Wednesday, January 18, 2012

oh this teleserye-ish life

ang buhay ay isang malaking soap opera.
akala mo ba sa tv lang nangyayari ang lahat?
parang hindi naman.
pramis.

hanapan ng nawawalang pamilya.

walang kamatayan na plot ito sa mga teleserye. naghahanap ng nawawalang nanay, nawawalang anak, nawawalang heredera, nawawalang kapatid... pwes na may show sa gma news tv ang dedicated sa paghahanap ng mga taong naghahanapan... ang reunions.

sa show na ito as in taon ang binibilang ng kanilang paghihiwalay at sa tulong ng programa, muli silang pagtatagpuin ng mga ito. isang reality teleserye ang peg.

thanks to technology at ang reunion ay tunay nga namang heartwarming. sino ba namang ang hindi nakakaalam sa kuwento ni lola na naglagay ng post sa kaniyang likod para mahanap ang kaniyang nawawalang pinakamamahal?

amnesia.

ilang tao na ang kilala mong may amnesia?
nabasa mo ang link? so need i say more pa ba? lol

fake death

noong 18th century, finake ni timothy dexter ang kaniyang death para lang makita ang reaction ng tao sa kaniyang pagkamatay. in fairness  mga 3 libong katao ang dumalaw sa kaniyang fake wake ang kaso nga lang, hindi siya inayakan ng kaniyang asawa. sa galit, sinigawan niya ito at dahil narinig ang pagsigaw niya sa kaniyang asawa nabuko siyang buhay ng mga nakiramay. lol

syempre pa hindi naman pahuhuli ang mga pinoy. may napanood ako dati sa tv patrol na isang kriminal na pineke niya ang kaniyang kamatayan para lang makatakas sa krimen. as in with matching lapida ha? tapos nagpafacelift pa! pero nahuli rin naman siya. sayang hindi ko maresearch sa net. pero but wait, there's more ang ofw na si macavinta ay nagpanggap na deads sa lahat. natapos lang ang kaniyang pagpapanggap noong 2005 nang madakip siya sa brazil, 2 years after niyang palabasin na namatay siya dahil sa pagkalunod. tumalon siya sa dagat mula sa kaniyang pinagtratrabahuhang barko at  natagpuan diumano ang kaniyang bangkay sa isang ilog sa brazil. maging ang pamilya niya naniwala ngunit dahil sa autopsy, napatunayang hindi siya ang nasabing bangkay. grabe wala sa article ang reason kung bakit niya ginawa yun.

well for reference, merong sariling wikipedia entry ang mga nagfake ng death.

small world.

magugulat ka na lang ang janitor na inalipusta mo, siya pala ang tunay mong ina! well why not? meron ngang theory of six degrees of separation di ba? na sinasabing on an average, six steps away lang ang lahat by introduction sa kahit na sino at lumiliit pa diumano ito dahil sa internet. well sa facebook palang di ba? lalo na't kasing laki na ang social networking site ng africa, so baka isang search mo palang.. boog! makita mo na ang hinahanap mo. so hindi malayo na malapit lang ang iyong ina... hindi ka lang kasi humahakbang ng anim na beses.

the reality show

hay naku. minsan iniisip ko kung ano ba ang exaggerated, ang soap o ang totoong buhay?

ang kaso ni ramgen at ng kaniyang pamilya, kung tutuusin ay merong masustansiyang ingredients ng teleserye formula. may lovers na mababaril pero makakaligtas ang babae at gagawin niya ang lahat para mabigyan ng hustisya ang pinakamamahal kahit pa umabot ito sa pagkalaban sa mismong pamilya ng lalaki. sounds like a soap opera premise pero it's not...

ang philippine politics ay isang malaking epic-serye na pwede mong subaybayan forever mula noong spanish era till now. grabe, ang history natin masayang basahin dahil sa mga teleserye plots involving betrayal, rivalry, switch birth (chos), family saga, etc etc.

ang mga simpleng kuwento diyan lang sa tabi-tabi na magugulat ka't pang mmk na pala.

sa dyaryo lang, ang mga OA tabloid stories. ang mga agawan ng identity na nauuwi tuloy sa paguguest sa face to face or personalan. ang mga maling akala na nagpapahamak satin paminsan-minsan. yung mga linya nating binibitiwan na animo'y hinugot kay juday, claudine, bea or kim.

so ano nga ba ang sagot? ano ang mas exaggerated?
soap o tunay na buhay?

siguro parehas lang.

bilang ang buhay ay isang malaking soap opera.

4 comments:

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...