limang araw na ang nagdaan matapos mapuno ang wall ng facebook ko patungkol sa sweet nothings at kabitteran ng mga tao sa valentines (me, myself included).
limang araw na ang nagdaan pero paulit-ulit pa ring naglalaro sa isip ko ang himig ng violin na tumutugtog sa lobby ng aming opisina noong araw na yun. naghuhumiyaw ang ground floor ng valentine stuff, flowers, chocolates, couple shirt booth... kulang na lang isuka ng lahat ang kanilang mga puso at pintahan ang mga dingding ng sarili nilang mga dugo para ipanalandakan na valentines noong araw na iyon.
oo. ngayon lang ako naging bitter sa valentines.
ang pathetic pakinggan.
noong mga nakaraang taon, tunay namang masaya ako at napapalipas ko ang valentines na wala akong nega in mind. it's just a date after all. a commercial date to be exact na pinagkakakitaan ng mga negosyanteng nilalason ang ating utak sa konsepto ng love.
i sound so bitter and angsty about feb 14.
and the thing is i don't know why.
or baka alam ko naman ang dahilan, nahihiya lang akong aminin.
im so embarrassed to admit na im really looking for love na.
***
ugh.
and the thing is i thought dumating na siya.
nagsimula actually sa isang gay site.
tamang exchange ng mensahe.
i can feel the chemistry.
and for me logging in sa gay site na yun just means fun at hindi ako nageexpect na makakita dun ng love. but noong nakilala ko siya, i thought it's different.
isang gabi lang yun ng phone call.
nagustuhan ko na siya agad.
at dala ng stress sa work, kinailangan kong mag-unwind.
fortunately pwede siya.
ayun nauwi sa sogo. lol
...and after that steamy action i asked him.
"do you still like me?"
he said yes.
pero at the same night binasted na niya ako at hindi raw siya ready magcommit.
blah blah.
pero sa 24 years ng aking existence hindi pa ako nakaexperience na may maglike back sa akin. natuwa ako. naaliw. kinilig.
suddenly naexcite ako na itext siya lagi. it was holiday season at natuwa ako na nabawasan ang stress ko sa pakikipagplastikan sa mga kamag-anak kong di ko bet dahil naging katext ko siya.
pakiramdam ko siya na nga ata ang magtatanggal sa aking sumpa.
nagsimula kasi sa laro ang lahat, mga sagutan sa blog, tweets na hindi mo malaman kung patungkol sakin o hindi... eh assuming ako na ako yun. haha it sustained the kilig though.
naulit ang aming mga encounter.
until naramdaman ko na im falling too...
at alam ko siya rin kahit forty eight times niyang i-deny.
ang reason lang naman nya kung bakit ayaw niyang magfall ay dahil aalis siya na sabi ko naman, eh ano naman? howell. sabi ko nga alam kong gusto niya ako. hehe (ako na confident!)
hanggang sa noong nagkita kami ulit at pagkatapos ng sogo moment, aba binasted na naman ako the next day. ang sabi niya hindi niya talaga ako gusto at sinubukan lang niyang gustuhin ako pabalik.
btw it feels like a scene from a star cinema flick, drunk text kasi yun e. at ako naman gulantang.
pero syempre hindi ako naniwala. i'm persistent. i keep on texting. making kulit. nagpapasweet. hanggang sa may bago na naman siyang plot. may gusto raw siyang iba, sabi ko bakit di niya landiin?
hanggang sa mareveal sa akin na pinagseselos lang niya ako.
nyek. hindi effective pero na-cutan ako sa ginawa niya. haha
basta takot siyang magcommit.
ipinaglalaban ko naman.
kaya akala ko siya na.
akala ko.
hanggang sa sumapit ang pebrero.
natauhan din ako.
hindi ko pala siya gusto.
shet. i feel so... stupid.
nagpakain ako sa kilig at sa thought na may taong nagkagusto sa akin.
akala ko yun na yung lab.
hindi pala.
nalinlang ko ang sarili ko na akala ko gusto ko siya.
naproseso ko ang lahat.
natuwa lang ako na may taong nagbigay sa akin ng atensiyon na usually hindi ako nasusuklian.
nabulag ako run. ang saklap lang.
naalala ko kasi ang sinabi ng friend ko at katrabaho,
malalaman mo lang na kapag nagmahal ka, kapag nasaktan ka na.
nasaktan ako noong sinabi niya sakin na hindi niya ako gusto at pinilit lang niya akong gustuhin.
akala ko yun na yung sign.
pero narealize ko nasaktan pala ako dahil nagsinungaling siya sa akin. bwiset. lol
pero sabi ko nga inilaban ko pa rin naman after nun.
hindi kasi ako naniwala sa kaniya, which is totoo nga, gusto niya talaga ako. (labo no?lol)
hanggang sa may nagtanong na naman sa aking kaibigan...
kung gusto ka niya (or baka pov ko lang to.haha) at gusto mo siya bakit hindi mo ipursue?!
ang dami kong excuse.
kasi ganito... kasi ganiyan...
hanggang sa alam ko na nga ang sagot.
hindi ko pa siya mahal. :(
...at talo na naman ako.
akala ko yun na e.
hindi talaga natin maloloko ang ating puso.
well friends naman kami.
so keri lang. :p
mali lang siguro na sa sarap nagsimula.
unofficially yours ang peg?
kaso saya nina cess at mackie kasi narealize nilang totoo ang nararamdaman nila sa isa't-isa. hehe
anyway heto... maghihintay na naman ako. natatakot na rin akong magtiwala sa aking puso.
kasi baka masyado lang itong desperado. darating din naman siguro yun,
at titibok din ito ng totoo at walang halong biro.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
post apocalyptic manila
maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman. gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...
-
gusto mo ng surreal feeling? 1999. twenty years ago. imagine how different the world was. no iphones. and the whole world...
-
let me start this post with a cliched "one rainy september night", i decided to battle the rain and land on a wet road. i descende...
-
i'm always fascinated with the unknown. bata pa lang ako imbis na matakot sa dilim, mas sinusuong ko ito. hindi ako takot lapitan ang pu...
Nice POst Thanks for sharing this information which is useful for all.
ReplyDeletephp web development