Monday, September 5, 2011

magkano ba si happiness?

magkano nga ba si happiness?

piso?
sampung bilyon?
isang daan at animnapung piso at bente singko sentimo?

hindi raw nabibili ang kaligayahan. well sabi ko nga sa fb status ko the great things in life are free and the greatest are.. well expensive. truly, money can't buy happiness. :p

naniwala rin ako na hinding-hindi mabibili ang kaligayahan.

pero noon iyon. naniwala ako na hindi mabibili ang kaligayahan. oo totoo pa rin naman na the best things in life are still free pero minsan the bestest are expensive. haha. sa mundo na puno ng commodity, pati ang kaligayahan nagiging produkto na rin.

ang pera papel lang daw yan.
sige nga sulatan mo ko gamit ang pera tapos ipadala mo sa akin. i'm very glad to read your letter. hehe. pero aminin man natin o hindi, pinapaikot tayo nito.

pero syempre nasa atin iyon kung paano nating gagamitin ito para sa tunay nating ikaliligaya.

nabibili na rin pala ang kaligayahan ngayon.
magkano nga ba ito?

sa pulubi mura lang.
ang piso at limang piso ay malaking halaga na para pumukaw sa kaniyang nagugutom na sikmura.

sa estudyanteng walang pangtuition, libo-libo.
depende sa pinapasukang paaralan.

sa misis na nais dugtungan ang buhay ng naghihingalong si mister, ito medyo mahal, siguro aabot ng milyon. gayon din sa inang nais iluwal ang anak na nanganganib na hindi makita ang mundo at sa lalaking walang hinangad kung hindi matupad ang dream wedding ng babaeng pinakamamahal.

iba ang dulot ng unang sweldo sa iyong unang trabaho mas lalo na sa iyong mga magulang na unang pinagabutan mo nito.

sa kaibigang nangungutang at nangangailangan ng tulong, paniguradong saya at kapanatagan ang loob ang maitutulong ng ilang ube o asul (basta ba kamo magbayad siya or else kaligayahan mo naman ang mawawala. nyahaha).

ang perang pinaghirapan, talaga namang nakakapagbigay ng ngiti at seguridad. isang gumuguhit na fulfillment na talaga namang magpapatumbling sa iyong puso.

hay taon-taon o araw-araw nag-iiba ang price tag ni happiness. sumasabay yata sa inflation, pagbagsak ng piso laban sa dolyar o sa paglalaro ng mga stocks. gulatan. grabe rin ang ekonomiya ni happiness no? erratic at tunay na mapaglaro. minsan magugulat ka ang mura-mura at kung makabargain at maka-buy one take one panalo pero kung makapagtaas naman ng presyo daig pa ang bombay!

hay naku kaya simula ngayon, kasama na ang kaligayahan sa aking pag-iipunan.



8 comments:

  1. This is sad bespren! How can happiness be bought? Hay. You tend to overanalyze it. Sabunutan kita eh! lol joke

    ReplyDelete
  2. Totoo yan! Haha. Sabi ko nga yumaman lang ako di baleng wala ng pag-ibig. Bibili na lang ako ng bibili ng madaming designers' clothes, tapos kakain ng gelato sa Italy, travel sa Paris at masayang-masaya na ko nun!;D

    ReplyDelete
  3. @deebee: hahaha! :P you na!

    @kalansaycollector: well, a blogger told me that "happiness is a state of mind"..

    profound? yes. ideal? yes. realistic? maybe.. or maybe not..

    pag-ipunan ang happiness?? hmm.. :|

    ReplyDelete
  4. Pak na pak 'to! Dati naniniwala ako na puwedeng simple naman ang kaligayahan. Pero ngayon, ang mahal talaga! At nakakalungkot na minsan, kailangan talaga maikonsidera ang pera sa ngalan ng kaligayahan. Sana umulan ng pera sa Pilipinas! :D

    ReplyDelete
  5. mahal ba happiness? akala ko ten pesos lang. :-)

    pero totoo ito, mahal talaga ang happiness. lalo na ay kung ang happiness mo ay ang tumulong sa iba, malaking ipon talaga kailangan. :-)

    ReplyDelete
  6. MONEY = HAPPINESS

    -- sad pero sobrang true!

    ReplyDelete
  7. haha bespren no im not oberanalyzing. im just stating the fact na happiness can be bought na. hehe

    tama dboy! hehe sabi nga sa isang tumblr post, you cant buy happiness but you can buy icecream and they are the same thing. hehe

    nate haha may punto ka diyan. sabi nga ng iba its a choice di ba? :p

    kapag nangyari yan dramaking babaligtarin ko ang payong ko. hehe

    sinabi mo pa kenchu. hehe sana manalo tayo sa lotto. :p

    hana wag kang masad. hehe atleast may physicalization na ng happiness. haha :p

    hi ram! :)

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...