10.10.10.
hindi na mauulit pang muli ang date na ito kaya siguro it was meant to be special.
hindi ko naman inasahan na this ordinary sunday will be worth remembering.
pagod.
nakakapagod tumakbo. actually mas maglakad. well hobby ko namang maglakad kasi bukod sa tipid masarap magmuni-muni kapag naglalakad. pero fun run kasi ang pinunta ko, meaning pagtakbo, hindi fun walk. well siguro 25 % lang ng 3K ang itinakbo ko. haha. bakit ba? para naman ito sa ilog pasig, so maglakad man ako o tumakbo, panalo pa rin naman si mother nature hindi ba? first time ko palang magfun run. not bad. pero nakakapagod.
pasalamat na lang ako hindi ako nagcollapse sa moa kasi hindi pa ako nakatulog nun. so dapat magpasalamat sa akin si inang kalikasan at pinagpalit ko ang tulog at pahinga para sa kaniya.
pero akalain mong in 5 minutes mararanasan ko ang isang pagod na kinabog pa ang pagtakbo ng kalahating oras? ito ay ang pumasok sa zorb. ito yung inflated ball na may tao sa loob na nasa ibabaw ng tubig. ayun ang goal mo lang ay magtatakbo sa loob. narealize ko na ang hirap palang maging hamster. ibang klaseng pagod, at sa five minutes sa loob ng bola dinaig pa yung 30 minutes na itinakbo/inilakad ko ha.
takot.
well well sa wakas, nakasakay na ako sa space shuttle. sa pangatlong beses kong pagpunta sa enchanted kingdom, kahapon lang ako nakasakay sa roller coaster dun. grabe oa, after kong sumakay, may tulala factor. yun yata nararamdaman ng mga nagahasa. ibang klase... pero umulit pa kami. hehe. saya. pinaglaruan nito ang aking emosyon akalain mong in 1 or 2 minutes makakaramdam ka ng excitement, anticipation, fear, nervousness, jitters at fun all at the same time?
first time ko ring magpaintball. aba aba. maaksiyong tagpo ito. at sobrang saya pero nakakatakot kasi naman baka matamaan ako ng paint ball at masakit daw tamaan nito. kaya kumusta naman hindi ba?
ibang klase din ang napagdaanan namin bago ang lakad ng ito. may deadline pa kasi kami ni nikki, na cobrainstormer ko sa isang show. so best in gawa kami sa kabila ng kaborlogan at para matuloy nga ang lakad. aba akalain mong isang oras yata kaming sumusubok magsend sa email ng boss namin? nakaligo na ako lahat-lahat hindi pa rin achib. so nauwi kami sa internet shop.tagumpay. pero katakot yun ha, parang ayaw kaming paalisin. hehe
pero wala pa ring mas tatakot sa biglaang meeting habang malayo ka sa lungsod di ba? :p
fun.
iba pa rin ang lakad na hindi pinaplano. bukod sa sure ka na sa tuloy na tuloy ito, hindi ka pa madidisappoint sa mga indecisive mong kaibigan na pabago-bago ang isip. kung tutuusin pwede na lang akong matulog pero maganda kasing kunin ang pagkakataon na may wheels at may pera at pwede rin kaming lahat. so ayun tuloy na sa enchanted.
first time ko sa space shuttle, bumalik ang pagkabata ko sa bump cars, feeling bampira ako sa flying fiesta, ibang klaseng high ang anchor's away, uber panalo ang nakababasang jungle log jam at wild river rapids pero wala pa ring tatalo sa magical moment ng panonood ng fireworks.
hay kahit talaga pagod na pagod, hindi ko ipagpapalit ang araw na yun. siguro kung nagsasalita lang katawan ko, siguradong minura na niya ako. hindi ko pinatulog, pinatakbo ko pa, pinatuyuan ng pawis at binasa. tsk tsk. kaya paguwi ko inom agad ng 2 tablets ng vitamin c. haha. pero grabe. uber memorable. :)
it was a 10.10.10. to remember. and what made it special is dahil sa mga taong kasama ko. salamat sa mga katrabaho na kaibigan ko na rin. at least hindi kami nagusap tungkol sa trabaho.
***
wheels + spontaneity + lovers + joy ride + money + roller coaster = perfect barkada movie
Tuesday, October 12, 2010
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
post apocalyptic manila
maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman. gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...
-
gusto mo ng surreal feeling? 1999. twenty years ago. imagine how different the world was. no iphones. and the whole world...
-
let me start this post with a cliched "one rainy september night", i decided to battle the rain and land on a wet road. i descende...
-
i'm always fascinated with the unknown. bata pa lang ako imbis na matakot sa dilim, mas sinusuong ko ito. hindi ako takot lapitan ang pu...
No comments:
Post a Comment
Magsalita ka mortal!
Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!
bwahahaha!