Tuesday, May 15, 2012

bye bye del pilar

1993 bignay st.quezon city

Siguro naubos na ang luha ko kakahintay kay mama. Mukhang tanga kasi alam ko namang hindi siya darating. Ilang buwan na kasi siyang nasa cabanatuan. Sa isang lugar na hindi ko alam kung saan basta ang alam ko doon siya pinadala ng kumpaniyani tito para pamahalaan ang bagong branch ng airconditioning business nila sa nasabing lungsod.

Hindi ako makapaghintay magsummer noon. Kasi ang pangako ni mama pagkatapos kong magkinder lilipat na kami nina kuya kasama niya sa cabanatuan. Si papa noon ay nasa saudi pa kaya nasa pangangalaga kami ng masungit pero lovable kong tiyahin sa maynila. Feeling ko fave niya ko nun though pinalo niya ko nung hinabol ako ng aso sa may tulay sa may kamias. Bwiset ako na nga ang nakagat ako pa ang napalo! Lol.

Howell narealize ko ilan lang sa mga alaalang ito ang iiwan ko paglipat namin nun. Kasama ang bote ng chokolait na dinedeliver tuwing umaga, ang pre school na twinkle toes at ang puno ng kamias na puno ng christmas lights tuwing magpapasko sa tapat ng tinitirhan naming quarters ng mga trabahador sa bignay sa company nina tito na nasa kamias na nilalakad pa namin para makita si mama.

Pero anong malay nga naman ng isang kinder sa letting go at goodbyes? Ang alam ko lang nun makakasama ko na si mama ng mas madalas.

1993 zulueta st. Cabanatuan city.

Isang apartment sa tapat ng highway. Yun ang unang tirahan namin sa cabanatuan. Tatlong oras ang layo mula maynila. Suddenly nagbago ang lahat. Walang bote ng chokolait sa labas, sa mas malaking private school na ako nagaaral at ang dating malling sa cubao tuwing weekend ay napalitan ng swimming sa NFA. Yes as in sa national food authority sa tapat ng bahay namin. Ang aming playground dati na dead end na kalsada sa bignay ay napalitan ng malawak na NFA compund na pwede kang maligaw sa mga warehouse ng bigas. Hindi na rin kami sumasabay sa mga kamah anak tuwing umuuwi ng pampanga dahil sa tapat lang ng bahay namin may bus papunta sa nasabing probinsiya.

Ito na ang bagong syudad na aking tirahan.

1994 del pilar st, cabanatuan city

Sa isang matandang bahay kami tumira. Paborito ko to kasi may character yung old house na tinirhan namin. May mumu. Haha na naririnig namin ang mga yabag sa hagdan. May tatlong kwarto pero dalawa lang ginagamit namin na di ko rin gets. Narealize ko ngayon na sana kwarto ko na lang yun at di na kami share ni kuya. Sa bahay na din nato sinilang ang bunso namin na pitonh taon ang agwat namin. Dito na rin sa bahay na to tuluyang umuwi sa papa mula sa saudi.

Dito na rin sa bahay nito nagdesisyon na humiwalay kina tito at magtatag ng sariling airconditioning business. Na ang opisina ay ang isang malapit na talyer sa harap ng kalsada. Nasa looban kasi ang bahay namin.
Hanggang sa unti unting bumagsak ang company. Nagdesisyon ang may ari na tumira na sila sa old house at umuwi sa pinaa so wala kaming choice kundi umalis.

1997 del pilar st. Cabanatuan city

Habang naghahanap ng lilipatang bahay nagstay muna kami sa talyer. Hanggang sa wala ng makita sina mama. So doon na kami tumira sa talyer. Ginawang office slash bahay. Well sa lahat ng tinirhan namin dito ito ang pinakahindi ko beeet. Haha ang peg kasi ng eksena heto yung pag tinatanong ka ng kaklase mo kung san ka nakatira, hindi mo sasabihin kung san dahil kinahihiya mo. Haha. Well narealize ko may mga friends naman akong napapunta sa talyer. Doon kami unang nilooban sa bahay at ninakawan at namatayan ng arwana. Lol. At doon na kami tuluyang naging poor! Kaloka. Malas na talyer, char. Haha

2002 del pilar st. Cabanatuan city

Finally lilipat na kami ng bahay!nagpagawa kasi yung pamilya ng may ari ng ancestral house ng apartment. Well kaya obviously sa same street lang kami lumilipat lipat. Haha masaya naman. Dito na ako nakagrad ng high school at ito ang inuuwian ko tuwing school break nung college.

2004 kamias, quezon city

Muli akong nagbalik sa maynila para magkolehiyo. At majority ng mga tinatanong ako kung san ako naghigh school, hindi alam kung san ang cabanatuan. Kainis. Haha akala nila nasa mindanao. Bwiset. Haha kung di mo rin alam google it. Lol.

I look forward na umuwi tuwing sem break! Yey.

2012 kamias, quezon city

Nabalitaan ko kay mama na may offer ulit magtrabaho si papa sa kumpaniya nina tito na mas malaki na ngayon compared noong 1993. Pero this time sa branch naman nila sa san fernando pampanga. Dahil dun naman nakatira sa pampanga sina papa at mama they decided to take the offer.

It's time to leave cabanatuan na. Inuwi na rin nila ibang gamit namin sa pampanga. Nalungkot ako. Shet.
Ngayon hindi na ako kinder na walang muwang sa pagalis at pagmove on. Mulat na ako sa goodbyes at suddenly nakaramdam ako ng void. Saan na ako titira kapag naisipan kong umuwi ng cabanatuan? Parang biglang nagsink in sa akin na kalahati ng childhood ko nasa lungsod na napagkakamalang nasa mindanao.
This post is looooong. Narealize ko i should stop. Kasi hindi rin naman na kami babalik kahit gano pa kahaba ang isulat ko dito. At kahit gano kahaba ang ilitanya ko hindi rin naman niya mapapantayan kung ano talaga ang pakiramdam. Narealize ko na thankful din ako na sa manila ako nagcollege at dito na nagtratrabaho... Nakatulong para mas madali akong makamove on.

Pero iba e.

Dati alam ko malayo lang ako sa bahay.
Ngayon wala na pala akong babalikan.
Para akong namatayan.

Pero hindi sapat ang pag-iyak para ipagluksa ang lahat.

1 comment:

  1. Bili ka nalang ng bahay sa cabanatuan hehe...

    Pwede ka naman dalaw dalaw nalang, pero im sure iba pa din talaga yun dun ka nakatira :-0

    ReplyDelete

Magsalita ka mortal!

Ang pagbukas ng aparador ay may kabayarang salita na mananatili sa loob magpakailanpaman!

bwahahaha!

post apocalyptic manila

maganda ang tama ng araw sa mga nagtatayugang gusali. mga gusaling walang masyadong laman.  gaya ng malawak na EDSA, na wala ni anino ng mga...