Monday, June 13, 2011

a tale of two universities

natatakot ako ngayon.
natatatakot ako sa panibagong mundong papasukin ko.
actually hindi ako natatakot sa bagong mundo, ang kinatatakot ko lang baka hindi ko ito mapanindigan. alam ko kasing hectic at erratic ang sched ng aking trabaho at hindi biro ang desisyong ito na magsingit pa ng isang bato sa mundong naguumpugan na nga ang mga bato.

pero i just did a big decision. 
matagal ko nang pangarap ito... 
at ito na yun, i just hope right ang timing. 



alam kong hindi biro ang maging isang working student. 

***
naaalala ko noong grade school kapag tinatanong ako kung saan ako mag-aaral ng college, sinasagot ko na gusto ko sa UP. then high school came, tatllo sa mga kinuhanan kong college exam (UST at ateneo), isa roon ang UP.

to make the story short, hindi ako pumasa sa diliman. sa baguio pasok ang quota ng upcat grade ko pero dahil pumasa na ako sa UST at naniniwala ako sa huwag nang ipilit kung hindi ka naman talaga pumasa, sa UST ako nagcollege at hindi ko naman ito pinagsisisihan. i fell in love with UST unang tapak ko palang dito noong nagentrance exam ako kaya i think we are meant to be. 

june 10, isang araw na kung saan magkrukrus ang landas ng aking nakaraan at hinaharap. natanggap ako sa MA ng UP at sa araw na nabanggit ako itinakdang magenrol. habang binabagtas ko ang school, hindi ko mapilitang alalahanin noong mga panahong pinangarap kong mag-aral doon. tapos hindi lang ako makapaniwala na nakapila na ako kasama ang mga estudyante para magenrol. totoo ba ito? siguro nakangiti ngayon ang aking grade school self, sino nga ba ang magaakalang matutupad pa ever ang kaniyang pangarap na makapagaral sa pinangarap niyang paaralan?

paid. matatawag na nga akong UP student, iskolar ng bayan, isko, iska... ang weird lang. totoo na nga, pinagmamasdan ko na ang aking form 5, hindi na ito panaginip. pero dahil wala akong original transcript, kailangan kong magbalik sa UST.

...ang aking UST.


bumalik ako sa unibersidad na minahal ko at patuloy na minamahal. nalungkot ako sa totoo lang. wala. parang may pakiramdam kasi na para na akong nagpapaalam. may bigat sa mga yabag ko noong magaapply na ako ng transcript. tinanong kung para saan... para sa grad school.... para sa isa pang university... para sa panibago ko nang mundo... it's surreal, it's overwhelming because in just a day, parang nagcross ang aking past at future.

yeah. my past. and my future. 
big words and big worlds. 

this is the part where dream and fear collide.

hmmm. 

heto na nga.

wala nang atrasan to. 
nawa'y handa na ang isko na tomasino.

10 comments:

  1. congrats!!! schoolmate na ba? anong degree mo? baka collegemate pa pala tayo! hahaha

    ReplyDelete
  2. bff yaka mo yan, kaw pa!

    mahirap talaga pagsabayin mo. gaya nga ng sabi mo, some things must be given up para matupad ang pangarap.

    ReplyDelete
  3. wow! schoolmates pala tayo. taga-uste din ako. tsaka pangarap ko rin makapag-masters sa UP.

    ReplyDelete
  4. UP and Ateneo are my target graduate schools..err maybe one of them.
    .
    .
    Nakarelate ako. Hindi rin kasi ako pumasa sa Diliman. Sa Los Banos naman ako pasok.
    .
    .
    Good luck to you! ;D

    ReplyDelete
  5. I always admire young people pursuing graduate studies. Make the fighting maroons roar!

    Sidenote: I'm wearing yellow tonight. Nostalgia. :)

    ReplyDelete
  6. wandering haha MA Filipino: Malikhaing Pagsulat. :) so KAL. antaray lang na sa USTe sa Arts and Letters din ako galing. :)

    sinabi mo pa bespren! maraming salamat! :)

    GO TOMASINO! talaga kenchu? anong batch at course mo sa uste? :)

    thanks desole! isa rin ateneo sa choice ko kaso hindi ko pa kayang pagaralin ang sarili ko dun. haha maybe sa PHD. nyahaha.

    awww thanks ryan! roaaaaarrrr! :)

    ReplyDelete
  7. oh no!!! hahahaha! mukhang magiging magkaklase pa tayo ha?! LOL!

    too bad nga lang, im on leave this sem. see you around!

    ReplyDelete
  8. magkita tayo sa school wandering siguro next sem? sana ako naman hindi LOA nun. haha

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...