Tuesday, January 5, 2010

2009 to Remember

ano kayang maging year ender? irefresh ulit memories ko ng nakaraang taon?
or pagmuni-munihan ang mga natutunan ko sa 2009 life ko? oh well hanggang sa maalala ko nakasulat sa 2009 planner ko...

heto ang nakasulat sa planner ko sa date na january 05, 2009:

what i want to accomplish this year!
1. be a writer!
2. join ricky lee workshop
3. invest for my laptop/pc
4. mag-IJM
5. write a novel.
6. join palanca.
7. try pbb3 (audition) for experience. haha
8. get wired! go internet!
9. travel alone (or with friends) out of town!
10. i want my own digicam.

...at kalahati naman infairness to me naacomplish ko. weird lang na gunagawa na naman ako ng panibagong listf or this year. so iisa-isahin ko ang mga bagay na natupad ko mula sa list ko sa aking lumang journal. meron akong365 days para matsekan ang lahat ng nasa listahan pero obviously, hindi lang naman time ang issue pati finances kailanganiconsider. anyway number one, be a writer: CHECK!(kinda) noong lumipat ako last 2008 sa ABS mula sa GMA news, ang goal ko talaga ay magsusulat ako ng teleserye. hanggang sa madeploy ako sa programang pinagbibidahan ng mukha ng 60 years of pinoy teleserye. hehe. researcher trainee ako sa show at nagimmerse sa mga hospital, kumilala ng mga nurse at doctor at nakarinig ng mga kwento na akala ko sa tv lang nagaganap. nawalan ng budget ang show, nalipat ako sa longest running drama anthology bilang PA trainee. sabi ko noon, shet dream come true! sabi ko sa isip ko noon. kasi isa sa mga pangarap ko ay sa nasabing drama anthology. pero nanaig pa rin ang dikta ng puso. walang position for researcher na entry level para maging writer. sa maikling salita lumipat ako ng show. malayo nga lang sa teleserye dahil sa talk show ako napunta. kaya yun, kinda check. kasi writer ako ngayon pero hindi ng soap kundi ng gossip show. ok naman.

pero mabait si lord, dahil sa mga pangyayari naglaro ang tadhana. at nacheckan ko ang number two at nakasali sa workshop ni sir ricky, ang ricky lee's soap opera writing workshop. fun! at nagbukas ang oportunidad na ito dahil napasali kami ni mrs. jhey sa isang nilulutong show na pang weekend dapat. naging maganda ang takbo ng lahat. hanggang sa makasama na nga ako sa creative team ng isang upcoming teleserye. shet this is it. road to my dreams kaya ayun, hangga't kaya pinagsasabay ko pa ang pagiging writer sa talk show at brainstormer sa isang teleserye. hay. hindi madali pero dahil nakikita ko na ang pangarap ko, dito pa ba ako susuko?

dahil doon tagumpay at isa na akong opisyal na kapamilya kaya check ang number four! ang pagiging IJM ay parang regular sa normal company (though may regular din sa ABS na iba sa IJM na talent naman ang katumbas sa GMA) pero dahil sa kabusy-han ng sched hindi ko natupad ang number 5 at 6. though matagal ko ng pangarap sumali ng palanca at namimiss kong magsulat ng nobela na gawain ko naman noong hs(i miss my pasweet stories!) hehe.

pero dahil nga sa stressful ang sched at nature ng job, kailangan ko naman ang taste of adventure! kaya nagattempt ako with aldrin magaudition for PBB3 noong february 2008. haha. though alam ko namang hindi ako makukuha, wala gusto ko lang maexperience. pero grabe ang hirap pala! super. mainit. matagal pero cool kasimakakakilala ka ng mga karakter sa pila. pero ang catch naabutan kami ng cut off. haha. so yun nga eh ewan ko ba kung counted pa rin na accomplished ito eh hindi naman kami umabot ng panel.

october 2008 naman ng naisip namin ni judee na tumakas sa ginagalawan naming mundo.kaya namang pasok at check na check ang number nine! sumakay kami sa isang bus papuntang batangas for a taste of adventure! bumaba ng laguna at doon sa isang buong araw ang challenge dapat 500 lang ang magastos. grabe alas tres ng madaling araw nakarating kami sa laguna. dahil madilim pa kailangan namin ng matutulugan so ang nangyari sa up los banos kami natulog. haha. nagswimming sa hot spring at bumisita sa bahay ni rizal. super fun fun experience. talagang isa sa mga highlights ng taon.

aba trabaho galore kaya taumpay sa number 3 pero i failed sa number 8 and 10.at least 5 out of ten di ba? oh well this year sisikapin kong iperfect ang aking list. hehe.

pero grabe excited at kinda anxious ako sa taong ito. what will 2010 bring?

***

ano kaya ang dapat kong baguhin? be more confident? magtiwala sa sarili, kung nagrisk na last year magrisk pa lalo? howell... looking forward sa 2010...

1 comment:

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...