it was a normal saturday ng madaling araw, it was just the same june 12, 2010 na magiging normal na araw lang at kaya mo lang maaalala ito ay dahil araw ito ng kalayaan. then wala na. it's just a date. isang araw na lumipas sa kalendaryo. but june 12, 2010 pala is not just an ordinary day! pinlano na yata na it is bound to happen.
pagkatapos ng meeting ko, tinext ko agad ang kaibigan ko na magbond muna kami bilang wala naman akong meeting kinabukasan. sa news department nagkita kami at tinanong niya kung ano ang pagkakaabalahan ko sa weekend, "walang meeting tom, assignment at 2:00pm meeting sa sunday."
then that's it.
sakay na ako ng bus papuntang baguio.
kung anong suot ko noong araw na iyon at dala iyon lang din ang bitbit ko papuntang baguio.
wala ng atrasan. 1:30 am umalis ang bus papunta run. walang papero-pero. wala ng patumpik-tumpik. pero kailangan naming makabalik ng maynila ng 12 midnight the next day.
at ang goal namin, makahanap ako ng inspiration for my assignment at siya naman isang storya para sa kaniyang programa.
***
guess what wala kaming nahanap sa baguio na mas mahaba pa ang binyahe namin. though iba pa rin ang pakiramdam ng simoy ng hangin, ang pine trees at ang mga bulaklak sa street. ibang-iba sa maynila.
***
kwentong kababalaghan ang hanap niya, isang insipirasyong bibighani naman ang kailangan ko. mahirap mainspire. hindi porke nakakita ka na ng isang magandang bagay automatic na dadaloy na ang lahat. minsan sa pangit ka lang matapat, isang daang libong inspirasyon na maglalaro sa iyong utak. too bad wala pa rin. wala sa mga tao, wala sa mga kwento, wala sa lugar.
***
basta ang alam ko sakay na kami ng van pababa ng la union. isang interesting albularyo ang pupuntahan namin, incidentally isang herbal medicine expert ang character na binubuo ko.
isang connection sa maynila. tumawag kaibigan ko, may nakatampuhan. at ang isa pa na bakit hindi raw siya inaya (noong naglaguna kaya kami, nireject mo kami. haha) pero moral lesson huwag mag-assume.
ayaw ng albularyo magpainterview. nabasag na ang inspiration bago pa bumagsak.hanggang sa sakay na kami ng tricycle na ginto kung maningil patungong pangasinan...
***
ang ganda ng dagat pero sana umahon dito ang kailangan niyang storya yung mataas dapat makuha ang rating. sana umahon din doon ang inspiration... pero mukhang nalunod yata.
wala ng pag-asa. uuwi yata kaming luhaan. well comforting naman ang view ng beach.
***
naglakad sa shore ng cheap beach. mainit.may mga basura sa paligid. hindi picturesque. hindi pangwow philippines.
lunch sa isang carinderia. met mary jane and her sister. mukhang matatalinong mga bata. kapansin-pansin ang isang altar na iba sa ibang altar ng mga katoliko. may mukha ni hesus at ng isang tao na tinatawag nilang supremo.
***
rewind
umaga ng biyernes, pagayak ako papuntang meeting, magkausap kami ng pinsan ko about sa pagiging adventurous namin. nakuwento ko itong kaibigan ko na mahilig din sa spontaneous adventure. yung same friend na kasama ko sa baguio.
somewhere around the metro, itong si friend nasa cubicle niya searching for a story sa net. makakakita ng isang hotel sa baguio, "gusto kong pumunta sa baguio!" she exclaims!
lo and behold... that night may hawak na kaming ticket to baguio.
***
destiny? well destined yata kaming kumain sa karendiryang iyon at mameet ang magkapatid. oh well. iba nga ang religion nila. hindi katoliko. my friend starts to fire questions and ang press release namin mga 4th year students kami sa uste. para sa thesis ginagawa namin. oo mga sinungaling kaming bata, eh baka kasi pag nalaman na kung saan kami nagwowork, humingi ng passes sa wowowee. lol. anyway for safety purposes na rin.
accommodating ang magkapatid. uber fun silang kausap. nagkukuwento sila about their religion. new learnings. katoliko-type pero may living god sila si supremo.
ipapasyal kami ni mary jane sa simbahan nila. cool.
lech. kinuyog kami ng aso. ugh. grabe trudis liit lang?
