Saturday, July 17, 2010

gusto mo ng random post?

now im suddenly blogging.
bigla lang akong tinamaan ng pagiging emotional. haha. nabasa ko kasi blog ni my bleeding angel eh. haha. si kabayan kasi e. siguro kapag tumatanda na tayo (im turning 23 two weeks from now) nagiging emotera tayo.

madaling maantig. madaling masaktan. madaling maparanoid. madaling malungkot. madaling mag-aalala. lahat madali na, pwedeng maghirap ulit? chos. haist. ngayon yung mga bagay na hindi mo naman hinahanap noon, bigla mong hahanapin ngayon. yung mga binabalewala mo dati, big deal na ngayon.

ang mundo ba ay lalong lumiliit? sumisikip? humihirap? mas lalong nagiging bayolente at any moment pwede kang masaktan?

hindi ko alam biglang nagjump sa ganito ang nararamdaman ko ngayon. ano nga ba ang inciting incident? haha... nagbasa nga pala ako ng malungkot na blog at dahil tumatanda na ako madali na akong naapektuhan.

pero kung kay kabayan hindi pa namamatay ang first love... well ako matagal ko nang binaon. haha. isa siya sa mga best friends ko. may girlfriend na siya ngayon. naalala ko lang siya. malapit na rin siyang mag-23. haha. busy siya ngayon. i miss him though. :) so i think first love can die. hehe... hindi nga ako nagluksa e. masaya pa ako at nawala kasi mas mahihirapan pa ako nun pag nagkataon.

haist perslab.

***
naku napakarandom ng post kong ito. maisipan lang. haha. pero biglang sinapian akong magblog eh. haha.
heto huni na lang ng electric fan ang naririnig ko. may gagawin dapat ako pero hindi umayon sa plano ang lahat. loser. haha. masama talagang impluwensiya sa buhay ang internet kaya mga bata don't try this at home.
chos.

***
bakit kaya naimbento ang labels sa society no? wala lang nakakastress kasi kapag ang kilos mo may label na. ako nga iritabel na talaga kasi pagkabading ko nga may label na minsan yung ibang ginagawa ko nilelabelan pa ng mga tao. ngar.

***
sumakit ulo ko sa trabaho. as in. na-information overload na naman akey. haist. grabe buti na lang hindi nagpaquiz dahil pag nagkataon sabaw ako. chos. haha.

***
take me back to college please?
***
i can be a sinner or a saint. narealize ko lang. doble cara. haha. well life. but most of the time lovable naman ako, di ba friends? haha

***
ang daming bagay ang ninanakaw sa akin ng internet... pero ang nakakainis, hindi ko sila binabawi. boo.

1 comment:

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...