Wednesday, May 25, 2011

aswang

ang bango ng amoy ng tuyo, sinangag at piniritong itlog, senyales na isa na namang bagong umaga. nakahanda na rin ang mainit na pandesal, kape o mainit na tsokolate na papawi sa mga alinlangan sa nagdaang araw. mag-iinat, magkukuskos ng muta at tatanggapin ang unang sinag ng araw na bumabati at nangangako ng isang magandang umaga.

pero hindi  yan ang aking umaga.

dahil ang aking umaga ay ang iyong hapon  na pagod na pagod ka na at bagot na bagot sa opisina. ito ang aking umaga, na kung saan kay bagal ng oras at ang gusto mo na lang ay magsiesta. ang aking umaga ay ang panahong tirik na tirik ang araw, kung saan tatamarin kang lumabas at hindi na itlog, tuyo o sinangag ang bida kung hindi maruya, banana cue o kaya halo-halo na ang bumabangka.

ito ang aking umaga. magiinat ako at magkukuskos na ng muta, habang ikaw humihikab at naghihintay nang magalasingko para makauwi na sa opisina. magsisimula palang ang aking araw, ang sayo'y nakakahalahati mo na at ang aking tanghalian ay iyong hapunan.

dahil ang iyong umaga ay ang akin namang gabi. nagsisimula palang ang araw mo, tinutuldukan ko na ang akin. sa pagsikat ng haring araw, ang mga mata koy nakapikit na. sa aking paghikab ay iyong pag-inat at sa aking paghiga ay iyo namang pagmulat. 

iba kapag ang oras ay nabaligtad na. ayoko sanang masanay bilang namimiss ko naman ang feeling ng magalmusal, gumising ng umaga at manood ng noon time show. kasi naman tulog sa umaga, gising sa gabi kulang na lang mahati na ang katawan ko pagbilog ang buwan... actually epekto ito ng trabaho kong walang oras. iba ang mundo sa trabaho namin kaya naiiba talaga maging takbo ng oras namin.

sanayan lang. at least kapag nagpunta akong states sanay na ako di ba? haha. pero honestly mas gusto ko naman ito. ewan, siguro dahil sa dilim marami kang pwedeng gawin na hindi na makikita pa ng mga tulog na at habang sila'y abala naman sa kanilang mundo, ikaw naman ang himbing na himbing at hindi ka nila mapapakailamanan. 

pero syempre kahit gusto ko to ayoko naman sanang sanayin pa ang sarili ko dahil may pangit na health effects. iba dahil dinesign nga ang ating katawan na matulog sa gabi at gumising sa umaga. oh well. siguro maitatama ko rin naman to... pero not now. 

kaya tuloy hindi kami magtagpo-tagpo siguro ni boypren... dahil ang gabi ko umaga niya, tulog ako at gising siya... eh bakit gisingin niya ako, sleeping byuti lang. weh? hehe. maisingit lang ang biglaang longing sa pagkakaroon ng boypren? haha. 

hala nalalapit na naman ang pagtatapos ng araw ko. ilang oras na lang mabubuhay na naman ang lungsod. teka nga baka may special sun block kaya sa mercury? humahapdi na rin kasi ang balat ko kapag naaarawan e...


11 comments:

  1. nice read. hay naku, namimiss ko na magpang morning shift. hehehe

    ReplyDelete
  2. nakarelate ako bespren. lalo na nung mga panahong nagtatrabaho pa ako. pero sa totoo lang naman magdamag akong gising . may mga panahon pa nga na 57 hours akong gising. wahaha.

    ReplyDelete
  3. hehe jaiezeeaie mabuhay ang mga puyat! :p

    desperate hehe iba nga minsan ang tawag ng umaga. you feel safe and secure.

    bespren ikaw na ang dilat. hehe. pero haggard naman ang 57 hours na gising. hehe

    ReplyDelete
  4. bespren sinabi mo pa! haha. para ka ng lasing kasi incoherent na yung thoughts mo. email mo naman ako bespren. nasa profile ko yung mail.

    ReplyDelete
  5. sige bespren ieemail kita. :)

    oo naman tiya lyka bwahaha!

    ReplyDelete
  6. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  7. nakakarelate talaga ako. nagcall center ako dati at bampira talaga tingin ko sa sarili ko noon. may time na hindi talaga ako nakakakita ng araw. 8 ang pasok, 5 ang uwi. shades ang number 1 accesory ko at baka matunaw ang eyes ko sa araw.

    (teka sidenote, hindi kita tatawaging skeleton collector, no offense pero hindi pangalan yan, KENT na ang itatawag ko sa iyo, galing sa A RASCALLY COOL KENT, anagram ng kalansaycollector, ok lang?)

    dont worry kent, makikita mo rin si Edward mo. (sorry kahit hindi ko gusto, is Edward agad ang naisip kong hot na bampira)

    (sidenote ulit:edited dahil namali ako sa anagram :P)

    ReplyDelete
  8. minsan ba tinahulan ka na ng aso niyo dahil hidni ka na kilala? ganun ako dati. o baka wala kayong aso? hahaha

    anyhow, sobrang alam ko ang feeling na ito. at ayoko na siyang balikan. lol

    ReplyDelete
  9. nicko curious ako sa mundo ng mga call center people. pakliramdam ko kasi may iba silang mundo. hehe

    cool yang kent na yan. gusto ko yan. hehe. ;p

    wandering tinahulan ako ng aso... pero ng kapitbahay namin. hehe well bawal magalaga ng pet sa tinitirhan ko. hehe

    ako naman so far so good... :p

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...