***
anyway pwede na kami ni friend mafeature sa i survived ni ces drilon bilang nalagpasan namin ang mga aso.haha. pero nakaligtas man kami kay kuya, aba mahigpit ang bantay sa gate. kinuha full name namin pati suking tindahan (syempre full name lang). totoong pangalan daw ilagay namin, ay bokot.
sushal. dalawa ang cross ng simbahan, bukod kay jesus, meron din sila ng rebulto ni god, at ang rebulto ng namatay nilang supremo pati ang asawa nito at ilang mga santo. naroroon din ang seminary nila na kung saan may cute seminarians. oo. cute. pwedeng maglandi? haha.
grabe. paulit-ulit ang tanong kung saan kami galing... sa qc. sa uste nga. aba well yun naman pala may phobia ang mga ito sa media.
***
minsan na silang nafeature sa imbestigador. at well nabengga sila ni mike enriquez. according to them hindi raw naintindihan ni mike enriquez ang kanilang religion so kung anu-ano na lang daw sinabi nitong negatibity. dama ko kay kuya seminarian ang bitterness. actually more on nasaktan.
sa bagay. ikaw ba naman di ba kontrahin ang paniniwala, ewan ko na lang. well ilang giyera na ba ang pinagsimulan ay ang religion?
tinitira nila ang ibang teachings ng katoliko. katoliko ako. and i don't care. kami ang dayo. kami ang dapat rumespeto.
pwedeng ikasal ang kanilang pari. wala silang madre, white women ang tawag sa mga asawa ng pari at ito na ang equivalent ng kanilang mga madre. aba sa cute ng ilan sa kanilang mga seminarian, gusto ko na ring maging white lady. este white woman. hehe.
***
sa simbahan nila may korona sa tuktok. sa tuktok ng korona, grabe breathtaking sa ganda. kita mo ang dagat. bundok. kapatagan. talampas. oo na mga anyong lupa na mababasa mo sa sibika at kultura. at may anyong tubig pa. san ka pa? ibang klase. napatahimik kami ni friend ng sumandali.
ibang klase si lord.
ako, si friend at si mary jane na iba ang paniniwala sa amin pero we all admire the same sky, the same sea, the same god.
***
matalinong bata si mary jane. pakiramdam kong alam niyang may tinatago kami. hindi kami mga student. at dama kong may inkling na siyang we work sa tv.
nagtext ako kay friend, "i think we should be honest." kasi naging open sila sa amin. unfair naman. hindi pa rin namin binlow ang aming cover. umalis kami na ang alam nila studyante kami sa uste.
may pwedeng ilabang story si friend. im telling her na be careful. she hesitates.
***
bago pala kami makarating ng baguio, somewhere in benguet ginising kami ng isang kalabog mula sa likod ng aming sinasakyang bus. sira ang beauty sleep.
may bumanggang van na sakay ang isang korean family. duguan sila.
kung isang bus o truck ang bumangga run, baka wala na akong blog na tinatype ngayon. hindi na ako nakauwi noong araw na iyon...
creepy. maraming pwedeng mangyari sa iisang araw. kasing bilis ng pagkabangga ng korean van, kasing bilis ng pagdedesisyon naming umakyat ng baguio.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
post apocalyptic manila
maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman. gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...
-
gusto mo ng surreal feeling? 1999. twenty years ago. imagine how different the world was. no iphones. and the whole world...
-
let me start this post with a cliched "one rainy september night", i decided to battle the rain and land on a wet road. i descende...
-
i'm always fascinated with the unknown. bata pa lang ako imbis na matakot sa dilim, mas sinusuong ko ito. hindi ako takot lapitan ang pu...
ang galing. gusto ko itong entry mo na ito :)
ReplyDeletewriter ka po pala.
ReplyDeletei've been reading your blog lately..
sana makahanap ka ng inspirasyon sa pagsulat..
kapag kumakain ka o naliligo at may naisip kang story. itigil m muna ang gngawa mo kasi baka mawala yung idea :)
Keep it up :)
thank you ate sienna. :P
ReplyDeletethanks keko. keep on visiting. :)
ReplyDelete