Wednesday, September 28, 2011

bagyo diaries

september 2007 milenyo.


walang kuryente noon habang sa kadiliman dinig na dinig ko ang ugong ng hangin sa labas.
nakakatakot.

hindi makatulog sa init.
paikot-ikot sa sopang aking tinutulugan.
pagbungad ng umaga, animo'y gabi pa rin dahil sa kadiliman.

nasa ika-limang palapag kami ngunit pilit na pinapasok ng tubig ulan ang kuwarto.
basa ang kurtina.
basa ang kama.
basa ang sahig.

sumunod na araw makikita ang iniwang bakas ni milenyo.
nagmistulang nagkaroon ng kagubatan dahil sa mga sanga ng puno sa daan.
binabaybay ko noon ang kalsada ng qc at maynila patungong ust.
bakas ang kasiraan sa lahat ng madaanan.

wala kaming pasok noon.
pero kailangan pa ring pumunta sa paaralan.

dapat kasi noong araw na iyon ay ipapalabas ang aming play sa aming theater org.
espesyal sana yun kasi iyon yung kauna-unahan kong three act play na naisulat.

sakto.
pre-hispanic philippines ang setting ng dula.

mula sa mga nagbagsakang puno sa unibersidad, kumuha kami ng mga sanga.
ng mga dahon.
ng mga kalat.
basta para maisiksik ang kapirasong gubat sa entablado.

iyon si milenyo.
nanalasa noong nasa ikatlong taon ako sa kolehiyo.

september 2009 ondoy.


hindi namin inalintana ang sama ng panahon.
kebs.
sa aming trabaho, bihira ang free time.
kaya oras na may free time, sunggaban na bago pa mawala.

kaya ayun kung makapunta kung saan-saan parang walang bagyo.
maulan noon.
pero ano nga ba ang kaibahan noon sa mga nararanasan nating ulan hindi ba?

sanay na tayo sa ulan.
nasa starbucks kami noon sa araneta habang hinihintay tumila ang ulan.
madaling araw na pero as usual buhay pa rin ang cubao.

magaalastres na yata noong nakauwi ako.
dahil sa lamig, napasarap ang aking tulog.

hanggang sa kinabukasan,
tanghali na akong nagising para pumasok sa opisina.
nagulantang ako sa balitang tumambad sa akin.

ang inakalang ordinaryong ulan ay kumitil na pala ng higit 500 katao.
maraming nalubog sa baha at walang pinili ito mapaordinaryong tao man o sikat na artista.
naging burak ang marikina.

dati siguro binabalewala ng mga manilenyo ang pagdating ng bagyo dahil kadalasan sa mga probinsiya ang tama nito.
pero nawindang ang lahat noong ondoy.
wasak na wasak ang lungsod.

nagkaroon din ng telethon noon sa telebisyon at nakibahagi naman ako.
masaya, iba ang experience.
public service kung public service.

at dahil sa ondoy, isinilang ang isang dula na pinlay muli sa aming theater org.
iyon ang pinakapaborito kong dula na isinulat namin ni xi.
ang timely din noon e.

hanggang sa lumipas ang dalawang taon, naging alaala na lang si ondoy...

september 2011 pedring


ang nakakatawa, sa mismong araw kung kailan nanalasa si ondoy, isang mapanirang bagyo na naman ang dumating.
may dala itong mabagsik na hangin.
iyong tipong pwedeng scoring sa horror movie.
nakakatakot.
parang may sariling buhay.

kasama nito'y malakas na ulan.
nasa loob lang ako ng bahay.
may tinatapos habang nanalasa ito.

naulit na naman.
hindi ko alam kung natuto na ba tayong mga pinoy.
ang mahirap kasi ang dali nating makalimot.
lahat yata tayo may selective amnesia e.

kapag dumaan na move on na agad.
wala namang masamang magmove on agad,
pero may point kasi kung bakit nangyayari ang mga dapat mangyari.

howell.
pero kung ikukumpara sa bilang ng namatay, malayong-malayo ang pedring sa ondoy.
kung ito ang sukatan, e di maganda.
nakapaghanda na nga.

howell.
habang isinusulat ko ito, umuulan sa labas.
isang bagyo na naman ang dumaan.
hay kay daming winasak na tahanan...

hindi naman siya si tukso.

6 comments:

  1. hindi kaya kaluluwa ni ondoy itong si pedring?LOL

    keep safe :-)

    ReplyDelete
  2. hay naku si bagyong pedring malamang magpinsan sila ni ondoy... pareho sila ng trip---ang hawasakin ang mga tahanan...

    ReplyDelete
  3. hahaha grabe ang mga bagyo lately. blockbuster hit ang pagpila nila sa pilipinas.

    ReplyDelete
  4. nakakarelate ako! na-ondoy kami! haha. pero mahusay ang pagkakasulat nito. :)

    ReplyDelete
  5. thats why indies are indies... reality movies won't catch the crowd (or the money(, :)

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...