ang sarili sa telebisyon o kaya'y napagdaanan din na umawit pa minsan o umiiyak kunyari sa harap ng salamin... pero iilan lang ang nabibigyan ng tsansang sumikat at matupad ang kanilang mumunting pangarap na maging isang bituin.
sa industriyang aking kinabibilingan, naatasan akong mangalap ng mga tauhang pupunan ng iilang tao, ang tawag sa kanila ay mga talent, sila ang mga chismosang kapitbahay, naglalakad sa kalsada, pareng mayabang, mareng machika, nagsisimba, estudyanteng kumakain, customer sa karinderya na nakahahalubilo ng mga artista. kumbaga sila ang mga taong walang pangalan sa telebisyon na hindi mo makikita sa credits o obb. so kailangan magpaaudition para lang mapunan ang mga karakter sa script gaya ng matandang babae na ang linya lang ay "meynard hinahanap ka ng nobya mo sa dorm!" o Lalaki 2 na ang tanging sasabihin ay "hindi ka na nga mahal nun." naku matapos magtext sa mga talent coordinators, naku nagsibihusan ang mga tao. malaki, maliit, gwapo, swangit, may talent at pati yung talent-talentan lang.
marami ang gustong magartista at makita sa tv! masarap nga namang itetext mo yung mga kaibigan mo na "hoy watch kayo ng (insert show here) ako yung dadaan sa likod ni john lloyd!" kumbaga iba pa rin ang one second of fame, bawal nga lang kumurap kasi hindi ka na mapapansin.
sino nga ba naman ang aayaw sa kinang ng entablado? bukod na sa sikat ka na at hindi na kakayanin pang magshopping sa ali mall dahil kukuyugin ka yayaman ka pa at ireraid pa ang marangyang bag mo sa snn! kaya naman hindi magkandaugaga ang mga tao sa nasabing audition makuha lang ang role ni lalaki 1, lalaki 2 at matandang babae. ako naman nagsisilbing kontrabida sa kanilang mga pangarap. kasi naman, masama mang isipin, may mga taong kailangang ipaunawa mo pa sa kanila na pwedeng mamili na lang sila ng ibang pangarap dahil hindi talaga para sa kanila ang showbiz. hay. well paistaran na lang ang labanan... tutal lahat naman tayo ay mga artista sa isang malaking entablado at may mga role na ginagampanan. hay minsan nga lang sadyang mahirap ang role na binibigay ni direk...
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
post apocalyptic manila
maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman. gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...
-
gusto mo ng surreal feeling? 1999. twenty years ago. imagine how different the world was. no iphones. and the whole world...
-
let me start this post with a cliched "one rainy september night", i decided to battle the rain and land on a wet road. i descende...
-
i'm always fascinated with the unknown. bata pa lang ako imbis na matakot sa dilim, mas sinusuong ko ito. hindi ako takot lapitan ang pu...
minsan din akong napadaan sa industriyang yan at minsan silang nasilayan. minsan napapahanga ako sa pwedeng gawin ng isang tao para makita lang ang sarili sa tv!
ReplyDeleteso ikaw ano gimik mo?
ReplyDeleteso talents coordinator ka pala... fun job!
ReplyDeletesinabi mo pa wanderingcommuter! gagawin talaga ang lahat ng mga tao masilayan lang ang mukha nila kahit isang segundo sa tv.
ReplyDeletekuya cj wala akong gimik. haha.
luistrainee pa ako na isa namang writer wannabe. hehe.
you have a very challenging job...
ReplyDeletehindi ko pinangarap mgartista. i think i'm efficient working away from the limelight. mahiyain kasi ako... :)
---
nako saying naman. It’s a good season this year. Magmarathon ka na lang :D
sinabi mo pa ron! hindi madali ang magtrabaho sa tv. naiisip ko nga bakit ko ba pinasok ito? haha
ReplyDeletelove your post. :) mahirap nga minsan yung binibigay ni direk pero keri natin yan. :)
ReplyDeleteteka, san ka ba? i mean kapuso o kapamilya? hehe. thanks sa pagdaan sa blog ko. ingat. :)
hi joshmarie isa akong kapamilya. ;)
ReplyDelete