Sunday, May 17, 2009

alaala ng tag-ulan

sad.

seasonal affective disorder.

The US National Library of Medicine notes that "some people experience a serious mood change when the seasons change. They may sleep too much, have little energy, and crave sweets and starchy foods. They may also feel depressed. Though symptoms can be severe, they usually clear up."

Symptoms of SAD may consist of: difficulty waking up in the morning, tendency to oversleep as well as to overeat, and especially a craving for carbohydrates, which leads to weight gain. Other symptoms include a lack of energy, difficulty concentrating on completing tasks, and withdrawal from friends, family, and social activities. All of this leads to the depression, pessimism, and lack of pleasure which characterize a person suffering from this disorder.

ayon iyan sa wikipedia. ganiyang nga siguro ang nadarama ko sa tuwing gloomy ang panahon. lalo na't tag-ulan na.

bakit nga kaya? hinungkat kong muli ang aking isang blog sa isa ko pang blog, mga alaala ng tag-ulan.

***
habang pumapatak ang ulan at humahalik na malamig na hangin sa aking balat saka naman sumabay na bumaha sa aking gunita ang mga alaala noong aking kabataan...

sa pampanga kasi ako nagbabakasyon noon tuwing summer. naroon kasi ang aking mga lolo't lola, tiyo't tiya at mga pinsan. kami lang ang naligaw sa lungsod ng cabanatuan na tatlong oras ang layo mula sa probinsya ng mga kapampangan. naaalala ko noon, sa unang pagpatak ng ulan sasalubungin namin ito ng aking mga pinsan! magbibisikleta sa baku-bakong kalsada na sinalanta ng lahar, pupunta sa tumana at maglalaro sa putikan, panonoorin ang nangangalit na ilog o dili kaya'y manghuhuli ng salaguinto't salagubang sa matandang puno ng sampaloc na sinasabing may kapre at mga duwende. namimitas din kami ng siniguelas o kaya aratelis kasi parang fresh kapag naulanan. ang saya! parang walang problema ang buhay.

pagkatapos ng buhos ng ulan, maririnig na namin ang pagkokak ng mga palaka. pwede na ring manghuli ng duron (parang grasshopper na peste sa palayan) na maaaring kainin o laruin. isama mo pa ang mga iba't-ibang klase ng tutubi gaya ng tutubing karayom, tutubing kalabaw at yung kulay orange(mahirap hulihin ang kulay blue na tutubi!). pwede ring manalagi na lang sa bahay at uminom ng kape o kumain ng champurado. mas exciting kapag may bahaghari!

kapag daw umuulan umiiyak ang diyos at kapag sinabayan naman ito ng araw, may kinakasal daw na pangit. oras na kumulog kundi umubo ang panginoon naglalaro naman daw ito ng bowling. hay ang sarap alalahanin ng tag-ulan dati. kung pwede lang balikan muli ang mga panahong iyon...

***
kaya siguro nakalulungkot ang rainy days, bukod sa maputik kapag naglakad ka sa kalsada, sa tuwing papatak ang ulan maraming alaala ang babaha. mga alaalang matatamis at masasaya. hay. kay sarap humigop ng mainit na tsokolate o kumain ng umuusok pang champorado.

...sa bagay sino nga bang hindi mapipikon sa pag-ulan lalo na noong kolehiyo. sana sinama na lang sa requirement ang bangka sa aming uniporme noon.

6 comments:

  1. Badtrip din ako sa ulan lalo na nung college ako commute kasi, eh ayokong ayoko pa naman nagdadala ng payong! haha!! pero gusto ko yung feeling pag umuulan ang sarap kasi matulog, kaya lagi ko dasal sana wag umulan pag nasa kalsada ako hehe!!

    P.S. alam mo ba yung joke ng emo at punkista re tagulan?

    It goes like this:

    Emo: I like rainy days because people wont see me crying.
    Punkista: I like rainy days kasi di halatang umihi ako sa pants ko!

    Hehe!!

    ReplyDelete
  2. wow... sapul na sapol tong post mo. as i was reading the definition from wikipedia, i was screaming THAT IS ME in my head! hahaha!

    i'm gaining weight pero i'm sure i'll lose them when work starts..hehe!

    peace out!

    ---
    thanks for the compliment, my friend :)

    ReplyDelete
  3. hindi ko rin hobby magdala ng payong homer nagnenok pa nga ako dati sa library namin ng payong. hehe. kaso medyo natuto na ako. ang hirap maging basang sisiw. hehe.

    ay naman cj! i so miss ust days.

    walang anuman ron! ;)

    ReplyDelete
  4. Mixed emotions ako kapag usapang ulan, eh. Pwedeng maging malungkot ako pero, mas lamang 'yung saya sa puso ko.

    Haha! Kasi may positive side ang pag-ulan. Isipin mo na lang, kapag nasa ilalim ka ng ulan, pwede kang umihi ng walang nakakahalata.

    Or, kung malungkot ka, pwede kang umiyak ng walang nakakakita. Ano ba'ng malay nila na luha na pala ang umaagos sa mga pisngi mo? (^^,) Mas malamang sasabihin nilang tubig lang iyon.

    Pero, ang tubig ay nakapaglilinis ng mga bagay-bagay sa paligid nito. Gaya ng luha. Ito ang mismong lumilinis sa isang guluhan at sugatang kaluluwa.

    Blog hopping here!
    --Rcyan

    ReplyDelete
  5. top [url=http://www.c-online-casino.co.uk/]free casino bonus[/url] brake the latest [url=http://www.casinolasvegass.com/]free casino[/url] unshackled no consign hand-out at the foremost [url=http://www.baywatchcasino.com/]free casino games
    [/url].

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...