Monday, February 28, 2011

from bora with love

unang linggo ng enero, naging exciting na agad ang 2011 ko.
makakasakay na ako sa eroplano at makakarating na ako sa bora, finally!
fun. akala ko nga hindi pa ako makakasama e grabe may ticket na ako. haha wala na akong problema sa lugar na pagstestayan kasi kasama ko ang balikbayan tiyas at mudang ng best friend ko.  so pamasahe lang ang gastos.

perstaym sa erpleyn! :p

siksik liglig pa dahil ang flight friday night na mga 11 pm then pagdating dun maghihintay pa ng alasingko ng umaga para sa pagbubukas ng pier, so sabado ng umaga ang dating namin sa bora at ang flight sunday ng hapon so talagang dapat sulitin ang one day stay!
the famous bora beach
so pagdating dun, nagulat ako kasi puro stall ang binabaan namin so sa isip ko, 'so heto na yung bora?' hanggang sa pagpasok namin sa alleys full of stalls.. unti-unti ko nang nasisilayan ang white beach hanggang sa tumambad sa akin ang karagatan, 'ito nga ang boracay... ang ganda!'
byootipool!


sinulit talaga namin ng best friend ko na si aj ang stay. walang tulugan mula umaga hanggang madaling araw. haha tamang rest sa room, then frolic sa beach sa umaga, breakfast sa beach front, tamang swimming at boy watching, frolic ulit sa beach, picture picture, lunch sa inasal sa tanghali, window shopping, frolic ulit sa beach, boy watching ulit, lakad sa grotto, isaw galore and shake for merienda, tamang swim ulit then go sa puca beach na nakamamatay magswimming.haha next, home cooked meal and pizza for dinner sa gabi then explore the night life, more boy watching, sip ng alcohol, chitchat sa foreigners then massage! then borlogs na para gumising ng umaga para magsnorkel.
bora graffiti
colorful kemes
syempre hindi kami nagising ng maaga. kaya deads. hindi kami nakapagsnorkel. bwahaha. so nagfrolic na lang kami sa beach at one last swim! then dahil ati-atihan season is so coming kaya sa beach ng boracay may parada. at may isang float, float ng mga lechon... look!


ang cool di ba? so after nun kain kami sa shakeys. yum. super sarap tapos dahil hapon ang flight kailangan nang bumalik ng kalibo para sa aming flight pabalik ng manila.
goodbye bora mae!
hay so van papuntang kalibo... short but sweet ang stay ko sa bora kaya nagpapasalamat ako sa cando family dahil sa accomodation at guess what, noong nagbabayad na ako, hindi na nila ako siningil sa tickets ko sa bora! winner. hehe. ako na ang nilibre. bwahaha. so pagdating sa kalibo airport waiting in vain...




pero syempre while waiting... kailangan may sight seeing. hihi...
may crush akong guy na naghihintay sa airport... winiwish ko na sana same flight kami. sad hindi ko siya nakunan ng nakaharap. haha
 he's cute. hehe at panalo same flight nga kami. kaso pagsakay namin ng eroplano hindi ko na siya nakita! boo.
pabalik ng manila!
 hay so ayun ang one day enehap stay sa bora noong first weekend of january. :) thanks argel! hehe. :) bora, pangako someday babalik akong muli. :)

7 comments:

  1. pag balik mo pasabi ka... nasa 'outskirts' lang ako hehehe

    ReplyDelete
  2. wow naman mukhang nag enjoy ka kabayan :)

    ReplyDelete
  3. wow. sarap naman. papunta din kami sa bora sa holy week. yehey. :)

    ReplyDelete
  4. talaga luis? wow. :) sure. i want to go back! hehe

    oo kabayang miko! short but sweet. hehe

    go houseboy, super fun. hehe at ang ganda!

    ReplyDelete
  5. hmm promising nga yung dude ha...sayang, di mo natikman ahhaa :P

    ReplyDelete
  6. ang sarap bumalik ng bora! hehe! Kaso ang kalibo van ride to caticlan, ang haba! hehe!

    ReplyDelete
  7. bwahahaha soltero! wholesome ako e. mas gusto kong magbible study with him. choz.

    tama rafael nakamamatay sa haba nga ang byahe. hehe pero okay naman mga tanawin. :)

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...